Search
  • BULGAR

SHARON PALABAN, KAKIE, WALANG BALAK IDEMANDA ANG NAGBANTA SA KANYA NG RAPE

ni Melba R. Llanera - @Insider | June 24, 2020




Sa kabila ng mga hakbang na ginawa ni Sharon Cuneta sa tulong ng DOJ laban kay Sonny Alcos, ang netizen-DDS na nagbanta sa social media na gagahasain si Frankie Pangilinan, sunud-sunod ang posts ni Frankie na may Twitter account na kakie like jackie#kakiep83 tungkol sa isyu.


Sa huling Twitter post ni Frankie, mababasa ang mensaheng… "Okay so, there is no NBI case until I file (no one can file without me) and I haven't filed yet while I weigh the consequences."


Ayon sa mga naunang Twitter posts ng dalaga, gusto niya na maging halimbawa at lumaban para sa sarili niyang hustisya, pero hindi para sa expense ng ibang tao.


Ayon din kay Frankie, ang ginawang hakbang ng DOJ ay desisyon ng ahensiya at sa ngayon ay tinitimbang pa niya ang lahat kung magsasampa pa siya ng kaso laban sa naturang netizen na nambastos at nagbanta sa kanya.


Post din ni Frankie, wala siyang ideya tungkol sa sistema ng NBI, pero ang ikinalulungkot niya, mas may timbang pa at binigyang-pansin ang isang tweet laban sa kanya kaysa sa mga mas mabibigat na kaso ng rape at sexual assault sa bansa.


May tweet din si Frankie na, "I'm so sorry, this is exactly what I was so worried. I'll fix it I promise."

Kung ang pagbabasehan ay ang mga tweets na ito ni Frankie, lumalabas na mukhang wala pang konkretong desisyon ang dalaga kung magsasampa nga ng kaso laban kay Sonny Alcos o hindi na, sa kabila ng mga hakbang na ginawa ng ina.


Sa ngayon ay iwas pang magpa-interview si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa isyu.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.