top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni GA / MC / VA - @Sports | May 18, 2022



Unang gintong medalya para sa PHL swimming team ang naibulsa ni Chloe Isleta sa 31st SEAG, Lunes ng gabi sa Hanoi, Vietnam.


Pinagreynahan ni Isleta ang women's 200m backstroke sa My Dinh Water Sports Palace makaraang mabilis na tumapos sa 2 minuto at 18.60 segundo.


Noong 2019 SEAG, 3 medalya ang nakuha ni Isleta, silver sa 100m backstroke, bronze sa 200m backstroke, at silver sa 4x100m medley relay kasama ang teammates na sina Desirae Mangaoang, Remedy Rule, at Jasmine Alkhaldi.


Samantala, hindi naman inaasahan ni Clinton Kingsley Bautista na magwagi, pero nanatili ang lakas sa 110-meter crown at nakuha ng PHL athletics ang three golds sa 31st SEAG na idinaos sa My Dinh National Stadium.


Ang 29-anyos na si Bautista, tanging purong Pinoy ang nagwagi sa 110-meter hurdles sa SEAG, ay nakadalawang sunod na ginto sa event, kasunod ng paggiba sa record na 13.78-second run mula sa dati niyang 13.97 noong 2019 PHL SEAG. Silver si Chen Xiang ng Singapore (13.940) at third placer si Natthaporn Dansungnoen (13.99) ng Thailand.


“Hindi ko expected ito, kasi sila (Thai and Singaporean) ang may leading time bago itong SEA Games,” ani Bautista bago ang men's 4x100.


Third gold ito para sa athletics kung saan unang naka-gold si EJ Obiena sa pole vault at William Morrison sa shotput.


Namanhid naman ang mga paa ni pole vaulter Natalie Uy kaya hindi nadepensahan ang korona matapos ang 3 foul jumps, kaya nakuha ni Malaysian Nor Sarah Adi Binti ang kanyang trono. “Hindi niya raw maramdaman ang legs niya, maaring pagod sa mahabang byahe,” ayon kay pole vault coach Emerson Obiena na nakabase sa Kettering, Ohio.

 
 

ni VA / MC / GA - @Sports | May 16, 2022



Nakabawi si Filipina wushu athlete Agatha Wong sa Taijijian (taolu) event, habang tagumpay din sa ikalawang gintong medalya si Kim Mangrobang sa women’s duathlon upang bigyan ng magkasunod na gintong medalya ang Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Nabigong madepensahan ng 23-anyos na Filipina-Chinese na si Wong ang kanyang Taijiquan (taolu) event nitong nagdaang Sabado para magtapos sa silver medal, ngunit hindi ito pumayag na mawala pa ang isang titulo sa kanyang baywang nang makuha ang 9.71 puntos para higitan sina Thi Minh Huyen Tran (9.70) at Thi Kieu Trang Tran ng Vietnam para sa silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.

I’m so thankful. We must remember na may pandemic. Kaya yung kahapon I was thankful naka-silver ako. Kahit bronze pa ‘yan I’d still be thankful,” wika ni Wong na inaasahan niyang mahihirapang manalo dahil sa maigsing panahon ng paghahanda at pagsasanay sa kanilang bubble training camp sa Manila. “I miss my family,” dagdag ni Wong.

Nabigyan niya ng kauna-unahang ginto ang wushu team kasama ang dalawang silvers at isang bronze medals.

Samantala, wala pang 24 oras matapos na magwagi ng ikatlong korona sa triathlon, nagreyna si Kim Mangrobang sa women’s duathlon kahapon, unang Pinoy athlete sa Vietnam 31st SEAG para sa back-to-back gold medals. “I prepared very well in two events, that's why I’m really happy with the result. I focused on my recovery and my conditioning coach, Annie Brown, did a beautiful job,” saad ni Mangrobang, na masusing nagsanay kasama ng national team sa Portugal.

Ang dobleng karangalan na hinatid sa bansa ay tsansa na niya para sa lalahukang duathlon race sa World Games sa Alabama, USA sa Hulyo 7. Sasabak din siya sa Asian Games 2023 at pakay ang slot sa Paris 2024 Olympics.

Babalik siya ng Pinas ngayong Lunes para makapagpahinga matapos ang makasabog-bagang 1.5K swim, 40K bike at 10K run sa triathlon event noong Sabado at sa duathlon standard distance na 10K run, 40K bike at 5K run. Makakatanggap si Mangrobang ng P600,000 bilang insentibo mula sa Philippine Sports Commission na pumondo sa kampanya ng national team. “I still don’t know what to do, maybe I’ll put it in the bank first,” ani Mangrobang, na nagreyna sa triathlon events noong 2017 at 2019 games.


 
 

ni VA / MC - @Sports | May 16, 2022



Nakapagdeliber ang Filipino-American gymnast na si Aleah Finnegan ng isa pang gold medal sa 31st Southeast Asian Games.


Kumana ang 19-anyos na ginto sa women's vault sa Quần Ngựa Sports Palace sa Hanoi, Vietnam, ang ikatlo niyang medalya sa SEA Games. Unang naka-silver si Finnegan sa all-around at natulungan ang 'Pinas para sa gold ng team event.


Umiskor siya ng 13.133 sa vault, nanaig kay Vietnam's Thi Quynh Nhu Nguyen na umiskor ng 13.033. Nagkasya sa bronze si Indonesia's Rifda Irfanaluthfi sa iskor na 12.817.


Unang naka-gold medal si Carlos Edriel Yulo sa men's all around event ng gymnast at kahapon ay muling nakasungkit ng ginto sa floor exercise.


Samantala, nakasungkit ng bronze medals sina John Derick Farr at Naomi Gardoce sa cycling downhill events sa SEA Games kahapon habang nasilat si Lea Denise Belgira para sa gold medal dahil flat tire siya. Naorasan si Farr, ang gold medal winner noong 2019, ng 3 minuto at 13.138 segundo sa 2.0-km track na kurbadang paakyat sa burol ng Hao Dinh City’s na may 300 metro ang taas na hindi naman ganu'n kahirap sa courses sa nakaraang SEA Games downhill.


Gold medal si Thailand’s Methasit Boonsane sa 3:06.27 habang silver si Indonesia’s Andy Prenoga matapos maunahan sa 3 segundo na mas mabagal sa Thai.


Sumampa sa podium si Gardoce sa oras na 3:44.722. Bagamat dismayado si Belgira dahil sa flat tire, nagpasalamat siya sa muling pagtuntong sa SEAG. "I got the flat tire right in the first drop,” ani Belgira ng Guimaras. “I felt the thud and I knew it…I tried to ride flat but to no avail.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page