ni Nitz Miralles @Bida | September 5, 2025

Photo: Atom Araullo at Karen Davila - Instagram
“True. cringe is the word,” ang tweet ni Karen Davila bilang reaksiyon sa tweet ni Atom Araullo na, “Ang cringe ng performative outrage ng ibang mambabatas at opisyal natin. Eh, s’ya naman ‘yung nakikinabang sa korupsiyon, para naman kaming ipinanganak kahapon, mga Mamser,” na makikita sa X (dating Twitter).
Pati mga followers ni Karen sa X, nag-agree kay Atom. Binanggit pa nga ng mga netizens ang mga politicians na dapat daw tamaan at mahiya sa tweet nina Atom at Karen.
May tweet pa si Karen na sumang-ayon sa sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na dahil sa utang ng bansa, lahat ng Filipino ay may utang na P142,000 bawat isa.
Tweet ni Karen, “Kawawa tayong mga Pilipino. Imbes na mapunta sa edukasyon, pagkain, libreng pagpapagamot sa ospital... ‘yun ang budget nasa bulsa ng maraming pulitiko. Ninanakawan na tayo, tayo pa ang nagbabayad ng ninakaw nila.”
Sa reaction ng mga netizens, galit na sila at makakabasa ka pa ng comment na nagpapasalamat na wala na sila sa Pilipinas at hindi na sila Pinoy.
FPPRD, pinaglaruan sa joke sa concert…
MMFF MOVIE NINA VICE AT NADINE, IBOBOYKOT NG MGA DDS
NAGSIMULA nang mag-shooting ng kanilang 2025 MMFF entry na Call Me Mother (CMM) sina Vice Ganda at Nadine Lustre. Ang Star Cinema ang nag-announce ng: “First day, first slay #CallMeMother starring Vice Ganda and Nadine Lustre, directed by Jun Robles Lana. Get ready to be mothered this December 25 at the 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).”
Sa photo na ipinost ng Viva Films, makikitang black ang wig ni Vice at makikita rin na nakasulat ang mga producer ng movie na ABS-CBN Studios, Star Cinema, The IdeaFirst at Viva Films. Apat silang nag-collab to make sure na magna-number one ang pelikula.
Ngayon pa lang, inaabangan na ang box office gross ng CMM dahil nanawagan ang mga supporters ni former President Rodrigo Roa Duterte na i-boycott ang movie. Dahil ito sa joke ni Vice patungkol sa former president sa last concert nila ni Regine Velasquez.
Nanawagan din ang mga supporters ni FPRRD na i-boycott ang McDonalds at ibang endorsement ni Vice, pero ang sagot ng mga fans niya ay sumugod sa McDo stores at kumain.
Tingnan natin kung magwo-work ang panawagan nilang boycott sa movie ni Vice Ganda sa MMFF na laging number one.
Promo raw sa movie kaya nag-iingay…
BIANCA, NAG-POST NA TINRAYDOR SIYA, WILL PUMIYOK, TODO-EXPLAIN
MUKHANG may isyu sa magka-love team na WilCa nina Will Ashley at Bianca de Vera dahil sa post sa Instagram (IG) ng aktres na: “It breaks my heart that the person I thought knew me best can do this to me. Pinagkatiwalaan kita. You are the last person I expected to be this careless.”
Sinundan pa ng post na: “Sometimes, the hardest part of friendship is realizing that the people you thought you could trust are the ones who end up breaking it.”
May nag-akala na si Dustin Yu, isa pang ka-love team ni Bianca, ang kanyang tinukoy sa post. Mali nga lang ang hula ng mga fans dahil sinagot ni Will ang comment ni Bianca.
Aniya, “Biancs, you know I did nothing wrong. I was just trying to help. If you need proof, you’ll see for yourself.”
May mga WilCa fans na nagulat dahil hindi alam kung ano ang meron sa dalawa. May mga nag-comment naman na promo lang ang sagutan ng WilCa para sa movie nilang Love You So Bad (LYSB). Nagsisimula na raw mag-promo ang dalawa sa movie nila na kasama si Dustin at collab ng Regal Entertainment, Star Cinema at GMA Pictures.
Kaya lang, maaga pa raw para magsimula silang mag-promo, hindi pa nga yata sila nagsisimulang mag-shooting.
Sa mga natakot na baka hindi matuloy ang movie dahil sa post ni Bianca, walang dapat ikatakot dahil hindi papayag ang mga producer na hindi matuloy ang movie dahil lang sa conflict (kung meron man) nina Bianca at Will.
Speaking of Will, tuloy na ang fan meet/concert niya sa New Frontier Theater sa October 18, 2025. Inilabas na ang ticket prices at kayang-kaya ng mga fans nito presyo ng tiket.
Request ng mga fans, wala nang guest sa concert para focus lang kay Will Ashley ang buong show. Mag-aaway-away lang daw ang mga fans kapag nag-guest sina Bianca de Vera at Mika Salamanca.




