top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 2, 2020




Ang mabiktima ng mga holdaper ay nakatatakot at nakato-trauma. Bukod sa mawawalan ka ng malaking halaga ng pera, kagamitan, maging ng debit at credit cards, cellphones na lagi mong dala-dala, naroon na ang trauma ng biktima.


Kapag na-trauma ang biktima, wala nang lakas ng loob na lumabas pa ng bahay at gumala ang biktima dahil hindi niya alam kung ligtas pa ba siya sa kanyang mga pupuntahan.


Para maiwasang mabiktima ng nakawan sa kalye, heto ang tips.


1. Kausapin ang kapitbahay hinggil sa kaligtasan ng bawat isa. Mag-organisa ng epektibong crime prevention strategy sa buong komunidad para mas maingatan ang lahat.Lahat sila ay tiyak na biktima na rin ng holdap o nakawan. May mga nagreklamo na rin sa kanila sa pulisya pero hindi naman nabigyan ng pansin o hustisya. Tatandaan ninyo na malas sa negosyo ang palagiang nababalita na laganap ang mga nakawan o holdapan sa inyong kalye o barangay. 2.Sumulat sa lokal na pulisya sa lugar hinggil sa talagang problemang kinakaharap ng mamamayan sa laganap na nakawan at holdapan sa lugar at saka ito lagdaan ng nakararami.


3. Maglagay na ng CCTV upang makilala ang mga masasapol ng camera. Bukod diyan ay magtalaga ng mga tanod sa lugar. Bantayan ang mga taong kahina-hinala sa inyong kapitbahay. Maglagay ng mga signs kung saan madalas na may nabibiktima ng holdap o nakawan para mas maging alerto ang mga mamamayan. Marami sa holdaper, magnanakaw o isnatser ang nakatira sa malayong lugar. Madi-discourage naman ang mga kriminal na gumawa ng kalokohan sa lugar kung magbibigay kayo ng babala para sa bawat mamamayan.


4. Magkaisa na rin na magtalaga ng street patrol sa lugar. Ang mga miyembro ay puwedeng mag-patrol sa sidewalks sa lugar suot ang mga t-shirt na may tatak bilang tanod. At least sa ganitong aktibong paraan maiiwasan ma magplano pang mambiktima ang mga isnatser , magnanakaw o holdaper sa inyong lugar.


5. Linisin at ayusin ang kapaligiran. Ayon sa pag-aaral, ang mga kriminal ay mas gustong naglalagi sa maruming lugar o abandonadong mga tahanan.


6. Makipag-usap sa chief of police sa lugar at magrequest na maglagay sila ng patrol car para magsilbing panakot sa mga kriminal. Ihanda ang sulat para sa meeting ng mga magkakapitbahay para sa anumang kahilingan na pinagkaisahan. Handa namang makipagtulungan ang pulisya sa mga taong magkakaisa.


7.Mag-alaga ng matapang na aso na puwede kang protektahan, kung nag-aalala ka na maging biktima ng kriminal na kalye. Mas mainam na magsama ng aso, maliit man o malaki dahil hindi ka kahit paano mabibiktima.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 1, 2020




Gusto ba ninyo bilang magkakapitbahay na maging matiwasay, malinis at ligtas sa COVID-10 at maunlad ang lugar? Huwag lang basta uupo at maghintay na mangyari ito. Heto ang ilang paraan upang mas maging mapayapa, malinis, hindi mabaho at asensado ang tinitirhang lugar.

1. GUMAWA NG AKSIYON. Hindi puwedeng paupo-upo ka na lang at hintayin ang komunidad na magkaroon ng pagbabago. Kailangan ninyong magtulungan. Alamin kung ano ang iyong magagawa para makamit ang kaunlaran ng komunidad. Dumalo sa community meetings at mag-ambag ng kaunting barya.


2. IBOLUNTARYO ANG SARILING ORAS, LAKAS, PERA AT SARILI. Mayroon bang park clean up day, tara na, magboluntaryo ka. Magboluntaryo kang tumulong na magwalis ng kapaligiran, maglinis ng mga kanal na pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng peligrosong dengue fever, magtanim ng mga halaman, magpintura ng mga pader etc. Bumuo ng isang grupo at mangolekta ng mga basura sa daan at magtanim ng mga punongkahoy sa tabi ng kalye o gitna ng daan, maging sa mga pasyalan o pampang ng ilog at tabi ng dagat. Magboluntaryong magluto ng sopas at iba pang pagkain sa mga walang tahanan.


3. KILALANIN ANG MGA KAPITBAHAY. Kilalanin ang mga taong nakatira malapit sa inyo. Magtatag ng malakas na komunidad ay isa nang team effort. Magkaroon ng grupo na kikilala sa lahat ng mga nakatira sa lugar at gawing layunin na mas matiwasay, mapayapa at malinis at ligtas ang kapitbahayan laban sa COVID-19. Palagiang ipaalala sa kanila ang mga health protocols na kailangan upang makaiwas sa virus. Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, mag-social distancing at iwasan ang pagdidikit-dikit at dapat laging malinis sa katawan maging sa kapaligiran.


4. SUPORTAHAN ANG MGA LOKAL NA NEGOSYO. Mamili sa mga lokal na negosyo at iwasang bumili ng imported materials.


5. PANGALAGAAN AT KALINGAIN ANG MGA MAKASAYSAYANG ESTABLISIMYENTO O IYONG MGA HERITAGE SITE AT LUGAR. Huwag hayaang masira o mawasak ang mga ito. Manguna o tumulong sa fundraising projects para sa pananatiling matatag, malinis at maayos ang mga lumang gusali. Ipreserba ang magandang kasaysayan ng komunidad.


6. SUPORTAHAN ANG MGA LOKAL NA LIDER. Lumahok sa pagboluntaryo maging sa mga kampanya ng proyekto tulad ng malawakang paglilinis ng mga daluyan ng kanal, tanggalin ang mga plastik na makakapagbara upang maiwasan ang mga pagbaha tuwing tag-ulan. Pairalin ang Tapat Mo, Linis mo na mentalidad sa bawat residente upang maiwasan ang iba't ibang uri ng sakit. Magboluntaryo rin sa oras ng halalan. Kilalaning mabuti ang mga pulitikong kandidato para sa inyong lugar. Tiyaking nakapagsaliksik ka at sapat ang kaalaman mo sa layuning ng mga kandidato at mga isyu bago mo siya iboto. Pagdating sa oras ng halalan, at least di masasayang ang boto mo at tiyak kang malinis, masipag, may tunay na malasakit at hindi corrupt ang inyong pulitiko.


7. SIMULAN ANG NEIGBORHOOD WATCH. Tiyaking ligtas ang inyong komunidad kapag nagtatag ng neighborhood watches. Ang bawat miyembro ng komunidad ay dapat magpoproteksiyunan sa bawat isa. Kung may nakasusupetsahang tao o mga nakasususpetsang aktibidad sa isang kapitbahay, kontakin na agad ang pinakamalapit na himpilan ng pulisya. Ang pagiging vigilante ng magkakapitbahay ay para matiyak ang kaligtasan ng isa’t isa.


8. MAGING MAPAGPASENSIYA. Isipin sa kagustuhang maging matiwasay at payapa ang lugar ay hindi naman ito nangyayari ng isang gabi lang. Kailangan nito ng panahon, lakas at pera bilang puhunan para ganap itong maisakatuparan. Huwag basta uupo at maghintay na mangyayari ito. Kailangan n’yo na ngayong kumilos!

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 30, 2020




May mabigat na kaparusahan sa ngayon ang mga mapatutunayang nam-bully sa kanyang kapwa. Ayon sa ulat, hindi lamang ang panunukso at pananakot sa isang tao ang siyang makukulong kundi maging ang mga manlalait na rin sa mga may kapansanan, bading, tibo, pangit, etc ay bibigyan ng kaukulang parusa kapag napatunayang nam-bully ito.


Kaya ngayon pa lang pag-aralan nang maging disiplinado ang ating mga dila, hindi lamang ang mga nakatatanda sa ngayon, kundi ang mga bata habang nasa kapaslitan pa lang ay turuan nang maging kontrolado ang kanilang mga sarili at kaisipan na mananakit ng loob sa kanilang kapwa.


Ang pambu-bully ay isang seryosong problema na rin sa mga bata kung kaya dapat ay ituwid na kaagad ito.


1. Ngayon pa lang, magtatag na ng isang anti-bullying leadership program. Habang nasa preschool at elementary school, magtatag ng isang in-school at anti-bullying program na magtuturo sa mga bata kung ano ang mga bagay na katanggap-tanggap at hindi katanggap-tanggap na ugali na dapat habang nasa paaralan. Ang programa ay maging isang on-going in-school activity o kahit sa online activity dahil may pandemya ngayon kung saan ang mga bata ay maaaring makalahok makaraan ang mga aralin. Ipahayag kung ano ang bully at kung anong ugali ng pambu-bully na masama at iba pang kauri nito. Hindi nawawala ang pambu-bully, hindi kaaya-aya at nakasasama ng ugali para sa iba pang mga guro at estudyante. Ang ugali ay maaaring pisikal o silolohikal at nangyayari ito habang nasa iskul pagkauwi o maging sa internet. Ang mga uri ng pambu-bully ay katulad ng pananakot, pang-iinis, pagsunod, pagnanakaw, hindi kaiga-igayang panunukso, pangmamaliit sa pagkatao o pangha-harass sa relihiyon.

Upang maiwasan ang pambu-bully, ipaliwanag ang karakter ng liderato. Ipaliwanag kung paanong ang isang bata ay maging lider sa kanyang mga kaklase maging sa kanyang komunidad.


Sa buong taon, tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang reaksiyon kung bakit nga ba binu-bully ng ibang bata ang ibang estudyante. Tanungin sila kung ano ang kasapitan nito sa buhay ng isang bata bukod sa iba pang kapwa estudyante at guro.

2. Magpakitang halimbawa sa mga estudyante. Ipaarte sa mga bata ang isang sitwasyon ng pambu-bully. Hikayatin ang bawat bata na magkomento kung ano ang mangyayari sa magkabilang-panig, maging ang kanilang nararamdaman matapos na ma-bully.


3. Ipamulat ang bata sa pakikisama sa iba’t ibang ugali ng kanyang mga kaklase at mag-adjust sa kanyang buhay bilang estudyante. Isang rason kung bakit ang bata ay hindi naiintindihan ang kaibhan niya at ng iba pang kaklase sa buhay, hitsura at estado ng buhay ng mga ito kung kaya nagiging matindi ang kanyang depensang mekanismo. Gawing ang pag-aaral ay maging isang multi-cultural environment. Ipaliwanag sa estudyante ang iba’t ibang mga pinagmulang probinsiya at ugali, tradisyon at kultura ng kani-kanyang mga kaklase. Maging ang kaibhan ng ugali ng bawat isa sa tahanan. Ipamulat din sa kanila ang kaibhan ng pagkain ng iba at ipaliwanag kung bakit ganoon at ganyan ang kakaiba niya sa kanyang mga kaklase, lalo na iyong may mga kapansanan. Ituro sa sa kanya ang pagtanggap at hindi na lamang pagpansin maging ang pagpapakita na ang kaibhan ng bawat isa ay ayon na rin sa kani-kanilang kinamulatan buhat noong mga bata pa sila.

4.Kailangang makiisa ang mga magulang. Magkaroon ng anti-bullying campaign para sa mga magulang. Imbitahin ang mga magulang at mga mag-aaral para sa isang araw na meeting para maikampanya ito. Hilingin din ang mga lokal na child psychologist at maging mga awtoridad na maging mga tagapagsalita at magbigay ng mainam na mga payo. Kunin din ang mga sikat na celebrities na puwedeng makipag-usap sa mga magulang at mga bata hinggil sa kanilang mga karanasan sa pambu-buly. Habang idinaraos ang anti-bullying campaign, magpadala ng mga informative materials sa mga magulang na maaaring magamit bilang references. Itiyak sa mga magulang na magiging ligtas sa iskul sakaling magbukas na ang klase at maipatutupad ang anti-bullying campaign sa loob ng iskul at tanungin kung anong patakaran ang kanilang paiiralin para mas maging ligtas at maging ang iba pang mga bata para hindi magng tagapanguna sa pambu-bully sa iba pang mga bata.

5. Isama ang anti-bullying sa website ng eskuwelahan o kaya ay sa pamamagitan ng isang newsletter. I-update ang mga balita sa school website o newsletter kada buwan para sa bagong mga impormasyon kung paano maiiwasan ang pambu-bully. Isama na rito ang mga references at hotline numbers pareho sa mga magulang at mga estudyante na madaling matawagan at makausap. Isang ehemplo ay kabilang ang tips sa mga estudyante kung paano at bakit hindi dapat na mam-bully ang isang bata.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page