top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | July 29, 2025



Image: Claudia Barretto at Dennis Padilla - IG



Kaya pala hindi na namin nakita, dinelete agad ni Dennis Padilla ang birthday greetings niya sa anak na si Claudia Barretto sa Instagram. Wala na sa Instagram ang pagbati niya sa anak na “Happiii bday Claui.. God bless you more.”


Sa comments section, pansin na tila marami ang nega pa rin ang tingin kay Dennis. Hindi raw nito napanindigan ang sinabi na hindi na siya magri-reach out sa mga anak pagkatapos ng kontrobersiya sa kasal ni Claudia. 


Pero, nanaig ang pagiging ama ni Dennis at binati ang anak, bagay na ikina-trigger ng mga netizens na galit sa kanya.


Sabi ng isang netizen, baka hindi pinansin ni Claudia ang birthday greetings ng ama, kaya dinelete na lang. May nag-comment pa nga na parang hindi na maayos ang relasyon ni Dennis sa mga anak nila ni Marjorie kaya panindigan na lang niya na ‘wag nang subukan pang mag-reach out sa mga ito.


Ang nakakalungkot dito, okay ang relasyon ng mga anak ni Dennis kay Marjorie at mga anak niya sa huling nakarelasyon. Okay din sina Marjorie at ang ex ni Dennis. Pero siya, hindi okay sa mga ex niya at sa mga anak sa mga ito.


This Tuesday ang red carpet premiere ng Meg & Ryan, ang Pocket Media Films movie nina Rhian Ramos at JC Santos. 


Malalaman na kung happy ending ang movie dahil hindi sinagot ng mga bida ang tanong sa mediacon ng movie ni Director Catherine O. Camarillo and written by Gina Marissa Tagasa.


Malalaman din kung ilan ang kissing scenes nina Rhian at JC sa movie dahil hindi rin nila sinagot ang tanong kung ilan ang kissing scenes nila. Panoorin na lang daw para malaman at ‘yun ang gagawin namin.


Based sa comments, marami ang naghihintay sa showing nito simula sa August 6, 2025. Mga comments na ikatutuwa ng cast, ni Direk Catherine at lahat ng involved sa movie. 

Sample ng comment ng mga netizens ay… “Manonood ako,” “Ang ganda ng direction-trailer pa lang, solid na ang pagkakagawa,” “This looks soo freaking amazing!!!,” “The trailer alone already tells a story. That’s how you build anticipation,” at “The cast, the tone, the soundtrack — everything just fits.” 


At ang pinakapanalo na comment ay “OMGGGG Rhian with JC?!?!?! The pair I did not expect but I’m excited.”


Dagdag na ikinaganda ng movie ay ang theme song na Torete na kinanta ng Better Days. Ang ganda ng areglo, bagay sa pagkatorete ni Ryan (JC) upon meeting Meg (Rhian) and falling in love with her.


Sa mga naglu-look forward na kikiligin sila kapag pinanood ang movie, sigurado ito dahil sa sinabi ni Rhian na “Habang ginagawa ang scenes namin ni JC, kinikilig ako. Kinikilig din ako just listening to direk.” 


So, alam n’yo nang nakakakilig ang Meg & Ryan, kaya panoorin.



PINADALHAN kami ni Roderick Paulate ng paunang teaser ng movie niyang Mudrasta, Ang Beking Ina na showing sa August. Wala munang eksaktong date, basta sa August na.


Maganda ang ginawa ng Creazion Studios at director ng nasabing pelikula na isama sa teaser ang past comedy hits movie ni Roderick para ipaalala sa mga fans ang mga nagawa niya.


Lahat ng pelikula sa teaser, naging box-office hit at nagmarka sa mga moviegoers.

Kaya mababasa sa mga comments… “He’s back,” at “The Pinoy Comedy Icon is back on the big screen.”  


May mga nagsabi nang they can’t wait to see the film at si Roderick dahil nami-miss nila ang estilo nito sa pagpapatawa. 


May mga nagre-request na nga na sana ay ma-invite sila sa premiere night para isa sila sa mga unang makakapanood ng movie.


Kasama ni Roderick sa movie sina Carmi Martin, Tonton Gutierrez, Elmo Magalona, Arkin, Ruby Ruiz, Joel Saracho at Ms. Celia Rodriguez. Si Julius Ruslin Alfonso ang director ng Mudrasta na magpapatawa sa mga moviegoers.



RATED R-13 ng MTRCB ang horror movie ni Barbie Forteza at ng child actor na si Euwenn Mikaell. Pero dahil 12 years old pa lang ang child actor, hindi na naman niya mapapanood ang pelikula na kasama siya.


Nangyari na ito sa Green Bones, hanggang presscon lang ang bagets, hindi siya pinayagang mapanood ang movie sa premiere night at sa regular screening. Baka sa Netflix, napanood niya.


Anyway, maganda at malaki ang role ni Euwenn sa P77 bilang kapatid ni Barbie. Makikibalita na lang siguro siya sa makakapanood ng movie kung kumusta ang acting niya.


Sa July 30 ang simula ng showing ng movie directed by Derick Cabrido.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 28, 2025



Image: Sue Ramirez at Dominic Roque - IG


Maraming netizens ang kinilig sa “My baby,” comment ni Sue Ramirez sa post ni Dominic Roque ng photos nila nang dumalo sila sa kasal.


Ikinatuwa ng mga DominSue fans na pati sa kasal, magkasama sila.

Walang caption si Dominic kung kaninong kasal ang dinaluhan nila at kung sino ang may kaibigan sa mga ikinasal.


Makikita lang sa photos na masaya ang magdyowa to be with their friends.

Anyway, dumaan ang birthday nina Sue at Dominic na walang marriage proposal na nangyari, kaya balik sa pag-aabang ang kanilang mga fans sa big day nila. 

Ang daming comments na, “Can’t wait for these two to get married! Propose muna pala.”


Nasira lang ang masayang mood sa post ni Dominic nang may mag-comment na kay Bea Alonzo pa rin siya na sinagot ng fan ni Sue ng, “Kay Sue naman ako.” 


Bago pa mag-away ang dalawang fans, may nag-comment na ‘wag nang haluan ng nega ang post. Maging masaya na lang sila na masaya sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kani-kanilang partner ngayon.



Panira raw kay Sam…

DAVID, HINAHARANG SA SERYE NI BARBIE



PREMIERE night this Monday ng P77, ang horror movie na pinagbibidahan ni Barbie Forteza. Bukod sa pelikula, inaabangan kung sino kina David Licauco at Jameson Blake

ang darating para suportahan ang aktres.


Dahil love team sina Barbie at David, malamang, ang aktor ang dumating lalo at pareho silang Kapuso.


Dahil din ito sa dumating si Barbie sa premiere night ng movie nina David at Sanya Lopez, kaya ine-expect ng mga fans ang pagdating ni David. 


Si Jameson naman ay hindi Kapuso, nali-link lang siya kay Barbie mula nang magkasama sa isang project.


Saka, magandang pang-promo na rin daw ang pagdalo ni David sa premiere night ng movie ni Barbie para sa paglabas niya sa Beauty Empire (BE). Nag-taping na ang aktor at malamang this week, mapanood na ang kanyang karakter.


Napansin lang namin na kung marami ang masaya na magge-guest si David sa BE, may fans din si Barbie na hindi natutuwa. Para sa kanila, the series is doing well kahit wala si David.


Sana raw, ipinush na lang ang love angle ng mga karakter nina Barbie at Sam Concepcion na kinakitaan ng chemistry.


Isa pang isyu sa mga fans ni Barbie, baka raw kapag tumaas ang rating ng series, sabihing dahil kay David at hindi dahil sa ganda ng series at sa mahusay na cast. 

Pero, aminin man o hindi ng nagpupuksaang fans nila, mas maingay kapag magkasama sila sa project, may kilig, kaya hayaan na nilang dumating ang aktor sa premiere night at mag-guest sa BE.


Birthday pala ni Barbie Forteza sa July 31, pa-birthday gift na sana ng mga nag-aaway nilang fans ni David Licauco ang panoorin ang P77. Saka na sila magbardagulan.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 26, 2025



Image: Marco at Heaven / File



Maganda ang naging breakup nina Heaven Peralejo at Marco Gallo dahil walang parinigan at walang cryptic post on both sides. Kaya pati ang mga fans, tahimik at tinanggap na hiwalay na ang isini-ship nilang couple. 


Katunayan, may nakita kaming MarVen (Marco at Heaven) fans ng dalawa sa cast reveal ng Viva One series na I Love You Since 1892 (ILYS 1892) na pagbibidahan ni Heaven.


May dalang cartolina ang mga fans na may nakasulat na MarVen at masayang nakihalubilo si Heaven. Nakita ‘yun ng aktres at siguradong natuwa, dahil kahit wala na sila ng ex, suportado pa rin sila ng kanilang mga fans. For sure, kapag si Marco naman ang nagka-project, nakasuporta rin ang mga MarVen fans.


Parang wala nang nagulat nang kumpirmahin ni Heaven na break na sila ni Marco, dahil matagal nang napansin ng mga fans na deleted na ang photos nila together sa kani-kanyang Instagram (IG). Ang natira na lang ay video ng endorsements nila. Sabi naman ng mga fans, hindi na counted ‘yun.


Kaya wala nang masyadong nasaktan sa inamin ni Heaven na, “We’re not together anymore. It was a mutual decision to part ways and, you know, move forward individually. We’re okay. We’re good friends. Sana maintindihan po ng mga taong nagmamahal sa amin at tuluy-tuloy pa rin po ang pagsuporta kahit we’re in different path na.”


Dagdag ni Heaven, friends na sila ni Marco bago pa sila nagkarelasyon at nakatulong ‘yun para walang bad blood sa kanilang dalawa.


Aniya, “Before naman po naging kami, we were good friends. ‘Yun po ang naging foundation namin. At saka it was a mutual decision.”


Masaya sina Heaven at Marco na ipagpatuloy ang kanilang career nang wala na ang isa’t isa. Si Heaven nga, busy sa taping ng ILYS 1892 at challenge sa kanya ang project dahil first time niyang gaganap ng dual role bilang sina Carmela Isabella at Carmelita Montecarlos, at makakapareha niya sina Jerome Ponce as Juanito Alfonso at Joseph Marco as Leandro Flores.


“Binabasa ko pa lang ang script, sobrang complex na ang two characters na ginagampanan ko. I have to make sure pagpunta ko ng set ni Direk Mac Alejandre, alam ko na ang mangyayari. This is a good challenge for me,” sabi ni Heaven.


Sometime in August ang streaming ng ILYS 1892 sa Viva One, isa sa mga controversial projects ni Heaven dahil may mga gustong si Janella Salvador sana ang gumanap sa role.



NAKAKATUWA si Jak Roberto, aliw na aliw sa binili niyang toilet bowl na ‘smart toilet’ ang tawag. Gamit ang remote control, hindi ka na mag-e-effort na itaas ang lid nito, automatic na.


May sensor din ang toilet bowl after mong gamitin, itatapat lang ang paa at magsasara na ang cover. Kaya sabi ni Jak, hindi pa man naikakabit sa new house niya, gusto na niyang gamitin.


Nakakabilib si Jak, mag-isa at hands-on sa pagpapatayo ng bahay at paglalagay ng mga amenities. No wonder, naiyak si Sanya Lopez nang mapadaan sa bahay ng kapatid, dahil mag-isang binuno ni Jak at hindi yata humingi ng tulong sa kanya.


Marunong humawak ng pera ang aktor ng My Father’s Wife (MFW). Bukod sa bahay, may new car din siya, isang hybrid electric vehicle, at isa siya sa mga taga-showbiz na may ganitong sasakyan.


Ang kulang na lang kay Jak ay love life. Nakalulungkot na kung kailan natapos na ang bahay niya, wala na si Barbie Forteza sa tabi niya. Ang maganda lang, maayos ang kanilang paghihiwalay, nakakangiti sila sa isa’t isa kapag nagkikita at keri nilang mag-usap at magkumustahan.


Inaabangan na kung sino ang magiging girlfriend ni Jak, at magiging asawa na iuuwi niya sa kanyang magandang bahay.



MAGRE-REACT nito ang mga bashers ni Kyline Alcantara, lalo na ‘yung mga tumatawag sa kanya na pasosyal, social climber, at trying hard maging fashionista, dahil pati si KC Concepcion, napansin siya.


Mukha ngang regular na si KC sa pagbisita at pagko-comment sa Instagram (IG) ni Kyline. Dahil sa post ng Kapuso actress, nag-comment si KC ng “Hey, gorge (gorgeous). SO HAPPY TO SEE YOU, after all this time.”


Sa isa pang post ni Kyline ng famous French dessert, sabi ni KC, “I should be telling you this after seeing you tonight.”


So, nagkita pala ang dalawa, ano kaya ang kanilang pinag-usapan?


Samantala, paalis si Kyline para sa show nila nina Ruru Madrid at Ai Ai delas Alas, at ang nasabing show abroad ang isa sa kanyang pinagkakaabalahan, bukod sa Beauty Empire (BE) kasama sina Barbie Forteza at Ruffa Gutierrez.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page