top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 17, 2025



EA Guzman at Shaira Diaz - IG

Photo: EA Guzman at Shaira Diaz - IG



Bongga ang wedding gift ni Edgar Allan “EA” Guzman sa kanyang pretty bride na si Shaira Diaz, isang ladies Rolex watch.


Well, star-studded ang kasal nila dahil puro celebrities ang kanilang mga ninong at ninang sa pangunguna nina Sen. Jinggoy Estrada, Michael V., Arnold Clavio, Coco Martin, Vicky Morales, Susan Enriquez atbp.. 


Dumalo rin ang mga hosts ng Unang Hirit (UH) at mga kasamahan ni EA sa Bubble Gang (BG)


Isa sa mga bridesmaids si Jennylyn Mercado. Dumalo rin sina Julia Montes, Gerald Anderson at Rayver Cruz.


Samantala, bago ginanap ang kasalang Shaira at EA, nag-post ang aktor sa social media ng larawan ng binili niyang luxury car, isang puting BMW M4 Coupe na nagkakahalaga ng P15 million. Ito ang dream car niya na matagal niyang pinag-ipunan upang mabili. 


Ngayon ay sobrang saya ni EA Guzman dahil natupad na ang dream wedding nila ni Shaira Diaz at nabili pa niya ang kanyang BMW.



MIXED ang reaction ng publiko nang lumabas ang McDo commercial ni Heart Evangelista. 


Maraming fans ang natutuwa at nagsasabing bongga ang bagong commercial ni Heart, tiyak na marami ang makaka-relate dahil hindi na lang mamahaling bags, perfumes at make-up ang ineendorso niya ngayon, masang-masa na siya.


Pero may ilan naman na nag-bash sa wifey ni Sen. Chiz Escudero, hindi raw kapani-paniwalang kumakain ng McDo si Heart dahil napakasosyal niya at isang sikat na fashion icon sa New York at Paris. 


Well, ilang beses nang pinatunayan ni Heart na kumakain din siya ng local food. In fact, maging ang mga street food tulad ng fishball, kwek-kwek at balut ay kaya niyang kainin.

Naging content pa nga iyon ng kanyang vlog.



MALAKING pasabog sa showbiz ang ginawang pagbubunyag ni Liza Soberano sa kanyang pinagdaanang traumatic life noong bata pa siya. 


Nagkahiwalay ang kanyang parents at silang magkapatid ay kung kani-kanino na lang nakikitira. Nakaranas siya ng pang-aabuso physically at mentally hanggang sa siya ay saklolohan ng mga social workers at pinauwi sila sa ‘Pinas upang makapiling ang kanilang ama.


Nang dumating si Enrique Gil sa kanyang buhay, nakahanap si Liza ng taong dadamay at magtatanggol sa kanya. Gumanda ang buhay ni Liza nang sumikat siya at nagkaroon ng mga endorsements. Nakagawa siya ng mga pelikula at na-establish ang love team nila ni Enrique. 


Nasa kasikatan ng kanyang career si Liza nang magdesisyon siyang bumitaw sa kanyang manager na si Ogie Diaz at talikuran ang showbiz. Gusto raw subukan ni Liza na abutin ang kanyang Hollywood dream.


Ngayon, inamin ni Liza na 3 years na silang break ni Enrique matapos ang 8 taon ng kanilang relasyon. Ayaw naman ni Enrique na kumpirmahin o magbigay ng statement tungkol sa ibinunyag ni Liza. Bakit pa nga ba hindi na lang aminin ng aktor ang totoo?



SA edad na 79, ayaw pang magretiro ng veteran actress na si Odette Khan. Buhay na buhay pa rin ang kanyang passion sa pag-arte at hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagod. High na high pa rin ang interes niyang umarte at lumabas sa telebisyon at pelikula.


Nakapag-shoot na si Odette ng sequel ng pelikulang Bar Boys (BB) at may panawagan siya sa GMA Network na bigyan siya ng serye dahil nami-miss na niyang umarte. 


May special guest role rin si Odette sa comedy movie na Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI) na pinagbibidahan nina Roderick Paulate, Carmi Martin at Tonton Gutierrez.


Nagpapalakas daw kay Odette ang patuloy niyang paglabas sa telebisyon at pelikula kaya wish niyang magkaroon ng bagong serye sa Kapuso Network. 


Samantala, nagdulot ng saya kay Odette ang pagkikita nila ni Perla Bautista na ngayon ay 82 years old na. Tulad ni Odette, malakas pa rin si Perla at puwede pang lumabas sa telebisyon at pelikula.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 16, 2025



Photo: EA at Shaira Diaz - IG


Opisyal nang mag-asawa sina Edgar Allan Guzman and Shaira Diaz. Ikinasal ang Kapuso celebrity couple nitong nakaraang Aug. 14 sa St. Benedict Parish, Westgrove Heights, sa Silang, Cavite na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.


Makikita na nga sa social media ang ilang larawan mula sa kasal na ipinost ng kanilang mga bisita. 


In fairness, ang ganda-ganda ni Shaira at bagay na bagay sa kanya ang wedding gown na gawa ng South Korean designer na si Choi Jae Hoon.


Kabilang sa mga principal sponsors sa kasal ay sina Sen. Jinggoy Estrada, Boy Abunda, Jean Garcia, Arnold Clavio, Susan Enriquez, Arnold Vegafria, Ben Chan, Beautederm CEO Ms. Rei Anicoche-Tan at GMA-7 executive Annette Gozon-Valdes.


Ang mga groomsmen naman ay sina Coco Martin, Gerald Anderson, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Joross Gamboa at Jose Sarasola.


Nagsilbing bridesmaids sina Julia Montes, Jasmine Curtis at Arra San Agustin habang bridesmen ang mga kasamahan ni Shaira sa Unang Hirit (UH) na sina Carlo Tingcungco at Anjo Pertierra.


Kasama rin si Jennylyn Mercado bilang isa sa mga secondary sponsors.

On the day of the wedding ay nakapanayam ng UH si Shaira at ipinasilip ang ginagawa nilang preparasyon sa kasal at reception.


Sobrang excited ng aktres dahil finally ay haharap na siya sa dambana at magiging Mrs. Guzman na matapos ang 12 years nilang magkarelasyon ni EA.


“Ito ‘yung most-awaited moment naming dalawa. Sobrang excited ako na matawag s’yang my husband, asawa ko,” aniya.


Mensahe ni Shaira kay EA, “Mahal na mahal kita, alam mo ‘yan. And I’m so excited na makita ka mamaya sa aisle. I can’t wait to marry you. I can’t wait to be Mrs. Guzman. Sa ‘yo lang ako forever. Mahal na mahal kita.”

‘Kakilig!



Ala-Sandara Park daw… 

ZELA, GUSTONG SUGALAN NG KOREAN INVESTOR





PARA sa P-pop soloist na si Zela, compliment na madalas siyang maikumpara sa K-pop idol na si Sandara Park.


Napuna kasi ng press sa mediacon ng kanyang debut album na Lockhart na ginanap kamakailan na may similarity siya kay Sandara, especially when she performs.


Aniya ay marami na rin daw ang nagsabi nito sa kanya at flattered siya about it.

“I get it a lot. I take it as a compliment. ‘Cause hello, that’s Sandara Park. Who doesn’t like to be compared to her. But she’s really good. Kung through face lang po, mas maganda s’ya I think and more talented,” sey ni Zela.


“We have our own beauty, talent na sa amin lang. We stand on our own. I’m really glad every time I am compared to her because she’s Sandara Park,” dagdag pa niya.


At mukhang magkakaroon din ng career si Zela sa South Korea dahil may Korean investor na handang sumugal sa kanya.


Ayon sa isa sa mga bosses ng AQ Prime Music na si RS Francisco na siyang nagma-manage ng singing career ni Zela, after the presscon ay may meeting daw siya sa mga Korean investors para pag-usapan nila ang international career ng kanilang talent.


“It’s gonna be a project wherein si Zela ang gagawa ng music, s’ya rin ang kakanta, so we’re trying to elevate her craft para hindi lang dito sa Philippines, kundi makita s’ya all over,” sey ni RS.


Na-surprise naman si Zela sa malaking planong ito sa kanya ng AQ Prime Music dahil hindi pa raw niya alam ang tungkol dito.


“I’m very happy po because I really wanted to go global ever since I started in this industry and now it’s starting to happen like everything. The album is one of my dreams lang po before and it’s here na, so I’m very, very happy and grateful,” ani Zela.


Zela’s Lockhart album contains 10 tracks – A.C.E, Arangkada, 01/01, Z.L, G.O.A.T, Paraiso, Chaos, Bababa, Hanap Ka Na Lang Ng Iba, and Leave Me

Karamihan sa mga nasabing awitin ay siya mismo ang nagsulat.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 16, 2025



Image: Kim Chiu at Bela Padilla - IG



Ang feeling ng mga nakabasa sa post ni Bela Padilla sa pagbisita niya kay Kim Chiu sa Cebu, may kinalaman sa isyu ni Kim at ng sister nito ang tinukoy niya. Nabalita kasing nag-unfollow-han sina Kim at sister niyang si Lakam sa Instagram (IG).


Pahayag ni Bela, “She might think that I flew and drove all this way to make her feel good but days like this and seeing that she’s doing well makes me feel 100% better too.


“The Taureans in us make us so strong that we refuse to say anything until we’ve resolved everything on our own. But by now, I think I can read Kim like a book and she doesn’t need to tell me anymore when I should show up. The same way I didn’t need to ask her to come and hang out with me in Zurich when my dad passed away. We didn’t talk about his passing, we just had a great day doing things that I think he would have loved too.


“You’re one of my smartest, strongest friends, Kim. No one needs to tell you what to do, because you have such a strong moral compass.


“I know that things can get hard sometimes... The world keeps toughening us up but I will always remind you that our softness is what carries us through everything. I hope you get a few days to rest and breathe after this cycle of taping, always proud of you, Kimmy! As I will keep on saying... anytime, anywhere.”


Heartwarming ang sagot ni Kim sa post ni Bela, “Thank you, moms! Never imagined na sobrang busy mo, you’d go this far, grabe, gulat talaga ako! Thank you!!! We’re sooo twins na kahit walang sinasabi, we can already feel each other’s thoughts. Our friendship may be lowkey, but it’s pure quality.


“Thank you for going above and beyond, for flying to Cebu just for me. I wish I could give back every bit of time and effort you’ve given. Nahihiya talaga ako, moms, but babawi ako, ‘pag okay-okay na. I love you, my Taurean twin.”


Sabi naman ni Bela, hindi na kailangang bumawi pa ni Kim dahil sa ginawa niyang pagpunta sa Cebu. Dahil dito, ikinatuwa ng mga nakabasa ang palitan ng post nina Bela at Kim.


And speaking of Bela, happy ito sa 8M trailer views ng Viva Films movie nila ni JC Santos na 100 Awit Para Kay Stella (100APKS). Inaabangan na ang showing ng movie ni Director Jason Paul Laxamana. 


Kasama sa cast si Kyle Echarri, ang gaganap sa role ng makakaribal ng karakter ni JC kay Stella (Bela).



Ipinost ni Nessa Valdellon ng GMA Network at GMA Public Affairs at isa sa mga ninang sa wedding last August 14 nina EA Guzman at Shaira Diaz ang isa sa mga wedding photos ng mga bagong kasal. 


May caption ito na: “Congrats, Shaira and EA,” kung saan, makikitang nag-kiss ang mag-asawa.


Sumagot si Shaira ng “Thank you po, Ninang!!!” at sinagot ni Nessa ng “You look so gorgeous today. So happy for you.”


Ginanap sa St. Benedict Parish, Westgrove Heights sa Silang, Cavite ang kasal na parang finale sa kanilang 12 years relationship. Masaya ang pamilya at mga kaibigan ng dalawa dahil alam nilang matagal nila itong hinintay.


Well, nabanggit na ni Shaira na kabilang sina Boy Abunda at Arnold Clavio sa mga ninong. Kasama rin sina Sen. Jinggoy Estrada, Ben Chan, at Arnold Vegafria na manager ni EA. 


Kabilang naman sa mga ninang sina Susan Enriquez, Jean Garcia na nakasama ni Shaira sa Lolong at Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm. 


Kasama rin ang GMA Network lady executives na sina Atty. Annette Gozon-Valdes, Joy Marcelo, Cheryl Ching-Sy at si Nessa.


Kabilang naman sa mga secondary sponsors sina Coco Martin at Julia Montes na naalala namin, pinuntahan ni EA sa kanilang bahay. 


Samantala, made in South Korea ang wedding gown ni Shaira Diaz bilang K-Pop fan siya at pati nga ang prenup nila ay doon din ginawa ang photoshoot.


Hindi naman napigilang mapaiyak ni Shaira nang makita ang napakagandang reception ng kanilang kasal na inayos ng event designer na si Gideon Hermosa.

Congratulations and best wishes sa mga bagong kasal!



RECORDING star na ang Sparkle at Kapuso talent at former Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate na si Will Ashley, pero hindi siya sa GMA Music magre-recording kundi sa Star Music ng ABS-CBN. 


Partner pa rin naman ang GMA ng Star Music sa pagpasok niya sa pagiging recording star.


Kasunod nito, may balitang magdu-duet din sina Will at Bianca De Vera under Star Music din. 


Ibig sabihin nito, hindi lang solo ang recording na gagawin ni Will, magdu-duet din sila ni Bianca na ikinatuwa ng WilCa (Will at Bianca) shippers.


Hintayin na lang ng mga fans ni Will Ashley ang paglabas ng kanyang recording, solo man o duet nila ni Bianca de Vera.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page