top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 10, 2025



Photo: Megan Young - IG


Sa Instagram (IG) post naman ng aktres na si Megan Young ay nagbahagi siya ng kanyang karanasan bilang ina. 


Caption niya: “Started from 10ml a pump and now we’re here! (white heart) It was so frustrating in the beginning and honestly I cried the first time I had to pump my milk because I felt so much pressure to provide food for Leon.


“Since I didn’t have a lot of milk initially, I’m so thankful for all our friends and co-mommas that donated milk to our little one in the beginning!!! It’s been quite the journey to figure this whole side of motherhood.


“From taking anything with malunggay to downing clam broth, to eating oats and just doing anything and everything they said would increase my supply.


“But alas, we’re all different and this just happens to be my journey. I’m happy and proud with what I’m able to provide for my little one! (hands holding heart emoji) Fighting!!!”


Welcome to the motherhood, Megan.



Good vibes ang hatid ng social media post ng Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas nu’ng July 8, Tuesday. 


Nagbahagi siya ng video clip kasama ang anak niyang si Sancho, na nakasakay sila sa tricycle papuntang parking lot kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan galing sa pamimili sa Divisoria ng harina na ginagamit nila sa kanilang bakery business.


Pinuri ni Ai Ai ang nagbalik na mayor ng Maynila na si Isko Moreno dahil napakalinis na raw ng Divisoria.


‘Kaaliw na kuwento pa ni Ai Ai, “Masaya ang lakad namin sa Divi. Tuwang-tuwa kami ni Sancho, the good son.


“Kani-kanyang character ang mga nagtitinda. May napuntahan pa nga kaming bilihan ng cling wrap and aluminum foil… naka-mask kasi ako pero super-tsika ako sa kanila. Sabi ko, ‘Ate, bakit malungkot ka?’ Sabi n’ya, ‘Puyat ako.’ Akala ko naman sa work. Hahaha! Nood daw kasi s’ya ng Chinese series. 


“‘Kaloka, Ate! Ano ba ‘yan, baligtad, ‘di ba? Dapat ang customer ang tsinitsika ng nagtitinda… ako ang tsumika sa nagtitinda. Hahaha! (laughing emoji). ‘Kaloka, suplada sila nu’ng una.


Nu’ng may nagpakuha ng picture na customer nila, nagtanggal ako ng mask — bumait. Parang ewan. Hahahaha!


“And thank you nga pala kay BILOG, ang aming tricycle driver sa paghatid… ang layo kasi ng parkingan.”


Ang kulit talaga ng isang Ai Ai delas Alas!



IBA’T ibang kuwento ng pag-ibig ang hatid ng Tawag ng Tanghalan (TNT) Duets grand champions na sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano o JMielle sa kanilang EP na pinamagatang JMielle in Love.


Inilabas sa ilalim ng Star Music ang mini-album na naglalaman ng isang original song at limang remake na binigyan ng bagong buhay ng tinaguriang Sidlak Bisdak duo.


Ang kantang Paano Ba Ang Magmahal, na unang inawit nina Piolo Pascual at Sarah para sa pelikulang The Breakup Playlist (TBP), ang nagsisilbing key track ng EP.


May bagong bersiyon din sina JM at Marielle ng OPM favorite na Ikaw ni Yeng Constantino at Magpakailan Pa Man nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid.

‘Yun lang and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 9, 2025



Photo: Barbie Forteza - Toni Talks



Sa social media post ng producer at multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez ay nagbahagi siya ng larawan kasama ang iniidolong aktres na si Janice De Belen. Makikita sa larawan na sobra ang saya ni Sylvia dahil natupad ang pangarap na makaeksena ang idol niyang si Janice. Caption ng post niya:


“Lumaki akong ikaw (Janice) ang idol ko sa telebisyon.

“Gabi-gabi pinapanood kita at lagi kong sinasabi sa sarili ko na mag-aartista ako at makikilala kita at makakaeksena.


“Lahat ng pangarap na ‘yan ay natupad! Ikaw ang kauna-unahang artista na nakita ko at kinausap ako sa ibaba ng opisina ng Regal Films at ang suwerte ko noong araw na ‘yun dahil niyaya mo pa akong kumain ng lunch sa loob ng dubbing room ng Regal. Hindi mo ako inisnab, hindi ako nagkamali ng paghanga sa ‘yo.


“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya, sobrang saya ng mga oras na ‘yun dahil ikaw na idol ko na pinangarap kong makilala at makaeksena ay nasa harapan ko, kinakausap ako at naging kaibigan ko pa (smiley emoji).


“Akala ko, hanggang doon lang lahat ‘yun. Hindi pala, dahil ang IDOL ko noong lumalaki ako sa Punta Nasipit, Agusan Del Norte ay madadala ko pala dito sa NASIPIT para gumawa ng pelikula. Hahaha! (laughing emoji).


“Ang saya-saya! Ibang klase ka, LORD!! (heart emoji). Maraming, maraming salamat po

(praying emoji).


“Ang aking #pinangarap at naging #Inspirasyon Si FLORDELUNA!!! Miss Janice De Belen (red heart emoji),” pagtatapos ni Sylvia. 


Ibang klase talaga ang nag-iisang Sylvia Sanchez, walang kayabang-yabang sa katawan kahit sumikat na bilang artista at producer, nanatili pa ring tagahanga ng magaling na aktres na si Janice De Belen.


Ipinakita rin sa Facebook (FB) post ni Ruth Gadgude ang chapel na regalo ni Sylvia Sanchez sa kanilang barangay. 


Ganyan siya ka-generous, a good daughter, sister and friend kaya super blessed.



Nakakatuwa ang kuwentuhan nina Toni Gonzaga at Barbie Forteza sa Toni Talks (TT) sa YouTube (YT) channel noong July 6, Sunday.

Tanong ni Toni, “Paano ‘yung healing doon sa being in a relationship for 7 years and then now, single?”


Sey ni Barbie, “That wasn’t as painful as some people painted it to be. I’m happy, the transition was smooth.”


Single raw ngayon si Barbie.


Pagbabalik-tanaw naman tungkol sa career ni Barbie, tanong ni Toni, “Kailan mo naisip na pumasok sa pag-aartista?”


Sagot ni Barbie, “Siguro, mga 7 or 8, mga ganyan. Sabi ko, ‘Mama, gusto kong makita sa TV.’ Tapos ‘pag nasa kuwarto ako, humaharap ako sa salamin, tapos nagda-dialogue ako mag-isa, tapos nagpa-practice ako umiyak.”


Ang unang commercial na ginawa ni Barbie ay sa isang softdrinks at nagkasunud-sunod na raw after nu'n.


Sa acting, kuwento ni Barbie, “Hindi po ako napansin. May nakilala ho kaming agent sa commercial na nagsu-supply ng extra sa TV. So lumapit kami doon, tapos mga audi-audition. Naging ano ko, young Roxan sa Shake, Rattle and Roll. Tapos, nag-extra ako sa


Darna ni Miss Marian Rivera, sa Lupin ni Sir Richard Gutierrez.”

Tinanong ni Toni si Barbie kung may nanliligaw sa kanya.


Toni: “Hindi ba, ‘pag single ang babae, nagiging magnet s’ya ng mga manliligaw? Paano mo ‘yan hina-handle ngayon?”


Barbie: “Alam mo, Miss Toni, doon ako nahihirapan kasi for the longest time, I was in a relationship. So now that I’m single, I don’t know when someone is trying to show interest or just really genuinely like caring for me or talagang friendship lang ‘yung gusto or flirting na ba ‘to? Hindi ‘ko ma-navigate. Diretsuhin n’yo na kasi ‘di ko talaga naiintindihan ‘yan. Pasensya na kayo.”

Open ba ang puso niya ngayon?


Barbie: “We are open for applicants. Charot!”


And that’s it, mga Marites and tribo ni Mosang, pakisabihan na si David Licauco na open na ang heart ni Barbie. 

Pak, ganern!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 8, 2025



Photo: Andrea Torres - IG


“One of the most beautiful and one of the most talented actresses in the industry,” ito ang ginawang pagpapakilala ng magaling na TV host na si  Boy Abunda nang mag-guest ang aktres na si Andrea Torres sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan lang.


Nang tinanong ni Kuya Boy kung kumusta na si Andrea, ang sagot ng aktres habang naka-all-smiles ay “Masaya, Tito Boy. Kinikilig, excited, lahat-lahat na.”


Natanong din ng magaling na TV host kay Andrea kung ano ang mga akusasyon na pinagdaanan nito.


Sagot ng aktres, “Wala akong specific masyado na maisip, Tito Boy, pero feeling ko, ang pinakamahirap is s’yempre, you try to be a good person all the time. So parang ang hirap maakusahan ng something na never mo kayang gawin. Na alam mong never mong kayang gawin kasi ‘yung values mo, nandu’n, eh.”


Dagdag-tanong pa ni Kuya Boy, nananahimik lang ba siya o lumalaban kapag naaakusahan nang ‘di totoo? 


“Before Tito Boy, hindi ako nagsasalita kasi natatakot ako. Kasi pinaghirapan ko ‘to, eh, parang ayokong may magawa ako na makasira ng lahat ng pinaghirapan ko sa career ko. Pero ngayon ko na-realize, kailangan mong magsalita kasi ano ‘yan, maiiwan ‘yan sa ‘yo, eh. So, kailangan talaga, i-address mo s’ya in a nice way,” sagot ng aktres.


Sa Fast Talk segment ay natanong si Andrea kung ano’ng status ng love life niya ngayon.

Aniya, “Single pa rin pero open. Open to meet new people, although hindi na bago sa akin ‘to, ah, kasi usually talaga, in between ng boyfriends ko, two years, three years. Matagal talaga.”


Kinumpirma rin ni Andrea na si Derek Ramsay ang huling nakarelasyon niya 3 years ago.

Nang tanungin siya ni Kuya Boy Abunda kung actively naghahanap ba siya ng bagong boyfriend, sagot ni Andrea, “Hindi naman Tito Boy, parang go with the flow lang. Kapag sinabi ng friends ko na, ‘Uy, meet mo ‘to, feel ko bagay kayo.’ Sige, imi-meet ko ‘yan. Tingnan natin.


“Hinihintay ko lang ‘yung spark. Importante sa akin ay koneksiyon at kilig na lagi kong hinahanap. Alam kong once ma-feel ko ‘yun, dire-diretso na ‘yun.

“I’m sure ‘pag ready na ako, darating ‘yan.”


Korek ka d’yan, Andrea. Makakahanap ka rin ng super magpapakilig sa ‘yo tulad ng naramdaman mo nu’ng nagkita kayo ni Derek Ramsay. 

Boom ganern!



Bata pa, iniinda na raw ang sakit…

WHAMOS, TODO-DASAL NA PAGALINGIN NI LORD DAHIL SA LUSLOS


“THANK you, Lord, pagalingin ninyo po ako agad para makapagtrabaho na po ulit ako,” ang nasabi ng kilalang social media personality at content creator na si Whamos Cruz.


Last June 30 ay nagbahagi sa social media ang blogger ng larawan na nagpapakita na nasa hospital siya.


Caption niya, “Ipinaopera ko na ang luslos ko.”


Ayon sa kanyang latest update sa social media ay naging maayos naman ang operasyon ng kanyang luslos. 


Sa ngayon ay nagpapahinga na lang siya at nagpapalakas at umiiwas na rin sa stress. At hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa mga doctor at nurse na nag-alaga sa kanya, at sa kanyang asawa na si Antonette Gail, lalo na sa Panginoon.


Saad ni Whamos, “Maraming salamat sa lahat ng nag-message at nagdasal para sa akin. Kay Antonette, salamat sa walang sawang pag-aalaga habang nagpapagaling ako. Mahal na mahal kita.” 


Ibinahagi rin ng blogger na umabot sa P400,000 ang kabuuang gastusin sa operasyon. 


Maraming tagahanga ni Whamos ang nag-alala sa kalusugan nito at bakit daw pinatagal pa at hindi agad ipinaopera. Marami naman daw itong pera. 

Meron ding nagsabi na paano kung may mangyari sa kanya o kaya mamatay siya, mag-aasawa na lang daw ng iba si Antonette.


Ang siste, inamin din ng partner ni Whamos na matagal na raw iniinda ng influencer ang kanyang kondisyon, mula pa noong bata siya.


Sa panahon ngayon, dapat priority na natin ang health. Health is the biggest wealth anybody can have. Anything can be achieved if we have good health. Pak, ganern!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page