top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

by Benjamin Chavez @News | August 26, 2026



Fixer huli - LTO Region 4A Calabarzon - Timemark

Photo: LTO Region 4A Calabarzon - Timemark



Muling naaresto ang isang indibidwal na umano'y sangkot sa illegal fixing activities sa isinagawang joint entrapment operation ng Land Transportation Office (LTO) Cabuyao District Office at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Laguna.


Ayon sa LTO, nahuli ang suspek na kinilala lang sa pangalang Kevin, matapos umano itong mag-alok ng "palakad" o hindi awtorisadong pagproseso ng transaksyon kapalit ng bayad sa isang poseur-client. 


Lumabas din sa ulat na ikalawang beses na umanong naaresto ang naturang indibidwal kaugnay ng parehong alegasyon.

 
 

ni Gina Pleñago @News | August 26, 2026



Tricyle drivers pasok sa TUPAD - City of Las Piñas-PIO

Photo: City of Las Piñas-PIO



Sinimulan ang Orientation ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program para sa 500 miyembro ng iba't ibang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Las Piñas City bilang paghahanda sa 10-araw na trabaho sa ilalim ng TUPAD programa.


Ang bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng P755 kada araw sa loob ng 10 araw, o kabuuang P7,550, kapalit ng kanilang serbisyo sa mga gawaing itinalaga sa ilalim ng programa.


Dumalo sa orientation sina Las Piñas City Mayor April Aguilar, PESO Head Red Garcia at DOLE Muntaparlas Director Jeremiah Carlos, na nagbigay ng mahahalagang paalala sa mga benepisyaryo bago magsimula ang kanilang trabaho.


 
 

by Mai Ancheta @News | August 26, 2026



7 arestado sa sabong ng gagamba

Photo: File



Tiklo ang pitong katao matapos maaktuhang tumataya sa ilegal na spider fighting sa Brgy. Pangao, Ibaan, Batangas.


Isinagawa ang operasyon alas-3:40 ng hapon, laban sa illegal gambling na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina alyas Joseph, 36; James, 29; Jaypee, 38; Adrian, 23; Jerome, 33; Marvin, 33; at Jayson, 43.


Ayon sa pulisya, naaktuhan ang mga suspek na ilegal na tumataya sa laban ng mga gagamba.


Narekober ang isang portable spider fighting arena, 11 bamboo sticks o paleta, pitong kahon na naglalaman ng kabuuang 25 buhay na gagamba, P1,500 bet money, weighing scale, notebook at score sheet.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o batas laban sa illegal gambling.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page