top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 17, 2025



Photo: Vico Sotto - FB


Nakakatuwa ang ganting sagot ng mga netizens sa pabirong sagot ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga nag-comment na lilipat na sila sa Pasig para ma-experience ang maganda niyang pamumuno sa nasabing siyudad.


Sabi kasi ni Vico sa interview ng Inquirer.net tungkol sa mga gustong lumipat sa Pasig, “Masikip po rito. Punumpuno na po kami rito, baka wala na po kayong malipatan.”


Sagot ng mga netizens, bibili na lang sila ng bahay sa Valle Verde. May nag-comment naman na sa puno na lang siya titira. At ‘yung isang makulit, may alam daw siyang lugar na lilipatan, payagan lang siyang lumipat. 


May magkakaibigan naman na magko-contribution daw sila para makabili ng bahay sa Pasig. Mayroon namang nag-suggest na i-extend ni Vico ang Pasig para ma-accommodate ang mga gustong lumipat. 


Ang dami namang nag-suggest na si Vico na lang ang lumipat sa lugar nila. At ‘yung iba, hihiramin daw muna nila si Vico kung okey lang sa Pasig.


May mga nag-suggest naman na tumakbong presidente si Vico kapag nasa tamang edad na siya at ngayon pa lang, nangako nang magbo-volunteer sa kampanya niya para masigurong siya ay mananalo.


Sobrang ‘kaaliw ang mga ganitong convo at sana, nababasa ng mga pulitiko para alam nila ang pulso ng sambayanan na gusto na ng pagbabago. 

Sabagay, mahusay mamuno si Vico at hindi na ikagugulat ang muling pananalo nito.


Simpleng “Maraming Salamat, Pasig,” at “Thank you so much for all your congratulatory greetings for @vicosotto. Glory to God!!!” ang pasasalamat ng mom ni Vico na si Coney Reyes. Kay Coney na rin ipinaabot ng mga taga-showbiz ang pagko-congratulate nila kay Vico.



Dapat daw tularan si Councilor Aiko Melendez na nanguna sa pagbaklas ng kanyang billboards, posters, tarpaulin at iba pang campaign material dala ng pagtakbo niyang konsehal sa District 5 ng Quezon City.


“Isang araw pagkatapos maproklama. Kung marunong ka magkabit, marunong ka din dapat magtanggal!” caption ni Aiko sa ipinost na reels habang pinangunahan ang pagtanggal ng campaign materials.


Binati si Aiko ng mga showbiz friends at fans sa kanyang ginawa at wish nilang pamarisan ng ibang kumandidato, natalo man o lalo na ‘yung nanalo. 

Nanguna si Carmina Villarroel sa pag-comment ng “Loving it GF!!! Good job! Congrats again. You deserve it!”


Marami ang mga sumaludo sa ginawa ni Aiko. Ipinakita raw nito kung gaano siya kasipag. Good example raw siya kung paano maging responsible citizen at politician.

Nagpasalamat naman si Aiko sa mga bumoto sa kanya na umabot sa 144,700 as compared sa 95,621 votes noong 2022.


“Maraming salamat po sa patuloy na tiwala at suporta! Sa aking pangalawang termino, tayo ay sesentro pa sa de-kalidad na serbisyo. Nasubukan ninyo naman ako, ‘di tayo titigil. Hinding-hindi ko bibiguin ang Distrito 5,” pangako ni Aiko.



PINAYUHAN si Kyline Alcantara ng kanyang mga fans na ‘wag magko-comment sa interview kay Rhaila Tomakin na nabanggit na hindi siya kilala nito. Hayaan daw nito ang maiingay sa paligid na baka gusto lang makisakay sa popularity niya.


Dagdag pang payo kay Kyline, ituloy niya ang pananahimik at kahit ano pang isyu ang lumabas, ‘wag siyang sasagot. 


“Stay calm and with a class,” ang payo nila kay Kyline na nasa serious workout era naman.

Tila may pinaghahandaang laban si Kyline sa bigat ng binubuhat at mga ginagawa sa workout. Biro ng mga fans, parang gusto nitong magka-muscles at magka-abs at hindi na siya mahihirapan sa dami ng kanyang ginagawa.


Kababalik lang ni Kyline from South Korea para sa taping nila ni Barbie Forteza ng Beauty Empire (BE) at sumabak agad sa workout. Parang ayaw nitong mabakante after tumigil sa pagpunta sa gym noong may relasyon pa sila ni Kobe Paras.


Sa mga nagtatanong kung sino si Rhaila, siya ‘yung girl na ka-holding hands ni Kobe habang nasa Bali, Indonesia sila. Inakalang siya ang ipinalit ni Kobe kay Kyline, pero sabi ni Rhaila, friends lang sila ni Kobe.


Na-interview si Rhaila sa launching ng kanyang single dahil recording star siya at wish ng mga netizens, mag-guest siya sa All-Out Sundays (AOS) para magkita sila ni Kyline na mainstay ng show ng GMA-7.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 16, 2025



Photo: Bong Revilla Jr. - IG


Napanood namin ang video ni Senator Bong Revilla na in-assure ang mga supporters niya na okey naman siya. Ganu’n daw talaga sa pulitika, at isa-isang nag-congratulate sa mga nanalong 12 senators.


Pinasalamatan ni Bong ang mga bumoto sa kanya. 


“Salamat sa halos 12 million na nagtiwala sa akin. Ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyo mula Luzon, Visayas at Mindanao. Ang importante ngayon, magkaisa tayo para sa bayan. I-solve natin ang tunay na problema ng bayan. Tama na ang gibaan. Hindi matatapos ang pagtulong hangga’t kaya natin.


“Kung anuman ang nangyari, tanggap ko na. Ang importante, masaya tayo, tama na ang gibaan. Let’s move forward para sa bayan. Mahal kayo ni Bong Revilla. Alam ko may purpose si God sa akin.”


Nasa farm si Bong that time at mukhang mas marami siyang time na mag-stay doon ngayon at out muna sa pulitika. 


“I will spend time with my family, magpahinga, mag-aalaga muna tayo ng apo. Sa inyong lahat, mahal ko kayo. Walang sama ng loob. Mahal ko kayo,” sey ni Bong.


Habang wala siya sa pulitika, magagawa na ni Bong ang mga nakaplano niyang pelikula at puwede na uling gawan ng sequel ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) nila ni Beauty Gonzalez.


Marami raw plastic sa pulitika…

NETIZENS KAY LUIS: SA SHOWBIZ KA NA LANG!


ANG bilis ding nakapag-move on ni Luis Manzano sa resulta ng katatapos na midterm elections kung saan hindi siya pinalad na manalo. 

Nag-shift agad at binalikan nito ang pagiging TV host at tinanong ang mga netizens ng “Ano mas trip ninyo bumalik? Rainbow Rumble (RR), Deal or No Deal (DOND), or Minute to Win It (MTWI)?”


Sinundan ni Luis ng “Game!” ang tanong niya. Ibig sabihin, ready na siya na balikan ang pagiging host at pinapapili ang mga netizens kung sa ano’ng show nila gustong mapanood uli si Luis.


Iba-iba ang choice ng mga friends at followers/fans ni Luis. Ang asawang si Jessy Mendiola, RR ang unang gustong gawin ni Luis. Si John Prats, ang 3 shows daw. Si Robi Domingo, It’s Your Lucky Day (IYLD) ang gustong unahin ni Luis. May nag-request naman ng Game Ka Na Ba? (GKNB).


Anuman ang unahing gawin ni Luis, susuportahan ng mga fans dahil sabi nga nila, na-miss nila si Luis. 


May nag-comment pa nga na iwan na niya ang pulitika at sa showbiz na lang siya. Mas marami raw totoong tao sa showbiz at marami namang plastic sa pulitika.

In fairness kay Luis, ang daming bumoto sa kanya at ibig daw sabihin, marami ang nagmamahal sa kanya. Hindi pa lang tamang panahon na pasukin niya ang pulitika at sana raw, hindi pa rin mawala sa puso niya ang makatulong sa mga nangangailangan.



NAKAKATUWA si Sharon Cuneta dahil hindi lang pinasalamatan, kinunan din at ipinost ang reels ng mga volunteers ng asawa at ngayon ay balik sa pagiging senador na si Kiko Pangilinan. 


Nakakatuwang panoorin ang pagkakagulo at tuwa ng mga volunteers nang malamang pumasok sa Top 12 si Kiko at pang-No. 5 pa.


Sey ni Sharon, “Nu’ng akala namin, malabo na, mahirap na, madilim na... Our hardworking volunteers and staff on Election Night. They are the ones who never gave up on their dreams and hopes for the future of our country. They worked tirelessly for Kiko to win—leaving their families and loved ones for days, weeks, months on end to bring us to the finish line. 


“We love and value each and every one of you guys. When we saw this on video on May 12, we were overwhelmed and touched and became emotional not just because of the amazing, unexpected results, but because we saw and felt the pure joy in your hearts... 


“You are ours always. You took care of my husband when I couldn’t be with him. You kept him company and encouraged and supported him. We love and adore you. We will continue to fight because of you and those like you.”


In-acknowledge ni Sharon na hindi mananalo si Kiko kung wala ang mga volunteers. 

“We love you. And you are so very precious to us. Thank you from the depths of all our hearts,” pasasalamat ni Mega.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 15, 2025



Photo: Herbert at Ruffa - TikTok


Birthday ni Herbert Bautista noong May 12, at kahit late na ang birthday greetings sa kanya ng girlfriend na si Ruffa Gutierrez, masaya pa rin si Herbert. Kita naman sa TikTok na ipinost ni Ruffa na naganap sa past events na magkasama silang dalawa.


Sabi ni Ruffa, “One day late but the most unforgettable moments don’t make it to social media. Happy birthday, HERBERT CONSTANTINE MACLANG BAUTISTA.”

Majority sa comment ay masaya para kina Herbert at Ruffa at maganda ang comment ng isang netizen na, “It’s not too late to be happy.” 


Marami ang nag-agree rito, kaya ‘yung mga bashers na ginawang issue ang difference ng height ng couple, ang mga netizens na ang umaway sa kanila.


May nag-comment pala ng “What happened to her ex-hubby, I thought he was proposing again, lol (laugh out loud).” 


Sagot ni Ruffa, “You said it yourself po... ex. We are good.”


Samantala, curious ang mga netizens sa reaction ng ex ni Ruffa na si Yilmaz Bektas nang makita ang TikTok post ng aktres na masaya kasama si Herbert.


Anyway, muling mapapanood si Ruffa sa GMA-7 dahil kasama siya sa cast ng new series na Beauty Empire (BE). Great comeback ito ng aktres sa network at nabanggit pa nga na 14 years ago pa ang last project niya sa GMA-7.


Sen. Bong, talong senador…

LANI, WAGING CONG., MGA ANAK, PANALO RIN





Hindi man pinalad si Senator Bong Revilla na ipagpatuloy ang trabaho niya sa Senado, maganda naman ang ibinalita ng wife nitong si Lani Mercado-Revilla.


Ipinost nito sa Facebook (FB) ang photos sa kanyang proklamasyon bilang representative sa second district ng Cavite.


Pahayag niya, “Muli ay ibinigay ng mga Bacooreño ang inyong tiwala kay Ate Lani upang manilbihan bilang representative sa ikalawang distrito ng Cavite. 


“Sa aking proklamasyon ngayong araw, nag-uumapaw ang aking puso sa pasasalamat at makakaasa kayong patuloy kong isasapuso ang tungkuling ito bilang inyong mambabatas at bilang Nanay ng Bacooreño. 


“Sama-sama, tulung-tulong po tayong muli para sa ikauunlad ng ating pamilya, komunidad, at ng mahal nating lungsod. Maraming salamat po at karangalan kong muling maglingkod sa inyo!”


Sa proklamasyon kay Lani, kasama niya ang mga anak na sina Jolo at Ram Revilla na pare-parehong nanalo sa tinakbuhang posisyon sa Cavite. Naalala naming nabanggit ni Bong na unopposed sa pagtakbo sa kani-kanilang posisyon ang asawa at mga anak at tama siya.



SA Sunday na, May 17, 3:15 PM, sa GMA-7 ang airing ng action-packed docu series na Philippine Defenders (PD), hosted by Matteo Guidicelli. 


Si Matteo mismo ang gumawa ng stunts sa docu series bilang isa siyang Philippine Army reservist. May ranggo nga siyang 2LT o second lieutenant, kaya bagay sa kanya ang docu series.


Isa sa mga ipinakita sa trailer ang skydiving na kanyang ginawa at dahil ginawa na sa training niya bilang PA reservist, natural na lang sa kanya ang tumalon mula sa army helicopter.


Mapapanood din sa docu ang pagbisita ni Matteo sa Bulacan para sa isang Balikatan ceremony.


Aniya, “Honored to have joined the Balikatan ceremony a few days ago in Bulacan. This is a joint effort with our partners from the US, Japan, and Australia. It is a powerful reminder of what we can achieve when we come together, not just allies, but as one global community.


Through this partnership, we were able to build new classrooms and invest in what truly matters! Education, community, and the future of the Filipino youth. Balikatan is more than just a military exercise. It’s about building bridges and great relationships! Let’s continue to strengthen these relationships, empower our communities, and work hand-in-hand for a better, brighter tomorrow. We are all defenders of the Philippines. Let’s carry the responsibility with pride.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page