top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 23, 2025



Photo: Miguel Tanfelix - IG


Nagbiruan ang mga fans ni Miguel Tanfelix dahil malapit na ang ending ng Mga Batang Riles (MBR), sa June 6 na, at malapit na ring magtapos ang taping nito, o baka tapos na nga. 


Ibig sabihin daw, makakapag-focus na ito sa pagde-deliver ng leche flan na gawa ng mom niyang si Mommy Grace.


Suhestiyon pa ng mga fans, habang wala pang next project si Miguel, mag-deliver muna siya ng leche flan dahil marami sa kanila ang gusto, ang aktor ang mag-deliver ng kanilang order. Pinag-aralan pa nga ni Miguel kung paano gumawa ng kanyang favorite dessert.


Kaya lang, kahit tapos na ang MBR, hindi pa rin mababakante sa trabaho si Miguel. Magpo-promote siya ng pelikulang KMJS: Gabi ng Lagim dahil kasama siya sa cast. Hindi nga lang niya kasama si Ysabel Ortega at ang nakita namin sa teaser ay si Jillian Ward, pero hindi yata sila magkasama ng episode.


Anyway, napansin namin na may mga fans na ayaw si Miguel para kay Ysabel. May isang makulit na fan na inili-link ang GF ni Miguel sa mga co-stars nito sa Slay. May mga fans naman na inili-link si Miguel sa kasama sa MBR. Kaya ‘yun, nag-aaway-away ang dalawang kampo ng fans.


Iniisyu rin ng mga bashers ni Miguel na matatapos na ang MBR, ibig daw sabihin, hindi ito nag-hit. 


Pero, 5 months ang itinakbo ng action series, matagal na ‘yun lalo na at hindi uso sa GMA na pinatatagal ang kanilang show.


NADINE, ‘DI NASIKMURA ANG HIRIT NA “SANA MA-RAPE NG ADIK”, NAGDEMANDA NA


Suportado ng ML Partylist at ni Leila de Lima ang demanda ni Nadine Lustre sa online harassment. Nagreklamo at nanumpa na ang aktres, kaya maghanda na ang mga inireklamo nito.


May statement si Leila de Lima sa reklamo ni Nadine na violations ng Safe Spaces Act dahil sa sunud-sunod na atake sa kanya. 


Pinasalamatan ni de Lima si Nadine, “Maraming salamat, Nadine, sa tapang at paninindigan. Sa bawat hakbang mo, mas lumalakas ang laban para sa isang makatao, makatarungan, at demokratikong lipunan,” part ng statement.


May galit na nag-comment na makapal daw ang mukha ni Nadine sa pag-take ng legal action, lalo’t minock daw nito si former President Rodrigo Duterte nang maaresto ng ICC.


May nag-comment pa na ang mga public figure gaya ni Nadine ay hindi dapat maging onion-skinned at dapat maging handa sa kritisismo, kasama siguro ang online harassment.


Ipinost tuloy ng fan ni Nadine ang comment ng isang basher ng aktres na ang sabi, “Sana, ma-rape ka ng adik,” at may laughing emojis pa. 


Sagot ni Nadine, “One of the many that did not pass the vibe check.”


Dahil malinaw na mababasa ang pangalan ng nag-comment na sana ay ma-rape si Nadine, hindi na mahihirapan ang kampo nito na i-trace siya at may picture pa nga nito ang comment.


Marami rin ang nagpahayag ng suporta kay Nadine at wish nila, masampulan at may makulong sa matatapang mag-comment nang hindi alam na labag na sa batas.



NABASA siguro ni Sharon Cuneta ang comment tungkol sa post niya sa photo nila ni Kiko Pangilinan at mga anak na sina Miel at Miguel Pangilinan. May nakapansin na walang suot na brassiere si Miel and in fairness, hindi naman siya na-bash. May mga pumuna lang na actually, hindi naman isyu sa New York City.


Nang muling bisitahin ang post na ‘yun, may nabago sa picture. Same pa rin ng posing at location, pero malinis na. Wala nang mai-comment ang mga netizens at may mga nagpasalamat pa nga na inulit o pinalitan ang photo dahil ayaw nilang ma-bash si Miel o kahit sino sa pamilya ni Sharon.


Samantala, makikita sa photos ng Pangilinan family na nag-enjoy sila sa muli nilang pagsasama-sama dahil nga nag-graduate si Frankie Pangilinan. May mga nainggit pa nga dahil isinama ni Sharon sa New York ang yaya ni Frankie bilang sorpresa sa anak.


May mga nagbiro tuloy at gustong pumasok na yaya ng mga anak ni Sharon para raw makapag-travel din sila nang libre.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 22, 2025



Photo: Kathryn Bernardo at Nadine Lustre - IG


Ang endorsement nila sa Creamsilk ang tila naging daan para maging friends na talaga sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre. Kung dati, hanggang “hi” at “hello” lang ang batian nila ‘pag nagkikita, ngayon, may konting tsikahan na siguro.


Masaya ang mga fans nina Nadine at Kathryn dahil nakikita na nila ang isa’t isa sa kani-kanyang Instagram (IG) at siguro naman, they follow each other na. Kaya malaki ang pasasalamat ng mga fans sa Creamsilk dahil natupad ang dream nilang magsama sa project ang dalawang aktres kahit sa TVC ng endorsement muna.


This Thursday ang launching ng TVC para sa nasabing brand ng conditioner nina Nadine at Kathryn at looking forward ang mga fans for more projects from the two. Kahit daw music video for Creamsilk, susuportahan nila, at mas magiging masaya ang mga fans kung magkakasama na sila sa series o movie.


Kahit daw walang leading man sina Kathryn at Nadine, okay na sa mga fans, basta matupad lang ang dream nilang mapanood na umaarte ang para sa kanila ay dalawang reyna. 


Kaya nananawagan sila sa Star Cinema, Viva Films at ABS-CBN to make their dreams a reality.




Binisita nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang ipinapagawang bahay at kasama nila sa site visit ang mga anak nilang sina Calix, Jazz at ang bunso na si Dylan. 


Sakay sa golf cart sina Dennis at Jennylyn at mga anak sa site visit sa future home nila na comment ng isang netizen, parang mini-mall sa laki.


Ang ganda ng larawan ng mag-anak na nakatalikod sa camera at tinitingnan ang ipinapagawang bahay. Parang kailan lang ang groundbreaking at ngayon, malapit-lapit nang matapos ang bahay.


Ang suwerte nina Dennis at Jennylyn dahil parehong busy sa kani-kanyang career, kundi pelikula, series ang kanilang ginagawa at may negosyo pa. 


Heto nga’t sa June 9 na ang premiere ng series nila sa GMA-7 na Sanggang Dikit (SD) kung saan parehong pulis ang kanilang role.


Matindi pala ang preparasyon ng dalawa para sa reunion series nila at pati combat training, sumabak sila. Importante ang training nila, kaya kahit mainit, kanilang ginawa. 

Si Jennylyn, excited dahil first time na gaganap na pulis at hahawak at magpapaputok pa ng baril.


Saka, hindi lang sa bansa ang promo ng cast ng SD dahil may ‘Meet & Greet’ sila sa Milan, Italy sa June 22. Of course, abangan din sila sa local promo nila at tiyak, marami silang pupuntahan.



Dedma sa aktor? 

NAANAKAN NI DENNIS, NAKIPAG-BONDING KAY MARJORIE AT MGA ANAK




Inaabangan ang magiging reaksiyon ni Dennis Padilla sa pagba-bonding ng mga anak niya kay Marjorie Barretto at mga anak nila ni Linda Marie Gorton. 


Nasa Instagram (IG) ni Linda ang bonding photos ng mga anak ni Dennis kasama sina Marjorie at Linda.


Ibig sabihin, nasa bansa ang mga anak ni Dennis kay Linda. Nakita na kaya sila ni Dennis? 


Isyu ito kapag hindi nagkita ang mag-aama, lalo’t sa Australia yata based si Linda at dalawang anak nila ni Dennis. O baka nakaalis na ng bansa si Linda at mga anak nito?


Nakasulat sa caption ni Linda: “This was a birthday gift received earlier than expected. Our children had such a wonderful time. It was so nice to see them all talk, laugh and joke around like they’ve always been together. And it was really a beautiful thing to watch.


“But mainly, I would like to greet you a belated happy birthday, Marj! You are truly an exceptional woman. I admire your courage and strength. And how you face challenges with determination and grace. Wishing you all the dreams your heart desires…”


Masaya ang mga netizens na makitang magkakasama ang mga anak nina Marjorie at Linda at sa pagkikita-kita ng magkakapatid. Ang sarap daw maka-good vibes ng photos at makitang lahat ay nakangiti at masaya.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 21, 2025



Photo: Barbie Forteza at South Korean singer-actor Choi Bo-min - CreaZion Studios - Circulated


May konting reklamo ang BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco sa GMA. Dapat daw, hindi isinabay sa fanmeet ng BarDa for their toothpaste endorsement ang paglabas sa dance video nina Barbie at South Korean singer-actor Choi Bo-min. Nahati raw ang atensiyon ng mga fans kina Barbie at David at Barbie at Choi Bo-min.


Nangabog pa naman ang dance video challenge nina Barbie at Choi na kuha sa loob ng train habang nasa Seoul sila at nagte-taping ng Beauty Empire (BE). Sa first two hours na na-upload ang dance video, umabot sa more than 2 million ang views nito.


Ang latest update, may 6.7 million views na ang dance video kung saan sumayaw sila sa song na Me Jalo ng Fuerza Regida. 


Positive rin ang comments ng mga fans sa video, kahit nagsasayaw lang, may chemistry daw sina Barbie at Choi Bo-min. 


Nakakakilig daw sila at ang wish ng mga fans, silang dalawa ang pagtambalin sa series ng GMA na malapit na ang premiere.


Kaya lang, may mga umaapelang mga fans ni Kyline Alcantara, sila raw ni Choi Bo-min ang gawing magka-love team dahil mas may chemistry sila. Kaya lang, wala silang dance video gaya ni Barbie.



This Wednesday, May 21, ang 72nd birthday sana ni Nora Aunor. Kaya lang, wala na ang Superstar, pero may tribute sa kanya ang industriya sa kanyang kaarawan.


May post si Gina Alajar tungkol dito at malalaman kung ano’ng klaseng tribute ito at kung saan mapapanood.


“The one and only Superstar touched and changed their lives forever. They catapulted her to a phenomenon that happens only once in a lifetime.


“In honor of our National Artist for Film and Broadcast Arts, Ms. Nora Aunor, we offer this tribute for her and to all her devoted fans around the world. This is their story.


FANEY (The Fan) starring Laurice Guillen with Gina Alajar introducing Althea Ablan. With the special participation of Perla Bautista, Bembol Roco, Ian de Leon, Angeli Bayani and Roderick Paulate. Produced by Frontrow Entertainment, Intele Builders, Noble Wolf and AQ Films. Directed by Adolfo Borinaga Alix, Jr.


“Special screening this May 21 as a tribute in time for Ms. Nora Aunor’s birthday at Gateway Cinema 11.”


Para pa rin sa kaarawan ni Nora, ise-celebrate ng Kamuning Bakery ni Wilson Lee Flores ang special day ng Superstar with Pan de Nora, a special bread tribute for the great actress. Marami ang um-order at may mga nabasa kaming comment na personal silang bibili ng Pan de Nora bilang suporta.



SUPORTADO ni Miguel Tanfelix ang leche flan business ng mom niyang si Mommy Grace Tanfelix, kaya kapag wala siyang taping ng Mga Batang Riles (MBR), siya mismo ang nagde-deliver ng mga order sa mom niya. 


Nagugulat ang mga nag-o-order pagdating ng leche flan na naka-kotse ang nagde-deliver at si Miguel pa ang personal na naghahatid.


Nai-share sa Facebook (FB) ng Mommy Grace Kitchen ang photo ng customers na masayang hawak ang kanilang order. Kasama pa sa larawan nila si Miguel na nasa loob ng kotse.


Kaya lang, may mga nag-o-order ns taga-Batangas, La Union, Bulacan at pati Angeles, Pampanga na gustong si Miguel ang mag-deliver. Isa pang request, isama raw ni Miguel ang GF niyang si Ysabel Ortega kapag nag-deliver siya.


Sabagay, dapat suportado ni Miguel ang food business ng mom niya dahil siya ang nakaisip at nagbigay nito at siya rin ang nag-source ng gagamitin ng mom niya sa pagluluto ng leche flan. 


Pati nga ang paglalagyan ng mga order, si Miguel ang naghanap at namili.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page