top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | September 6, 2025



Kitty Duterte at Carla Abellana - Instagram

Photo: Kitty Duterte at Carla Abellana - Instagram



May mga nag-unfollow kay Carla Abellana sa Facebook (FB) dahil ini-repost niya ang listahan kung saan kasama sa mga nepo babies si Kitty Duterte, bunsong anak ni ex-Pres. Rodrigo Duterte.


Naka-post ang photos ni Kitty na gamit ang mga branded bags. Walang comment si Carla, ini-repost lang ang post at may mga nag-react na.


Ilan sa mga comments ay nagtatrabaho si Kitty, endorser, at siguro naman ay  deserve nito ang konting luho. 


Konting luho lang dahil hindi naman sobrang mamahalin ang mga bags na nai-feature. Sariling sikap daw ang ipinambibili ni Kitty ng kanyang mga gamit na kinukuwestiyon ngayon.


May nagpayo pa kay Carla na alamin muna kung may trabaho o kung ano ang source of income ni Kitty bago niya sana ini-repost para hindi siya na-bash. 


May naniwala namang admin ng Facebook (FB) account ng aktres ang may hawak ng page niya. Dapat daw itong palitan dahil kay Carla nagagalit ang mga supporters ni Kitty at mga DDS (diehard Duterte supporters). 


As of yesterday, naka-post pa rin sa FB ni Carla ang kanyang ini-repost patungkol kay Kitty.


When we checked Carla’s FB kahapon, may matapang na comment siya patungkol sa lawyer ng mga Discaya na ipinaliwanag kung bakit wala sa garahe ng mga ito ang karamihan sa kanilang luxury vehicles.


“Perfect example of a B*LLSH*T,” ang comment ni Carla at nag-agree sa kanya ang mga followers niya. 


Mas grabe pa ang comments ng mga netizens, pero sa aktres nagagalit ang mga supporters ng mga Discaya. 


Ayaw patinag si Carla Abellana sa kanyang mga comments.



Inaakusahang ginagamit ang pera ng mister… 

HEART, 45 NA ANG ENDORSEMENTS, MAS MADATUNG DAW KAY CHIZ



MAY 45 endorsements na raw si Heart Evangelista at hindi pa kasali rito ang bago niyang endorsement na Fit Flop. Dahil milyones na ang bayad sa kanya sa mga endorsements, hindi nga naman siya magdedepende sa pera ng asawang si Senate President Chiz Escudero.


nga ng mga fans ni Heart, baka mas mayaman pa siya kay Chiz at dahil dito, kaya niyang bumili ng branded things mula sa bags, shoes, clothing, jewelry at lahat ng gamit na meron siya.


May mga kumukuwestiyon kasi kung saan galing ang ginagastos ni Heart sa madalas niyang pagta-travel at pag-attend ng Fashion Week. Ang payo ng mga fans ni Heart sa mga nagdududa, bisitahin ang Instagram (IG) nito dahil ipino-post ni Heart ang lahat ng kanyang mga ganap, pati endorsements.


And speaking of Heart, ibinalita na nitong dadalo siya sa Milan at Paris Fashion Week at siguradong magiging isyu na naman ito sa mga bashers nila ni Chiz. 


Nabanggit pa ni Heart sa interview na nag-beg-off siya sa invite sa New York Fashion Week dahil sa conflict of schedule. Hindi na niya kayang lumipad pa-New York dahil sa Milan at Paris pa lang, toxic na ang schedule niya.



ILANG araw pa lang nakabalik si Shuvee Etrata from Japan for an Acer event, lumipad na naman siya pa-Thailand for a TVC shoot ng isa niyang endorsement. 


Sa December, lilipad naman siya at iba pang endorsers ng Acer pa-Taiwan at baka may mga susunod pang international ganap ang pinaka-busy na Pinoy Big Brother (PBB) housemate.


Si Shuvee rin ang may pinakamaraming endorsements sa mga PBB housemates at maraming ganap dahil pati hosting at sa mga piyesta sa probinsiya, iniimbitahan siya. 

Sa dami ng ganap nito, nabanggit ni Atty. Annette Gozon-Valdes na kahit sila, hindi na nila ito masyadong nakikita.


Matitigil lang ang out-of-town ganap ni Shuvee kapag nagsimula na ang shooting ng first movie niyang Huwag Kang Titingin (HKT) at series na Master Cutter (MC) na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. 


Pero kung malalapit lang ang imbitasyon, magagawan pa rin ito ng paraan.

Bago lumipad pa-Thailand, dumalo muna si Shuvee sa birthday ni Klarisse de Guzman, ang tinatawag nilang “Mowm” sa grupo nila sa PBB na tinawag nilang Pamilya de Guzman. 


Nakakatuwa na hindi nawala ang closeness nila kahit may kani-kanya na silang tinatahak na career.


‘Kaaliw din na nag-contribute sina Shuvee, Will Ashley, Esnyr at Mika Salamanca sa birthday treat nila kay Klarisse. Wish ng mga fans, matuloy ang sitcom na sila ang cast at ang writer ay si Esnyr — siguradong masaya at nakakatawa.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | September 5, 2025



Atom Araullo at Karen Davila - Instagram

Photo: Atom Araullo at Karen Davila - Instagram



“True. cringe is the word,” ang tweet ni Karen Davila bilang reaksiyon sa tweet ni Atom Araullo na, “Ang cringe ng performative outrage ng ibang mambabatas at opisyal natin. Eh, s’ya naman ‘yung nakikinabang sa korupsiyon, para naman kaming ipinanganak kahapon, mga Mamser,” na makikita sa X (dating Twitter).


Pati mga followers ni Karen sa X, nag-agree kay Atom. Binanggit pa nga ng mga netizens ang mga politicians na dapat daw tamaan at mahiya sa tweet nina Atom at Karen.

May tweet pa si Karen na sumang-ayon sa sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na dahil sa utang ng bansa, lahat ng Filipino ay may utang na P142,000 bawat isa.


Tweet ni Karen, “Kawawa tayong mga Pilipino. Imbes na mapunta sa edukasyon, pagkain, libreng pagpapagamot sa ospital... ‘yun ang budget nasa bulsa ng maraming pulitiko. Ninanakawan na tayo, tayo pa ang nagbabayad ng ninakaw nila.”


Sa reaction ng mga netizens, galit na sila at makakabasa ka pa ng comment na nagpapasalamat na wala na sila sa Pilipinas at hindi na sila Pinoy.



FPPRD, pinaglaruan sa joke sa concert… 

MMFF MOVIE NINA VICE AT NADINE, IBOBOYKOT NG MGA DDS 



NAGSIMULA nang mag-shooting ng kanilang 2025 MMFF entry na Call Me Mother (CMM) sina Vice Ganda at Nadine Lustre. Ang Star Cinema ang nag-announce ng: “First day, first slay #CallMeMother starring Vice Ganda and Nadine Lustre, directed by Jun Robles Lana. Get ready to be mothered this December 25 at the 51st Metro Manila Film Festival (MMFF).”


Sa photo na ipinost ng Viva Films, makikitang black ang wig ni Vice at makikita rin na nakasulat ang mga producer ng movie na ABS-CBN Studios, Star Cinema, The IdeaFirst at Viva Films. Apat silang nag-collab to make sure na magna-number one ang pelikula.


Ngayon pa lang, inaabangan na ang box office gross ng CMM dahil nanawagan ang mga supporters ni former President Rodrigo Roa Duterte na i-boycott ang movie. Dahil ito sa joke ni Vice patungkol sa former president sa last concert nila ni Regine Velasquez.


Nanawagan din ang mga supporters ni FPRRD na i-boycott ang McDonalds at ibang endorsement ni Vice, pero ang sagot ng mga fans niya ay sumugod sa McDo stores at kumain. 


Tingnan natin kung magwo-work ang panawagan nilang boycott sa movie ni Vice Ganda sa MMFF na laging number one.



Promo raw sa movie kaya nag-iingay…

BIANCA, NAG-POST NA TINRAYDOR SIYA, WILL PUMIYOK, TODO-EXPLAIN 


MUKHANG may isyu sa magka-love team na WilCa nina Will Ashley at Bianca de Vera dahil sa post sa Instagram (IG) ng aktres na: “It breaks my heart that the person I thought knew me best can do this to me. Pinagkatiwalaan kita. You are the last person I expected to be this careless.”


Sinundan pa ng post na: “Sometimes, the hardest part of friendship is realizing that the people you thought you could trust are the ones who end up breaking it.”

May nag-akala na si Dustin Yu, isa pang ka-love team ni Bianca, ang kanyang tinukoy sa post. Mali nga lang ang hula ng mga fans dahil sinagot ni Will ang comment ni Bianca.

Aniya, “Biancs, you know I did nothing wrong. I was just trying to help. If you need proof, you’ll see for yourself.”


May mga WilCa fans na nagulat dahil hindi alam kung ano ang meron sa dalawa. May mga nag-comment naman na promo lang ang sagutan ng WilCa para sa movie nilang Love You So Bad (LYSB). Nagsisimula na raw mag-promo ang dalawa sa movie nila na kasama si Dustin at collab ng Regal Entertainment, Star Cinema at GMA Pictures.

Kaya lang, maaga pa raw para magsimula silang mag-promo, hindi pa nga yata sila nagsisimulang mag-shooting. 


Sa mga natakot na baka hindi matuloy ang movie dahil sa post ni Bianca, walang dapat ikatakot dahil hindi papayag ang mga producer na hindi matuloy ang movie dahil lang sa conflict (kung meron man) nina Bianca at Will.


Speaking of Will, tuloy na ang fan meet/concert niya sa New Frontier Theater sa October 18, 2025. Inilabas na ang ticket prices at kayang-kaya ng mga fans nito presyo ng tiket.


Request ng mga fans, wala nang guest sa concert para focus lang kay Will Ashley ang buong show. Mag-aaway-away lang daw ang mga fans kapag nag-guest sina Bianca de Vera at Mika Salamanca.



 
 

ni Nitz Miralles @Bida | September 4, 2025



Karylle - FB

Photo: Atom / IG File



Nag-viral ang tweet ni Atom Araullo laban sa “performative outrage” ng ilang pulitiko na umano’y nakinabang din sa korupsiyon, at agad itong umani ng suporta mula sa mga netizens — kasabay ng paghahanda niya sa launching ng kanyang unang libro, A View From The Ground, sa Manila International Book Fair (MIBF) 2025.


Ang tweet ni Atom, “Ang cringe ng performative outrage ng ibang mambabatas at opisyal natin. Eh, sila naman ‘yung nakinabang sa korupsiyon. Para naman kaming ipinanganak kahapon, mga Mamser (Ma’am at Sir).”


Walang tinukoy na pangalan si Atom at wala ring ibinigay na clue, pero nahulaan agad dahil napanood ang “performative performance” ng isang senador na muntik pang maiyak sa sobrang intense ng mga sinabi, to think na isa siya sa may isyu ngayon.


Nag-agree ang mga netizens na nakabasa sa tweet ni Atom, linis-linisan daw ang karamihan sa mga politicians. 


Sa reaction ng madlang people, galit na sila lalo na sa mga corrupt.

And speaking of Atom, may book launching ito ng kanyang first book na A View From The Ground na magaganap sa Manila International Book Fair 2025. Sa September 14, 2 PM sa SMX Convention Center ang book launching.


Sabi ng UP Press, “Witness stories from the ground, told by one of the most compelling voices of his generation. A View from the Ground is a collection of narrative journalism featuring stories from marginalized communities, accompanied by photographs taken by Atom himself.”



Buking sa pa-baby shower ni Sen. Grace…

LOVI, GIRL ANG IPINAGBUBUNTIS



BABY girl pala ang ipinagbubuntis ni Lovi Poe at kahit wala pang gender reveal sila ng husband niyang si Monty Blencowe, nalaman ang gender ng baby dahil sa baby shower na bigay ng sister ni Lovi na si former Senator Grace Poe.


Pink ang motif ng baby shower, pink ang balloons, may shade ng pink ang cake kaya nalaman na ang gender ng baby. 


Pero abangan pa rin natin ang formal na gender reveal ng parents sa kanilang first baby.

Malaki na ang baby bump ni Lovi, ilang months na kaya ito? Sa isang post sa Instagram (IG), nabanggit nito na buntis na siya nang rumampa sa runway sa Bench, dumalo sa ABS-CBN Ball, nag-shoot ng summer campaign at sumama sa Panagbenga parade.

Sa reels, nag-post si Lovi na malaki na ang tiyan, kumakain ng manggang hilaw at nagwo-workout. Katuwa ‘yung habang ipinapakita ng aktres ang baby bump niya, lumakad sa likod niya ang asawa na parang buntis at pinalaki ang tiyan.


Anyway, may pasilip si Lovi sa international movie na Bad Man (BM) na ginawa niya kasama ang aktor na si Johnny Simmons.


Aniya, “So, this is the project I flew all the way to Alabama for, Bad Man. One of my favorite films of all time is The Perks of Being a Wallflower and to find myself sharing the screen with Johnny Simmons in Bad Man is still something I can’t fully put into words. He’s such a generous actor. I honestly loved every moment doing our scenes together.”



BIRTHDAY kahapon ni Kyline Alcantara at may birthday message ang Kapuso actress sa kanyang sarili.


Sey niya, “Today I pause to celebrate life, not just the years I’ve lived but the strength, courage and faith that have carried me through. I’ve faced challenges, overcome trials, and discovered resilience I didn’t know I had. Every obstacle became a lesson, every struggle a stepping stone, and for that I am grateful.


“I thank God for blessing me with life and guiding me each day. I thank my family for their unconditional love, my friends for their laughter and loyalty, and my supporters and fans for their encouragement and belief in me. Each of you has been a part of my journey, and I wouldn’t be who I am without you.


“This birthday is also a celebration of independence, the freedom to grow, to dream, and to walk boldly into the future with faith and determination. May this new year bring me peace, joy, and endless opportunities to shine.


“Here’s to my growth, to gratitude, and to the chapters yet to be written.”

Belated happy birthday, Kyline!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page