top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Kuya Win Gatchalian @Win Tayong Lahat | June 25, 2026



Win Tayong Lahat ni Win Gatchalian


Simula noong nabalitaan natin ang insidente ng pananaksak sa Lungsod ng Tacloban, kung saan umabot na sa apat na mag-aaral ang nasawi at 20 naman ang sugatan, patuloy nating tinatalakay ang mga hakbang upang itaguyod ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at mga kawani sa loob ng ating mga paaralan.


Marami sa ating nagtanong: paano sila nakakuha ng access sa firearms, at bakit marunong na silang gumamit nito sa murang edad? Sa gitna ng paghahanap natin ng sagot sa mga tanong na ito at sa marami pang iba, iminungkahi ng inyong lingkod ang mas mahigpit na seguridad sa ating mga paaralan.


Ngunit maliban sa paghihigpit ng seguridad, mahalagang patatagin din natin ang papel ng ating mga komunidad upang gawing mas ligtas ang mga paaralan at maprotektahan ang mga kabataan mula sa karahasan.


Kaya naman mahalagang pakilusin natin ang mga magulang at mga local government units sa pamamagitan ng Parent Effectiveness Service (PES) Program upang masugpo ang karahasan at mabigyang proteksyon ang ating mga kabataan.


Itinatag ang PES Program sa ilalim ng Parent Effectiveness Service Program Act (Republic Act No. 11908) na iniakda ng inyong lingkod. Sa ilalim ng batas, palalakasin ng PES Program ang kaalaman at kakayahan ng mga magulang at parent-substitutes sa pagtugon sa kanilang mga responsibilidad, kabilang ang pangangalaga at pagtataguyod ng mga karapatan ng mga bata, at iba pa.

 

Inaatasan ng batas ang pagpapatupad ng PES Program sa lahat ng lungsod at munisipalidad, habang minamandato ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bumuo ng modules, kabilang iyong mga may kinalaman sa child protection ng mga kabataan laban sa pang-aabuso at pagkakaroon ng mabuting asal.

 

Kung seryoso tayong wakasan ang karahasan sa ating mga paaralan, kailangang magsimula ang solusyon sa loob ng ating mga tahanan at sa ating mga komunidad. Patuloy na makikiisa ang inyong lingkod sa ating adhikain na gawing mas ligtas ang mga paaralan para sa ating mga mag-aaral, mga guro, at mga kawani.


May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

 
 

ni Leonida Sison @Boses | June 25, 2026



Boses column ni Leonida Sison


Sa panahon kung saan mas kinikilala ang karapatan at dignidad ng bawat mamamayan, mahalagang pag-isipan kung sapat pa ba ang umiiral na mga patakaran para protektahan ang iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang panukalang “Sharmaine Bill” ay hindi lamang usapin ng pagbabago ng pangalan o gender marker, kundi ng pagkilala sa karapatan ng isang tao na mamuhay nang may respeto at walang diskriminasyon.


Bilang bahagi ng paggunita sa Pride Month, inihain ang House Bill 9929 o ang “Lived Identities and Recognition Act,” na kilala rin bilang “Sharmaine Bill.” Ayon sa naturang batas, layunin nitong gawing mas madali at mas abot-kaya ang proseso ng pagtutugma ng legal na pangalan at gender marker ng mga transgender, intersex, at non-binary Filipinos sa kanilang kinikilalang identidad.


Sa kasalukuyan, kinakailangan pang dumaan sa mahabang proseso sa korte ang sinumang nagnanais na baguhin ang ilang personal na detalye sa kanilang mga legal na dokumento. Para sa marami, nagiging hadlang ito dahil sa gastos, tagal ng proseso, at iba pang komplikasyon. Dahil dito, marami ang nahaharap sa hindi pagkakaunawaan, panghuhusga, at maging diskriminasyon sa pagkuha ng serbisyo, paghahanap ng trabaho, at iba pang transaksyon na nangangailangan ng opisyal na pagkakakilanlan.


Hindi lamang mga transgender, intersex, at non-binary individuals ang maaaring makinabang sa panukalang ito. Saklaw din nito ang mga survivor ng gender-based violence at child abuse na nais magpalit ng pangalan upang mapangalagaan ang kanilang kaligtasan, privacy, at kapakanan. Sa ganitong paraan, nagiging mas inklusibo ang panukala dahil kinikilala nito ang iba’t ibang sitwasyon kung saan mahalaga ang pagkakaroon ng legal na pagkakakilanlang tumutugma sa tunay na kalagayan ng isang tao.


Ang usaping ito ay higit pa sa personal na identidad. Nakasentro rin ito sa accessibility ng serbisyo ng gobyerno, pantay na pagtrato sa mga mamamayan, at pagtiyak na walang sektor ang naiiwan sa mga benepisyong dapat nilang matanggap. Kapag mas malinaw at naaayon ang mga dokumento sa pagkakakilanlan ng isang tao, mas nababawasan ang posibilidad ng diskriminasyon at hindi pagkakaunawaan sa mga opisyal na transaksyon.


Ang sukatan ng isang makatarungang lipunan ay kung paano nito pinapangalagaan ang dignidad ng bawat mamamayan. Bagama’t maaaring magkaroon ng magkakaibang pananaw hinggil sa panukalang ito, mahalagang manatiling nakatuon ang diskusyon sa karapatang pantao, pagkakapantay-pantay, at paggalang sa pagkakakilanlan ng bawat isa. Ang “Sharmaine Bill” ay nagsisilbing paalala na ang mga batas ay dapat umangkop sa nagbabagong pangangailangan ng lipunan upang mas maraming Pilipino ang makaranas ng pagkilala, proteksiyon, at patas na pagtrato.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | June 24, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Wala nang gulo sa Senado.

Bakit kaya?

He-he-he!


----$$$--

Isinagawa na ang pre-trial ng impeachment court laban kay VP Sara.

Masaya na ang kanyang mga kritiko.

Sa ngayon!


-----$$$--

Ready na rin ang ICC trial kay ex-President Digong Duterte.

Back-to-back trial ito sa mag-amang Duterte.

Very dramatic ang mga susunod na eksena.


----$$$--

Nag-resign ang prime minister ng Britain.

Kaya kayang kopyahin ‘yan ng mga Pinoy?


-----$$$--

Sa Pilipinas, mas maraming kaso—mas sikat at iginagalang.

Yung matitino at hindi popular ay natatalo lang sa eleksyon.

Tsk!


----$$$--

May iminamaniobra na ang mga maka-Marcos na pantapat kay VP Sara.

Siyempre, taga-Mindanao din.

Ha-Ha-Ha!


-----$$$--

Gusto ng mga kritiko na mapabagsak si VP Sara bago mag-2028 election.

Nagpapantasya sila ng isang “knock-out punch”.

Isang bigwas ng left hook!


-----$$$--

Sinasabing nagsimula sa administrasyong Duterte ang maniobra sa budget.

Magsaliksik pa kayo—nagmula pa ‘yan sa panahon ni Emilio Aguinaldo.


-----$$$---

Hindi nagtatrabaho nang todo ang Commission on Audit.

Suriin ninyo ang financial transactions mula barangay hanggang Malacañang—madaling matutukoy ang “graft and corruption”.

Meaning, kakuntsaba ang mga “auditor”.


-----$$$--

Bigo ang Constitutional bodies na bantayan ang ehekutibo, lehislatura, hudikatura at maging ang military.

Dapat nang magsuri mula sa maniobra sa gobyerno.

Kaawa-awa ang mga kabataan!


---$$$--

Umabot sa kabuuang P50 milyon ang premyo ni Alex Eala bago pa man magsimula ang Wimbledon tournament sa London.

Hindi kasama r'yan ang main sponsors at iba pang marketing scheme.

Siya ang “babaeng Pacquiao!”



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page