top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Ka Ambo @Bistado | July 22, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Itinalaga na bilang bagong AFP Chief si Lt. Gen. Antonio Nafarrete.

Antabayan natin kung matatakot ang China.


----$$$--

PATULOY ang pagkumpiska sa mga smuggled frozen goods.

Ilang tonelada naman kaya ang pinalusot?


----$$$--

KAYRAMING naawa sa mag-amang FPRRD at VP Sara.

Nag-boomerang ang benggansa-politika!


----$$$--

SARI-SARI ang espekulasyon sa pagkamatay ng isang popular na vlogger.

Tsk, tsk, tsk!


-----$$$--

PINASOK na ng AI ang lahat ng sektor.

Isang produkto ng AI ang magiging pangulo sa 2028.


----$$$--

HINDI maawat ang away ng mga Pinoy at Tsekwa sa West Philippine Sea.

Hindi ba puwedeng aregluhin na lang ‘yan ng katarungang Pambarangay?


----$$$---

DAHIL sa propaganda kontra-propaganda sa WPS, patuloy ang suporta ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas para mapalakas ang puwersang military.

‘Yan na mismo!


----$$$--

AYAW tumigil ng US at Iran.

Kumbaga, matira ang matibay!


----$$$--

PATULOY ang pagtatalaga ng bagong gabinete.

Pero, recycle lahat—at walang batang gabinete na dalubhasa sa AI.


-----$$$--

MAKIKITA natin na tradisyonal at makaluma pa rin ang governance na ipinaiiral ng Malacañang.

Dapat ay mga bagong graduate, para makasabay sa teknolohiya at nagbabagong henerasyon!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 22, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Habang nakaupo ako sa isang sulok, biglang tumabi sa akin ang katrabaho ko. Hinawakan niya ang aking hita at tuhod at kiniliti ako. Sa kabila ng pagtutol ko, hinawakan pa rin niya ako sa kamay. Hindi ako komportable sa ginawa niya, lalo pa hindi naman kami malapit sa isa’t-isa. Depensa niya, diumano ay tinutukso lang niya ako. Angkop ba ang kanyang pag-uugali o gawi? — Heromina





Dear Heromina,


Sa kasong Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang (PBS-RTVM) vs. Vergel P. Tabasa, G.R. No. 234624, 26 February 2020, sa panulat ni Honorable Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, kinilala ng ating Korte Suprema na sa kabila ng mga positibong epekto ng panunukso sa interpersonal na relasyon, hindi ito palaging itinuturing na mabuti:


“Misconduct is a transgression of some established or definite rule of action; more particularly, it is an unlawful behavior by the public officer.


There is evidence to support the claim that Tabasa committed an unlawful behavior against Angco. A careful perusal of the records of the case would show that there is no dispute that Tabasa deliberately touched the knee of Angco in jest and that this act was unsolicited. As defense, Tabasa justified his actions as a form of bantering. However, it is important to stress that there is playful teasing and then there is hurtful teasing. Despite teasing's positive effects to interpersonal relationships, it may not always be perceived favorably. The way a person views a joke may differ depending on the situation and on how one perceives a tease—a teaser's intentions and his/her overall interaction with the teaser. Insensitive jokes or actions could border on harassment due to the fact that targets may be unaware of the teaser's intentions. Therefore, for the protection of all employees, a line has to be drawn before an innocent action becomes a full-blown harassment.”


Ayon sa nasabing kaso, ang paraan ng pagtingin ng isang tao sa isang biro ay maaaring mag-iba depende sa sitwasyon at sa kung paano nakikita ng isang tao ang panunukso – intensyon ng nanunukso (teaser) at ang kanyang pangkalahatang pakikipag-ugnayan sa nanunukso. Ang mga hindi sensitibo na biro o aksyon ay maaaring hangganan ng panliligalig (harassment) dahil sa katotohanang maaaring hindi alam ng tinutukso ang intensyon ng nanunukso. 


Sa iyong sitwasyon, ang paghawak sa hita, tuhod at kamay mo ng iyong katrabaho, na hindi hinihingi at walang sapat na dahilan, ay maaaring maituring na panliligalig. Kahit na ang kanyang pagkilos ay ginawa nang walang malisya, maaari pa ring masabi na lampas ito sa hangganan ng kagandahang-asal depende sa sitwasyon at sa epekto nito sa iyo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 22, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez





DAPAT KASUHAN AT IKULONG NA SI CONG. ROMUALDEZ PARA HINDI MAKATAKAS PALABAS NG ‘PINAS – Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na ilang beses umanong nagtangkang lumabas ng bansa si Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez matapos madawit ang kanyang pangalan bilang isa sa mga umano'y mastermind sa flood control scandal.


Dapat nang madaliin ni Ombudsman Boying Remulla ang pagsasampa ng kasong plunder laban kay Romualdez upang hindi na umano ito makalusot palabas ng bansa. Period!


XXX


DOBLE-SAKIT ULO NA NAMAN SI PBBM SA OIL PRICE HIKE – Dahil sa bigtime oil price hike, panibagong sakit ng ulo ang kinakaharap ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM).


Humihirit kasi ang transport sector ng dagdag na P2 sa pasahe sa bawat apat na kilometro. Kapag inaprubahan ito ni PBBM, tiyak na batikos mula sa mga pasahero ang aabutin niya. Pero kung tatanggihan naman niya ang hiling, mga tsuper naman ang didismaya at babatikos sa kanya. Boom!


XXX


SEN. ALAN CAYETANO, HINDI SAFE SA KASO SA 2019 SEA GAMES SCAM – Ipinagtaka ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag kung bakit nagalit sa kanya si Sen. Alan Cayetano gayong wala naman umano ang pangalan nito sa listahan ng mga opisyal ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation na iniimbestigahan kaugnay ng umano'y anomalya sa 2019 SEA Games.


Dahil sa naging reaksyon ng senador, nagduda ang NBI director kaya't kahit wala ang pangalan nito sa listahan ng mga opisyal ng PHISGOC Foundation, isasama na rin siya sa padadalhan ng subpoena upang makuwestyon sa naturang isyu.


Kung nanahimik na lang sana si Sen. Alan Cayetano sa isyung ito, baka hindi na siya nadamay dahil wala naman umano ang pangalan niya sa PHISGOC Foundation. Pero dahil sa naging reaksyon niya, kabilang na siya ngayon sa iimbestigahan ng NBI. Period!


XXX


MATAPOS SABIHIN NA KOMUNISTA SIYA, TANGGALIN NA KAYA SI SEN. ROBIN PADILLA BILANG ARMY RESERVIST? – Ano ba ang pumasok sa isipan ni Sen. Robin Padilla nang sabihin niya sa kanyang pagtatanong kay NBI officer Jeremy Lotoc, testigo sa impeachment trial, na isa itong komunista?


Mantakin n'yo, isa siyang Army reservist na may ranggong colonel, pero basta na lang niya ibinansag ang ganoong akusasyon.


Kaya ang tanong, dapat na kaya siyang tanggalin ng AFP bilang Army reservist? Abangan!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page