ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 3, 2025

Kinikilala ng Estado ang mahalagang papel ng kabataan sa pagbuo ng bansa at ang kanilang karapatang maitaguyod at mabigyan ng proteksyon partikular sa kanilang pisikal, moral, espirituwal, intelektwal, emosyonal, sikolohikal at panlipunang kagalingan. Dahil dito, isinabatas ng Kongreso ang Republic Act (R.A.) No. 11930 o mas tanyag sa titulo bilang “Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act”.
Ang OSAEC ay tumutukoy sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children. Ito ay isang uri ng pang-aabuso at eksploytasyon ng mga bata na nangyayari online. Kabilang dito ang anumang uri ng sekswal na pang-aabuso kung saan ang sangkot ay isang bata, tulad ng pagpapakita ng mga sensitibo o hubad na larawan, o mga eksena ng sekswal na gawain, o anumang anyo ng pang-aabuso sa pamamagitan ng internet o digital na teknolohiya. Ang mga biktima rito ay karaniwang inaabuso gamit ang mga online platforms katulad ng social media, video calls, chat rooms, at iba pang mga digital na uri ng komunikasyon.
Para sa layunin ng batas na nabanggit, ang sinumang tao na wala pang 18 taong gulang o isang taong higit sa 18 taong gulang na hindi kayang ganap na pangalagaan o protektahan ang kanyang sarili dahil sa isang pisikal o mental na kapansanan ay itinuturing na isang bata.
Ginagamit ng mga salarin ang mga teknolohiya upang makipag-ugnayan sa mga bata. Kasama sa pang-aabuso ay ang paggawa, pagkuha, at pagpapakalat ng mga malalaswang larawan o video ng mga bata. Ang mga materyales na ito ay maaaring ibenta, ipamahagi, o ipadala sa ibang tao sa pamamagitan ng internet. Ang mga taong gumagawa ng ganitong uri ng online sexual abuse ay tinatawag na mga "cyber predators". Sila ay gumagamit ng internet upang manghuthot, manipulahin, at kontrolin ang mga bata para sa kanilang kapakinabangan. Maaaring magkukunwaring makikipagkaibigan sa mga bata at magtago ng kanilang tunay na intensyon upang mangyari ang pang-aabuso.
Sa ilalim ng OSAEC nakapaloob ang patakaran ng Estado na magbigay ng mga espesyal na proteksyon sa mga bata mula sa lahat ng anyo ng sekswal na karahasan, pang-aabuso at pagsasamantala lalo na ang mga nakatuon sa paggamit ng information and communications technology (ICT). Kasama sa pagbibigay ng proteksyon ay ang magtalaga ng kaparusahan laban sa mga lalabag sa karapatan ng mga bata na inihayag ng batas. Kasama sa panuntunan ng Estado ay ang magsagawa ng mga programa para sa pag-iwas, pagpigil at interbensyon sa lahat ng sitwasyon ng online na sekswal na pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata sa digital man o hindi na pamamahagi ng mga materyal na pang-aabuso.
Ang pahintulot ng biktima ay hindi materyal at hindi magagamit bilang depensa sa pag-uusig sa mga labag sa batas na gawaing ipinagbabawal sa ilalim ng batas na ito. Sang-ayon sa Seksyon 4 ng nabanggit na batas, ang mga sumusunod na gawain o akto ay pinarurusahan ng batas:
(a) To hire, employ, use, persuade, induce, extort, engage, or coerce a child to perform or participate in whatever way in the creation or production of any form of OSAEC and CSAEM;
(b) To produce, direct, manufacture, facilitate, or create any form of CSAEM, or participate in the production, direction, manufacture, facilitation or creation of the same;
(c) To offer, sell, distribute, advertise, promote, export, or import, by any means, any form of CSAEM;
(d) To knowingly publish, transmit and broadcast, by any means, any form of CSAEM;
(e) To permit or influence the child to engage, participate or assist in any form of CSAEM;
(f) To produce, direct, create, hire, employ or pay a facilitator to stream or livestream acts of child sexual abuse or exploitation
(g) To stream or live-stream acts of, or any form of, child sexual abuse and exploitation;
(h) To recruit, transport, transfer, harbor, provide, or receive a child or to induce or influence the same, for the purpose of violating this Act;
(i) To introduce or match a child to a foreign national or to any person for the purpose of committing any of the offenses under this Act;
(j) For film distributors, theaters and ICT services by themselves or in cooperation with other entities, to distribute any form of CSAEM or to facilitate the commission of any of the offenses under this Act;
(k) To knowingly benefit from, financial or otherwise, the commission of any of the offenses of this Act;
(l) To provide a venue for the commission of prohibited acts under this section such as dens, private rooms, cubicles, cinemas, houses, private homes, or other establishments;
(m) To engage in the luring or grooming of a child: Provided, That grooming taking place offline as a prelude to violations under this Act shall also be penalized;
(n) To sexualize children by presenting them as objects of sexual fantasy, or making them conversational subjects of sexual fantasies, in any online or digital platform;
(o) To engage in pandering as defined under this Act;
(p) To willfully subscribe, join, donate to, or support an internet site that hosts OSAEC or the streaming or live-streaming of child sexual abuse and exploitation;
(q) To advertise, publish, print, broadcast or distribute, or cause the advertisement, publication, printing, broadcasting or distribution by any means of any brochure, flyer, or any material that promotes OSAEC and child sexual abuse or exploitation
(r) To possess any form of CSAEM: Provided, that possession of three (3) or more CSAEMs is prima facie evidence of the intent to sell, distribute, publish or broadcast;
(s) To willfully access any form of CSAEM; and
(t) To conspire to commit any of the prohibited acts stated in this section:
Mabigat ang naghihintay na parusa para sa mga taong lalabag sa batas na ito depende kung anong kategorya ng paglabag ang ginawa. Ang pinakamababang parusa ay prision mayor o pagkakakulong ng mula 6 years and 1 day to 12 years at ang pinakamataas naman ay life imprisonment o habambuhay na pagkakakulong. Sa bawat paglabag sa probisyon ng naturang batas ay mayroon ding kaukulang multa na iginagawad.





