top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 29, 2025



Photo: Marian at Chel Diokno - IG


May balitang na-tap ang PSA at NBI to verify kung totoong pirma nina Akbayan representative Chel Diokno at Marian Rivera ang signature na nakita sa acknowledgement receipts na mula sa Department of Education (DepEd).


Ano ‘yun, kakausapin ng mga taga-NBI at PSA o Philippine Statistics Authority sina Diokno at Marian? 


Ipinost ni Arnold Clavio ang check na ibinigay daw sa isang Marian Rivera na taga-San Fernando (hindi malinaw kung saang San Fernando). Iba sa pirma ni Marian at kailan pa tumira sa San Fernando ang aktres?


Nag-react tuloy ang mga fans ni Marian sa pagsasangkot sa aktres sa isyu. Bakit daw hindi ang namigay ng confidential fund ang tanungin? Sabagay, malapit na itong mangyari at magkakaroon na ng hearing.



“HINDI ko rin alam,” ang sagot ni Alden Richards kung ano ang ginagawa niya sa Bangkok (BKK) at para talagang hindi niya alam kung bakit nandu'n siya. 


Later on, may lumabas na reels na tumakbo si Alden at mga kasama, na mga kasama rin niyang tumatakbo rito, gym buddies niya.


Ibig sabihin nito, hindi na lang sa Metro Manila tumakbo si Alden at ang kanyang running team, nakarating na rin sila sa BKK. 


Hindi nakakagulat kung pumunta sila sa Singapore at ibang Asian countries para lang tumakbo.


Samantala, pinaabangan ni Alden ang opening niya sa Stars On The Floor (SOTF), dahil ngayon lang uli siya sasayaw. Matagal na siyang hindi sumasayaw dahil marami siyang ginagawa. Tingnan daw kung kaya pa niyang sumayaw.


Kasama ni Alden sa dance reality show bilang judges o dance authority sina Pokwang, Jay Joseph na choreographer ng SB19 at si Marian Rivera. Excited at thrilled siya to be working with the three at hindi malayong magkaroon sila ng dance number sa show.

Reunion project ito nina Marian at Alden, pero hindi sila aarte at sa halip ay host si Alden at judge si Marian. 


First time namang magkakasama sina Alden, Pokwang at Marian, kaya riot ito.



INI-REPOST ni Ruru Madrid ang comment ng isang fan na, “Grabe naman bm @bianxa, all around, suwerte talaga ng future husband @rurumadrid.” 

Ito ay pagkatapos mapanood si Bianca Umali na naglilinis sa Bahay ni Kuya, kung saan house guest siya.


Lahat ay nilinis ni Bianca mula sa kusina at pinunasan ang mesa na hindi yata napupunasan ng housemates. Nakakatuwa na siniguro nitong maayos ang pagkakalagay ng flower vase sa mesa at hindi lang basta inilagay niya.


Pati ang kitchen area, nilinis ni Bianca, hinugasan ang kettle na gamit sa pagluluto. Tanong tuloy ng mga viewers, hindi ba naglilinis ang mga housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition?


Pati nga ang boys' room ay pinasok ni Bianca para linisin, inilagay sa ayos ang nagkalat na mga sapatos at maayos ang mga kama. Comment ng mga viewers, noon lang nila nakitang maayos ang boys' room na puwede naman pala.


Comment pa ng mga viewers, baka task ni Bianca ang maglinis sa Bahay ni Kuya, kaya naglinis siya, pero mas tama ang rason na naguluhan siya sa gulo ng bahay at nakakalat na mga gamit, kaya nagkusa nang maglinis. 


Pag-alis ni Bianca sa Bahay ni Kuya, sigurado raw na makalat na uli ang bahay.

Nabanggit ng dati nang bida ng Sang’gre na mahilig siyang maglinis ng bahay at ayaw niya ng madumi at makalat. Kaya kahit bisita siya, nagkusa nang maglinis. 


Tama nga, may rason na maging proud sa kanya si Ruru Madrid.


Samantala, ang Encantadia The Last Chronicles: Sanggre (ETLC:S) ang papalit sa timeslot ng Lolong ni Ruru. Magpapalitan lang pala ang magdyowa ng show sa primetime slot ng GMA. Tanong ng kanilang mga fans, kailan maiisip ng GMA na pagsamahin sila sa isang matinding action drama?


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 28, 2025



Photo: Julia Barretto at Gerald Anderson - IG


May paglilinaw sa isyung breakup nina Julia Barretto at Gerald Anderson, fake news daw ito at ibig sabihin, hindi totoo. Kung hindi totoo ang balita, lumalabas na sila pa rin.


Nasundan ang paglabas na fake news ang breakup sa pagde-deny ng handler ni Julia sa Viva Artists Agency na dinelete ng aktres ang mga photos nila ni Gerald sa kanyang Instagram (IG). Intact pa rin daw ang photos ng dalawa sa IG ni Julia.


Upon checking Julia’s IG, may one photo post siya na sila ni Gerald at three photos ang laman ng naturang post. Kuha ang photos sa bakasyon nila sa France noong 2023.


Mas maraming photo post si Gerald na magkasama sila ni Julia at may solo pics pa ng aktres. Kaya lang, pareho silang walang recent photo post at may rason naman siguro. 

Sabi nga ng mga fans, hindi mahilig mag-post ng mga ganap nila ang dalawa, so be it.



Birthday ni Ricky Davao sa May 30. Kung buhay pa sana ang aktor sa kanyang kaarawan, 64 years old na siya. 


Sigurado namang kahit wala na ang aktor, ise-celebrate pa rin ng kanyang pamilya ang kanyang kaarawan.


Nakadama ng lungkot ang nakabasa sa post ng anak ni Ricky na si Rikki Mae na ang sabi ay: “I miss my dad: Sometimes it feels like nasa taping lang s’ya, busy sa pagdidirek.”


Para siguro manatiling buhay sa alaala ang ama, ang ginamit na photo ni Rikki Mae kay Ricky ay ‘yung nasa taping ito at nakangiti.


And speaking of Ricky, sa pelikulang Sinagtala siya huling napanood at sa telebisyon, ang Encantadia The Last Chronicles: Sang’gre (ETLC) ang last project niya. Nakapag-taping pa ang actor-director ng kanyang mga eksena bago siya naospital.



ANG pangako ni Vic del Rosario, chairman and CEO ng Viva Communications, ay gagawing multimedia star si Jayda Avanzado ngayong nasa Viva Artists Agency na ang singer-actress. 


Nagbigay ng timetable si Boss Vic na bago siya mag-retire ay natupad na ang kanyang pangako.


Alam ni Jayda na kapag sinabi ni Boss Vic ay mangyayari and she’s up to the challenge. Ilang beses nitong sinabi ang “I’m very grateful for the trust and I’ll do my best.”


Nabanggit ni Boss Vic na hinintay nila si Jayda for 12 years, kaya lang sa ibang management company ito pumirma ng kontrata. 


Ngayong nasa kanila na ito, tuloy ang plano to make her another Sharon Cuneta, Sarah Geronimo and Regine Velasquez na magaling at sikat na singer-actress. Honored si Jayda na maihilera sa mga nabanggit.


Pumirma ng publishing and recording contract sa Viva Records si Jayda in collaboration with UMG Philippines at co-management contract with VAA. Sila ang magtutulung-tulong at magpu-push na matupad ang dream ni Jayda na maging Multimedia Star.


Ang expertise ng Viva Entertainment ang sinabing rason ni Jayda to sign up with VAA, kasama na ang kagustuhang maging active sa acting habang nagpo-focus din sa kanyang music career.


And speaking of Jayda, as a singer and actress, she has the voice and the looks to make it even bigger. Plus, ang gaganda ng songs nito gaya ng Bida at Aksyon which she performed sa kanyang contract signing.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 27, 2025



Photo: Alden Richards - IG


Pati pagkarga ni Alden Richards ng baby, na-bash dahil ginagaya raw nito sina Kim Chiu at Paulo Avelino. 


Sagot ng mga fans ni Alden, hindi sila aware na naka-copyright pala kina Kim at Paulo ang pagkarga ng baby, lalo na kung inaanak. Dahil ginawa na ng KimPau, bawal nang gawin, lalo na kung si Alden ang may karga ng baby kahit inaanak nito?


Nakita kasi si Alden sa isang mall na may itinutulak na stroller at sa isang photo, may karga siyang baby. Nakita ‘yun pati ng mga bashers ng aktor at doon na nag-comment na ginagaya nito ang KimPau.


Magkakaibigan sina Alden, Kim at Paulo at ang mga ganitong comments ay hindi makakatulong sa 3. Mabuti na lang at dedma sa mga ganitong comments ang magkakaibigan at mabuti rin, may mga fans ang KimPau na hindi ganito ang mindset na iniisip na ginagaya ang bawat kilos ng KimPau.


Tuloy ang friendship ng 3 at last week, sama-sama silang nagbisikleta at pagkatapos noon, sama-samang kumain sa restaurant na pag-aari ng friend nila na nakakasama sa pagtakbo at bisikleta.


And speaking of Alden, ipinasilip nito ang studio ng dance reality series na Stars On The Floor (SOTF) na kanyang iho-host sa GMA-7. Malaki ang studio at parang arena at mala-concert hall ang datingan. Ipinagmamalaki ni Alden Richards ang makakasama niyang dance authorities na magsisilbing judges ng contestants na mga celebrities.



Sa mga nabasa naming comments, lahat ay agree sa ginawa ni Lotlot de Leon to consult a lawyer at ang Estur & Associates Law Firm na ang hahawak o sasagot sa mga isyu na maglalagay kay Lotlot in bad light. Dahil ito sa mga usap-usapan dala ng pagpanaw ng mom ni Lotlot na si Nora Aunor.


May mga binanggit ngang pangalan ang mga Noranians na unahing kasuhan ni Lotlot at kanyang mga kapatid dahil patuloy na sinisira ang pangalan ng Superstar kahit wala na ito.


Special mention ng mga fans ang vloggers na ginagawa raw content ang buhay ni Nora at buhay na rin nina Lotlot at kanyang mga kapatid.


Samantala, madamdamin ang post nina Lotlot at Matet de Leon sa 40 days ni Nora. Sama-sama silang magkakapatid sa puntod ng mom nila at kasama pa ni Lotlot ang mga anak at mga pamangkin kina Matet at Ian de Leon.


Binalikan ni Lotlot ang paalala ng ina sa kanila ni Matet na “Magmahalan kayong lima, ha?”


“Ma, hanggang ngayon, ‘yang bilin mo—susundin at isasabuhay namin. Sure na sure naman ‘yan,” pangako ni Lotlot.


Binanggit din ni Lotlot na ipinaayos nila ang puntod ng mom nila, makikitang pinalagyan nila ng grass, naka-semento ang gilid at may tombstone na ang nakasulat ay “Mommy.”



NAKAKATUWA ang mga fans ng South Korean actress na si Song Hye Kyo na na-meet ni Anne Curtis sa Korea. Sana raw, imbitahan ni Anne si SHK na bumisita sa Pilipinas at siguradong matutuwa ang marami nitong mga Pinoy fans.


Hindi na nabanggit ni Anne kung paano sila nagkita ni SHK at ngayon nga, they follow each other in Instagram (IG). Ipinost pa ni SHK sa IG Stories nito ang photo nila ni Anne kasama si Bryan Boy. 


Naaliw lang kami dahil napagkamalan ng isang netizen si Bryan na si Erwan Heussaff daw, ang husband ni Anne. Nag-comment ito na hindi bagay kay Erwan ang blonde hair, eh, hindi naman si Erwan ‘yun.


Anyway, photoshoot pa lang nina Anne, Joshua Garcia at Carlo Aquino ang ipinost ng ABS-CBN para sa adaptation ng It’s Okay To Not To Be Okay (IONTBO), excited na ang mga fans. Bukod sa maganda ang story ng Korean drama, maganda rin daw ang casting ng Philippine adaptation.


Humihingi na ng trailer ang fans at dalian na raw ng Kapamilya channel ang airing ng series dahil nami-miss na nila si Anne. 


Looking forward din sila sa kanilang tatlo nina Joshua at Carlo and of course, sa atake ng ABS-CBN sa adaptation ng series.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page