ni Nitz Miralles @Bida | June 13, 2026

Photo: IG of Brandon Espiritu & Jether Palomo
Deactivated na ang Instagram (IG) account ng controversial ‘halfie’ na si Brandon Espiritu. Hindi nito kinaya ang mga natanggap na komento dahil sa nakakainsultong pahayag nito at hindi pagiging proud bilang Pilipino.
Pinababalik na siya sa Guam dahil wala na raw siyang magiging career sa bansa at apektado na rin pati ang kanyang mga endorsements.
Ang isa pang controversial ‘halfie’ na si Jether Palomo ay hindi pa nagde-deactivate ng kanyang IG account. Pero deleted na ang karamihan sa kanyang mga posts at ang naiwan na lamang ay ang apology statement. Pinababalik na rin siya sa Amerika dahil tiyak daw na wala na rin siyang magiging career dito.
Natatandaan ng mga fans ni Marian Rivera si Jether Palomo. Siya ang contestant sa Superbody ng Century Tuna na naka-assign kay Marian para tanungin.
Nang tanungin siya ni Marian, ipina-translate niya ang question sa Tagalog to English dahil hindi raw niya naintindihan.
Sa sinabi nitong “I’m sorry, can I get English, please?” isinalin nga ni Marian sa English ang kanyang tanong, pero sinabihan muna siya ng “Listen very carefully... I think you understand that,” sabay peace sign.
Naaliw kay Marian ang mga nakapanood ng nasabing event at doon pa lang ay may mga na-turn-off na kay Jether Palomo.
Pure Filipino naman daw pala ito, bakit hindi nakakaintindi ng Tagalog?
Marami tuloy ang nag-comment na deserve niya ang bashings at backlash na natatanggap nila ngayon ni Brandon Espiritu.
Dahil sa pahayag ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa pagkamatay ng 2 basketball players ng Ateneo de Manila University (ADMU) dulot ng pagkalunod, maraming um-agree sa bulok na sistema ng pa-waiver ng mga eskuwelahan na matagal nang ipinapatupad kapag may field trip o kailangang dalhin ang estudyante sa ibang lugar.
Marami ang nag-agree sa post na ito ni Regine dahil bakit nga naman daw kailangan ng waiver? Bakit daw kapag may naaksidente o namatay sa school event, hindi puwedeng kasuhan ang school?
May nag-comment lang na sana ay matulungan nina Regine Velasquez-Alcasid at Vice Ganda ang pamilya nina Rene Baterbonia at Divine Adili na makakuha ng competent lawyer. Tila hindi satisfied ang nag-comment kay Atty. Jimmy Bondoc bilang lawyer sa kaso.
KINAALIWAN ng mga netizens ang muling pagkikita nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino makalipas ang 13 taon.
Nagkita ang dalawa sa set ng Eat… Bulaga! (EB!) kahapon at it was a happy reunion.
Unang nagkita at naging magkaibigan sina Ryzza at Bimb noong 2013 nang magsama sila sa isang pelikula. Ngayon lang muling nagkrus ang kanilang landas at sa mga lumabas na larawan, makikitang sweet pa rin si Bimb kay Ryzza. Nagyakapan sila at siguradong nagkuwentuhan.
Nag-guest si Bimb sa EB! at dahil sa magandang feedback, baka masundan pa ang guesting niya.
Ang request ng mga viewers ng show ay magkaroon sila ng segment ni Ryzza at sila ang maging host, o kung anuman ang maisip ng mga taga-EB!.
Tanong ng mga netizens, ang guesting ba ni Bimby Aquino sa EB! ay senyales na sasabak na talaga siya sa showbiz? Nagbo-voice lessons ito at gustong maging singer. Puwede rin siyang umarte.



