top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | June 14, 2025



Photo: Shuvee at Gerald - PBB - YT


Si Gerald Anderson ang sumunod kay Barbie Forteza na houseguest sa Bahay Ni Kuya at na-call out siya ng isang fan nina Kim Chiu at Paulo Avelino. Ang kasalanan ni Gerald, nabanggit niya ang pangalan ni Kim na hindi maiiwasan dahil nagsabay sila sa Pinoy Big Brother (PBB), nagkarelasyon at nag-break.


Pakiusap ng KimPau fan, huwag na raw babanggitin ni Gerald si Kim dahil matagal nang tapos ang relasyon nila. Saka, masaya na raw si Kim sa piling ni Paulo. Ipinagtanggol si Gerald ng kanyang mga fans dahil wala naman daw masama sa ginawa nito at nabanggit lang si Kim na hindi maiiwasan.


Hopefully, hindi ma-call-out si Gerald ng mga fans naman nila ni Julia Barretto dahil napansin at pinuri ang beauty at husay sumagot ng housemate na si Shuvee Etrata. Beauty and brains daw ang Sparkle GMA artist na hindi lang maganda, magaling pang sumagot.


Nabanggit kasi ni Shuvee ang rason kung bakit Angat Buhay ang napili nilang charity. Napahanga si Gerald sa paliwanag nito, kaya tinanong si Shuvee kung beauty queen dahil mahusay sumagot at stunning ang looks.


“Oo,” ang sagot ni Shuvee at “Sabi na, eh,” ang reaksiyon ni Gerald. Kinilig ang ibang housemates ng PBB Celebrity Collab Edition para kay Shuvee dahil napansin siya ni Gerald.


Sana lang, walang mang-bash kay Shuvee at walang rason para siya ay ma-bash dahil itinanggi ni Gerald Anderson na hiwalay na sila ni Julia Barretto. 

Napansin lang naman si Shuvee Etrata ng aktor at walang masamang ibig sabihin ‘yun.



Super inlabey… VINCENT, CHUBBY NOON, MACHO NA NGAYON DAHIL KAY BEA


TAMA ang hula ng mga netizens, si Vincent Co nga ang special guest sa Warehouse Sale ng The Bash Grocer organized ni Bea Alonzo and her Bash Manila Team. 


Sa photos na naglabasan, magkatulong ang dalawa na nag-welcome sa mga customers na lalong nag-enjoy mag-shopping dahil nakita nila sina Bea at Vincent.


Kulay green ang venue pati shelves, at ang comment ng marami ay Puregold-inspired ang venue ng sale na okey lang siguro kay Vincent. 


Ang daming mabibili sa sale na ‘yun, may fruits, veggies, fresh flowers at Bash Manila products.


Sa nakita naming photos, madalas nakatingin kay Bea si Vincent, bagay na ikinakilig ng mga fans. May nag-comment tuloy na sa tingin pa lang ni Vincent at sa ganting tingin ni Bea, obvious daw na in love ang dalawa na nagpakilig sa mga fans.


Nakakatuwa rin ang comment na kung dati, medyo chubby si Vincent, ngayon ay macho na. Inspired daw ito at in love, kaya may effort na magpa-fit. Ang dasal ng mga fans ni Bea, si Vincent na ang kanyang maging forever at sana, sa kasal mauwi ang relasyong ito.


SUPORTADO ni Sam Verzosa ang karakter ng girlfriend na si Rhian Ramos sa Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) pati na siguro ang pagiging kontrabida ng role ng nobya.


May post si Sam ng photo nila ni Rhian na suot ng aktres ang “royal gown” niya sa Sang’gre at may caption na: “MITENA, Reyna ng Nyebe. Congratulations boo @whianramos proud of you always.”


First super kontrabida role ito ni Rhian, kaya ibinigay na raw niya ang lahat. Pero may rason kung bakit naging evil si Mitena at malalaman kapag .napanood na ang Sang’gre sa GMA-7. 


Dahil mahal ng kanyang mga fans si Rhian, hindi pa man umeere ang fantaserye at hindi pa man napapanood ang kasamaan ni Mitena, may mga nagpauna na ng pagsasabing hindi nila magagawang magalit sa aktres at sa karakter nito. Ang dapat daw sisihin ay ang mga magulang ni Mitena na ginagampanan nina Wendell Ramos at Maxine Medina.


Sa tanong kung ano ang best part sa kanya sa pagganap na kontrabida, sagot ni Rhian, challenge sa kanya na intindihin si Mitena, pero dahil sa pagiging super bad nito, lalo siyang na-encourage na tanggapin ang fantaserye.


Saka, nag-enjoy din tiyak si Rhian dahil sa maraming cast ng Sang’gre, siya ang may pinakamaraming costumes. Mga pasabog ang costumes niya, gaya nitong royal gown na suot niya na hanggang bewang ang slit. Naghulaan nga kung may suot na underwear ang aktres sa mediacon.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 13, 2025



Photo: Mikee Quintos at Heaven Peralejo - IG


Binigyan ng double meaning ng mga nakabasa ang “Happy Independence Day” caption nina Mikee Quintos at Heaven Peralejo sa reels post nila habang sila’y nasa beach. 


Pareho kasing break na ang dalawa sa kani-kanilang boyfriend at para raw sa kani-kanilang ex ang nasabing caption.


Inamin na ni Mikee na break na sila ni Paul Salas. Sa kaso ni Heaven, wala pang kumpirmasyon na break na sila ni Marco Gallo. Napansin lang ng mga fans na deleted na ang photos nila sa Instagram ng aktres at ang natira na lang ay videos ng endorsement nilang dalawa.


Sa Siargao pala nagpunta sina Mikee at Heaven at may mga nagulat na friends pala sila. Akala ng mga fans, random lang ang pagko-comment ni Heaven na ‘maganda’ sa post ni Mikee tungkol sa mediacon ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS)


Comment ng mga fans, parang hindi galing sa breakup sina Mikee at Heaven dahil sobra silang nag-enjoy mag-swimming. Kasama nilang pumunta sa Siargao ang make-up artist nila na naging daan din yata para magkakilala ang dalawang aktres.


Speaking of Mikee, natuwa ito na hanggang ngayon, marami pa rin ang nagmamahal sa karakter niyang si Lira sa Encantadia. Excited ang mga fans sa pagbabalik nila ni Kate Valdez at inaabangan na ang mga gagawin nilang pagpapasaway at kakulitan sa Encantadia.


Mala-Julie Andrews na raw… SHARON, AYAW PANIWALAANG ‘DI NAG-TAKE NG GAMOT KAYA PUMAYAT


AYAW tigilan si Sharon Cuneta sa isyung nag-take siya ng Ozempic kaya pumayat at kahit ilang beses na itong itinanggi ni Mega, may makukulit na ‘yun pa rin ang pinaniniwalaan. May nadagdag pa nga sa listahan ng medicine na diumano’y ininom nito para pumayat.


May nag-comment na kung hindi Ozempic, baka Wegovy o Mounjaro raw ang ininom ni Sharon. 


Dahil hindi kami familiar sa mga nasabing medicines, nag-Google kami at nalamang parehong for weight loss ang dalawang gamot. Kaya lang, itinanggi na ni Sharon ito at siya ang paniwalaan natin.


Sey nga ng fan ni Sharon, hindi nagsisinungaling ang aktres. Kahit ma-bash pa siya, ang totoo lang ang kanyang sinasabi. 


“‘Yung skin and breast reduction nga, inamin n’ya,” sey ng fan, na totoo naman.

Ipinakita pa nga ni Sharon ang scar sa arms niya nang magpa-skin reductions siya, kaya kung nag-take man ito ng weight loss pills, sasabihin din for sure. 


May mga naiinggit lang siguro sa kanya na pumayat na siya, samantalang sila ay hindi pa.


Anyway, ang payo naman ngayon kay Sharon ay huwag masyadong magpapayat. Mas maganda pa rin daw ang may konting laman. 


Curious tuloy kami kung ano ang weight ni Sharon ngayon at kung ano ang waistline niya. Saka, kung ano ang sinusunod niyang diet at ilang calories a day ang intake niya.


Well, naaliw pala kami dahil ikinumpara si Sharon sa Hollywood actress na si Julie Andrews. Sinuman ang kamukha ni Sharon, masaya siya sa kanyang pagpayat at ‘yun ang importante.



PALALAKASIN pa lalo nina Luis Manzano at Alden Richards ang sales ng Rebisco crackers dahil dalawa na silang endorsers nito. 


Si Luis ang original endorser at kasama na niya ngayon si Alden.

Sa renewal ng contract ni Luis, isinabay ang pagpirma ng kontrata ni Alden, kaya nagkita ang dalawa. 


Kabilang si Luis sa mga nag-welcome kay Alden at nabanggit nito na pamilya ang kanyang sinamahan. Masaya ang contract signing ng dalawa dahil sa pagpapatawa ni Luis.


May mga humihirit na nga na i-guest ni Luis si Alden sa kanyang vlog para mas matagal ang kanilang kuwentuhan. 


Ang request naman kay Alden ng mga fans ni Luis, yayain niyang tumakbo ito para ma-experience kasabay ng ibang runners.


Ngayong tapos na ang eleksiyon, magbabalikan na siguro ang ibang endorsement ni Luis na natigil noong pumasok siya sa pulitika.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 12, 2025



Photo: Carla Abellana - IG


May sagot si Carla Abellana sa isyung baog siya at inakala siguro ng mga netizens na ‘yun ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez. 

Comment ng netizen, “Pangit kasi ugali ni Carla, baog pa.”


Ipinost ni Carla sa Instagram ang comment na ‘yun at saka sinagot ng: “To set the record straight and (please lang, sana naman) for the last time, HINDI PO AKO BAOG. Saan n’yo po napulot ‘yan at bakit ginagawa n’yo po akong baog sa buhay at kuwento n’yo?


“Hindi rin po ako MENOPAUSE/MENOPAUSAL. Mag-39 pa lang po ako in 2 days, hindi po yata posible ‘yun? Bigyan n’yo pa po siguro ng mga 12 to 15 years. Nakakaloka kayo.

“P.S. Hindi rin po masama ugali ko.”


Dapat talaga ay sinasagot ang mga ganitong balita dahil marami ang naniniwala. Saka, ang alam namin at open naman si Carla, nagpa-freeze siya ng egg at sa tamang panahon, puwede siyang magka-baby. Bakit ba siya minamadali?


And speaking of Carla, ang ceramics at pottery ang bago niyang passion after candle and soap making. Hindi siya nawawalan ng gagawin habang in between TV series and making movies. 


Napapadalas din ang pagho-host niya sa mga events kung saan nag-e-enjoy ang aktres.



BIGLANG nawala si Gabbi Garcia sa mediacon ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS). Pagkatapos siyang ipakilala bilang si Alena sa 2016 version ng Encantadia, nawala na siya. 


May mga nag-comment na ‘missing in action’ (MIA) na naman siya gaya nang nangyari sa Encantadia na may ilang eksena na wala siya.


Sey ni Gabbi, “Sorry na kailangan ko mag-shoot ng PBB updates. Hihihi! avisala (paalam).”

Hindi tumigil sa sagot ni Gabbi ang mga fans at binalikan nila na ilang eksena ang wala siya sa Encantadia noon. Ibig daw sabihin, consistent siya sa pagiging MIA.


Aniya, “Okay, let me answer this once & for all. I wasn’t MIA just because I was absent. As we all know, the story took a different direction + I was a minor so may adjustments talaga. TBH (to be honest) 17 year old me was begging to be on set. I had a major FOMO (fear of missing out) ‘pag wala akong taping. So no, ‘di lang dahil ‘absent’ ako. Hahaha!”


May humirit pa na nakadagdag sa pagiging MIA ni Gabbi sa ECS ang endorsement shoots niya at may kinunan pa sa ibang bansa. Nilinaw din ni Gabbi ang tungkol dito.


Paliwanag niya, “Dear, I literally had 1 major endorsement shoot that time. ‘Yung Pantene, shot in Australia. I was just out for 6 days. Jusko! nagsisimula pa lang ako nu’n kaya 1 pa lang major endorsement ko. Nagkaroon ako ng shoots AFTER Enca because of its success (smiling emoji). That was it. The storyline CHANGED (smiling emoji).”


Sa huli, sey ni Gabbi, “I hope that clears things out. Hehehe! Goodnight from my 17 year old self.”


Samantala, nabanggit ni Gabbi na kahit matagal na nilang ginawa nina Sanya Lopez at Glaiza De Castro ang Encantadia, hindi pa rin nagbago ang friendship nila.


“Kahit may mga nag-iba sa buhay namin, nanatili ang bonding namin. The sisterhood is irreplaceable. We have a low maintenance friendship, kahit hindi kami nagkikita, friends pa rin kami at ‘pag nagkikita kami, walang nagbago,” wika ni Gabbi.

Muling mapapanood si Gabbi sa Sang’gre bilang si Alena. 


Mula sa direction nina Enzo Williams at Rico Gutierrez ang hinintay ng Encantadiks na pagbabalik ng favorite nilang iconic fantaserye.



MARAMI ang nag-like sa Instagram (IG) post ni Yasmien Kurdi tungkol sa magandang balita niya sa eldest nila ng asawang si Rey Soldevilla na si Ayesha na nakaranas ng bullying sa kanyang former school.


Pahayag ni Yasmien, “We’re so happy to share that Ayesha has now been given clearance by her child psychologist and, in coordination with the new school’s counseling office, she’s ready to return to a bigger school environment.


“The new school’s motto—‘Here, Change Begins’— resonates deeply with us that every child deserves a fresh start in a supportive, safe space. 


“We’ve been assured that Ayesha, along with every student, will be nurtured and protected. God is good, and we’re so grateful she’ll be in good hands this time. #HereChangeBegins #NoToBullying.”


Sa picture ni Ayesha, green t-shirt ang suot nito at green din ang pintura ng school kung nasaan ito. Nahulaan agad na sa La Salle na mag-aaral ang anak ni Yasmien Kurdi.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page