top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

by Mai Ancheta @News | August 26, 2026



Checkpoint niragasa ng tricycle, 2 pulis sapul

Photo: File / Police Checkpoint - PNP Quezon Municipal Police Station



Sugatan ang dalawang pulis na nagmamando sa isang checkpoint makaraang salpukin ng 54-anyos na lasing na tricycle driver habang minamaneho ang kanyang “bao-bao” sa Brgy. Poblacion, Quezon, Bukidnon.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang dalawang pulis ay abala na nag-i-inspect sa mga dumadaang sasakyan nang dumating ang bao-bao  na mabilis ang takbo at sinagasaan ang dalawang pulis.


Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang dalawang pulis at nagtamo ng mga sugat sa katawan.


Walang tinamong sugat ang driver, subalit naobserbahan ng mga nagrespondeng awtoridad na nasa impluwensiya ito ng alak.


Inilagay sa kustodiya ng Quezon Municipal Police Station ang suspect para sa dagdag na imbestigasyon.


 
 

by Jeff Tumbado @News | August 26, 2026



Lifestyle check sa 107 officials ng LTO, BOC

Photo: File / LTO



Magsasagawa ang Office of the Ombudsman ng lifestyle check sa mahigit 100 opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno na itinuturing na “income-generating,” kabilang ang Land Transportation Office (LTO) at Bureau of Customs (BOC).


Ito ang ibinahagi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Martes sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kaugnay ng panukalang budget na mahigit P7 bilyon para sa kanilang tanggapan.


Tinanong ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno si Remulla kung nagsasagawa ang Ombudsman ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.


Ayon kay Remulla, kasalukuyang isinasagawa ang 107 lifestyle checks, at nadaragdagan pa ang mga pangalan sa listahan habang patuloy silang kumukuha ng impormasyon tungkol sa mga opisyal sa Customs, LTO at iba pang ahensiyang kumikita para sa pamahalaan.


Aniya, partikular na tinututukan ang mga ahensiyang ito dahil dito umano mas madalas na nangyayari ang mga tinukoy niyang “lifestyle sins”.


Noong nakaraang taon, iniutos din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng opisyal ng gobyerno, na sinimulan sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang bahagi ng mas malawak na pagsusuri sa mga proyekto sa flood control. 

 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 25, 2026



Si Pangulong Bongbong Marcos sa pagbisita sa mga natamaan ng bagyo at habagat - PBBM

Photo: File / PCO



Hindi lang kakulangan sa flood-control projects kundi pati ang matinding pag-ulan at climate change ang nagpalala sa pagbaha sa Central Luzon, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Matapos ang situation briefing sa Pampanga, sinabi ni Marcos na agad aayusin ang mga nasirang flood-control structures habang pinag-aaralan ang mas matitibay na pangmatagalang solusyon.


Kabilang sa mga hakbang ang limang Sabo River dams sa Nueva Ecija para mapabagal ang agos ng tubig mula sa kabundukan at mabawasan ang siltation.


Pinag-aaralan din ang pagtatayo ng tinatayang 100-kilometrong dike-road hanggang Pilar, Bataan, upang makatulong na harangin ang tubig mula sa Manila Bay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page