top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 1, 2025



Image: Heart at Pia sa SONA 2025 - Missosology



SA napanood naming video, nagkrus ang landas nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach sa nakaraang SONA ni President Bongbong Marcos. 


Dumaan si Heart sa harap ni Pia, sobrang lapit ng puwesto ng dalawa, pero parang hindi nila nakita ang isa’t isa.


Tuluy-tuloy ang lakad ni Heart at tuloy din ang pakikipag-usap ni Pia sa kausap, kaya kahit magtinginan ay hindi nila ginawa. 


Siguro naman, may nakapagsabi sa dalawa sa presence ng isa’t isa, pero wala talagang sign na in-acknowledge nila ang isa’t isa.


Piktyur na naka-uniform, ifinlex sa IG

ALDEN, NAG-START NANG MAG-ARAL MAG-PILOTO


Ang astig ni Alden Richards sa suot niyang pilot uniform sa first day niya sa flying school na Alpha Aviation Group sa ginanap na Induction Ceremony. Ang dad at sister niya ang nagkabit ng tinatawag na pilot epaulettes sa balikat ng student pilot.


Sa kanyang Instagram, nag-post si Alden ng photos niya in pilot uniform at may caption na: “Day 1 starts today.” 


Kahit pala first day pa lang sa flying school, Cadet na ang tawag sa mga kagaya niyang pilot student. 


Sa caption ni Nelson Canlas na nag-post ng photos ni Alden, ang sabi: “Cadet Richard Faulkerson Jr., is now officially in flying school. New uniform. Real drills. A different kind of takeoff.”


Sa interview kay Alden, nabanggit na bata pa lang siya, curious na siya kung paano lumilipad ang eroplano at kung paano nagte-takeoff.


“Personal ambition ko ito na gusto kong tuparin. Since nagkaisip ako, may lone objective is to fulfill my parents' dream. 


“Ang showbiz, dream ‘yun ng mom ko. Itong maging piloto, dream ng dad ko. Dahil hindi parehong natupad ng parents ko ang dream nila, ako ang tutupad,” wika ni Alden.  


Sa first day niya sa flight school, hindi lang classroom ang pinuntahan niya, pati ang hangar at ipina-experience sa kanya kung paano magpalipad ng eroplano at ipinaramdam ang turbulence.


Hindi problema ni Alden ang kanyang busy schedule dahil aayusin niya, kaya siguro hindi muna siya gagawa ng pelikula at series this year. Focused siya sa pilot school.

“Two years ang course ko. Pag-graduate ko, I’ll be able to fly a commercial plane,” determinadong sabi ni Alden.



NANALO ng EP of the Year si Janine Teñoso para sa EP niyang Apat na Buwan sa The New Hue Video Music Awards. She shared the award sa kanyang team na tumulong na matapos ang EP.


“Thank you so much @thenewhueph for this award. It means so much to me to have these songs which started and were written in my bedroom 2 years ago, now got recognized tonight. Thank you to everyone who helped me bring this EP to life, my band and creative team. You all keep me inspired, always.”


Tinapos ni Janine ang post sa “See you on Sept. 6 at my first ever big girl show.”

Ang binanggit na show ni Janine ay ang first solo concert niyang Janine happening sa New Frontier Theater. Guests ni Janine ang Cup of Joe, The Juans, Rob Deniel at si Arthur Nery.


Dahil sa panalong ito ni Janine, lalo itong magkakaroon ng drive na mas galingan ang performance sa kanyang concert. Magkakaroon din ito ng drive na magawa na finally ang dream niyang album at tina-target nito ang release next year.


Sorry na lang sa fans nila ni Barbie…

JILLIAN, BAGO NI DAVID


NAG-STORYCON na ang bagong action drama series ng GMA na Never Say Die na pagsasamahan nina Jillian Ward, David Licauco at South Korean actor Kim Ji Soo.

Kasama sa cast sina Richard Yap, Wendell Ramos, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Ayen Laurel, Analyn Barro, Raheel Bhyria at Gina Alajar. Si Dominic Zapata ang director ng series.


Sa storycon, ipinaalala ni David na nagkasama na sila ni Jillian sa Sa Piling ni Nanay at ngayon, magkatambal na sila. Nagkasama rin sina Jillian at Raymart noong maliit pa ang aktres at ngayon, dalaga na.


Reunion din ito nina Richard at Jillian na nagkasama sa Abot Kamay na Pangarap at makakasama rin ni Jillian si Raheel na love siya. Masaya tiyak ang aktor kahit hindi siya ang leading man ni Jillian.


Ang hindi masaya ay ang BarDa fans nina David at Barbie Forteza dahil ibig sabihin, matagal na namang magkakapareha ang BarDa. Sa Beauty Empire kasi, guest lang si David at sandali lang ang exposure nito.



 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 31, 2025



Image: Rhian Ramos at JC Santos sa Meg and Ryan - IG


Nasagot na ang tanong kung ilan ang kissing scenes nina Rhian Ramos at JC Santos sa Meg & Ryan after watching Pocket Media Films’ movie sa premiere night last Tuesday. 

Ang bilang namin ay nasa 5 o 6 ang kissing scenes ng dalawang bida at dalawa roon ang passionate.


Sana, hindi ang kissing scene ang rason ng pagmamadaling paglabas ni Sam Verzosa sa Cinema 3 ng SM Megamall kung saan ginanap ang premiere night. 

In fairness, tinapos ni Sam ang movie, hindi na lang hinintay si Rhian, na after the presscon, pinagkaguluhan pa kasama si JC.


Ang first kiss nina Meg (Rhian) at Ryan (JC) ang pinaka-passionate at mahaba at nagtapos sa bed scene. 


Napanoood din namin ang eksena ni Rhian na tumakbong almost naked sa gitna ng kalye at isa yata ‘yun sa mga eksena kaya nabigyan ng X rating ang trailer ng movie.

Tama ang entertainment editor naming si Janice Navida sa sinabing ngayon lang uli siya kinilig sa isang rom-com movie dahil na rin sa mga eksenang inilatag ni Director Catherine Camarillo at screenplay ni Gina Marissa Tagasa. 


Kilig din ang naramdaman ng mga nanood sa premiere night kaya nagpalakpakan at nag-standing ovation ang mga tao after the screening.


Malakas ang chemistry nina Rhian at JC. May narinig nga kaming humihingi ng another movie from the pair. 


Wish nilang ang Pocket Media Films din ang producer at si Direk Catherine ang director. 

Sa August 6, 2025 na ang showing ng movie in


cinemas nationwide. R-13 ang rating ng MTRCB sa Meg & Ryan.


Netizens, inggit much… LIPS-TO-LIPS NINA ICE AT LIZA SA MUSEUM SA THAILAND, VIRAL


PINAKILIG nina Ice Seguerra at Liza Diño-Seguerra ang mga nakakita sa photo nilang dalawa na nagli-lips-to-lips sa harap ng isang painting habang nasa

Museum of Contemporary Art sa Bangkok, Thailand nang sila’y magbakasyon.


Puro “Ang sweet” ang mga nabasa naming comments sa nasabing larawan na talaga namang punumpuno ng pagmamahal. 


Matanong nga ang dalawa sa PDA nila at sa ibang bansa pa sa mediacon ni Ice today.


Maraming ganap si Ice at ang Fire and Ice Productions nilang dalawa. Isa na rito ang album launch ng bago at all-original album ni Ice na Being Ice on August 8. Released ito ng Star Music at Fire & Ice Music. Kasama sa album ang new compositions na Nand’yan Ka.


Susunod ang two-night concert ni Ice sa Newport Performing Arts Theater sa September 12 and 13, billed Being Ice Live


On Sept. 12, videoke hits ang kasama sa repertoire, karaoke-inspired ang concert at tinawag na Ice Seguerra: Videoke Hits Live. Birthday bash din ito ni Ice na magpo-42 na sa Sept. 17, kaya masaya.


Sa Sept. 13, the concert is called The Ice Seguerra Experience. Kasama sa repertoire ang mga hit songs at original compositions ni Ice. Ang tawag ni Ice rito ay “a celebration of growth as an artist.”


Para wala kayong ma-miss, panoorin ang dalawang gabi ng concert at sinisigurado nina Ice at Liza na mag-e-enjoy kayo. 


Sa first night ng concert, may sing-along at welcome kumanta ang mga game kumanta, kaya go na! Buy your tickets now!

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 30, 2025



Image: Heart Evangelista - IG


Dalawang gowns pala ang isinuot ni Heart Evangelista sa SONA ni President  Bongbong Marcos at ang kapuna-puna, wala siyang masyadong suot na jewelry. Isang singsing lang ang nakita ng mga netizens na suot niya sa left finger at wedding ring pa yata.


‘Yung dating marami niyang suot na earrings, dalawa lang ang suot at wala siyang necklace. Minimal din ang make-up ni Heart at comment nga ng mga netizens, sumunod siya sa panawagan ng gobyerno na bawal magpabongga at nag-adjust daw ito.


Parehong gawa ni Michael Leyva ang dalawang gowns ni Heart at sa gown na rumampa siya sa tabi ng husband na si Senate President Chiz Escudero, napili siyang isa sa Best Dressed sa SONA.





Anyway, present din si Pia Wurtzbach sa SONA, invited siya bilang OWWA ambassadress. 


Hindi na naman tuloy napigilan ng mga netizens na pagkumparahin ang dalawa at ang kanilang mga suot, may parinigan na naman ang kani-kanyang fans.


May nag-suggest tuloy na sana, ipagbawal din ang parinigan ng mga fans sa kaso nina Heart at Pia. Tama na raw at mag-enjoy na lang na makita sila sa mga events na sila ay present. Wala rin naman silang interaction at hindi nga yata nagkita.



Habang tumatagal, lalong gumagaling…

ALDEN: BARBIE, PARANG ALAK, MASARAP KASAMA


Limang barangay ang nahatiran ng tulong ni Alden Richards at ng kanyang team sa Malolos, Bulacan. Kasama ang AR Foundation, Myriad Entertainment, Team Alden at sa tulong ng sponsors at mga volunteers, successful ang Flood Relief Operation na ginawa nina Alden. Unang bugso pa lang ito at may mga susunod pa silang hahatiran ng tulong.

Bukod sa relief goods, namigay din sina Alden ng McDonald’s kaya naman masaya ang mga nahatiran at nakatanggap ng tulong. 


Makikita sa video ang maraming tao na pumila para makakuha ng tulong na ipinamahagi ni Alden at lahat sila, malaki ang pasasalamat sa Kapuso actor.


May larawan naman ni Alden na pawis na pawis habang nasa loob ng malaking van na

pinaglagyan ng tulong na kanilang ipinamahagi. 


Sandaling punas lang ng pawis at tuloy na naman ang pamimigay niya ng tulong.

“I need to get out of my way and help. Sinu-sino bang magtutulungan kung ‘di tayo lang mga Pinoy, ‘di ba?” sabi ni Alden.


Inayos nito ang schedule para makapamigay ng tulong sa mga taga-Malolos.

Kinagabihan, dumalo si Alden sa premiere night ng P77 bilang suporta sa friend niyang si Barbie Forteza. Nagustuhan nito ang pelikula at pinuri ang husay ni Barbie to think na sabay nitong ginawa ang movie at Pulang Araw.


“Parang fine wine si Barbie, habang tumatagal, lalong gumagaling. Masarap siyang kasama, masaya siyang kasama,” ayon pa kay Alden. 


Ipinromote na rin nito na showing ang movie simula na this Wednesday, July 30.


3 lalaki sa buhay niya…

JAMESON, SAM AT DAVID, DUMATING SA PREMIERE NG MOVIE NI BARBIE


BINIRO ng press si Barbie Forteza na ang haba ng hair (kahit short ang hair niya ngayon) dahil present sa premiere night ng P77 ang kanyang three leading men.


Unang dumating si Jameson Blake na kapareha ni Barbie sa Netflix movie na Kontrabida Academy. Present din si Sam Concepcion na love interest ng aktres sa Beauty Empire at  dumating din si David Licauco na ka-love team ni Barbie at makakasama rin sa BE.


Sabi naman ni Barbie, “When I was told I can invite my friends to the premiere night, inimbita ko na sila lahat. Happy ako na dumating sila, hindi lang silang tatlo, lahat ng narito. Masaya ako na tinapos nila ang pelikula, walang umalis.”


Siguradong nagustuhan nina David, Sam at Jameson ang P77, lalo na ‘yung mga eksenang magugulat ka, at ang kakaibang pilot twist at ang naging ending. Hindi bawal ang sumigaw habang pinapanood ang movie na showing na simula this Wednesday.


“Magugustuhan nila ang P77 at ang kakaiba nitong story. Napaka-grounded ng story namin—it   revolves around family. It will also delicately delve into PTSD or Post-traumatic Stress Disorder. Aside from the jumpscare, this is also an awareness para mas lumawak ang ating intindi sa mga taong may PTSD,” ayon kay Barbie.


Sa direction ni Derick Cabrido, screenplay ni Enrico Santos at story ni Anj Atienza at produced ng GMA Films at GMA Public Affairs, muling nagpakita ng husay sa pag-arte si Barbie. Kuhang-kuha nito ang galaw at kilos ng may mga PTSD at dagdag nito, marami ang makaka-relate sa karakter niyang si Luna Caceres.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page