top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 16, 2025



TALKIES - ISSA_ MAY GO SIGNAL NI NADINE ANG RELASYON NAMIN NI JAMES_YT Karen Davila & TikTok Paul Nebres

Photo: YT Karen Davila & TikTok Paul Nebres



Nagsalita na si Issa Pressman matapos makatanggap ng matinding bashing online dahil sa inamin sa relasyon nila ng aktor-singer na si James Reid sa panayam ng mahusay na broadcast journalist na si Karen Davila sa kanyang YouTube (YT) channel.


Nagsimula ito nang kumalat ang mga video at pictures online na siya ang naging dahilan kung bakit naghiwalay sina Nadine Lustre at James. Tinawag din siyang ‘ahas’ tulad ng kanyang ateng si Yassi Pressman.


Unang tanong ni Karen, “Issa, this is your first sit-down interview. What made you come out today and talk to us?”


Saad ni Issa, “When I found out about Emman’s (Emman Atienza) case, I was so sad. I was stalking her and I was sitting… I’m so sorry for crying.


“I know where she was and I look at her and alam mo ‘yung parang she looks so happy. She’s so bright and brilliant. And it hurts me to know that bashers, strangers, people from afar took that light away from her which is not right. And that’s not okay. 


“So me speaking up right now, actually I know it might attract more noise. It’s going to call on more of the bashers to give more judgement, to criticize me more. But then I’m here so that if I could save more lives by doing this video, even if it risks more hate for me, then I'll do it.”

Dagdag na tanong ni Karen, “How did Emman’s passing resonate with you, with your own life?”


Saad ni Issa, “The bashing gets so loud and so intense and once it gets really in your head, once it breaks down all of your walls and it gets to you, at a certain point when you feel so sad and lonely and dark and weak, ‘di mo kayang labanan, eh. ‘Pag ‘di mo na kayang labanan, you are going to give up.


“That’s what I did. I gave up at a certain point. I did give up because I just felt like there was just nothing when they took everything from me and I felt like I was nothing. Ewan ko, parang sumuko na lang ako. Umuwi ako and then I went to… I think James. I was with my sister, my sister thought that I was with him. 


“And then I went home and I attempted and I didn’t tell anyone. But I still woke up the next day and I felt like baka this is not yet my time. God is telling me not yet. And I woke up and I was so sad that I let myself get to that point. And I don’t think I could have pulled… I had no energy to pull myself out. But I had James to pull me out. And James really, really helped me to just get back to myself again. Even if I couldn’t stand he helped me. He helped me lift myself up so that I could fight this. And we fought it together.


“But not everyone has someone like James, someone in our lives who could help stand up when it’s the hardest. Who could make us see love when it’s the hardest to love, to forgive when you just can’t forgive anymore. So I’m here now because I want to put a stop, to make a change, and maybe inspire someone that someone else can help us and that person who could help could know how to help and for these bashers to stop.”


Tanong ng mahusay na journalist na si Karen, “What happened after people knew that you and James were together?”


Saad ni Issa, “When I met the biggest love that I’ve met in my life came the biggest challenge. Actually, before we went out in public, I messaged Nadine pa.


“And then of course, out of respect for them, I told her, ‘We started dating and I really want to see where this is going to go.’ And then she was kind of saying, ‘Good morning. To be honest, that’s been a lifetime ago but I appreciate you telling me. I wish you guys the best of luck.’

“From then on, everything’s clear, everything’s good. ‘Let’s go out in public na.’ And so we did.


We went to a Harry Styles concert ‘cause it was so casual, nothing to hide. Suddenly all the bashing came again. First it was like online 2020, ingay. Ang daming… like lahat ng accusations nila noong 2020 bumalik. ‘Yung negative. Just so many DMs in my emails, my Facebook (FB) comments, Twitter (X), TikTok (TT).”


Sey ni Karen, “That’s cyberbullying.”


Sagot ni Issa, “Yes, that was cyberbullying.”


Well, bakit naman kasi ang daming bashers na hindi nag-iisip kung nakakasakit na sila?

Isip-isip din ‘pag may time, mga bashers. Reminder lang ni yours truly, may batas na sa cyberbullying kaya baka kayo ang mapahamak. 



“HINDI perfect ang journey,” ito ang sinabi ng mahusay na businessman at aktor na si Marvin Agustin nang balikan niya ang araw na gumawa siya ng isang dish na naging dahilan ng paglakas ng negosyo niya.


Sey ni Marvin sa social media post niya, “Exactly five years ago today — nasa garahe lang ako, holding this cochi, hoping it would turn out right. Hindi perfect ang journey, hindi madali, at hindi laging maganda… pero worth it talaga.


“Hindi lang ito tungkol sa isang dish or sa negosyo. It’s about the character it built in me, the discipline, the heart and the grit.


“Nakakatawa isipin na dito lahat nagsimula, sa usok ng garahe, sa trial and error, sa dasal na ‘Sana maging crispy.’ Pero ito rin ‘yung mga moments na nagpapasalamat ako… kasi kahit ang daming sablay, pagod, at uncertainties… I didn’t stop.

“Thank you sa lahat ng sumama sa journey na ‘to.”


Congratulations, Marvin Agustin dahil sa sipag at tiyaga mo kaya naman successful businessman ka. 


‘Di ba naman, Jolina Magdangal?


Pak na pak ka d’yan. As in pak, wapak, tumpak genern!

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 10, 2025



TALKIES - KAREN_ MARAMING PULITIKO ANG NALILIGO SA NAKAW_IG _iamkarendavila

Photo: IG @iamkarendavila



“Please stop stealing,” ito ang pakiusap ng mahusay na broadcast journalist na si Karen Davila sa kanyang latest post sa social media platform na X (dating Twitter) matapos manalasa ang Bagyong Tino sa Cebu na nagdulot ng matinding baha kamakailan lang.


Saad ni Karen, “HOW CORRUPTION MAY HAVE COST LIVES. 188 dead and rising.

“The worst flash flood in the history of the province. Cebu has 414 flood control projects worth P26.7 billion from 2022 to 2025 – meant to protect our people, homes, and livestock. What happened?!


“At hindi lang ito sa Cebu province, buong Pilipinas binabaha dahil ninanakaw lang naman ang flood control. Extreme weather conditions will only worsen.


“It is a part of the world we live in today. What breaks my heart is seeing how our people are suffering because of systemic corruption.


“Nakakaawa ang ordinaryong Pilipino. Habang nagdurusa sa hirap at kalamidad, maraming pulitiko ang naliligo sa nakaw. PLEASE. STOP. STEALING.”


Sad to say, Karen, lalong naghihirap ang mahirap dahil sa baha. Ingat na lang, madlang people.



May pagbuka rin ng mga lupa…

RUDY BALDWIN: BAGYO, BAHA, LINDOL, SUNOG, TULOY SA 2026



MAY bagong vision na naman diumano ang nakilala online na manghuhulang si Rudy Baldwin.


Bago simulan ni yours truly ang pagsusulat ng vision niya ay nakaugalian ko nang magdasal at sinasabi ko agad, “I rebuke you in the name of Jesus. Amen.”


Kuwento ni Rudy sa Facebook (FB) post niya, “November 7, 2025 #CALABARZON Vision. Bago ang lahat, nais ko ipaalam ulit na ako ay isang psychic visionary na kung ano man ang ipinakita ng Diyos sa akin ay hanggang doon lamang ang aking masasabi.


Kahit kailanman ay hindi ko ginusto na mangyari ang mga vision ko ngunit kailangan kong maiparating sa inyo dahil ganu’n tayo kamahal ng Diyos. ‘Wag ninyong tingnan sa negatibong pananaw lahat ng post ko.


“Maging handa dapat ang lahat, nasa inyo ito kung paniwalaan ninyo o hindi. Ang mahalaga, magdasal tayo dahil may Diyos at nakikinig Siya sa atin. Huwag ninyo gawing katwiran na kung may Diyos, dapat ‘di na nangyari lahat ng ito, dahil kadalasan, tao ang gumagawa ng ikapapahamak ng kapwa.


“Pasalamat pa rin tayo na tayo ay ginabayan ng Diyos Ama. Hindi man Siya bumaba sa lupa para balaan tayo ngunit ipinakita Niya sa mga taong tulad ko na maihambing kay Noah. Lagi tandaan, tao lamang ako, hindi ako Diyos o propeta.


“Kung ano man ang ipinakita sa akin ay hanggang doon lamang ang masasabi ko dahil Diyos pa rin ang may alam sa lahat.


“CALABARZON, maging handa dahil nakikita ko sa vision ko ang pangyayaring paulit-ulit na umiikot sa mga lugar na sakop ng CALABARZON, paulit-ulit na yanig kung saan may lindol na sinabayan ng bagyo.


“Mangyayari ito ng tatlong beses, kahit sa susunod na taong 2026. May pangyayari akong nakita na kung saan paikut-ikot ang mga hayop na animo’y nag-uusap at nagbibigay ng babala sa bawat lugar. Kahit dagat ay lumapit sa dalampasigan ngunit huwag magpakampante dahil ito ay babala.


“May tatlong bagyo na magla-landfall. May mga nakita akong bitak at butas na pabilog, isang butas sa kalupaan at tubig ang pangyayari kahit sa panahon na walang kalamidad. Isang mahabang biyak sa lupa na halos hinati ang bahagi ng lupa, animo’y ilang lugar na pinaghiwalay. Ito ay bahagi ng hamon ng kalikasan. May isang maliit na butas o hugis ng mahabang kidlat na kung saan ang singaw o buga nito ay nagbigay ng kapahamakan sa tao.


“Sa taong ito at sa taong 2026, may mangyayaring ilang araw na pag-ulan na walang tigil na siyang dahilan upang magmukhang dagat ang mga lugar. Lalo na sa taong 2026, maraming pinsala. Ang kasakiman ng ibang tao ang dahilan ng kapahamakan ng iba. Kailangan ninyo akong tulungang magdasal dahil sa Diyos, walang imposible.

“Mag-ingat ang lahat sa sunog dahil sa vision ko, may sunog na hindi mo maunawaan dahil sunog ito na kakatapos lang ng isa ay susundan agad ng panibago. Animo’y sunog na nagkasagutan, apoy na sagutan sa bawat lugar.


“Maging maingat sa lahat ng bagay na maaaring maging sanhi ng sunog at aksidente sa himpapawid na mangyayari sa CALABARZON. Maging maingat ang lahat at ‘wag kalimutang manalangin palagi. ‘Wag po kayong magalit sa akin dahil ipinakita lang ng Diyos sa akin ito bilang babala.”


Well, mas makabubuti kung magdasal tayo, mga madlang people, para maging safe tayong lahat sa anumang kalamidad. 

Ganern!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 9, 2025



TALKIES - PAULEEN, PROUD NA 14 YRS. NA SILANG KASAL NI VIC_FB Pauleen Luna Sotto

Photo: FB Pauleen Luna Sotto



Sa pag-ibig, hindi mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Ito ang nakita ni yours truly sa TV host-aktor na si Vic Sotto at sa asawa nitong aktres na si Pauleen Luna-Sotto.


Sa Instagram (IG) post ni Pauleen, nag-share siya ng larawan nilang mag-asawa na tipong parang bagong kasal pa lang at kita sa mukha nila na masaya sila sa isa’t isa.


Saad ni Pauleen sa post niya, “14 years together (star emoji). What a blessing.”

Wow, happy anniversary, Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna!



HABANG personal na namimigay ng tulong sa mga nasalanta sa Cebu, nasaksihan mismo ni Sen. Robin Padilla ang kaguluhan sa pila ng mga nangangailangan, dahilan para ibahagi niya sa social media ang kanyang karanasan at paalala tungkol sa tunay na diwa ng serbisyo-publiko.


Kuwento ni Sen. Robin, “The best training is on-the-job training!

“Habang nagbibigay ng pambili ng pangtawid-gutom ang aking mga kasama, may mga palaban na nanggulo sa linya. Ang pulis at guardia ng city hall ng Talisay ay sinubukan na ibalik ang kaayusan ngunit tinalo sila ng dami ng mga palaban. Napilitang umatras ang aming volunteers dahil makukuyog na sila.


“Habang nangyayari lahat ito, may isang grupo ng mga trainee ng isang bureau ang napadaan sa nagaganap na kaguluhan. Ang buong akala namin ay hihinto ang mga ito at tutulong sa guardia at pulis, pero nagkamali kami. Dinaanan lang nila ang kaguluhan at nagpatuloy sa kanilang jogging.


“Pambihira! Na-miss ko tuloy ang mga kadete ng PMA (Philippine Military Academy) sa Baguio noong ako ay nakatira doon. Tuwing may sakuna at kailangan ng manpower, nand’yan ang mga kadete ng PMA, handang magserbisyo.


“Itong trainer ng mga kadete ng bureau na ito, palagay ko, kailangang mag-retraining para maipasok sa puso at isipan nila na ang una nilang trabaho bilang officer ay magserbisyo sa tao lalo na sa panahon ng kalamidad.


“Nasa harap nila ang mga taong punong-puno ng putik dahil nawasak ang kanilang mga tahanan at naghihikahos sa hirap at kalituhan. Napakainam sana na nandu’n ang mga trainee na ito sa ground zero at tumulong sa mga tao kaysa nagpapawis sa pag-jogging. Goodness gracious!”


Akala ni yours truly, sa pelikula lang nangyayari ang mga kaguluhan sa panahon ng pagtutulungan. 


Ingat lagi, Sen. Robin Padilla.



NAG-SHARE sa social media ang aktres na si Kiray Celis ng prenup photos nila ng fiancé niyang si Stephan Estopia, na tipong may kasamang palaro para sa kanyang mga tagahanga.


Sey ni Kiray, “Sa lahat ng tao sa mundo, ikaw ang pinakapaborito ko.”

Dagdag pa ni Kiray, “‘Yung inuna pa ‘yung prenup kaysa mag-isip ng hashtag namin sa kasal. Oh game, may P5,000 po sa akin ang pinakamagandang comment ng hashtag at gagamitin namin sa kasal namin. ‘Tepan & Ting’ ang name!”


Well, P5,000 is P5,000 kaya game ang mga tagahanga ni Kiray sa palarong pinamagatang “Hashtag Tepan at Ting”.


Ito naman ang mga suggestions ng mga lumahok sa palarong pangmalakasan ni Kiray:


Contestant No. 2: #NaglisangKaTEPANniTING Contestant No. 3: #TEPANfoundHisEverlasTINGlife

Contestant No. 4: #TepanTINGHappilyEverAfter

Contestant No. 5: #TepanandTingForeverAfter


Oh, ‘di ba, ang bongga ng palaro ni Kiray! Ang daming sumali at in fairness, pinusuan ng maraming netizens at mga kapwa niya artista ang post niya, isa na nga rito ang aktres na si the beautiful Marian Rivera. Bongga!




 
 
RECOMMENDED
bottom of page