top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | June 27, 2025



Photo: Sarah Lahbati - IG


Tsinek namin ang Instagram (IG) ni Sarah Lahbati para malaman ang reaksiyon ng mga netizens sa pagkaka-link niya sa anak nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Representative Yedda Romualdez na si Ferdinand Martin Marty Romualdez.


So far, wala namang violent reactions sa kanyang Instagram (IG) page at hindi naman siguro ipini-filter o idine-delete ni Sarah ang mga nega comments. 


Wala ring bashing kaming nabasa at ang comment lang na parang tungkol sa isyu ay “I hope the rumors aren’t true. You don’t want to involve yourself with a... hay!” 


May nag-comment pa ng “Sad days are over,” at sinamahan ng red heart emoji.

Sa ibang site, maraming comments ang mga netizens tungkol sa love life ni Sarah. Ang daming invested, hindi pa nga kumpirmado kung sila na ni Marty o nanliligaw pa lang dahil walang nagsasalita sa kanila mula nang lumabas ang balita.


Isyu sa mga netizens na younger daw kay Sarah si Marty at pati ang pagiging mayaman nito as compared kay Sarah. 


Isa pang isyu ay ang pagiging politician ni Marty at pati ang pamilya nito, pinoproblema ng mga tao kung makakapag-adjust si Sarah. 


Ikinukumpara rin si Sarah sa ex ni Marty na si Rocio Zobel na galing sa angkan ng mga Zobel at anak nina Iñigo Zobel at Maricris Cardenas-Zobel. 


Wala namang kinalaman si Sarah sa breakup nina Marty at Rocio.

Marami rin ang positive comments kay Sarah, siya raw ang nilapitan ng guy.


Saka, deserve rin niyang maging masaya at walang masama kung may bago siyang pag-ibig na nagpapasaya sa kanya.


Anyway, nasa Paris pa yata si Sarah, pero hindi nakalimutang i-promote ang Bad Genius: The Series (BGTS). Kasama siya sa cast ng series na tampok sina Atasha Muhlach, Hyacinth Callado, Gab Lagman at Jairus Aquino, directed by Derick Cabrido.



NASA Switzerland sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa reels video na ipinost ng aktres. 


Sa Zurich nila itutuloy ang taping ng Sanggang Dikit FR (SDFR), at kasunod nito, lilipad sila pa-Dubai para mag-taping pa rin at makipagkita sa mga Pinoy doon.


Sa isang post ni Jennylyn, may disclaimer siya na ‘#justforfun #goodvibesonly’ para sa mga magre-react sa reels kung saan hinayaan niyang tumakbo ang stroller na sakay ang anak na si Dylan dahil busy si Jennylyn sa pagpi-picture sa kanyang paligid habang nasa Milan, Italy sila.


Obvious namang may nakaabang kay Dylan at hindi niya ito hahayaang maaksidente. Kaya nga nila isinama ni Dennis ang anak sa trip nila abroad dahil ayaw nilang maiwan dito ang bata na malulungkot daw. 


Ang napansin ng mga netizens, mabilis lumaki si Dylan at maganda siyang bata. Kaya ang payo kina Jennylyn at Dennis, mag-anak pa sila at paramihin ang kanilang lahi. Sayang daw kung isa lang ang kanilang anak, kaya dagdagan pa nila para may kapatid pa sina Dylan, Jazz at Calix.


Samantala, totoo nga ang sinabi nina Jennylyn at Dennis na maaksiyon ang SDFR dahil mula pilot hanggang sa episode kagabi, ang daming action scenes agad ang napanood. 


More to come pa raw, kaya tutok lang sa GMA-7.



WALA nang pag-asang manalo sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition si Shuvee Etrata dahil na-evict sila ni Klarisse de Guzman at hindi na nga nakasama sa Big Four.


Pero, sa dami ng blessings na dumarating kay Shuvee, para na rin siyang mananalo.

May endorsement na si Shuvee at madaragdagan pa dahil mainit siya ngayon at maraming supporters. 


Makakadagdag din sa exposure niya ang pagho-host sa Unang Hirit (UH) at aabangan siya sa Sang’gre.


Paborito ng tao si Shuvee at patunay nito ang mabilis na pagtaas ng mga followers niya sa Instagram (IG), TikTok (TT) at iba pa niyang socmed (social media) account. 

Ang dami rin nitong guesting sa GMA at sa ABS-CBN at dumami ang mga fans.


Handang gumastos ang mga fans ni Shuvee sa kanya. Niregaluhan siya ng LED billboard sa EDSA at ang mahal nu’n. 


Balita ring may pagbibidahan siyang afternoon soap at may gagawing pelikula.

Pinanghinayangan ni Shuvee na hindi siya ang mananalo sa PBB na ang winner ay mag-uuwi ng P1 million. 


Sabi naman ng mga fans nito, magsipag lang siya at makakaipon din siya ng P1 M. 

Matutupad din ang dream niyang mabigyan ng bahay ang family niya para hindi na sila makitira sa lola niya.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 26, 2025



Photo: Regine V Alcasid at Vice Ganda - Instagram


Nag-uunahan na ang mga fans na makabili ng tiket para sa two-night Super Divas (SD) concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda happening on August 8 & 9. Keber kung mahal ang tiket dahil ‘yung platinum na pinakamahal ay P15,000 thousand. 

Ang pinakamura ay P500 sa General Admission.


May collab single sina Regine at Vice na SD to promote their concert and the single will be released tomorrow, Friday, June 27. 


Composed by Vice Ganda and Jonathan Manalo and produced by Jonathan Manalo and Rox Santos, magugustuhan ang song na may pasilip si Regine sa kanyang Instagram (IG).

Ipinost ni Regine ang ilang lines ng song, “It’s giving star, giving icon, giving legend, giving power! Channel your inner diva with Vice Ganda and Regine Velasquez’s collab single dropping this Friday on all streaming platforms!”


Nakakatuwa ang ibang mga fans na nagbiro na para makabili ng tiket sa concert, nag-advertise na for sale ang organ niya, from kidney, liver, lungs. Healthy daw siya at bata pa. 


Of course, nagbibiro lang ang mga fans na mas nainggit dahil may mga nag-comment na nakabili na sila ng tiket.



SABI ni Kyline Alcantara, hindi siya makukumbinse ni Barbie Forteza na tumakbo dahil ayaw niyang mapagod. Kung sasama man daw siya kay Barbie, hindi siya tatakbo na gaya ng ginagawa ng co-star niya sa Beauty Empire (BE) at ipinakita pa ang gagawin niyang pagtakbo na parang naglalakad lang.


Well, kinain din ni Kyline ang kanyang sinabi dahil last Sunday, kasabay na siya ni Barbie na tumakbo, kasama nila sina Jerald Napoles, ang fiancée nitong si Kim Molina at si Kim Atienza. Hindi nila nakasama si Alden Richards na kababalik lang from the States.


Hintayin nating tumakbo na rin si Ivana Alawi na nagsalita na rin na hindi siya tatakbo kahit niyaya ni Barbie. Bukod sa ayaw mapagod, ayaw din ni Ivana na mainitan at pagpawisan. Malay natin at mainggit siya kina Barbie at Kyline at sumama na ring tumakbo.


Speaking of Barbie, may mga na-disappoint nang aminin niya sa interview na love team at friends lang sila ni David Licauco. Inisip ng BarDa (Barbie at David) fans na more than friends na sila dahil laging sweet kapag magkasama. Kaya lang, nagpakatotoo si Barbie, alangan namang lokohin nila ang mga fans kung hindi naman talaga sila.


Ayaw din niyang magpaasa at ganu’n din si David. Ayaw lang tanggapin ng ibang mga fans na love team at friends lang sila sa ngayon. May mga fans na ang paniniwala ay may something talaga ang BarDa, at wala nang magagawa sina Barbie at David dito.



INAABANGAN ang mga kaganapan sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition at kung sino ang bubuo ng Final 4 Duos. 


Ikinatuwa ng mga supporters ng RaWi Duo nina Ralph de Leon at Will Ashley na sila ang nakapasok sa second slot ng Big 4 nang manalo sa first big jump challenge. Napasigaw si Ralph nang i-congratulate sila ni Kuya at si Will naman, napaluhod at naiyak pa. 


Nang mahimasmasan, nagpasalamat ang dalawa na mapasama sa Big 4. 

Sobrang grateful at blessed at happy naman si Will dahil after ilang months, kasama sila sa duo na lalaban sa finale.


Para sa mga supporters ng RaWi Duo, deserve nila ang mapasama sa Big 4 lalo na at physically and mentally taxing ang Big Jump Challenge na ginawa nila with the other duos.


By this time, napili na ang 3rd Duo na makakasali sa Big 4 among AzVer Duo, DustBi Duo at BreKa Duo. 


Sa July 5 ang final at malalaman na kung sino sa Big 4 Duo ang mananalo ng tig-P1 million each.


Ang wish ng RaWi supporters, kapag nagtapos na ang PBB, magkaroon ng project together sina Ralph at Will. TV series man o pelikula, matutuwa sila na mapanood ang dalawa na magkasama. 


Nanawagan sila sa ABS-CBN at GMA na mag-collab ng projects for the PBB housemates na tiyak daw na maghi-hit.



 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 25, 2025



Photo: Alden Richards - IG


“Sakses” ang shoutout sa social media ni Alden Richards sa Cathay Pacific dahil sa damage sa kanyang Colnago bike. 


Sumagot ang airline sa pagko-call out sa kanila ng aktor at sa panawagan nito na, “Please do something about this,” at ipinakita ang damaged part ng bike.


Sagot ng Cathay Pacific kay Alden, “Thank you for contacting us, Mr. Richards. We are really sorry to hear about what has happened and appreciate you bringing it to our attention.”

Sinundan ‘yun ng “Please be assured that your concerns are taken seriously. If this incident has already been reported at the airport, kindly refer to your email for our response.”


Hindi lang si Alden ang nag-call out sa Cathay Pacific, pati ang mga fans ng aktor, at nakabantay sila sa update at sa gagawin ng airline sa nasirang mamahaling Colnago bike ni Alden. 


Araw-araw daw nilang kakalampagin ang Cathay Pacific hanggang hindi naaaksiyunan ang reklamo ni Alden. Dapat daw bayaran ng airline si Alden.


May mga nag-comment naman na dapat hindi sa social media nagreklamo si Alden dahil masisira raw ang Cathay Pacific. Mas marami lang ang nag-agree sa ginawa ng aktor dahil kung hindi siya nag-post, hindi magiging mabilis ang sagot ng airline.


May mga nag-comment pa na kapag celebrity ang nagreklamo, ang bilis ng aksiyon, pero ‘pag ordinaryong mamamayan ang nagreklamo, hindi pinapansin. Kung pansinin man, matagal ang aksiyon. Kaya agree sila sa ginawa ni Alden na sa socmed nag-shoutout at nagsumbong.



ANG CharEs nina Charlie Fleming at Esnyr ang first official duo na nakapasok sa Big Four ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, bagay na ipinagdiwang ng kanilang mga supporters. 


Deserving daw ang dalawa na mapabilang sa Big 4 at kahit manalo, deserving sila. Sila ang ibinoto ng Duo Challengers at Final Duos.


Naalala pa ng mga fans ng PBB ang usapan nina Charlie at Esnyr.


Sabi ni Esnyr, “Wala tayong family na handang magbagsak ng 1 million for us,” na sinagot ni Charlie ng “Gets ko ‘yan.” Sumagot uli si Esnyr ng “Heto na lang talaga ‘yung miracle.”


Nasundan ‘yun ng sinabi ni Esnyr na, “Hindi ko alam if may gagastos ba sa atin as much as they do... alam mo ‘yung parang kung money usapan, wala na talaga ako d’yan.” 


Sumagot si Charlie ng “Same. Lugi tayo d’yan.”

Well, tinulungan ang CharEs Duo ng Duo Challengers at Final Duos, mga evicted na kasama nila sa PBB, na mapasama sa Big 4. 


Nasa suporta na ng kanilang supporters kung iboboto sila para manalong duo sa final night ng PBB.


Pagkatapos pa lang ng Monday episode ng PBB, nagsimula nang mangampanya ang mga supporters nila. Gusto nilang manalo at tulungan ang dalawa para na rin sa kani-kanyang pamilya.


Si Charlie, 16 years old, ay breadwinner mula nang maghiwalay ang parents. Si Esnyr, nabanggit na may utang ang kanyang pamilya na gusto niyang bayaran.


Malaking bagay ang mapapanalunan nilang P1 million each kapag sila ang itinanghal na Big Winner Duo. Saka, win or lose, the mere fact na galing sila sa PBB, tutulungan ng Sparkle at GMA Artist sina Charlie at Esnyr at maging ng ABS-CBN para mas sumigla ang career nila at magkaroon ng more projects.



HANDA nang umiyak ang mga nakapanood ng teaser ng Star Cinema movie na Meet, Greet & Bye (MGB). Kahit voice over pa lang ni Maricel Soriano ang naririnig at boses nina Joshua Garcia, JK Labajo, Belle Mariano at Piolo Pascual na tumatawag ng “Mama” o “Ma,” may kirot na raw sa puso.


Bukod sa voice over, old and younger photos ng cast ang makikita sa teaser. Pero sapat na ‘yun para maantig ang puso ng mga netizens. 


Kaya kahit “soon” at wala pang exact date na binanggit sa playdate ng movie ni Director Cathy Garcia-Sampana, nagkaisa na ang mga fans na manonood sila ng movie. 


Maghahanda rin daw sila ng tissue at panyo dahil tiyak na iiyak sila habang pinapanood ang pelikula.


Nabasa namin na ang MGB ang first movie ni Maricel sa Star Cinema in 12 years. Ang last movie niya ay In His Mother’s Eyes (IHME) noong 2023 kasama sina LA Santos at Roderick Paulate, produced ng 7K Entertainment at sa direksiyon ni FM Reyes.


Waiting na rin ang mga fans sa susunod na teaser na sigurado raw na mapanakit uli at the same time, gugustuhin nilang mapanood na. 


May mga requests na rin na si JK Labajo ang pakantahin ng OST (official soundtrack) ng movie at puwede raw may version din sina Belle Mariano at Piolo Pascual.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page