top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 10, 2021





Pagdating sa pagbibitaw ng pangako, marami ang patapos kung magsalita, pero ang resulta ay nagiging iba, mahirap uli kunin ang tiwala ng iba kung mawawala ang iyong palabra de honor. Heto ang ilang gabay kung paano manatiling totoo at nakatutupad sa iyong mga pangako sa mga kaibigan, pamilya at maging sa hindi mga kakilala. Matapos mong basahin ang artikulo na ito, malalaman mo na ang pagsasabi ng, ”madaling magsalita kaysa sa gawa” ay totoong nangyayari.


1. Praktising gawin kung ano ang mga pangako. Ang pinaka-pangkaraniwang pagkakamali ng tao ay iyong hindi pagtupad ng kanyang mga ipinangako. Kung ang kaibigan ay humingi ng tulong sa iyo na ayusin ang kanyang tahanan o kusina, huwag lang basta mangangako o magsasabi na, “oo walang problema, at ako ang bahala riyan.” Kung marami naman na nagsasabing, “Sure, susubukan ko at titingnan ko,” mas mainam na lagi na aktuwal na nakaplano ang lahat ng mga sagot at malinaw. Dapat talaga itong tutuparin kung umoo ka. Kung hindi mo matiyak sa iyong sarili na matutupad ito, dapat mo pa ring sipatin ang sarili kung magagawa ang ang sinasabi at maging sinsero sa susunod na mga gagawin sa buhay.

Ang pagpapakatotoo ang siyang pinakamahalaga, dapat maaga pa lang ay masabi mo na ang totoong mangyayari. Marami kasi ang mahilig mangako dahil ayaw din nila kasing mapahiya para sa ikaliligaya ng iba. Ang nangyayari, ang katapus-tapusang resulta ay simpleng nagiging siya ay tuluyang napako na sa kanyang mga pangako.

Tandaan na habang mas madalas na pangakuan ang mga kaibigan pero hindi natutupad sa inaasahan nilang okasyon, hindi man nila ito masabi sa’yo o mapaalala, at least naaalala nilang wala kang palabra de honor, hindi ka mapagkatiwalaan pa at ito ang tatatak sa kanilang isipan kaya dapat ireserba mo na ang iyong reputasyon sa uulitin.


2. Purihin ang sarili kapag nakatutupad kung sakali. Ilagay natin sa isipan na ang isa sa pinakamakapangyarihang instrumento upang manatiling masaya ang ibang tao ay ang makatulong. Walang ibang napakahalaga kundi ang kapakanan ng ibang tao. Talagang kinakailangan ito, marami ang nakakalimot sa linyang ito pagdating sa pagkuha sa simpatiya ng isang kaibigan. Kung tagumpay sa mga ikinikilos at ginagawa at kumpiyansa na ang kaibigan na maasahan ka sa anumang adhikain o pangako ito na rin ang simpleng hihikayat sa kanya na isa kang taong dapat pagtiwalaan dahil totoong tumutupad ka sa iyong pangako. Pero paano ka magiging kakaiba? Basta’t isaisip lang na kapag tutulong, makikita mong lagi silang tumatanaw ng utang na loob sa iyo kahit hindi mo ito napapansin.


3. Manatiling nakakonsentra. Kapag may humingi sa iyo ng pabor na hindi mo natupad, palagian, uulitin ko na maging matulungin ka sa susunod na muling hingan ka ng pabor. Kaysa ang simpleng hindi tuparin ito basta na lamang, bakit sasabihin pang, “Hindi hindi ko magagawa iyan para sa iyo, pero mas tamang sabihin na, ‘Alam mo bang, busy kasi ako sa panahon ngayon, PERO….” (Saka mo isunod ang katagang magkakaroon ka ng tsansa na baka matugunan mo pa ang kanilang kailangan.) Halimbawa: “Busy ako, PERO paano kung kinabukasan na lang natin itakda ang pag-aayos?” Sa paraang ito, at least mabibigyan mo ng malinaw na pag-unawa kung hindi mo man maisakatuparan ang kanilang kahilingan ngayon ay matupad mo naman sa ibang araw ang kanilang hiling.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 9, 2021





Para sa mga nagkakaedad, suriin ang ating sarili sa ilang mga sumusunod na bagay upang maiwasan na maging mainit ang ulo at baka matulungan ka na mahanap ang praktikal na solusyon ngayong pumapasok na ang tag-init. Tulad na lang nitong epektibong teknik para ma-manage ang init ng ulo. Ang galit kasi ay isang reaksiyon mula sa isipan at sikolohikal na damdamin. Ang emosyon ay hindi laging madaling maisalarawan. Maaari tayong madismaya at nawawalan ng pasensiya ngayong panahon ng tag-init.


1. MGA NANGUNGUNANG DAHILAN. Matutunan na mailarawan ang emosyon sa likod ng galit ito ang solusyon para makontrol ang reaksiyon. Ang ilan sa mga emosyon na ito ay ang: -nasaktang pride. -feeling niya inaapi na siya. -nabigo sa hangarin (realistic o unrealistic) -feeling niya ‘di na siya pinapansin. -kawalang katarungan. -feeling physically or emotionally threatened- nakaraang pisikal at emosyonal na pang-aabuso.


2. PISIKAL NA EPEKTO. Kapag nagkaroon ng hormone imbalances sa katawan ay dahil ito sa madalas kang nagagalit. Ang mga epekto ng imbalances ay ang:

-Diabetes o Hypoglycemia: Imbalances sa blood sugar, kaya problemado ang cognitive at rational thinking. Ang pagkamagagalitin ay isang manipestasyon na ang katawan ay nasa panganib at humihingi ito ng tulong. -Hyperthyroidism: Sobrang produksiyon ng thyroid hormones kaya nag-aalala, natatakot, nadidismaya at hindi na balanse ang mga rason. -Estrogen, progesterone and testosterone imbalances: Ang lahat ng ito ay dahilan din ng galit, pag-aagam-agam at pagkadismaya. -Adrenal glands: Ang sobra nito ay nagiging dahilan ng galit. Humanap ng health care professional at hingin ang tulong nila kung ang isa man sa mga physiological disorders ang nakaaapekto sa iyong abilidad na makontrol ang iyong galit.


3. TEKA MUNA SANDALI. Narinig mo na ba ang lumang kasabihan, "Magbilang ng 10 at kung hindi ubra, bumilang ng 20 at kung hindi pa rin, tumalikod na lang.” Maging reyalistiko tayo. May mga tao na madaling mang-asar, intensiyunal man o hindi intensiyunal. Kapag nasa isang sitwasyon ka na hindi mo ito masabi lumabas ka na lang. Bigyan ang sarili ng oras na makapagpalamig at kumampante para mapag-isipan mo ang lahat ng bagay nang mabuti.


4. PAG-ISIPAN ITONG MABUTI. –Kausapin ang sarili. -Hayaang maging tama ang iba. -Tanggapin na lang na mali ka. -Isipin ang mainam at hindi ang masama. -Matutong tapusin na ang lahat. -Patawarin ang sarili at iba pa. -Respetuhin ang sarili at iba.


5. KONSIDERASYON. Ang galit ay isang normal na reaksiyon, malusog na reaksiyon pero kapag lumabit na ito, nakalilikha ng masamang resulta sa buhay. Nasa peligro na rin ang iyong kalusugan. Ang mga ‘di nalulutas na pakiramdam ng galit ay nagiging dahilan ng pag-aalala at pagtaas ng presyon ng dugo, nadaragdagan ang hirap ng puso, tumataas ang peligro na ma-stroke at atakihin sa puso. Mainam na kumunsulta sa professional counselling kung maari.


6. BENEPISYO. Sa puso ng epektibong pagkontrol sa galit ay ang matutunan ito na matanggap, at mahalin ang ating sarili. Habang mas marami tayong praktis na makontrol ang ating reaksiyon sa galit higit na napalalakas natin ang ating respeto sa sarili at naitatatag ang tiwala.


 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 8, 2021





Dahil kayong mag-asawa ay may magandang relasyon, hindi rin naman ito nangangahulugan na awtomatiko kang may magandang relasyon sa iyong inlaws.


Ang ilang relasyon ay hindi maganda maliban lang kung magsisikap at magtitiyaga ka na pag-ibayuhin ito. Heto ang ilang nakatutulong na hakbang para gumanda ang relasyon sa inlaws.


1. Isipin na hindi mo mababago ang ugali ng inlaws. Ikaw ang dapat magsikap na baguhin ang iyong reaksiyon sa kanilang ugali. Tanggapin sila kung sino sila dahil sila ang magpapabago sa kanilang sarili.


2. Hayaan ang partner na magsalita sa kanyang sariling pamilya. Sila pa rin ang bahala sa pagmando ng kanilang relasyon. Kabilang na rito ang mga plano tuwing holiday at kung paano palalakihin ang mga bata.


3. Unawaing may biyenan o mga inlaws ka na, dahil nakokonsensiya ka na nakakalimot sa sariling magulang kapag mas naging close ka sa in-laws. Wala namang masama kung mahalin mo pareho ang dalawa mong pamilya. Tiyak na mas magiging maganda ang relasyon mo sa iyong partner kapag nagawa mo iyan.


4. Huwag kang manghihimasok sa anumang pagtatalo sa pagitan ng iyong asawa at pamilya niya. Ang problema ay sa pagitan nila at lalo lang mapapasama ang relasyon sa pagitan mo at ng iyong inlaws kung mayroon kang kakampihan.


5. Gumawa ng paraan na makilala mo nang mabuti ang iyong in-laws. Imbitahin silang kumain ng tanghalian o tawagan sila kung may oras ka. Nakakailang sa una, pero madali naman itong gawin.


6. Hayaang maipadama mo sa iyong inlaws na welcome sila sa iyong bahay. Maaaring ma-feel nila na outsider sila kapag nadama nilang ayaw mo silang naroon. Tiyak na magiging iba rin ang trato nila sa iyo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page