top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | July 16, 2025



Image: Alden Richards - Reels / Circulated / Yes Mag



Kahit si Alden Richards, hindi in-expect na magiging hit at magiging viral ang ‘dila pose’ niya na ginawa sa photoshoot ng isang magasin noong 2018 pa. 


May nakahalungkat ng old photo na ‘yun, ipinost at naging viral.

Ang daming gumaya kay Alden — matanda, bata, babae, lalaki at siyempre, mga beki. Pati mga celebrities, naki- ‘dila pose’ na rin sa pangunguna ni Stell Ajero ng SB19 at members ng BINI. 


May mga K-pop stars at Chinese celebrities na nag-post na rin ng dila pose at hindi yata sila aware kung saan nag-originate ito, basta pose lang sila nang pose at nagba-viral naman.


Pati si President Bongbong Marcos, natawa sa dila pose na ginawa ng mga estudyante na nasa likuran niya habang siya’y nagsasalita. 


Sa tuwa ni Pangulong Bongbong, ipinahanap ang mga estudyante na hopefully, na-meet niya.


Sabi ni Alden, “Whatever serves the pop culture of the Philippines and sa ikakasaya ng lahat, of course support tayo d’yan.”


May 2025 version si Alden ng kanyang ‘dila pose’, pero sabi ng mga fans, iba pa rin ang original. Sa bagong version daw, hindi masyadong inilabas ng aktor ang kanyang dila, eh, sa original version, buong dila na yata ang kanyang inilabas.


Speaking of Alden, curious ang mga fans nito kung saang lugar siya magpapatayo ng bahay at kung para na ba sa magiging pamilya niya o nagsawa na siya sa condo living at sa bahay naman gustong tumira. 


Nalaman lang ang pagpapatayo niya ng bahay dahil sa post ng interior designer na si Patrick Henri Caunan.


Ipinost nito ang pagkikita at meeting nila ni Alden para sa ipapagawa nitong bagong bahay. 


Hindi pa man nagagawa, excited na ang mga fans at may request na ng house tour.


Samantala, magre-resume ang airing ng Stars On The Floor (SOTF) hosted by Alden this Saturday. Hindi napanood ang dance reality show last Saturday to give way sa anniversary special ng GMA Network.



B-day treat ng businessman sa GF…

BEA AT VINCENT, HOLDING HANDS SA BAKASYON-GRANDE SA JAPAN



Dahil sa mga kababayan natin na mahilig sa showbiz, nalaman na nasa Japan si Bea Alonzo at ang boyfriend nitong si Vincent Co. 


Post ng isang Pinay, nakita niya sa Ginza ang dalawa, sa isang mall at magka-holding hands habang naglalakad. 


Sabi pa ng nag-post, guwapo si Vincent at mukhang mabango. Bea naman daw looks gorgeous.


Nagpasalamat ang mga fans ni Bea sa impormasyon, hindi na rin sila maggu-Google para malaman kung saan pumunta ang dalawa. 


Ang last na nabalitaan sa kanila ay nang makita sa airport noong paalis sila at pinansin na wala silang suot na face mask, kaya hindi nahirapang kunan ng picture.

Pinansin din na maraming bagahe sina Bea at Vincent nang umalis at feeling ng mga netizens, magtatagal sila sa kanilang bakasyon. 


Parang birthday celebration daw ni Vincent ang Japan trip nila ni Bea dahil birthday nito bago sila lumipad pa-Japan. Si Vincent daw ang may birthday, pero siya ang nag-treat kay Bea ng bakasyon sa Japan.


‘Power couple’ ang tawag kina Bea at Vincent at bagay daw sa aktres ang businessman na sa kilos at sa kanilang mga lakad, ipinapakita ni Vincent na he is leading the way. Makikita rin na hinahayaan ni Bea na i-lead siya ni Vincent na nagpapakita ng respeto at pagmamahal niya sa boyfriend.



FINALE week na this week ng Afternoon Prime series ng GMA na Mommy Dearest (MD) na isa si Camille Prats sa mga bida. 


Sa isang post sa Instagram (IG), nagpasalamat ang aktres sa pagtanggap ng mga viewers sa kanya at sa ginampanang karakter ni Olive. Iba raw ang nasabing karakter dahil hindi siya mabait at hindi siya inaapi.


Kaya lang, last teleserye muna ito na gagawin ni Camille at malalaman ang rason nito kung bakit hindi muna siya tatanggap ng project na gaya nito.


Aniya, “Playing Olive breathed a new life into my passion for acting. I’m truly grateful to have explored this different side of my creativity. This project is especially close to my heart as I’ve decided to take a break from doing series for now, to devote more time to my growing children and family. Turns out, hindi ko pala kayang hatiin ang katawan ko—and while I deeply love what I do and remain incredibly grateful for the support you’ve shown this project, I’m being called to be a wife and mom first.


“Thank you all, from the bottom of my heart. Hanggang sa muli. Olive Caparas, signing off.”

Marami ang nalungkot sa desisyong ito ni Camille and at the same time, pinuri siya dahil mas inuna at binigyan ng priority ang kanyang pamilya, ang pagiging misis at ina.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 15, 2025



Image: Kathryn Bernardo - IG



May paayuda na mga photos si Kathryn Bernardo sa kanyang mga fans sa bakasyon nito sa Australia. Ini-repost nito ang post ng friend niyang si Arisse na siyang binisita niya.


Sa unang photo, makikita si Kathryn na nakaupo sa sofa habang may white dog na nasa harap niya. Ang overlay text sa post ay “Lulu, mind auntie!! She’s back @bernardokath.”


Sa isa pang photo, magka-holding hands na naglalakad ang magkaibigan na parehong nakangiti. Ibig sabihin, masaya sila sa muli nilang pagkikita. 


Nagpapasalamat ang mga fans ng aktres sa friend niya dahil may update sila kay Kathryn na mukhang hindi pa raw sinisipag mag-post ng photos.


Dahil nabalitang magkasamang lumipad pa-Australia sina Kathryn at Lucena Mayor Mark Alcala, hinanap ng mga fans ang alkalde. Nasaan daw ito at bakit wala siya sa dalawang photos ni Kathryn?


Sagot ng fan, hindi naman talaga magkasama sina Kathryn at Mayor Mark, ginawan lang ng isyu ng mga netizens nang makita ang in-upload na photos ng dalawa ng isang

airport staff. Pinalabas na sabay umalis ang dalawa gayung hindi naman.


Well, nakaabang ang mga fans ni Kathryn sa mga susunod na photos na paayuda niya sa mga fans na ang wish ay sipaging mag-post ang aktres na kanilang nami-miss.


‘Di raw magdyowa… BARBIE AT JAMES, 2X NANG NAGHO-HOLDING HANDS SA FUN RUN


ANG mga fans na ang nag-isip ng isasagot ni Jameson Blake kapag natanong sa photos nila ni Barbie Forteza na magka-holding hands sa ginanap na Aqua Run 2025 sa Filinvest City, Alabang, Muntinlupa City noong Sunday.


Para raw hindi na mahirapan ng isasagot ang aktor, sabihin niyang inalalayan niya si Barbie para hindi madulas. 


Naging madulas kasi ang finish line ng fun run dahil sa bubbles. 

Sa Cabalen Fun Run kung saan una silang nakita na holding hands, ang paliwanag ni Jameson, inalalayan lang niya si Barbie dahil marami ang nagpapa-picture.


Sa last Sunday fun run, inalalayan naman ni Jameson si Barbie dahil baka madulas nang paliguan ng bubbles ang mga participants, eh, may pagka-lampa pa naman ang aktres. 


Kaya lang, pati pagho-holding hands ng magkaibigan, binigyan ng meaning ng mga netizens. Holding hands lang daw ‘yun ng magkaibigan dahil hindi nakapasok ang mga daliri nila sa kani-kanyang kamay.


Kaya alam na, kapag nag-holding hands na sina Barbie at Jameson na nakapasok ang mga daliri nila sa kanilang mga kamay at kapag iba na ang diin ng pagho-holding hands nila, baka nasa ligawan stage na sila. Marami pa naman yata silang fun run na dadaluhan, kaya abangan.


Samantala, tumakbo rin sa nasabing fun run ang magdyowang Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Ang sweet ng dalawa at pansin na laging nakaakbay si Derrick sa GF. Very proud ang aktor sa first run ni Elle at pinasalamatan si Barbie Forteza sa paggising daw sa kanila.



CONSISTENT naman sa pagiging sweet sina Sue Ramirez at Dominic Roque at halos hindi na sila naghihiwalay. Lagi na nga silang magkasama at mukhang masaya nga sila sa kanilang relasyon.


Mas nae-excite tuloy ang DominSue (Dominic at Sue) fans nila sa pag-aabang sa mangyayari sa kanilang birthday.


Parehong sa July 20 ang birthday nina Dominic at Sue at feeling ng mga fans, joint birthday party ang mangyayari. 


Mas masaya nga naman kung sabay nilang ise-celebrate ang kanilang birthday at mas sasaya pa kung may marriage proposal na magaganap.


May mga hindi lang masaya sa relasyon ng dalawa at ikinukumpara ang relasyon nila sa kani-kanyang ex. Sinaway tuloy ng mga fans ng dalawa ang mga gustong manira ng masayang araw ng mga kinikilig na fans.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 14, 2025



Image: Cristine Reyes - IG



Binigyan ng mga netizens ng title si Cristine Reyes dahil sa balitang may bago siyang boyfriend. Ang aktres daw ang ‘Patron Saint ng Babaeng Mabilis Makapag-Move On’. 

Kamakailan lang daw nabalita ang breakup nila ni Marco Gumabao, heto at pumapag-ibig na uli siya.


Hindi negative kay Cristine ang nagbigay ng title, pinuri nga siya sa bilis makapag-move on at pinuri rin na tahimik ang breakup nila ni Marco. Walang nagsalita sa kanila, walang cryptic post, basta idinelete na lang ang photos nila sa kani-kanyang Instagram (IG). 


Hanggang ngayon nga, silang dalawa lang at mga close sa kanila ang nakakaalam kung bakit sila naghiwalay.


Marami rin ang nagtanggol kay Cristine, wala raw masama kung mabilis siyang naka-move on at may kapalit na si Marco. Bakit daw patatagalin pa ang pagiging heartbroken kung may darating naman na bagong pag-ibig?


Ang bagong pag-ibig ni Cristine ay si Atty. Gio Tingson, graduate raw sa Ateneo Law School, smart, good person, and educated. Ang tsika pa, matagal nang nanliligaw si Gio kay Cristine bago pa nag-asawa ang aktres. 


Hanggang dumating si Marco sa buhay ni Cristine at parang nawalan ng chance ang abogado na balikan siya.


This time, tila hindi na papayag si Atty. Gio na maunahan na naman siya. 

Wala pang kumpirmasyon sina Cristine at Gio kung sila na. Nauna na silang in-out ng friend ni Gio na si Raffy Magno sa pagpo-post ng photo nina Cristine at Gio with another couple. 


Ang caption ni Raffy ay “With the newest addition to our small family. Ako na lang ang walang dyowa, jusko!”


Sa IG ni Gio, ipinost nito ang photos nila ni Cristine nang pumunta sila sa Vietnam at may 3 solo pictures ng aktres na nag-e-enjoy at may photos na silang dalawa lang. 

Tama ang mga netizens, they look good together.



HINDI na mabilang ni Dingdong Dantes kung naka-ilang block screenings at special screenings na ang movie nila ni Ms. Charo Santos-Concio na Only We Know (OWK). Tinanong namin ito kung pang-ilang block screening na ng movie ni Direk Irene Villamor ang bigay ng mWell, ang first fully integrated health and wellness app.


“Hindi ko na mabilang sa dami. May special screening pa sa ibang bansa,” sagot ni Dingdong.


Nagpasalamat naman si Charo sa mga um-attend ng block screening. 

Aniya, “I hope that you will also enjoy the movie, just as much as we had a wonderful time filming it.”


Ang ganda ng kuwento ng OWK tungkol sa friendship at kung paano nakatulong ang friendship nina Betty (Charo) at Ryan (Dingdong) sa pinagdaraanan nilang problema. 


Bitin lang kami sa ending, gusto sana naming malaman kung saan pa pupunta ang special friendship nina Betty at Ryan na kahit may age gap, masaya sa kanilang relasyon. Saka, kung ano ang mangyayari kay Betty na may big health problem.


Sa nasabing special block screening, binigyan sina Dingdong at Charo ng mWell watches ni Gary Dujali, executive ng kumpanya. 


Bago dumating sina Charo at Dingdong, binanggit ni Gary ang benefit ng pagkakaroon ng mWell watch.


Hindi lang sa tikiman palaban…

RHIAN, GAME MAG-ALL THE WAY


MARAMI sigurong kissing scenes sina Rhian Ramos at JC Santos sa movie nilang Meg & Ryan (M&R), dahil nang tanungin ang aktres kung ilan ang kissing scene nila, “Hindi ko alam,” ang sagot nito. 


Ano ‘yun, hindi nila nabilang?


Ayon pa kay Rhian, ang story ng movie ni Direk Catherine O. Camarillo ay tungkol sa dalawang tao na opposite ang karakter. 


Esplika niya, “Si Ryan (JC) ay virgin pa rito at si Meg (Rhian) ay hindi iniingatan ang sarili. She’s young and wild, kaya alam n’yo na kung ano’ng klaseng kissing scene ang ginawa nila.”


Sa trailer, passionate nga ang first kissing scene yata ‘yun nina Rhian at JC at kung panonoorin ang pelikula na showing sa August 6, malalaman kung ilang kissing scenes ang ginawa nila. Malalaman din kung pare-parehong passionate ang kissing scenes ng dalawa.


Nabanggit din ni Rhian na kahit siya, kinilig sa mga eksena nila ni JC nu’ng ine-explain pa lang sa kanya ni Direk Catherine ang mga gagawin.


“Kaya nasabi ko during shooting na ‘I want to give everything for this movie. Lahat ibibigay ko kahit maghubad pa ako,’” sabi ni Rhian.


Hindi na nga lang umabot sa paghuhubad ni Rhian dahil ibinigay niya at ni JC ang kanilang best to make a beautiful rom-com movie. 


Kaya panoorin ang M&R kapag showing na sa mga sinehan at ‘wag hintayin sa streaming, matagal pa ‘yun.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page