Search
  • BULGAR

Tapos na ang paglalakbay niya…

SINGER NA MEMBER NG INTERNATIONAL GROUP, AYAW MAG-PROMOTE NG CONCERT DAHIL SIKAT NA RAW SIYA, SHOW NILANGAW NAMAN

ni Melba R. Llanera - @Insider | July 3, 2020



BLIND ITEM:

Sino itong singer na miyembro ng isang international group ang nagbigay ng sakit ng ulo sa producer ng kanyang show?


Bukod sa limitado ang araw na ibinigay niya para sa kanyang rehearsals, ayaw niyang mag-guest sa mga shows kung saan siya na-book para mag-promote. Ang katwiran ng male singer ay 'di na niya kailangan ang guesting at kikita naman ang concert niya kahit 'di i-promote.


Ang kawawa ay ang pr na nakipag-usap sa mga talent coordinators ng mga shows dahil ayaw niyang puntahan ang mga guestings. Sa huli, ang pobreng mga PR ay gumawa na lang ng rason na kesyo may nodules na nakita sa kanyang lalamunan at pinayuhan ng doktor na kailangan ng male singer na ipahinga ang boses bago ang concert.


Ang siste, 'di naman napuno ang venue ng concert ni male singer kung saan ang karamihan sa mga nanood ay mga tickets na ibinenta ni concert producer sa mga kaibigan niyang negosyante.


'Di biru-biro ang halagang ibinayad ng concert producer kung saan ang male singer ang mismong nagpresyo. 'Di rin alam ng aming source kung naibalik ang ipinuhunan ng producer kahit kalahati dahil halos kalahati lang naman ang nanood ng naturang concert.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.