top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Ka Ambo @Bistado | August 3, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nakalaya na si ex-Sen. Bong Revilla.

Talagang may “agimat” siya.


----$$$--

May nagtatanong: Ano ang “agimat” ni Revilla?

May sumagot mula sa row 4: “Ano pa? Eh ‘di putik.”

Lahat ng kulay putik ay tumutulong sa kanya.

Meaning, basta “negro,” natutulungan siya nang lihim.

Kumbaga, ang bertud ng “itim.”


----$$$--

Nagkaroon ng pag-asa sina Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Jinggoy Estrada nang makalaya si Revilla.

Aba’y magpatulong sila sa mga “mukhang kulay itim”.

Ha-ha-ha!


----$$$--

MAY isa ring natutuwa sa nakaraang araw nang ihayag ni US President Donald Trump ang giyera kontra-ICC.

Tumitiwalag na kasi mula sa ICC ang ilang bansa—nauna na ang Venezuela.


----$$$--

AMINADO ang ICC na nasa ilalim sila ng krisis.

Isang advance Christmas gift ‘yan sa pamilya Duterte.

Antabayan natin ang desisyon at aksyon ng Japan—na kaalyado ng US!


----$$$--

PUMAPALAG ang Meralco sa pagsusulong na tanggalin sa electricity bill ang system loss.

Ikakalugi daw nila.

Pag-amin ito na ang income ng Meralco ay direktang hindi nagmumula sa actual business operation—bagkus ay sa teknalidad o paglalaro sa batas.

Panloloko ‘yan!


-----$$$--

BUKOD sa electricity, hindi ba puwedeng tanggalin din ang system loss sa water distributor?

Sandamakmak ang profit ng mga ‘yan—pero nagbubulag-bulagan ang mga awtoridad.


----$$$--

IN fairness, hindi naman talaga kasalanan ng utility companies o distributor ang paniningil sa system loss, bagkus ay mas kasalanan ito ng mga mambabatas.

Pinakapopular ang yumaong si Sen. Happy Ka na si Juan Ponce Enrile.


----$$$--

INIYAYABANG ang EPIRA—na pinagtibay ng mga “buwayang senador”—kung saan kasama sa probisyon ang paniningil sa system loss.

Ganyan din sa water bills, kasama sa probisyon sa pagbibigay ng prangkisa ang paniningil sa system loss.


----$$$--

NAGTATANGA-TANGAHAN lang ang mga beteranong lawmaker na gumawa ng batas.

Ang mga batas ay karaniwang inuudyok ng mga korporasyong makikinabang sa prangkisa.


----$$$--

NARIRINIG ba ninyo ang tinatawag na “lobby”?

Opo, ang lobbying ay karaniwang kakambal ng “under-the-table.”

Dahil nasa ilalim ng mesa—hindi nakikita ang “abutan” ng payola.


-----$$$--

ANG “under-the-table” ay hindi na uso.

Napalitan na ito ng aktuwal na maleta.

Ganyan ang mga hinayupak!!!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 3, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Puwede bang malaman kung may batas ba na patungkol sa pagkilala sa pagsusuot ng hijab o iba pang tradisyonal na kasuotan? Salamat po sa iyong magiging tugon. — Janice





Dear Janice,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 1 ng Republic Act (R.A.) No. 12224, o ang "An Act Declaring the First Day of February of Every Year as the National Day of Awareness on Hijab and other Traditional Garments and Attire,” kung saan nakasaad na:


Section 1. The first day of February of every year is hereby declared as the "National Day of Awareness on Hijab and Other Traditional Garments and Attire" to promote diversity, awareness, and tolerance of the various religious and cultural beliefs through the wearing of indigenous and traditional clothing, head garments and coverings.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang unang araw ng Pebrero kada taon ay idineklara bilang “National Day of Awareness on Hijab and Other Traditional Garments and Attire.” Ito ay upang itaguyod ang pagkakaiba-iba, kamalayan, at pagpaparaya sa iba't-ibang paniniwalang panrelihiyon at kultura sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga katutubo at tradisyonal na damit, kasuotan at mga pantakip sa ulo.


Karagdagan dito, inatasan din ang chairperson ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP.), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at iba pang ahensya ng gobyerno na magkaroon ng mga aktibidad o programa para sa nasabing pagdiriwang. Ito ay nakasaad sa Seksyon 2 ng nasabing batas na:


“Section 2. The Chairperson of the National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), and the National Commission for Culture and the Arts (NCCA), in coordination with the local government units and other national government agencies, are enjoined to conduct activities and programs such as exhibits and symposiums that promote the cultural values of wearing hijab and other traditional garments and attire.”


Nais din namin idagdag na ang nasabing batas ay hindi dapat bigyang kahulugan bilang isang kalatas na magsuot o hindi magsuot ng anumang partikular na kasuotan o pananamit. Ito ay base na rin sa Seksyon 3 ng Republic Act (R.A.) No. 12224, kung saan nakasaad na:


Section 3. Nothing herein shall be construed as requiring the wearing or non-wearing of a particular attire, garment, or clothing.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 3, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


LUMALALA NA ANG KARAHASAN SA MGA KABATAAN KAYA DAPAT MISMONG SI SEN. KIKO PANGILINAN NA ANG MAG-AMYENDA SA KANYANG JUVENILE JUSTICE ACT – Halos isang linggo matapos bugbugin ng dalawang menor-de-edad na estudyante ang kanilang lalaking guro sa loob ng isang eskwelahan sa Davao de Oro, nasundan ito ng balitang pananaksak at pagpatay ng isang 14-anyos na estudyante sa kapwa niya 13-anyos na estudyante sa loob ng isang eskwelahan sa Las Piñas City.


Nauna rito ang malagim na karahasan sa isang eskwelahan sa Tacloban City, kung saan apat na estudyante ang namatay at marami pa ang nasugatan sa pamamaril na isinagawa ng kanilang kapwa estudyanteng 14 at 15 taong gulang.


Hindi lang iyan, marami pang insidente ng karahasan at pananakot na mga menor-de-edad din ang sangkot.


Ang nais nating ipunto rito ay dapat mismong si Sen. Kiko Pangilinan ang mag-amyenda sa kanyang batas na Juvenile Justice and Welfare Act, na nag-e-exempt sa criminal liability ng mga batang 15 taong gulang pababa. Dapat itong ibaba sa 12 taong gulang, at kapag nangyari iyan, tiyak na matitigil ang mga karahasan sa mga eskwelahan. Period!


XXX


EX-SEN. REVILLA, GUSTONG IPABALIK NI OMBUDSMAN REMULLA SA CITY JAIL? – Kukuwestiyunin ni Ombudsman Boying Remulla sa Supreme Court (SC) ang desisyon ng Sandiganbayan na pansamantalang pagpapalaya kay dating Sen. Bong Revilla sa pamamagitan ng piyansang P1 milyon kaugnay ng kasong no bail na P90 milyong malversation of public funds through falsification of public documents.


Naku, kapag kinatigan ng SC ang pagtutol ni Ombudsman Remulla, malamang na balik-kulungan si dating Sen. Revilla. Abangan!


XXX


DAPAT HUWAG NANG KUWESTIYUNIN NI ATTY. MANS ANG PAG-APRUB NI PBBM SA PAG-RELEASE SA TAX RECORDS NIYA AT NG MISIS NIYANG SI VP SARA – May plano si Atty. Mans Carpio, mister ni Vice President Sara Duterte, na kuwestiyunin sa Korte Suprema (SC) o sa Court of Tax Appeals ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) na gamitin bilang ebidensya at ilantad sa publiko ang tax records nilang mag-asawa.


Sana ay huwag na itong kuwestiyunin ni Atty. Mans dahil kapag itinuloy niya ito, lalo lamang maiisip ng publiko na may itinatago silang mag-asawa na ayaw nilang malaman ng taumbayan tungkol sa nilalaman ng kanilang tax records. Period!


XXX


BATAS NI SEN. ESCUDERO KONTRA-GAMBLING ADS AT SPONSORSHIP, DAPAT IAPRUB NI PBBM – Nagsulong ng panukalang batas si Sen. Chiz Escudero na nagbabawal sa mga gambling ads at sponsorship upang matuldukan ang gambling addiction sa bansa.


Sana ay aprubahan ito ni PBBM para matigil na ang panghihikayat ng mga celebrity at vlogger sa mamamayan na magsugal, at mawala na rin ang malalaking billboard sa iba't ibang lugar sa bansa na nagpo-promote ng iba't ibang uri ng sugal. Boom!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page