- BULGAR
- Aug 18
ni Nitz Miralles @Bida | August 18, 2025

Image: Alden Richards - IG
Aprub sa mga fans ni Alden Richards sakaling totoong magiging National Police Commission (NAPOLCOM) Ambassador siya. Kaya lang, wala pang kumpirmasyon tungkol dito.
Nakasulat lang sa caption ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan ang ‘NAPOLCOM Ambassador?’ at ‘UN Ambassador?’ nang bumisita sa NAPOLCOM office ang aktor.
Bale ba, may logo ng United Nation (UN) kung saan nagpa-picture sina Atty. Calinisan at Alden at kasama pa ang aktor sa meeting ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) Programme Office in the Philippines.
Pero dahil malabo siyang ma-designate na UN Ambassador, mas may tsansa na maging NAPOLCOM Ambassador siya o baka naman may ibang rason kung bakit kasama niya si Atty. Calinisan at kung bakit nasa UNODC office sila.
Well, baka naman kukuning ambassador si Alden for drugs prevention.
Naku, hintayin na nga lang natin ang announcement kung para saan ang presence ng aktor sa UNODC office at kung bakit kasama niya si Atty. Calinisan.
ANG lakas ng AshDres love team nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga at narinig namin ang malakas na sigawan, palakpakan, lakas ng kilig fever sa katatapos na Vivarkada Fancon na ginawa sa Smart Araneta Coliseum.
Mula sa first appearance nila sa stage, sa duet at dance number nila, malakas na sigawan at palakpakan ang ibinigay ng mga fans.
Obvious din na ang AshDres ang pinakabida sa lahat ng Vivarkada talents dahil sila ang pang-finale.
Nagulat kami dahil kumakanta at sumasayaw pala si Andres, akala namin acting lang ang alam niya. Mas alam namin na kumakanta at sumasayaw din ang kakambal ni Andres na si Atasha Muhlach na isa rin sa mga performers that night.
May portion sa number ng AshDres na may sasabihin si Andres kay Ashtine at inakala ng mga fans na magtatapat na si Andres at sasabihin nito na love niya ang ka-love team. Pero sa halip na ‘I love you’, nagpahayag ng gratefulness si Andres kay Ashtine for being his love team. Ang biruan ng mga fans, nabudol sila ng aktor.
Ini-announce ng AshDres na as of August 15, puwede nang makabili ng advance ticket para sa movie nilang Minamahal.
Ang lakas ng first movie ng AshDres, may 12M views ang teaser 2 after 36 hours. Kinilig ang mga fans dahil sa teaser, may eksenang nasa bed ang mga bida. Full trailer ang request ng mga fans na hindi na makapaghintay sa pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana.
Ang lakas din ng sigawan ng mga fans nang mapanood sa teaser na may Book 2 ang Ang Mutya ng Section E (AMNSE), ang first project ng AshDres at kung saan sila ipinakilala.
Sa November ang streaming nito sa Viva One at ngayon pa lang, inaabangan na ng kanilang mga fans.
Kani-kanya na… HEAVEN, MAY JEROME AT JOSEPH MARCO NA, MARCO, MAY JAYDA NAMAN
MUKHA ngang hindi muna pagtatambalin ng Viva ang ex-couple na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo dahil iba ang partner nila sa mga bago nilang projects.
Sina Jerome Ponce at Joseph Marco ang partner ni Heaven sa series na I Love Since 1892 (ILYS1892) at si Jayda Avanzado naman ang makakapareha ni Marco sa Project Loki (PL).
Kasama nila rito si Dylan Menor na sunud-sunod ang project sa Viva kahit MQuest artist siya.
First acting project ito ni Jayda at tiyak na aalalayan siya ng parents niyang sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Of course, susuportahan din siya ng Viva Artists Agency at kung kailangan ng acting workshop, dadaan siya rito bago simulan ang taping.
Ikinagulat pa ng mga fans nang mabasa na si Xian Lim ang magdidirek ng project. At least daw, hindi na lang pagpapalipad ng eroplano ang focus ng aktor-piloto dahil back to directing na uli siya.
Tanong ng mga fans, kailan naman daw babalikan ni Xian Liam ang pag-arte?
Nami-miss na siyang mapanood sa TV at movies, balikan muna raw ang showbiz at later na ang pagiging piloto.







