top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 18, 2020




Sa nakatatakot nang senaryo sa ngayon kung saan marami nang bansa sa buong daigdig ang dumaranas ng malawakang pagbaha at unang-una na ito ngayong problema saan mang dako ng bansa ngayon, kung saan may mga naputol na tulay, imprastraktura na nawasak, dams na nagpapakawala ng tubig dahil baka masira, napakahalagang malaman kung ano ang dapat na gawin kung sakaling inabutan ka ng paglalim ng tubig habang nasa loob ka ng iyong sasakyan. Mabilis ang mga pangyayari. Kung hindi mo alam kung ano ang gagawin, siyempre, magpa-panic ka. Sundin ang mga sumusunod na hakbangin at malaman kung paano maka-survive sa isang lumulubog na sasakyan habang nasa malalim na tubig baha.


  1. Alam mong napakarami ng naapektuhan ng ganitong insidente nitong nagdaang bagyong Ulysses at karaniwan na ang kanilang mga sasakyan ay inanod patungo sa malalim na lugar, inagos patungo sa dagat at iba pang malalalim na katubigan tulad din ng ilog at lawa. May ilang mga nakasakay sa sasakyan ang nalunod, ang iba naman ay dahil nang lumabas ng mga sasakyan ang mga ito ay inabot ng tubig at nalunod habang naghahanap ng pagtatakasang lugar.

  2. Gumawa ng plano bago mag-drive lalo na kung nakatira malapit sa mga katubigan. Praktisin ang plano at isama ang ilang miyembro ng pamilya sa naturang drill, na tulad ng iyong paghahanda sa isang fire drill. Isaisip na ang dalawang pinakamahalagang bagay na gagawin ay tanggalin na ang buckle sa katawan at mabilis na lumabas sa bintana o pintuan. Sikaping maging simple ang plano.

  3. Manatiling kampante kung maaari sakaling unti-unti mong nakikitang lumulubog sa baha ang iyong sasakyan at nakita mo nang lumutang sa tubig ang behikulo. Unawain na kapag unang lumutang ang sasakyan, mamamatay ang mismong makina. Isipin na ang iyong tanging tsansa na maka-survive sa isang lumulubog na kotse ay ang lumabas na at maghanap ng mapagliligtasang lugar.

  4. Alisin na agad ang buckle ng seat belt una at subukan na buksan ang pinakamalapit na bintana. Relaks at maging komportable na kahit ang isang electric windows ay gumagana pa kahit na lumubog na sa tubig ang kotse. Gamitin ang unahang pintuan ng sasakyan bilang exit point kung umuubra pa ang electric window at kung nabasag na rin ang windshield dahil sa pagkakabangga kung saan-saan.

  5. Buksan lang ang pintuan kapag medyo mataas na ang tubig sa loob ng kotse kung hindi na magawang mabuksan ang bintana. Hindi mo magagawang buksan ang pintuan kung ang kotse ay may pressure sa labas. Matapos na tumaas ang antas ng tubig sa sasakyan at pantay na ang pressure, kailangan mong buksan ang pintuan. Lumabas ka na sa bintana kung magagawa mo.

  6. Iligtas na muna ang mga bata kaagad at ilabas na sila sa bintana ng sasakyan at tanggalin agad ang kanilang seat belts. Itulak na sila palabas sakaling mabuksan mo na ang bintana o pintuan. Alalayan sila hanggang sa isang ligtas na lugar. Isuot na ang lifevest upang makalutang sa tubig baha.

  7. Magkaroon ng window breaking tool kung malapit ka sa binabahang lugar. Bumili ng espesyal na tools na maggamit para makapagbasag ng salamin. Ilagay ito sa isang glove box para malaman mo kung saan ito hahagilapin.

  8. Maging handa sa anumang pagtaas ng tubig. Iwasang mag-panic at habang magagawa mong alisin ng kampante ang iyong seat belt, makaliligtas ka sa anumang pagkalunod.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 17, 2020



Tulad na lang ng nahatdang seryosong panganib, gaya ng nagdaang bagyong Ulysses, ang gobyerno ay hilong talilong ngayon sa kanilang hakbangin na ginagawa para sa malawakang evacuation ng maraming mamamayan sa buong rehiyon ng Luzon, mula sa National Capital Region hanggang sa lalawigan ng Rizal, Marinduque, Camarines, Isabela at iba pang mga karatig lugar na naapektuhan ng baha. Sa ganitong mga pangyayari, kailangang maging kampante habang sinisikap na maka-survive sa evacuation o sa anupamang mga kaso ng emergency.


  1. Manatiling alerto ang isipan. ang unang bagay na dapat isaisip at gustong maka-survive sa evacuation o emergency upang maiwasan ang magpanic.

  2. Manatiling bukas ang linya ng komunikasyon. Kapag ang isang page-evacute o emergency ay nangyari, ang pinakamainam na paraan ay magkaroon ng sapat na impormasyon sa broadcast media sa TV o maging sa radyo.

  3. Mag-stock na ng maraming suplay ng pagkain at iba pang pangunahing kailangan sa pinakamataas na parte ng bahay o sa sasakyan. Dahil hindi mo alam kung hanggang kailan tatagal ang pamamalagi ninyo sa evacuation area. Ang magkaroon na rin ng acces sa supplies ay napakahalaga. Ito ang mas madaling mabitbit sakaling mag-evacuate na, Bago pa lamang sumapit ang panahon ng tag-bagyo ay maghanda na ng mga ganitong bagay sa bahay.

  4. Magkaroon ng iba pang mga makakasama sa naturang lugar. Mahalaga na magkaroon ng malasakit para sa iba pang kaligtasan ng iba kung nais maka-survive sa evacuation o iba pang emergency.

  5. Gumawa ng paraan na maiwasan ang anumang pisikal na karamdaman sa iba pang miyembro ng pamilya sa komunidad. Lalo na ngayong panahon ng pandemya ay mahirap pa naman na magkasakit ang isa sa mga evacuees at magkakahawahan na ang lahat. Dahil sa matas na stress levels na nararanasan ng marami, pinatutunayan nito na mas mahirap mangyari ang bagay na ito kung iisipin.

  6. Tandaan na mag-concentrate sa anumang kailangan hanggang sa matapos ang emergency cases. Kung patuloy mong iisipin ang anumang mga masisirang properties o mananakaw na kagamitan ay ito ang makapagpapasira ng iyong konsentrasyon para sa numero unong prayoridad na dapat mauna ay ang personal na kaligtasan.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 16, 2020




Ang malalaking pagbaha, pagsabog ng bulkan, lindol, pananalasa ng bagyo, landslides at iba pang uri ng malulupit na hagupit ng kalikasan ay pawang mga uri ng likas na kalamidad na biglaang nagaganap kung saan halos lahat ng mga biktima ay mawawalan ng anumang bagay na kanilang pag-aari o maging ang anumang kanilang mga pinaghirapang properties ay masisira, malulubog at wawasakin ng naturang kalamidad.


Isang paraan na ang kapwa tao ay maaaring makatulong sa biktima ng mga ganitong sakuna ay ang pagdo-donate ng mga pagkain, mga gamit sa pagluluto, gamot, tubig at damit sa mga institusyon ng kawanggawa o iyong mga mapagkakatiwalaang organisasyon para makarating sa talagang mga nangangailangan.


  1. Humanap ng maaasahang organisasyon na tumatanggap ng donasyong mga kagamitan o pagkain upang matulungan ang mga biktima ng ganitong mga sakuna. Alamin ang lahat ng listahan ng mga pangunahing institusyon ng kawanggawa na nakatutulong sa mga biktima ng naturang sakuna. Bisitahin ang website para sa higit pang impormasyon.

  2. Kontakin ang mga kawanggawa at organisasyon na tumutulong sa mga biktima ng natural disasters. Alamin mo rin kung anong uri ng mga kasuotan ang kanilang kailangan sa lugar na binaha. Ang mga nabiktima ng bagyong Ulysses ay ang Marikina, Bagong Silangan, sa lungsod ng Quezon, Montalban at iba pang lugar sa Rodriguez, Rizal partikular sa Brgy. Wawa. Maging ang probinsiya ng Isabela, Tuguegarao at Cagayan Valley Region.

  3. Tanungin ang mapagkakatiwalaang mong institusyong kawanggawa kung tumatanggap sila ng donasyong mga kagamitan sa mga oras na ito.

  4. Tingnan ang laman ng cabinet. Ang pinaka-kailangan ng mga biktima ng baha ay mga damit tulad ng makakapal na pangginaw o jacket, bota, tsinelas, dami ng mga bata, at iba pang pambahay at saplot sa paa upang maprotektahan sila sa mga putik at tubig. Iyong mga naapektuhan ng naturang kalamidad ay kailangan ng mga basikong pangangailangan na ito upang mapalitan ang anumang saplot na nawala sa kanila.

  5. Tupiin ang mga damit na napiling I-donate at ilagay ito isang kahon o plastic bag. Hindi dapat na lukut-lukot, kailangan kahit paano ay maayos ang mga kasuotang ido-donate. Huwag samahan ng hanger ang ibibigay na mga damit. Ang mga pagkain naman ay delata at bottled water.

  6. Tawagin ang organisasyon na balak mong paglagakan ng iyong ido-donate o tanungin sila kung sila mismo ang kukuha ng mga donasyon o ikaw na ang maghahatid sa kanila. Ang bawat organisasyon ay may ibang layunin para sa pagtanggap ng donasyon.

  7. Para sa espesipikong kalamidad, tingnan ang mapagkakatiwalang organisasyon na iyong paglalagakan ng donasyon.

  8. Kung mismong ikaw na ang may kakilalang naapektuhan ng pagbaha ay direkta ka nang tumulong sa kanila. Alamin kung saang evacuation sila naroon o kung humupa na ang baha sa lugar ngunit patuloy silang naglilinis ng napunong putik ang kanilang tahanan ay alamin kung paano ka makapagpapadala ng tulong sa kanila lalo na kung kaibigan o kaanak.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page