top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Maeng Santos @News | August 23, 2026



Arestado sa kush marijuana sa Valenzuela - PNP-NCRPO

Photo: PNP-NCRPO



Mahigit P136K halaga ng high-grade marijuana ang nasamsam sa isang hinihinalang high-value drug personality nang maaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.


Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas Leonard, 25, ng Caloocan City.


Ayon kay SDEU Chief P/Lt. Sherwin Dascil, ikinasa nila ang buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA kasunod ng natanggap na ulat na ang suspek umano ang nagbabagsak ng marijuana sa Valenzuela na ibinebenta naman sa mga estudyante sa lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya alas-10 ng umaga sa Brgy. Marulas.


Ani SDEU investigator PSSg. Cris Paul Collo, nakuha sa kanya 114 grams ng hinihinalang high-grade marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P136,800.


Pinuri ni Mayor Wes Gatchalian ang Valenzuela CPS sa pamumuno ni Col. Talento sa kanilang matagumpay na drug operation.

 
 

ni Gina Pleñago @News | August 23, 2026



30 anyos dinala sa hotel ang 12 anyos - Brgy. 165 - GMA

Photo: Courtesy Brgy. 165 / GMA



Swak sa kulungan ang isang 30-anyos na lalaking tumangay sa 12-anyos na dalagitang inabuso nito sa loob ng tatlong araw matapos mahuli sa Pasay City, Biyernes ng gabi.


Nailigtas ng Pasay City Police Sub-Station 6 (Malibay), katuwang ang Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Taguig City Police Station at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang menor-de-edad na biktima kasabay ng paghuli kay alyas Angelo,  naninirahan sa Brgy. 165, Malibay St.


Ayon sa imbestigasyon, nakilala ng biktimang residente ng Taguig, ang suspek sa chat, at noong Agosto 18, 2026 ay dinala siya nito sa hotel sa Pasay City kung saan umano siya hinalay.


Nasundan pa ang pang-aabusong sekswal nang iuwi pa ng suspek sa kanyang bahay ang biktima na nanatili hanggang Agosto 21.


Palihim na nakahingi ng tulong ang biktima sa kanyang ina na agad nakipag-ugnayan sa mga awtoridad, na nagresulta sa paghuli sa suspek sa kanyang tirahan.

 
 

by Mervin Reyes @News | August 23, 2026



100 WEBSITES NA NAG-I-STREAM NG SCHOOL SHOOTINGS, IBA-BLOCK NG TELCOS

Photo: Circulated



Mahigit 100 website na nagho-host o nag-i-stream ng footage ng school shootings at iba pang matinding karahasan ang iba-block ng PLDT, Smart at Globe kasunod ng pamamaril sa isang paaralan sa Zamboanga City.


Sinabi ng PLDT na saklaw din ng blocking ang network ng Smart, kaya hindi na maa-access ng kanilang subscribers ang mga natukoy na website.


“We have decided to ban these kinds of sites preemptively, as soon as they are discovered. Our networks will not be used as a channel for content that glorifies violence and puts our communities, especially our children, at risk,”  ani PLDT Chief Operating Officer Butch Jimenez.


Ayon naman kay Globe General Counsel Froilan Castelo, may pananagutan ang telcos na makatulong sa mas ligtas na online environment, lalo na para sa mga bata.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page