ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 14, 2025

DAHIL SA PONENTE NI ASSOCIATE JUSTICE JHOSEP LOPEZ, PUWEDENG MAIPAGPALIBAN ULI ANG NAKATAKDANG BSKE SA NOV. 2, 2026 -- Ang naunang desisyon ng Supreme Court (SC) noong July 2023 na pinonente ni Associate Justice Antonio Kho na labag sa Konstitusyon ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ay nakontra sa bagong desisyon ng SC na pinonente naman ni Associate Justice Jhosep Lopez na nagsasaad na nasa kapangyarihan ng Kongreso ang ipagpaliban at magtakda ng termino sa mga barangay officials kung kaya’t kinatigan niya na ipagpaliban ang nakatakda sanang halalang pambarangay sa Dec. 1, 2025, at sa halip ay inaprubahan niya na sa November 2, 2026 na magaganap ang BSKE at ang mga magwawagi ay apat na taong manunungkulan sa posisyon.
Dahil nga ang desisyon ng SC na ang Kongreso lang ang may kapangyarihan na magpaliban at magtakda ng termino ng mga barangay officials, posible pa rin na ang nakatakdang BSKE sa November 2, 2026 ay maaaring hindi rin matuloy kung magkakaisa uli ang mga senador at kongresista na ipagpaliban ito at dagdagan ang termino ng mga barangay officials, kasi nga majority ng mga sen. at cong. ay parang ayaw nang magkaroon ng halalang pambarangay sa bansa, at napatunayan na iyan, on the record na maraming beses nilang ginawa na pagpapasa ng panukalang batas na nagpapaliban sa mga nakatandang BSKE sa ‘Pinas, period!
XXX
DAHIL FAKE NEWS PALA ANG STATEMENT RAW NI SC GESMUNDO, LUMALABAS NA HINDI PROTEKTADO SI SEN. DELA ROSA SA BAGONG EXTRADITION RULES NG KORTE SUPREMA -- Sinabi ng SC na fake news umano ang kumalat sa social media na kesyo sinabi raw ni SC Chief Justice Alexander Gesmundo na dahil sa bagong extradition rules ay hindi puwedeng dakpin at i-turnover sa International Criminal Court (ICC) si Sen. Ronald Dela Rosa hangga’t walang desisyon ang mga korte sa Pilipinas.
Dahil sa statement na iyan ng SC ay malamang mas lalong kinabahan si Dela Rosa dahil lumalabas na hindi pala siya protektado sa bagong extradition rules ng SC, boom!
XXX
SA KAPAPABIDA NI REP. BARZAGA SA SOCIAL MEDIA, MALAMANG KULONG SA BILIBID ANG ABUTIN NIYA -- Sinampahan na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ng mga kasong inciting to sedition at rebellion.
Iyan ang napapala ng masyadong pabida sa social media, kasi kapag napatunayang
guilty si Rep. Barzaga, kulong siya sa Bilibid, period!
XXX
MGA KASABWAT NG MAG-ASAWANG DISCAYA SA CUSTOMS DAPAT HUBARAN NG MASKARA -- Sinabi ni Customs Comm. Ariel Nepomuceno na nasa 10 Customs officials daw ang naging kasabwat sa pagpapasok sa bansa ng mga smuggled luxury cars para sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Dapat hubaran na ni Nepomuceno ng maskara ang 10 Customs officials na ito para makilala ng publiko ang mga kasabwat ng mag-asawang Discaya sa Adwana, boom!






