top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 3, 2020




Ang malampasan ang phobia ay parang natutunan na rin ng tao kung paano magrelaks at.mapakalma ang sarili upang maharap ang mas kinatatakutang bagay o sitwasyon at hindi na gaanong natatakot.


1. Alamin at harapin ang bagay na kinatatakutan. Mayroon nga bang natatagong rason kung bakit mo iniiwasan ang naturang bagay o sitwasyon? May isang bagay ba na nangyayari sa'yo kung bakit mo iniiwasan sa kabila ng pag-iwas sa takot?


2.Matuto kung paano magrelaks at pakampantehin ang sarili. Heto ang ilang paraan: Dahan-dahang huminga ng malalim sa pamamagitan ng tiyan hanggang sa pagbilang ng anim nang dahan dahan.Praktisin ito araw-araw sa loob ng 5 minuto, dagdagan ng paunti-unti hanggang 20 minuto.


3.Gumawa ng listahan simula sa.kinatatakutang bagay o sitwasyon, halimbawa ang pagmamaneho sa highway. Pagkatapos ay isulat kung anong bagay o sitwasyon ang medyo malakas ang loob mo. Halimbawa ang pagmamaneho sa mas maliliit na kalye.


4. Eksakto mong sabihin kung ano ang sadya mong kinatatakutan.May nakatago bang rason o mga nakaraang nangyari na naging dahilan para maiwasan mo ang naturang bagay o pangyayari? May isang bagay na naganap sa'yo kaya tuloy iniiwasan mo na ito kabilang ang pag-iwas sa takot at pag-aalala.


5.Ipagpatuloy ang paggawa ng listahan ng mga bagay na bahagya mong kinatatakutan gaya halimbawa ng bungee jumping kaysa ang nakasakay ka sa eroplano.


6. I-relaks ang sarili sa paggamit ng sumusunod na paraan na iyong napraktis na. Magsimula sa hindi gaanong nakakatakot na bagay sa listahan, imadyinin ang sarili sa sitwasyon nang posible habang nagpapatuloy ka sa paghinga at manatiling relaks.


7. Pumunta sa sumunod na item. Ibiswal ang sarili sa naturang sitwasyon habang maipagpapatuloy mo na praktisin at makapagrelaks at makampante ang loob.


8. Praktisin nang praktisin ang mga bagay na ito. Imadyinin ang sarili sa bawat sitwasyon habang nagpapatuloy ka na praktisin ang pagrerelaks at pagiging kampante. Saka na lamang pumunta sa susunod na item kung tagumpay ka nang magiging kampante sa unang mga bagay.


Kung isa sa items ang nagdudulot sa'yo ng sobrang agam-agam, ihinto na ang ehersisyo at saka na lamang muling magbalik. Magsimulang lagi sa bawat inilistang takot at ilista rin ang bawat progresong nagawa. May ilang sesyon ka pang pagdaraanan bago magkaroon ng positibong pagbabago.


9.Isulat ang lahat ng iniisip mo habang gusto mong lampasan ang phobia, gaya nang "mamamatay na yata ako," o kaya ay " mamamatay ako sa atake sa.puso" o kaya ay "hindi ako makahinga".


10. Isulat ang mga akternatibong iniisip para matulungan kang kumampante gaya ng "hindi ako mamamatay", "luluwag ang aking paghinga" o "marerelaks ako".


11. Sa totoong buhay, ilagay ang sarili sa mas hindi nakatatakot na sitwasyon sa listahan at praktisin ang makapagrelaks at kampantehin ang sarili habang iniimadyin. Ibilang na sabihin sa sarili ang akternatibong pag-iisip para matulungan kang mapakalma.


12. Gawin mo na ang pinakamainam hanggang sa pinakakinatatakutang sitwasyon o bagay ( ang phobia) habang pinapraktis ang pagrerelaks o pagpapakalma.


TIPS AT BABALA. At dahil mapanubok ito, madalas din itong makatulong kahit itanong pa sa psychotherapist. Ang therapist din ang magtuturo sa'yo kung paano magrelaks, matulungan kang maglabas ng paraan na labanan ang negatibong pag iisip, mas ligtas ka habang hinaharap ang phobia.


Humanap ng magpapayo sa'yo kung ang phobia mo ang siyang hadlang sa araw-araw na buhay o dahilan para labis na panghinaan ng loob.


Maging handa na ihinto ang lahat sa kabila ng ilang panghihina. Ang impormasyong ito ay hindi intensiyon bilang pamalit sa propesyonal na medical advice o treatment.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 2, 2020




Lahat ng magulang ay nais proteksiyunan ang kanilang mga anak mula sa mapanganib na ugali at kinagawian. Ang maagang pagiging lasenggo ng bata ay hindi lamang nakaaapekto sa buhay ng bata na maging bayolente kundi adik na rin sa alak, habambuhay.


1. SAMPOL NG MAGULANG. Ang panahon ng teenager ay panahon ng kanyang impluwensiya mula sa labas ng tahanan tulad ng mula sa ugali ng kaibigan o kaalaman sa iba pang tao ay may epekto rin sa desisyon at ugali ng bata. Gayunman, mga patunay na ang ugali ng magulang kahit na hindi direkta ay may mas malakas na impluwensiya sa teenagers. Ang magulang na manginginom ay nahahawa rin dito ang mga anak.


2. POSITIBONG RELASYON. Ang manatiling malusog at bukas na relasyon sa anak ay mahirap para sa magulang. Ang pagbabagong ito hanggang sa paglaki ay madalas dahil sa tensiyon ng pamilya at nasisirang relasyon kaya kapag masikap pa rin ang magulang ay may positibong magaganap. Ang mga anak na positibo ang relasyon sa magulang at komportableng makinig sa mga impormasyon mula sa magulang at nakikinig ng payo ay hindi natututong uminom ng alak. At kapag ang isang nakatetensiyong klase ng pamilya ay nagiging iresponsable ay lasenggo ang isang bata.


3. SERYOSONG PAG-UUSAP. Ang seryoso at planong pag-uusap sa pagitan ng magulang at anak ay isang mainam na paraan para maiiwas ang bata sa pag-inom ng alak. Kung minsan ayaw nang dumisiplina ng magulang para hindi mapahiya ang anak.Pero ang magulang pa rin ang dapat na siyang magbibigay impormasyon sa anak hingil sa panganib ng pag-inom ng alak, lalo na sa kanyang paglaki. Dapat maging responsable ang magulang na masabi sa anak na masama ang alak at pagsusugal.


4. ANG PELIGRO NG SOBRANG DISIPLINA. Habang dama ng mga magulang ang malakas na hangarin na maiwasan ang alak. Ang ilang sobrang paghihigpit naman ay hindi mainam. Ang paulit-ulit na pangangaral at pagbabala ay maiiwas ang mga bata na ma-realize na ang kanilang magulang ay nais lamang ng ikabubuti nila. Ang minsang pang-iinsulto sa talino o matyuridad ng bata ay hindi epektibo. Dapat ipaliwanag ng magulang na nagmamalasakit sila at mag-establisa ng malinaw na kautusan.


At bago pa mahuli ang lahat at hindi naman malulong sa sugal ang bata. Magkaroon dapat ng edukasyon ang magulang hinggil sa peligro ng pagsusugal.


1. Dapat na maging mapagmasid ang magulang sa kanilang kapaligiran kung may susulpot na mga dahilan para mahirati sa sugal ang anak tulad ng internet gambling.

2. Iwasang mapag-usapan ang tungkol sa sugal sa bahay. Kung ang mga magulang ay sugarol maging paminsan-minsan man o regular na sumasali, hindi nila dapat pag-usapan sa bahay na maririnig ng mga bata ang mga exciting nilang pagsusugal. Huwag ding hayaan na mapanood ng bata ang pag-upo mo sa saklaan,poker o domino.

3. Bigyang pansin din ang mga bentahan ng kung anu-anong tiket sa lugar. Kung minsan, may mga bingohan sa lugar at iba pang klase ng laro na sinusugalan, maging sa mga barangay pagdating ng piyesta o may mga peryahan. Mabuti na lang at bawal ang lahat ng iyan ngayong may pandemya.

Ang tungkol sa masamang dulot ng pagsusugal. May mga seminar online hinggil sa pag-iwas sa pag-inom ng alak at pagdodroga, dapat ay maisama rin ang pagsusugal sa kategoryang ito. Ang pagsusugal ay dapat na maging paksa sa anumang informational program para malaman ng mga bata na isang nakakaadik na bagay ito. Kung mayroon mang mga videos na pagbabago ng mga dating alcoholic, sugarol o addict, mainam na aral ito sa mga teenagers.

4. Pansinin agad ang mga babalang ginagawa. Ang mga magulang ay dapat mapansin kung may sobrang pera o nangungutang ang bata. Tingnan din kung lumalaki ang bills sa internet mula sa hindi kilala sa hatinggabi na kausap. Ang mga nagsusugal na tinedya ay umiiwas, malungkot at bumabagsak ang marka at hindi maipaliwanag ang pagi-skip sa klase. Bigyan pansin agad ang mga pagbabago na ito.

5. Maging mapagmasid sa ilang kapamilya na nagsusugal. Ang sinuman sa iba na nasa bahay ang nahihirati sa sugal ay isang babala para hindi mahawa o maging sakit ng ulo pa ang teenagers pagdating ng araw.

6. Kung may credit card ang teenager, pag-aralan ang kanilang bills. Kuwestiyunin ang malakihang mga halaga, lalo na ang mga utang nila sa internet company. Anumang mga cash advance ay isa nang babala. Kung nadiskubre mo ang teen ay gumagamii ng credit card para lamang mahirati sa pagsusugal, kumpisakahin ang card at sabihan ang credit card company na huwag na magpapadala ng substitute.

7. Bigyan ang teenager ng iba’t ibang aktibidad. Kadalasan ang mga teen na natututong magsugal ay gusto lang mapawi ang kanilang lungkot at pagkabagot. Bigyan ang bata ng higit sa konstruktibong pagpipilian para maging busy sila, kabilang na ang pagkahaling sa sports, musika, sayaw at iba pang extracurricular activities na makatutulong sa kanilang pagkatao at kalusugan.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | August 1, 2020




Minsan itinuturing natin na parang wala lang, kasama lang natin sa bahay o kapitbahay lang ang sarili nating kapatid. Paano ba mapapatibay pa ang mapagmahal na relasyon ng iyong kapatid at magtagal nang may tamis ang inyong samahan?


1. Tawagan ang kapatid sa phone kahit na isang beses sa isang linggo. Masarap kung parati kang magtsa-chat sa kanya ng tungkol sa mga joke, picture messages ng pagbati at videos na alam mong ikasisiya niya na higit pa sa pagtawag mo sa phone.

2. Sikaping huwag maging mapanghusga pagdating sa estilo ng kanyang pamumuhay, lesbian man siya, bading, binata, dalaga, may asawa, wala kang dapat pakialam. Hindi mo buhay ang kanyang isinusuong sa ngayon.

3. Tandaan na ang mga simpleng alaala na yan ay may napakagandang hatid sa kanya at siya’y iyong laging naaalala at mahalaga siya sa iyong puso. Ang pagkain ninyo ng ice cream tuwing Linggo ay isang napakagandang paraan upang sumaya ang inyong samahan. Kaya habang magkalapit ang inyong tahanan ay gawin n’yo na ang mga bagay na iyan upang ganap kayong magkasundo at maramdaman ninyong pareho ang pagmamahalan at pagkalinga sa bawat isa.

4. Mainam din na makatanggap siya ng bulaklak kapag nalaman mong may masamang balita siyang natanggap o kaya ay nalulungkot siya. Bagamat wala ka sa kanyang tabi at least naa-appreciate niya iyon at batid niyang napakahalaga niya para sa’yo. Alalahanin mo ang kanyang kaarawan.

Padalhan siya ng cake, gawan siya ng mini party o kaya ay dalhan siya ng favorite food niya. Lahat ng ito ay napakagagandang ideya at hayaan mong maipadama mo sa kanya na mahalaga siya.

5. Ang panahon ng holidays. Sikaping mairaos ninyo ang holidays nang napakasaya. Imbitahin siya sa dinner o kaya tuwing weekend at ipaalam sa kanya na bahagi siya ng pamilya at pagmamahal. Gumawa ng isang bagay na espesyal para sa kanya. Magsabit ng Christmas stockings na nakaukit ang kanyang pangalan o maglagay ng bulaklak sa kanyang silid.

6. Kung may hipag o bayaw ka, huwag mong sasabihin sa iyong kapatid na hindi mo gusto ang kanyang asawa, maaaring magkaroon ng sama ng loob sa’yo ang kapatid mo kung magpapakita ka ng negatibong damdamin sa kanyang asawa.

Tandaan na siya ang asawa na kasama niya ngayon at siya rin ang tao na siyang pinili niya para makasama habambuhay. Sa hirap o ginhawa man. Walang kahit sino na nais mailagay ang sarili sa gitna ng kanyang mga minamahal sa buhay.

7. Sa mga pamangkin. Kung ang kapatid ay may mga anak, tandaan silang mabuti at kilalanin. Bigyan sila ng regalo kung kailangan. Magtanong tungkol sa kanila o kaya ay kumustahin sila. Walang napakasarap sa kalooban ng kanilang magulang kundi ang makumusta o maregaluhan mo man ang iyong mga pamangkin.

Kapag madalas kang hindi nakikita o nangungumusta man lang bilang auntie o uncle, nakalulungkot ito sa kanilang mga magulang. Lalo na kung ikaw ang kanilang ninong o ninang sa binyag.

8. Idispley ang larawan ng iyong mga kapatid sa hanay ng mga larawan ninyo sa loob ng tahanan. At least, pagkabisita nila sa bahay ninyo, makikita nila ang larawan nilang naka-displey sa sala o nasa salamin ng mesa, ramdam nila na mahal mo sila.

9. Sa bridal party. Tiyakin na ang mga kapatid ay imbitado. Kung hinihilingan kang dumalo sa bridal party mainam na umoo at pumunta ka. Inirerekomenda na saan man idaraos ang kasalan, tiyakin na makadadalo ka, gaano man kalayo ito. Higit nilang naalala kung sino ang hindi nakadalo o nakapunta sa kanilang kasalan. Pero bawal pa ang mass gatherings ngayon kaya magpaabot ka na lang muna ng pagbati at regalo.

10. Kung ang pera ang siyang isyu, pag-usapan ito sa kanila. Tiyak na bibili sila ng iyong tiket o magsusuot ng pang-bridesmaid kaysa naman wala siya roon. Habang hindi ka dadalo sa kasalan ay isang malaking senyales na hindi mo sila tunay na minamahal o gusto mo sila.


Tandaan na magsabi ng, “I love you”. Ang tatlong simpleng mga salita na ito ay mahalaga sa kalooban nila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page