top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

COVID


ni Melba R. Llanera - @Insider | April 20, 2021




Para kay Angeline Quinto, mabuti na rin na wala ang ina na si Mama Bob nang dapuan siya ng sakit na COVID-19.


Alam ng singer na bukod sa edad ng ina na high risk na, 'di rin ito papayag na 'di siya alagaan at mag-aalala ito nang husto sa kanya.


Pagbabalik-tanaw ni Angge, nakuha niya ang virus nang dalawin siya ng isang katrabaho sa bahay at dahil kumain sila ay naghubad sila ng face mask.


Pagkatapos nito ay nalaman niya na nagpositibo ang nasabi niyang katrabaho kaya alam ng singer na rito niya nakuha ang virus.


Ang unang sintomas na naramdaman ni Angeline ay ang pagkakaroon ng on and off na lagnat, pagkasira ng tiyan at ilang araw ang lumipas ay nawalan na rin siya ng pang-amoy at panlasa at hanggang sa ngayon nga ay 'di pa masyadong bumabalik ang mga ito.


Ang mas kinatakutan ng singer ay ang mas makahawa sa mga kasama niya sa bahay at mabuti na lang, pagkatapos magpa-antigen test ng lahat ay lumabas na siya lang ang nagpositibo at lahat ng kasama sa bahay ay negatibo.

'Di alam ni Angeline kung paano niya napaglabanan ang virus. Ang tangi lang niyang ginawa ay magdasal pagkagising, magpapawis at palakasin ang immune system sa pamamagitan ng pag-inom ng vitamins.


Tumatak din sa isip ni Angeline ang mga mabibigat na pinagdaanan sa buhay at alam niya na 'di lang isang COVID-19 ang magpapatumba sa kanya.

Sa ngayon ay mas doble na ang ingat ni Angge kung saan aminado siya na medyo nagpabaya siya at nakalimutang uminom ng vitamins 'pag nauubos ang supply niya.

'Di lang si Angge ang masuwerteng gumaling sa sakit na dulot ng COVID-19 kundi maging sina Heaven Peralejo, Nikki Valdez, Cherry Pie Picache at marami pang mga celebrities na 'di rin nakaligtas sa bagsik ng virus.

 
 

EXCHANGE


ni Melba R. Llanera - @Insider | April 14, 2021




Sa eksklusibong panayam ng Cinema News kina Derek Ramsay at Ellen Adarna ay kinlaro ng hunk actor ang usap-usapan na inalok na rin daw niya sa ibang ex-GF ang engagement ring na ibinigay niya sa fiancée.


Ayon nga kay Derek, natawa at nagtaka siya kung bakit may ganitong balita gayung ngayon pa lang talaga siya nag-propose sa isang babae at nag-alok ng kasal.


Pagbibigay-linaw nga sa amin ng aktor, kung totoo na nag-propose siya sa ibang naging ex-girlfriends niya, malabo na 'di ito mabalita at pag-usapan lalo't bukas naman siya pagdating sa mga naging karelasyon niya.


Pagkukuwento rin sa amin ni Derek, na-stress nga siya nu'ng araw ng proposal dahil nu'ng araw lang din mismo na 'yun dumating ang inorder niyang engagement ring.


Dapat ay sa kaarawan mismo ni Ellen nu'ng April 2 balak gawin ni Derek ang proposal pero nagsalita pala sa kanya ang fiancée na ayaw nitong magselebra ng kaarawan at kadalasan ay nagmumukmok lang ito dahil ka-birthday ni Ellen ang namayapang ama na si Mr. Modesto Adarna.


Dito nataranta ang aktor, pati ang ilan nilang malalapit na kaibigan, kaya binago nila ang original date na April 2 ng engagement proposal at nauwi ng March 30.

Aminado ang aktor na kahit ang kanyang ina na si Mrs. Medy Ramsay ay kinausap sila at sinabihan na masyadong mabilis ang mga nangyari at tinanong nga sila kung napag-isipan ba nila itong mabuti?


Ang ina naman ni Ellen ay nagbiro sa kanya na "No return, no exchange," 'pag pinakasalan na nito ang anak.


Naguguluhan naman si Derek sa mga ipinaparatang sa kanya ng mga bashers at haters na wala siyang balak mag-settle down at gusto lang ay manloko ng mga babae at ngayon naman na sinabi niya na balak na niyang pakasalan si Ellen ay pinaparatangan naman siyang laging nai-in love at gustong laging magpakasal.


Idinepensa rin ng Kapuso hunk actor ang sarili sa sinasabi ng iba na lahat ng naging ex-girlfriends niya ay sinasabihan niya na, "Maybe she's the one," dahil sa bawat nakakarelasyon niya ay iniisip niya na baka ito na ang makatuluyan niya, pero nauuwi sa breakup na mas mabuti na rin kaysa makasal sila at mauwi rin sa hiwalayan.

Sa parte naman ni Ellen ay masaya ito sa nakikitang closeness ni Derek at ng anak na si Elias lalo't ang aktor ang kasa-kasama ng anak sa mga aktibidad gaya ng pagtakbo at ilang sports na 'di niya nakahiligan.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | March 25, 2021




Kahit kabi-kabila pa rin ang pambabatikos at pamba-bash ng maraming netizens sa relasyong Julia Barretto at Gerald Anderson, masaya at kuntento hindi lang ang magkasintahan kundi maging ang pamilya ng aktres sa relasyon nito sa Kapamilya actor.

Pagkatapos mag-post ni Marjorie ng birthday greeting para kay Julia kung saan may mensahe ito na ngayon niya nakita ang anak sa pinakamasayang lebel ng kaligayahan, nag-post naman ang nakakatandang kapatid ni Julia na si Dani Barretto-Panlilio sa kanyang IG account ng isang beach photo kung saan kasama ng pamilya nila si Gerald.


Nasa larawan si Marjorie, ang anak na si Leon, Julia at Gerald, Claudia at ang mag-asawang Dani at Xavi na magkakaakbay at masaya.


Kuha ang larawan sa isang beach resort at may caption na, "Mi Familia (white heart emojis) (insert Millie and Erich here)."


Si Millie ay anak nina Dani at Xavi, samantalang si Erich naman ay bunsong anak ni Marjorie kay Cong. Recom Echiverri.

Tila wala nang makakapigil sa relasyong Gerald at Julia lalo't buo ang suporta na ibinibigay ng pamilya ng aktres sa relasyon nila ng boyfriend.


Mukhang wala rin namang negatibong epekto sa career ng dalawa ang ginawa nilang pag-amin dahil tuluy-tuloy ang mga proyektong gagawin nila. Malapit nang mapanood si Gerald sa seryeng Init sa Magdamag ng ABS-CBN samantalang si Julia naman ay balitang handa nang gumawa ng mga daring at sexy roles ngayong Viva na ang humahawak ng kanyang showbiz career.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page