top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 21, 2026



TALKIES - COCO, TODO-THANK YOU KAY JULIA SA PAG-AALAGA SA PAMILYA NILA_IG _thecocojarchive

Photo: IG _thecocojarchive



“Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, my partner, my best friend, my love and my boss,” ang pahayag ng aktor na si Coco Martin nang mag-post siya sa Instagram (IG) ng kanyang birthday greeting para sa aktres na si Julia Montes.


Aniya, “Maligayang kaarawan sa pinakamamahal ko, Mara. Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at pag-aalaga mo sa akin at sa buong pamilya natin.


“Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, my partner, my best friend, my love and my boss. Ikaw ang inspirasyon ko sa araw-araw. Napakapalad ko dahil ibinigay ka sa akin ng Diyos. Happy birthday @montesjulia08. Mahal na mahal kita.”


Anyway, happy birthday, Julia Montes!

‘Yun lang, and I thank you.





Karibal kay Jillian…

EMAN, UMAMING KINAUSAP SI RAHEEL BHYRIA 



“We’re really good friends,” ang pahayag ng aktor-boksingero na si Eman Bacosa Pacquiao nang tanungin siya kung ano ang status nilang dalawa ng aktres na si Jillian Ward.


Kamakailan lang ay nag-guest ang anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Eman sa Unang Hirit (UH).


Sa panayam ay ibinahagi ni Eman ang naging experience niya sa taping ng Never Say Die (NSD) ng GMA Network.


Saad ni Eman, “Ah, nakakakaba po at napaka-exciting kasi ‘yun po ‘yung first acting project ko.”


Tanong ni Arnold Clavio, “Ang tanong, mas mapapanood ka ba namin sa pag-arte kaysa pagboboksing?”


Saad ni Eman, “Parehas po.”


Tanong naman ni Suzie Entrata, “Marami ang nag-request na mag-guest ka sa Never Say Die dahil maraming kinikilig sa inyo ni Jillian. Kumusta namang makaeksena si Jillian? Nahiya ka ba noong una?”


Saad ni Eman, “Ah, nahihiya at kinabahan po ako.”


Hirit ni Arnold nang mapansin nitong Jill lang ang tawag ni Eman kay Jillian, “Kami, ‘Jillian’, bakit ikaw ay ‘Jill’ lang ang tawag mo?”

Saad ni Eman, “Um, close friends po kami.”


Birong tanong ni Arnold, “So, tawag sa ‘yo, ‘Ems’ na lang?”

Sagot ni Eman na may kasamang ngiti, “Secret.”


Sa nasabing panayam ay natanong ni Arnold ang tungkol sa pagpunta ni Jillian sa Bohol.

Saad ni Eman, “Ah, support po s’ya sa akin. Full support po s’ya sa akin. Pati family n’ya, pati ako rin po sa kanya sa pagiging artista n’ya.”


Tanong ni Arnold, “Kinumusta mo ba si Jillian dahil nakakakaba manood ng boxing?”

Saad ni Eman, “Yes po. Kinumusta ko po s’ya. Sabi n’ya, first time po n’ya manood ng boxing.”


Dagdag na tanong ni Arnold, “Nag-alala ba s’ya sa ‘yo?”

Saad ni Eman, “Sobra.”


Tanong pa ni Arnold, “Kumusta ang pamilya mo at pamilya ni Jillian?”

Saad ni Eman, “Maayos naman po. Nagba-bonding po ‘yung family namin minsan. Usap-usap po ‘pag may time.”


Tanong naman ni Suzie, “So, parents n’ya ay nandu’n?”


Saad ni Eman, “Yes po. Nag-attend po sila sa fight. Tapos, dinner po kami, long talk.”

Tanong ni Suzie, “May selos ka bang nararamdaman kay Raheel Bhyria?”

Saad ni Eman, “Ahm, nag-usap naman po kami.”


Dagdag na tanong ni Arnold, “Ano’ng pinag-usapan n’yo?”

Saad ni Eman, “What’s up, bro?”


Dagdag na sabi pa ni Eman, “Guys, ‘di po kami magkaaway. Friends po kami.”

Ibinahagi rin ni Eman na una niyang ginagawa ‘pag gising sa umaga ay magdasal.

Well, in fairness sa anak ni Sen. Manny Pacquiao, super magalang.





“IT’S really fun especially working with Rhen. I enjoyed it so much,” ang pahayag ng mahusay na aktor na si Joseph Marco sa preskon ng Viva One original series na My Husband is a Mafia Boss (MHIAMB).


Sa panayam ay natanong si Joseph Marco at ang kanyang ka-love team na si Rhen Escaño kung ano ang masasabi nila sa isa’t isa at sa mga kasama nila sa serye.

Saad ni Joseph Marco, “It’s so fun kasi after reading the book, naging fan talaga ako. Bago pa kami mag-start, sobrang excited na ako.


“Knowing the Zek and Amy character, ‘yung banter nila, it’s really fun especially working with Rhen. I enjoyed it so much.


“Sobrang enjoy ko na makatrabaho si Rhen. I guess, ito yata ‘yung pinaka-genuine na team-up na nagawa ko and I am so blessed to have her as my leading lady for Mafia Boss.


“I don’t think I would be able to do the things I do here kung ‘di s’ya ang ka-partner ko. That’s why I am so thankful. Very healthy ‘yung relationship namin at every time we have tapings, I am always excited to work with her.”


Saad naman ni Rhen Escaño, “Iba ‘yung feeling na ‘pag excited ka sa ginagawa mo, magre-register sa camera.


“So lalo na with director na very funny person, ang saya talaga sa set. Very light at ang saya ng lahat. After ng eksena, nagtatawanan.


“And so it’s a happy set dahil sobrang gusto namin ‘yung ginagawa namin and also of course the project.”


Mula sa direksiyon ni Fifth Solomon, mapapanood na sa wakas ng mga fans sa buong mundo ang isang kuwentong puno ng kilig at thrill.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 19, 2026



Jose Manalo at Toni Gonzaga -Toni Talks YT

Photo: Jose Manalo at Toni Gonzaga - Toni Talks YT




Masayang kuwentuhan na may kasamang bukingan ang naging ganap sa YouTube (YT) channel ng singer-actress na si Toni Gonzaga na Toni Talks (TT) nang mag-guest sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.


Nagbahagi si Toni ng karanasan niya sa pag-audition sa Eat…Bulaga! (EB!) para sa segment na Birit Queen.


Kuwento ni Toni, “Si Jose ang naalala ko, nag-audition ako sa kanya sa Birit Queen.”

Tanong ni Wally kay Jose, “Ipinasa mo?”


Sagot ni Toni, “Hindi. ‘Di ko makakalimutan kasi nu’ng nag-host na s’ya, ‘Ito ‘yung ‘di pumasa sa akin. Ito ang ‘di nagpasa sa akin.’”


Tanong ni Jose, “Bakit ko ba ibinagsak ‘to?”


Natawa na lang si Jose sa kuwento ni Toni at pabirong sabi niya, “Pinabalik kita noon?”

Well, at least, hindi man naging parte ng Birit Queen si Toni ay naging host naman siya ng EB! ‘Di ba, Jose Manalo?


Tanong pa ni Toni, “Ano’ng pinaka-memorable ninyong Sugod-Bahay?”

Sagot ni Jose, “Nu’ng nalaglag ako sa kanal.”


Dagdag na tanong ni Toni, “Ba’t ka nalaglag sa kanal?”

Sagot ni Jose, “‘Di nakita sa camera, pero may naka-video, in-upload ‘yun. So nalaglag ako, ‘di nakita. Pag-ahon ko, sabi ni Tito Sen (Tito Sotto), ‘di n’ya raw nakita. ‘Oh, ‘di mo nakita?’ Inulit ko pa.


“Pero inisip ko na ‘di ako hihinga, ‘di ko ibubuka ‘yung bibig ko. Aahon agad ako kasi baka

may mainom ako.


“Tumawag din si sir. ‘Ano’ng nangyari? May mga open wounds ka ba?’ ‘Meron po.’ ‘Nasaan?’” pag-alala ni Jose sa naturang aksidente.


Pabirong sagot daw niya, “Ito po, ‘di ba, ‘yung nasa mukha ko?’


“Sabi n’ya, ‘‘Di ‘yan! Puro ka kalokohan! Nag-aalala kami sa ‘yo. Ano’ng gusto mo?’

“Sabi ko, ‘Sir, dagdagan n’yo po ‘yung sahod namin.’”


Hirit ni Toni, “Ang tibay ng resistensiya mo?”


Saad ni Jose, “Alam mo bang tulog ka na, pero napapanaginipan mo pa ‘yung amoy? Ganu’n s’ya. Ganu’n s’ya kalupit.”


Tungkol naman sa naging samahan nila bilang mga hosts, tanong pa ni Toni, “Nagkatampuhan ba kayo?”


Sagot ni Jose, “Sa totoo, wala. Walang salitang showbiz, wala.”


Well, in fairness sa JoWaPao (Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros), marami na rin silang napasaya sa husay nila pagdating sa pagho-host.

Boom!

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 18, 2026



Paolo Balesteros at Toni Gonzaga - Toni Talks

Photo: Paolo Balesteros at Toni Gonzaga - Toni Talks YT




“Ang dream ko pa naman noon sa Eat… Bulaga! (EB!), maging love team ko si Paolo,” ang pahayag ng aktres-singer na si Toni Gonzaga sa YouTube (YT) channel nitong Toni Talks nang mag-guest sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.


Sa umpisa pa lang ng nasabing show ay nagbalik-tanaw na si Toni sa mga nakaraan nila noon ni Paolo habang nasa programa pa sila.


Saad ni Toni, “Alam mo, tinitingnan ko ‘yung mga pictures namin ni Paolo, ‘yung mga campus tour natin sa Eat…Bulaga!. ‘Pag may campus tour, ‘di ba, tayo ang ipinapadala? Mga bagets pa kami noon. Ngayon, may anak na kami.”


Aniya pa, “Tapos eto, grabe ang tilian ng mga babae ‘pag lumabas si Paolo.”

Hirit na tanong ni Jose, “Pogi, ‘no?”


Saad ni Toni habang nakatingin kay Paolo, “Oo. Alam mo, ang daming nagsasabi na kamukha mo ‘yung asawa ko na si Paul (Soriano).”

Tanong ni Paolo, “Nasaan si Direk Paul?”


Pabirong sabi ni Jose, “Kaya s’ya nagpunta rito, para kay Direk Paul. Hahaha!”

Sa panayam ay sinabi ni Toni na halos sabay silang pumasok ni Paolo sa EB! noong 2001.


Tanong ni Toni kay Paolo, “Ikaw ba, nakuha rin dahil sa kumo-commercial?”


Taas-noong sabi ni Paolo habang may magandang ngiti, “Hindi, sa mga connections.”

Dagdag na tanong ni Toni, “‘Di nga? Ano’ng connection?”


Inamin ni Paolo na kaibigan kasi ng manager niyang si Jojie Dingcong ang dating producer ng Eat… Bulaga! na si Malou Choa-Fagar kaya agad siyang nakapasok dito.


Dagdag na tanong ni Toni, “Pero nagsimula ka rin sa mga commercials?”

Hirit na tanong ni Wally Bayola, “Agad-agad?”

Saad ni Toni, “Guwapo, eh. Saka may hitsura, eh.”


Inamin din ni Toni sa panayam na ang dream niyang maging ka-love team ay si Paolo Ballesteros.


Aniya, “Alam mo, nagulat ako kay Paolo na naging komedyante s’ya. Kasi nu’ng umalis ako, matinee idol ang packaging nito, eh. Naging full blast comedian ka na.”


Pabirong sabi ni Paolo, “‘Yung thought pa lang na ‘yun, comedy na. Dapat, dramatic actor.”

Sa sinabi ni Paolo ay natawa na lang sina Jose, Wally at Toni.


Saad pa ni Toni, “Ang dream ko pa naman noon sa EB! ay maging love team ko si Paolo. Kasi ang guwapo nga ni Paolo noon, ‘di ba?”


Hirit na sabi ni Jose, “‘Yun pala, kukulutan ka.”

Saad ni Toni, “Oo, ‘yun pala, makeup artist.”

In fairness, pinuri ni Jose Manalo si Paolo Ballesteros.


Sey ni Jose, “Magaling ‘yang si Paolo kaya nabuo ang JoWaPao (Jose, Wally at Paolo).”

Anyway, sayang at hindi natuloy ang dream ni Toni Gonzaga na maka-love team si Paolo Ballesteros. At least, kamukha pa rin nito ang nakatuluyan niya na si Direk Paul Soriano.

‘Di ba naman, madlang people?





HINDI mapipigilan ang aktor na si Sen. Bong Revilla na magpahayag ng pagmamahal sa kanyang anak na nagdiriwang ng kaarawan, si 1st District Cong. Jolo Revilla.


Sa social media post ni Sen. Bong sa pamamagitan ng RBR page administrator ay nagpahayag siya ng pagbati para sa kanyang anak.


Saad sa post ng RBR administrator, “Happy birthday sa aming anak at napakasipag na kinatawan ng Cavite 1st District, Cong. Jolo Revilla!


“Bilang magulang, palagi naming ipinagpapasalamat sa Diyos na biniyayaan Niya kami ng mga anak kagaya ninyo, ‘di lang matagumpay sa inyong larangan kundi mayroon ding pusong handang tumulong sa kapwa.


“Napakasarap sa pakiramdam na makita ang dedikasyon mo sa paglilingkod sa nasasakupan mong distrito sa ating lalawigan ng Cavite. Dalangin ko na patuloy kang gabayan at pagpalain ng Panginoon. Nawa’y bigyan ka Niya ng higit pang lakas at talino para maipagpatuloy ang iyong hangarin para sa ating mga kababayan.


“Tandaan mo na palagi kaming nasa likod mo, anak. We love you, and we’re so proud of you, Jolo! Happy birthday!”


Well, happy birthday, Cong. Jolo Revilla!





“HUGE respect to our Queen Bomb Rochelle Pangilinan for leading the way,” ito ang pahayag ni SexBomb member Aira Bermudez sa kanyang Facebook (FB) post.

Saad ni Aira, “Being a leader isn’t about a title on a paycheck, it’s about the talent, sweat, and years of experience.


“Hindi ‘yan basta ibinibigay, at lalong hindi ‘yan maaagaw.


“I’ve worked hard for every step I take on that floor. Jobs can come and go, but the discipline and skill I’ve earned, that’s mine forever.


“Huge respect to our Queen Bomb Rochelle Pangilinan for leading the way. Proud to lead beside the best. Get, get aww!”


Korek ka r’yan, Sexbomb Aira! Deserve naman talaga ni Rochelle Pangilinan ang respeto dahil sa husay niya sa pagiging leader.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page