top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | July 16, 2020




Twenty-seven pala ang ibinigay na edad ni Daniel Padilla na gusto na niyang mag-asawa at sa edad nitong 25 ngayon ay dalawang taon na lang ang bibilangin at pakakasalan na nito ang GF na si Kathryn Bernardo.


Kung matutuloy ay tiyak na ipagbubunyi ito ng mga KathNiel fans. Pero may ilan din ang nag-aalala na baka 'pag nangyari ito ay maapektuhan naman ang showbiz career ng dalawa.


May paniniwala kasi sa showbiz na kapag nag-asawa ang isang artista, kahit pa nga ka-love team nito ang nakatuluyan, ay bumababa ang popularidad ng mga ito at nasisira ang ilusyon ng mga tagahanga.

Lalong lumalalim ang relasyong Kathryn-Daniel kung saan mukhang napaghandaan na rin naman nila ang kanilang mga kinabukasan.


Kung totoong mauuwi sa kasalan ang lahat, espekulasyon nga ng iba ay baka mas mapaaga ito dahil sa pansamantalang pagkawala sa ere ng ABS-CBN kung saan nangako ang dalawa na 'di sila lilipat ng ibang istasyon at hihintayin nila ang pagbabalik sa ere ng Kapamilya Network.

 
 

SINGER NA MEMBER NG INTERNATIONAL GROUP, AYAW MAG-PROMOTE NG CONCERT DAHIL SIKAT NA RAW SIYA, SHOW NILANGAW NAMAN

ni Melba R. Llanera - @Insider | July 3, 2020



BLIND ITEM:

Sino itong singer na miyembro ng isang international group ang nagbigay ng sakit ng ulo sa producer ng kanyang show?


Bukod sa limitado ang araw na ibinigay niya para sa kanyang rehearsals, ayaw niyang mag-guest sa mga shows kung saan siya na-book para mag-promote. Ang katwiran ng male singer ay 'di na niya kailangan ang guesting at kikita naman ang concert niya kahit 'di i-promote.


Ang kawawa ay ang pr na nakipag-usap sa mga talent coordinators ng mga shows dahil ayaw niyang puntahan ang mga guestings. Sa huli, ang pobreng mga PR ay gumawa na lang ng rason na kesyo may nodules na nakita sa kanyang lalamunan at pinayuhan ng doktor na kailangan ng male singer na ipahinga ang boses bago ang concert.


Ang siste, 'di naman napuno ang venue ng concert ni male singer kung saan ang karamihan sa mga nanood ay mga tickets na ibinenta ni concert producer sa mga kaibigan niyang negosyante.


'Di biru-biro ang halagang ibinayad ng concert producer kung saan ang male singer ang mismong nagpresyo. 'Di rin alam ng aming source kung naibalik ang ipinuhunan ng producer kahit kalahati dahil halos kalahati lang naman ang nanood ng naturang concert.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | June 24, 2020




Sa kabila ng mga hakbang na ginawa ni Sharon Cuneta sa tulong ng DOJ laban kay Sonny Alcos, ang netizen-DDS na nagbanta sa social media na gagahasain si Frankie Pangilinan, sunud-sunod ang posts ni Frankie na may Twitter account na kakie like jackie#kakiep83 tungkol sa isyu.


Sa huling Twitter post ni Frankie, mababasa ang mensaheng… "Okay so, there is no NBI case until I file (no one can file without me) and I haven't filed yet while I weigh the consequences."


Ayon sa mga naunang Twitter posts ng dalaga, gusto niya na maging halimbawa at lumaban para sa sarili niyang hustisya, pero hindi para sa expense ng ibang tao.


Ayon din kay Frankie, ang ginawang hakbang ng DOJ ay desisyon ng ahensiya at sa ngayon ay tinitimbang pa niya ang lahat kung magsasampa pa siya ng kaso laban sa naturang netizen na nambastos at nagbanta sa kanya.


Post din ni Frankie, wala siyang ideya tungkol sa sistema ng NBI, pero ang ikinalulungkot niya, mas may timbang pa at binigyang-pansin ang isang tweet laban sa kanya kaysa sa mga mas mabibigat na kaso ng rape at sexual assault sa bansa.


May tweet din si Frankie na, "I'm so sorry, this is exactly what I was so worried. I'll fix it I promise."

Kung ang pagbabasehan ay ang mga tweets na ito ni Frankie, lumalabas na mukhang wala pang konkretong desisyon ang dalaga kung magsasampa nga ng kaso laban kay Sonny Alcos o hindi na, sa kabila ng mga hakbang na ginawa ng ina.


Sa ngayon ay iwas pang magpa-interview si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa isyu.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page