ni Thea Janica Teh | August 18, 2020
Para lubos na matulungan at patuloy na makapag-aral ang mga estudyante, magbibigay umano ang Cavite ng libreng WiFi- System, ayon kay Governor Jonvic Remulla.
Masayang inanunsiyo ni Remulla sa bayan ng Cavite na magkakaroon ng massive rollout ng free WiFi system na maaring masagap ng halos 90% ng kanilang area.
Gagamitin umano ang #CaviteFreeWifi sa educational requirements ng public school o DepEd students na maa-access lamang gamit ang kanilang ID number.
Ibinahagi rin ni Remulla na magpipirmahan na kontrata kasama ang telecommunication firm in 2 weeks.
Dagdag pa ni Remulla, kung matapos na umano ang pandemic ay magagamit pa rin ito sa research, connectivity, online retail at knowledge generation.