top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | July 19, 2025



Image: Sarah at Matteo G - IG


Tanong ng mga fans ni Sarah Geronimo, wala na raw ba siya sa Viva Records? Dahil ito sa tweet ni Matteo Guidicelli na, “Yes, it’s finally here! This has been established in its perfect time. SG will start owning her own music and creating exciting things!”


Ang tinukoy ni Matteo ay ang G Music na ang nakasulat, “An independent record label owned by Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli.” 


Ang G Music ang magre-release ng new song ni Sarah na Umaaligid na may intriguing lyrics.


Wala pa yata sa bansa sina Sarah at Matteo, wala pang nakakapag-interview sa kanila tungkol sa itinatag nilang G Music at kung ang ibig sabihin ba nito ay wala na sa Viva si Sarah. 


Curious din ang mga fans ni Sarah kung ang tinukoy ni Matteo that Sarah will be owning her own music ay ang songs lang under their own label.


Bukod sa release ng Umaaligid, hinihintay din ng mga fans ang release ng collab ni Sarah at ng SB19. Tanong uli ng mga fans kung ang G Music ang magre-release ng nasabing collab.


Pinasalamatan si Matteo ng mga fans ni Sarah for supporting Sarah’s passion and always there for her. Ang pakiusap ng mga ito, ma-promote nang husto ang new single ni Sarah pati na rin ang G Music.


Samantala, hindi sinagot ni Matteo ang tanong kung magre-release rin siya ng song under G Music dahil kumakanta rin siya. Ang kasunod nito ay ang request na magkaroon sila ng collab recording ng kanyang misis na si Sarah Geronimo.



ALMOST sold-]out na ang tickets sa concert ni Janine Teñoso na Janine, kahit sa September 5, 2025 pa ang first solo concert nito sa New Frontier Theater. In fact, sold-out na ang Lodge and Balcony sections at ang pagpipilian na lang ng mga fans ay ang SVIP, VIP, at Orchestra sections.


Ganoon ka-excited ang mga fans ni Janine to watch her on her first solo concert na sabi nito, magiging narrative ng journey niya as a singer ang concept. 


“Ikukuwento ko thru songs ang beginning ko as a singer when I was 17 years old and now that I am 26 years old,” sabi nito.


Kinabahan si Janine nang ipaalam sa kanya na may solo concert siya, “Pero mas kinakabahan ako sa kalalabasan ng buong concert. Kaya focus ako sa preparation like sa areglo ng songs. Gusto ko ma-align sa vision ko ang flow ng concert, kaya kasama ako sa creative decision at every week, may meeting kami.”


Bukod kay Janine, excited din ang mga fans sa guest niya sa concert na kinabibilangan nina Arthur Nery (na na-link sa kanya), Rob Deniel, The Juans, Rabin Angeles, at Cup of Joe. 


Sasabog sa tuwa at ingay nito ang New Frontier sa pagsasama-sama ng mga nabanggit at ine-expect na namin na magkakaroon ng sing-along ang audience.


After the concert and after her France vacation, ang makapag-release ng album ang aasikasuhin ni Janine. 


“That’s my goal, to release an album next year, and this year, paghahandaan ko na. I’m writing more songs,” pagbabalita nito.


BF, kontrobersiyal sa mga nawawalang sabungero… SUNSHINE, ‘DI BINATI NI ATONG SA B-DAY


NAKAKATUWA na hindi natigil ang pagiging magkaibigan nina Sunshine Cruz at Ara Mina. Naghiwalay na kasi ang aktres at brother ni Ara na si Macky Mathay. 


Nababasa ang comment ng isa’t isa sa kani-kanyang post sa Instagram (IG), bagay na ikinatutuwa ng mga netizens. Tama lang naman dahil hindi naman kasama si Ara sa relasyon ng kapatid at ni Sunshine.


Heto nga’t isa si Ara sa mga bumati ng happy birthday kay Sunshine na 48th birthday kahapon. 


“Happy Birthday, Sis! Love you!” ang mensahe ni Ara.


Simple lang ang caption ni Sunshine sa birthday post niya, “48 today! I’m incredibly grateful for another year. My heart is full thanks to unwavering love and support of those around me.”


Hinanap ng mga netizens ang birthday greetings ni Atong Ang (na sangkot ngayon sa mga nawawalang sabungero) sa IG ni Sunshine, kaso hindi yata ma-social media si Mr. Ang at kung meron man, hindi niya babatiin si Sunshine via socmed (social media).


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 18, 2025



Image: Carla Abellana - IG


Ang tapang ng post ni Carla Abellana na, “Welcome to the Philippines where corruption is top tier.” 


May kinalaman ang post ng aktres sa tax assessment at kasamang ipinost ang usapan nila ng hindi binanggit kung sino at pinag-usapan ang babayaran niyang tax sa kanyang property na may kalakihan. 


Tama ba kaming amilyar ng bahay ang pinag-uusapan ni Carla at ng kausap niya?

Kinu-question ng aktres kung para saan ang 60 percent na sinisingil sa kanya. 


Aniya, “Why is the assessment level at 60%? Says who? Who chose that percentage?!? And tax rate is 2.5%? Why?”


Dagdag pang post ni Carla, “What do I do with a predicament like this when corruption is being done right smack on your face?”


May mga pumuri sa katapangan ni Carla sa pagpo-post ng ganito na ngayong na-expose, tiyak na may imbestigasyong mangyayari. 


Gaya ng post niya sa PrimeWater at Converge, nalaman ang mga problema at marami ang naaapektuhan.


May nagpaalala lang kay Carla ng “Be careful, protect yourself from dangerous corrupt people. They are dirty and desperate.”


Wala pang follow-up si Carla tungkol dito, abangan natin at tiyak na may update siya para roon sa mga interesadong malaman kung nagbayad ba siya sa hinihinging amount.

Kung may mga nagpapasalamat kay Carla dahil sa mga posts niya, may mga negative rin ang dating. Hanash lang daw ang ginagawa nito at nagpapapansin, bagay na ipinag-react ng mga naka-relate sa mga problemang hinaharap niya.


Barbie, may Jameson…

DAVID, MAY GF DAW SA AUSTRALIA


SABI ng mga fans nina Barbie Forteza at David Licauco, quits daw ang dalawa dahil kung nali-link si Barbie kay Jameson Blake, may non-showbiz girlfriend naman daw si David. Kaya wala raw dapat ireklamo ang kani-kanyang fans na sinisira ng dalawa ang kanilang BarDa (Barbie at David) love team.


May mga nagalit kasi kay Barbie nang lumabas ang mga photos ng holding hands nila ni Jameson tuwing may fun run. Dalawang fun runs na ang tinakbuhan ng dalawa at laging may eksenang holding hands sila. Sa huling fun run nga, may photo pa na nakaakbay si Jameson kay Barbie.


Kahit pareho nilang itinanggi na may something na namamagitan sa kanila, ayaw pa ring pakampante ang BarDa fans at aabangan nila ang mga events na present sina Barbie at Jameson. 


Hindi na sila naniniwalang ‘fan service’ o FS na lang ang ginagawa nila para sa Netflix project nilang Kontrabida Academy (KA).


As for David, may non-showbiz GF daw ito na based in Australia at kaya roon nag-celebrate ng birthday ang aktor para makasama ang nobya. 

Nag-aaway-away na ang mga fans nina Barbie at David sa pagtatanggol sa dalawa at labasan ng ebidensiya at magugulat ka sa dami ng alam nila.


Mabuti at hindi pa nali-link si Barbie kay Sam Concepcion na kasama niya sa Beauty Empire (BE). Mabuti rin na wala siyang love interest sa P77 dahil baka maging isyu rin sila, lalo at malapit na ang showing ng movie.


Kahit ‘di nanalo…

SHUVEE, TAOB ANG MGA PBBCCE BIG WINNERS SA DAMI NG ENDORSEMENTS


KUNG paramihan ng endorsement sa katatapos lang na reality show ng mga Pinoy Big Brother (PBB) housemates, lumalabas na panalo si Shuvee Etrata kahit hindi siya nanalo. Na-evict pa nga ito at hindi nakasama sa Big 4.


Dapat, 1 week siyang guest co-host sa It’s Showtime (IS) pero absent siya last Wednesday dahil may TVC shoot for a denim brand na endorser siya. 


Kahapon, may event ang Sparkle para sa kanilang housemates and this Friday, hindi rin siya makakapag-report sa IS dahil may contract signing siya for the denim na ine-endorse.


Bukas na siya makakabalik sa noontime show at tiyak na bibiruin siya ni Vice Ganda nito dahil hindi sinipot ang show. 

Nagbibiruan nga ang mga fans ni Shuvee na pinag-aagawan siya ng Unang Hirit (UH), IS at Pinas Sarap (PS).


Samantala, after Sang’gre, mas malaki na ang role ni Shuvee sa susunod niyang series sa GMA. Magkasama sila ni Charlie Fleming sa pagbibidahang drama series ni Dingdong Dantes na Master Cutter (MC)


Kasunod nito, may pelikula na si Shuvee Etrata, na pangako ng mga fans, susuportahan nila.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 17, 2025



Image: Ruru Madrid - IG


May kasunod agad na series si Ruru Madrid sa GMA-7. Ito ay kung totoo ang balita na siya na ang magbibida sa action series na Hari ng Tondo (HNT)


Matatandaan na unang nabalitang si David Licauco ang napili na magbida sa project at inakalang final na ‘yun. Walang update sa series hanggang mabalita na lang na pinalitan ni Ruru si David. 


Wala pang official na announcement ang network dito, kaya lang, parang sure na sure ang nagbabalita.


Marami ang pumabor na ibigay kay Ruru ang project dahil mas bagay sa kanya ang action. Ang comment lang, tila mabilis dahil katatapos lang ni Ruru ng Lolong, at hindi pa naka-move on ang mga viewers sa role niya rito. 


Sana raw, next year na ito ipalabas, ‘yung makakalimutan muna ang last project ni Ruru.

May mga nag-comment naman na sana sa ibang Kapuso actors naman ibigay ang HNT pero paano mae-establish ang pagiging action star ng actor kung bibigyan siya ng project na iba ang genre? 


Nakakapagdrama pa rin naman siya kahit action ang ginagawa at nakakapag-comedy din.


As for David, wala pang balita kung ano ang susunod niyang project sa GMA at ang balita, magge-guest siya sa Beauty Empire (BE) nina Barbie Forteza, Kyline Alcantara at Ruffa Gutierrez.


Nagbenta ng dating kotse…

DANIEL, BUMILI NG P5 M LAND CRUISER


PAGKATAPOS ni Alden Richards, si Daniel Padilla naman ang pupunta sa London para sa Barrio Fiesta London 2025. July 20 ang schedule ni Daniel at sa Sunday na ‘yun. Ibig sabihin, any day now, lilipad na si Daniel and his team.


Naghahanda na si Daniel para sa gagawing show sa London. 

Naaliw lang kami sa request ng mga fans na iba na ang kantahin ni Daniel at hindi na ‘yung Hanggang Kailan para walang maging assuming. 


Nabalita kasing nag-adlib si Daniel at may isiningit na, “Congrats!” sa lyrics. Ang dating sa mga netizens, para sa ex niya ang “congrats” dahil nga nali-link si Kathryn Bernardo kay Lucena Mayor Mark Alcala.


Samantala, masaya ang mga fans ni Daniel sa bagong car ng aktor. Bumili ito ng 2025 Land Cruiser 76 na ayon sa Google ay more than P5M ang worth. 

Sabi ng basher ni Daniel, kinailangan niyang magbenta ng isa niyang car para makabili ng Land Cruiser.


Sagot ng mga fans ni Daniel, naunang nakabili ng Land Cruiser si Daniel bago ibinenta ang isa niyang car, kaya mali raw ang narrative ng mga bashers nito. 


Basta para sa mga supporters ng aktor, deserve niya ang bagong kotse.

Matagal nang break sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pero tuloy pa rin ang away ng kani-kanyang fans nila. Pati sasakyan, pinag-aawayan, mabuti kung pinasasakay sila.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page