top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Leonida Sison @Boses | July 4, 2026



Boses column ni Leonida Sison


Dapat lamang na manatiling ligtas ang bawat paaralan upang makapag-aral ang mga estudyante nang walang takot at pangamba. Kaya nararapat lamang na maging mahigpit ang pagpapatupad ng mga patakaran laban sa anumang gawaing naglalagay sa panganib sa buhay at seguridad ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan.


Tama ang paalala ng Department of Education (DepEd) na mahigpit na ipinagbabawal ang bomb threats at pagdadala ng anumang deadly weapon sa loob ng mga paaralan. Hindi ito simpleng paglabag sa school rules kundi isang seryosong banta sa kaligtasan at kapayapaan ng buong komunidad ng paaralan. Sa panahong dumarami ang mga insidente ng karahasan at pananakot, kinakailangang maging mas mahigpit ang pagpapatupad ng disiplina upang maiwasan ang anumang trahedya.


Sa ilalim ng bagong Guidelines Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment ng DepEd, kabilang ang bomb threats, pagdadala ng baril, pampasabog, ilegal na droga, at iba pang mabibigat na paglabag sa tinatawag na third-level offenses o pinakamabigat na paglabag sa disiplina. Ang mga mapatutunayang lumabag ay maaaring hindi na payagang makapag-enroll sa susunod na school year o tuluyang matanggal sa paaralan, depende sa resulta ng kaukulang proseso. Bukod dito, maaari rin silang i-refer sa mga law enforcement at social welfare agencies upang matiyak ang naaangkop na aksyon at interbensyon.


Hindi dapat palampasin o maliitin ang mga ganitong paglabag dahil ang bawat insidente ng pananakot o pagdadala ng mapanganib na kagamitan ay nagdudulot ng takot sa mga magulang, pangamba sa mga guro, at pagkabahala sa buong komunidad. Ang paaralan ay nararapat manatiling lugar ng ligtas na pagkatuto at hindi ng pangamba.


Gayunman, hindi sapat ang mahihigpit na regulasyon kung wala ring pagtutulungan ng mga magulang, guro, mag-aaral, at buong komunidad. Ang disiplina ay hindi lamang natututuhan sa loob ng silid-aralan kundi nagsisimula rin sa tahanan. Ang tagumpay ng anumang polisiya ay nakasalalay sa sama-samang pananagutan ng lahat upang mapanatiling ligtas ang mga paaralan. Sa ganitong paraan, mananatiling lugar ang mga paaralan ng pagkatuto, paghubog ng magandang asal, at pag-asa para sa kinabukasan ng bawat kabataan.


 
 

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | July 3, 2026



Bisyo Magserbisyo ni Bong Go


Sunud-sunod ang mga nakakalungkot na insidente ng pamamaril at pananaksak na kinasasangkutan ng ilang mag-aaral sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kabilang dito ang nangyari sa Tacloban City, kung saan tatlong estudyante ang nasawi at marami pa ang nasugatan. Mas masakit isipin na ang mga itinuturong sangkot ay pawang mga menor de edad din.


Bilang Chairperson ng Senate Committee on Youth, nababahala ako sa malaking problema sa kakulangan sa seguridad para bantayan ang ating mga mag-aaral, mga guro, at iba pang school personnel.


Araw-araw, milyun-milyong kabataan ang pumapasok sa ating mga pampublikong paaralan. Dapat ang paaralan ay ligtas na lugar para sa pag-aaral, paggabay, at paghubog ng kinabukasan ng mga bata. Kaya dapat may sapat na sistema, tao, at kagamitan para mapanatili ang kanilang kaligtasan.


Pag-aralan din natin kung puwedeng mag-augment ang ating uniformed services, lalo na sa mga paaralang may mas mataas na security risk. Kailangan itong gawin nang maayos, may guidelines, at coordinated sa DepEd, local government units (LGUs), at concerned agencies. 


Bilang Vice Chairperson ng Senate Committee on Health, naniniwala ako na bukod sa seguridad ay dapat na seryosohin ang mental health sa mga paaralan. Mental health issue is real, kaya mahalaga ang guidance counseling, psychosocial support, at maagang intervention sa mga eskwelahan.


Kaya isinulong ko ang Senate Bill No. 176, na naglalayong magkaroon ng Mental Health Offices sa lahat ng public higher education institutions sa bansa. Layunin nitong magkaroon ng libreng counseling services, trained mental health professionals, at 24/7 mental health hotlines para sa mga estudyante.


Kaisa rin ako sa pagsulong para suriin na ang Republic Act No. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act, na inamyendahan ng Republic Act No. 10630, lalo na sa mga kasong sangkot ang ‘children at risk’ at ‘children in conflict with the law.’ Kailangang protektahan ang kabataan, pero kailangan ding tiyakin ang pananagutan, rehabilitation, at tamang intervention.


Ang mga nangyaring karahasan sa ating mga kabataan ay dapat magsilbing paalala sa ating lahat. Hindi natin dapat hintayin na maulit pa ito bago umaksyon. 


Samantala, tuloy pa rin ang pamamahagi natin ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan. Sa Davao Oriental, naghatid tayo ng tulong sa iba’t ibang sektor ng komunidad. Nagbigay tayo ng suporta sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa San Isidro, sa mga vendor at mga kapatid nating Muslim sa Lupon, at sa mga barangay workers sa Banaybanay.


Dumalo rin ako sa blessing at inagurasyon ng Super Health Center sa Maco, Davao de Oro, sa imbitasyon ni Mayor Voltaire Rimando.


Noong nakaraang linggo, ang ating Malasakit Team ay nagpaabot din ng tulong sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Agad silang umalalay sa mga nasunugan sa Taguig City, Ormoc City at Abuyog sa Leyte, at Sibuco sa Zamboanga del Norte. Namahagi rin tayo ng tulong sa mga indigents nating kababayan sa Balayan, Batangas.


Dumalo rin ang ating team sa turnover ng Sibuco Super Health Center sa Zamboanga del Norte, kung saan namahagi tayo ng grocery packs sa mga barangay health workers.


Bilang Mr. Malasakit, patuloy kong isusulong ang mga hakbang na makatutulong sa ating mga kababayan, lalo na sa ating kabataan. Dapat ligtas sila sa paaralan, may malalapitan kapag may pinagdadaanan, at may sapat na suporta mula sa pamilya, komunidad, paaralan, at pamahalaan. 


Bisyo ko ang magserbisyo, at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 3, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Maraming balita tungkol sa mga kriminal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga menor-de-edad. Nakalulungkot makita na karamihan sa mga menor-de-edad na ito ay nagawang tumakas sa kanilang maling gawain na para bang walang nangyayari sa kabila ng antas ng kahalayan sa kanilang mga kilos. May pagkakataon ba na ang isang menor-de-edad na bata ay maaaring managot para sa anumang krimen na nagawa niya? — Elvira



Dear Elvira,


Kinikilala ng Estado ang espesyal na kondisyon o katayuan ng mga bata na sa kanilang murang edad ay sumasailalim pa sa pag-unlad bilang isang tao sa iba't ibang aspeto tulad ng pisikal, mental, emosyonal at sikolohikal na pagbabago. Dahil dito, ang Estado ay may ibang pamantayan sa pakikitungo sa bawat bata na pinaghihinalaan, inaakusahan, o hinatulan na nakagawa ng pagkakasala sa ilalim ng ating mga batas, na tinatawag na child in conflict with the law (CICL); iba kumpara sa isang taong nagkasala na nasa hustong gulang na. Ang magkaibang pamantayang ito ay nakapaloob sa Republic Act (R.A.) No. 9344 o “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006,” Ang Seksyon 6 ng nasabing batas ay nagsasaad na:


SEC. 6. Minimum Age of Criminal Responsibility. - A child fifteen (15) years of age or under at the time of the commission of the offense shall be exempt from criminal liability. However, the child shall be subjected to an intervention program pursuant to Section 20 of this Act.


A child above fifteen (15) years but below eighteen (18) years of age shall likewise be exempt from criminal liability and be subjected to an intervention program, unless he/she has acted with discernment, in which case, such child shall be subjected to the appropriate proceedings in accordance with this Act.


The exemption from criminal liability herein established does not include exemption from civil liability, which shall be enforced in accordance with existing laws.” 


Batay sa mga nabanggit, ang isang bata, na isang taong wala pang 18 taong gulang, ay karaniwang walang pananagutang kriminal. Gayunpaman, ang mga may edad na 16 hanggang 17 na kumilos nang may pag-unawa ay maaaring managot sa krimen. 


Ngayon, kailan itinuturing ang isang bata ay kumilos nang may pag-unawa? Masusing ipinaliwanag ito ng Korte Suprema sa kasong CICL XXX vs. People of the Philippines (G.R. No. 238798, March 14, 2023, Ponente: Honorable Associate Justice Rodil V. Zalameda): 


1. Discernment is the capacity of the child at the time of the commission of the offense to understand the difference between right and wrong and the consequences of the wrongful act.

 

2. The task of ascertaining discernment is undertaken preliminary by a social worker, and finally by the court. The determination of discernment shall take into account the ability of a child to understand the moral and psychological components of criminal responsibility and the consequences of the wrongful act; and whether a child can be held responsible for essentially antisocial behavior. The assessment of a social worker is merely evidentiary and is not binding upon the court. Ultimately, the court finally determines discernment, based on its own appreciation of all the facts and circumstances in each case.


3. In our jurisdiction, there is no presumption that a minor act with discernment. The prosecution must specifically prove as a separate circumstance that the alleged crime was committed with discernment. For a minor at such an age to be criminally liable, the prosecution is burdened to prove beyond reasonable doubt, by direct or circumstantial evidence, that he acted with discernment.


4. In determining discernment, courts shall consider the totality of facts and circumstances in each case. Such circumstances include, but are not limited to: (i) the very appearance, the very attitude, the very comportment and behavior of said minor, not only before and during the commission of the act, but also after and even during trial, (ii) the gruesome nature of the crime, (iii) the minor's cunning and shrewdness, (iv) the utterances of the minor, (v) his overt acts before, during and after the commission of the crime, (vi) the nature of the weapon used, (vii) his attempt to silence a witness, and (viii) his disposal of evidence or his hiding the corpus delicti.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page