top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 31, 2025



Kim Chiu sa London - IG

Photo: Kim Chiu sa London - IG



Halata sa larawan na super-enjoy si Kim Chiu sa pamamasyal niya sa mga magagandang tanawin sa London, United Kingdom. 


Sey ni Kim, “Living my full tourist life here in London. Of course, I had to tick off the mandatory shots - red telephone booth, the iconic London Eye, and a ride on the Underground. Classic London moments that make the trip extra memorable.”


Sa dami ng pinuntahan ni Kim, sure si yours truly na pagoda (as in tired) na siya, kaya kantahan na lang natin siya ng old song na… “London Bridge is falling down, falling down, falling down.


London Bridge is falling down, my fair lady.”


Pak, ganern!



MAKATOTOHANAN ang ibinahagi ng TV host na si Vice Ganda sa kanyang Instagram (IG) Story. Makikita sa video clip na ibinahagi ni Vice ang mga pagkain na iniluto nila sa loob ng kanilang tinutuluyan na Airbnb sa London.


Kasalukuyang nasa London si Vice para sa ASAP in England concert na ginanap sa BP Pulse Arena nitong nakaraang August 30, 2025.


Sey ni Vice sa kanyang IG story, “Super tipid ako dito sa London kasi ang mahal. Kaya namalengke na lang kami nu’ng first day at nagluto dito sa Airbnb.

“Pangatlong araw na naming iniinit ‘tong natirang adobo.”


Mga bagets, siguro naman ay may natutunan kayo sa ibinahagi ni Vice. Ang moral of the story, kahit ano’ng yaman ng tao, dapat marunong magtipid. 


Well, may katwiran ang katwiran. 

Pak na pak ka d’yan, Vice Ganda!


MAPAPA-SANA ALL ka na lang talaga kapag nakita mo ang tulad ng comedian-actor na si Ogie Diaz at ang kanyang daughter. 

Nagpahayag ng pagbati si Ogie sa kanyang panganay na anak na si Erin sa pamamagitan ng social media post.


Sey ni Ogie, “Gusto ko lang magpasalamat sa anak ko, dahil hindi n’ya isinuot ‘yung mamahaling damit dito sa mga pics, hindi rin n’ya ginamit ang mamahaling bag at sapatos, dahil mahirap na. Baka ma-lifestyle check s’ya at mapagkamalan s’yang nepo baby.

“Or else, alam na, ‘di na naman mako-control ang flood ng mga bashers. Hahaha!


“Actually, madami pa ‘kong sinasabi, eh. Gusto ko lang namang batiin ang aking panganay na anak ng ‘Happy 24th birthday, Erin!’


“S’ya ang una sa limang batang naging pruweba na kaya ko palang maging isang ama. S’ya rin ang batang ‘pag bina-bash ay unbothered. Nu’ng i-suggest ko na i-block na lang n’ya, ang sabi ba naman sa akin, ‘‘Wag, Daddy. Hayaan mo sila. Engagement din ‘yan. Sayang.’ So minaynd set lang ako ng anak ko. Hahaha!


“Basta mahal ka ng daddy, anak. Always remember na nakasuporta lang ako sa lahat ng mga pangarap mo sa buhay.


“Anyway, bagay sa ‘yo ang black dress sa pictorial mong ito ng Envi Skin Beauty & Wellness. Grabe, buti na lang, nagkasya sa ‘yo ang pinagliitan kong black sexy dress.”


Uwian na, may nanalo na, walang iba kundi ang loving daughter ni Ogie na si Erin sa pagkakaroon ng tatay na tulad niya.


Happy birthday, Erin! You are lucky to have a father like Panyerong Ogie.

‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | August 22, 2025



Matteo G - IG

Photo: Christopher Roxas at Gladys Reyes



Kinumpirma sa amin ni Christopher Roxas na dumaan sa mabigat na pagsubok ang relasyon nila ng asawang si Gladys Reyes na sa tagal na ng kanilang pagsasama ay hindi nila inasahan na pagdaraanan pa nila. 


Ayon sa aktor-businessman, doon niya mas napatunayan na ang pagpapakasal at pagkakaroon ng pamilya ay isang non-stop learning process at napakahalaga talaga ng komunikasyon para maayos kung anuman ang problema sa isang pagsasama.


Pagbabahagi ni Christopher, nangyari ito noong nakaraang taon at pagdating niya mula sa Australia ay masinsinan silang nag-usap ng asawa. 


Siniguro rin ng aktor na kung maghihiwalay sila ni Gladys, ito ay hindi dahil hindi na nila mahal ang isa’t isa o may third party involved. Ito ay dahil sa sulsol o pagkakampi-kampihan ng mga tao sa paligid nila. 


Isa rin sa mga naging problema ay ang kakulangan sa oras. Dahil maluwag ang schedule noon ni Gladys at walang masyadong trabaho, napansin nito na masyado nang busy si Christopher sa kanilang mga negosyo. Ipinaliwanag niya rin sa asawa na dapat ay i-enjoy nito ang oras kung sino man ang kasama niya—kapag nasa trabaho, kasama siya o ang mga anak, kailangan niyang magpokus at i-enjoy ang oras kung nasaan siya at huwag nang mag-isip pa ng kung anu-ano.


Dahil kabi-kabila ang tukso sa mga aktor lalo na’t madalas ay mga babae talaga ang nagbibigay ng motibo sa kanila, aminado si Christopher na nagagandahan pa rin siya sa iba o nakaka-appreciate pa rin siya ng ganda ng ibang babae, pero sapat na ang maisip niya ang asawa’t mga anak para maiwasan ang tukso. 


Ibinahagi rin ng aktor na ipinangako niya sa sarili na hindi niya gagawin sa pamilya niya ang naging pagkakamali noon ng kanyang ama na nasira ang pamilya nila dahil sa ibang babae.


Ang pagsasama nina Gladys at Christopher ay isa sa mga relasyon sa showbiz na nananatiling matatag at matibay sa kabila ng ilang dekada. Inamin din ng aktor na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mahal mo ang asawa mo, pero kapag naiisip niya na si Gladys ang pinili niyang makasama habambuhay ay mas pinanghahawakan niya ang pangako nila na magsasama forever.


Well, sa kabila ng mas sikat at mas malaki ang kita noon ng asawa, hindi nakaramdam ng anumang insecurities si Christopher. Para sa aktor, alam niya kung ano ang naibibigay niya sa kanilang pamilya kung saan si Gladys ang humahawak ng budget.


Sa ngayon ay may dalawang branches na ang resto bar nilang That’s Diner. May commissary din sila, ang Grateful Galley, at ang Manay Gina Canteen sa Kongreso. 

Bukod sa silang mag-asawa ang may-ari ng kanilang mga restaurants, tumatayo ring chef dito si Christopher.



KAKAIBA ang pakulo ng BingoPlus na siyang tumatayo bilang isa sa main sponsors ng 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television. Magagamit ang prediction skills ng mga manonood kung saan magkakaroon ng guess-and-win promo sa mga major categories ng naturang awards night at puwede silang manalo ng P2,000 worth of gift certificates.


Ilan sa mga kategoryang pahuhulaan ay ang Best Drama Actor and Actress, Best Supporting Actress and Actor, Best Male and Female Host, at BingoPlus Male and Female TV Star of the Year. 


Para makasali, i-click lang ang BingoPlus official Facebook (FB) page para sa full promo details.


Ang 37th Star Awards for Television ay gaganapin sa VS Hotel Convention Center sa darating na August 24 at magsisilbing hosts sina Boy Abunda, Pops Fernandez, Gela Atayde, Elijah Canlas at Robi Domingo.

Bongga, ‘di ba?


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 22, 2025



Shaira Diaz - IG

Photo: Shaira Diaz - IG


Bilib ang mga netizens sa love story nina Shaira Diaz at Edgar Allan “EA” Guzman. Imagine, 12 long years ang kanilang relasyon, pero napanindigan nila na igalang ang isa’t isa.


Kaya naman, tinawag ng mga netizens na ‘Queen of Virgin’ si Shaira dahil never ito umanong nagpagalaw sa kanyang longtime boyfriend hanggang sa sila ay ikasal last August 14.


Ayon kay EA, naging role model umano sila sa ilang kabataan dahil sa nagawa nila ni Shaira na hindi galawin ang isa’t isa sa tagal ng relasyon nila.

“Hindi naman namin ito inilalabas, pero si Shaira po ay still (a virgin), kaya ko s’ya lalong minamahal. Wala na akong mahahanap na ganu’n. 


“Ang lagi kong naririnig sa kanya ay gusto niyang i-save (ang virginity), kaya after marriage. So para sa akin, wow!” ani EA.



Kadiri raw… “PAHUBAD OOTD” NI CARLOS SA KASAL, NILAIT NG MGA NETIZENS



Pinakasalan na ni Carlos Agassi ang kasosyo niya sa negosyo na si Sarina Yamamoto pagkatapos ng pitong taon.


Sa Instagram (IG) account ng aktor, aniya, “I never imagined myself being so emotional in my life, tears of joy as I married my soulmate, bestfriend & partner for life. Jokes aside, mas marami pa akong iyak kesa kay Misis. LOL (laugh out loud).”


Aniya pa sa latest post, “7 years stronger together forever. Marriage is forever so only get married when you are 101% sure. Mahiya ka naman kay Lord, sa sarili mo, sa asawa mo. You have a choice, choose forever happily ever after putting God above or else.”

Komento ng mga netizens…


“In fairness! Nilaro pa rin nila ‘yung kasal nila sa outfit but I love it. Sobrang uso!”

“Congrats! Pero kadiri ‘yung 3rd pic, ‘di na nakaka-yummy.”


Ang tinutukoy ng nag-comment ay ang wedding photo nina Carlos at Sarina kung saan kitang-kita ang mabuhok na dibdib at abs ng aktor sa kanyang suot.


“Ba’t parang nag-iba mukha ni Kuya Carlos?”


“Bakit naman ganyan suot mo, Carlos? Kailangan ba talaga, kita dibdib? Like kadiri mga hairs sa dibdib.”


“‘Di man lang inayos ang pagkaka-edit. ‘Kaloka! Hahaha!”


“Proud siya lagi sa abs n’yang tuyot na? Anyway, congrats, akala ko matagal nang kasal kasi Agassi na ang last name ng partner n’ya.”


“Ang tacky lang nu’ng pahubad effect.”


“Over naman sa filter, pero I love their wedding outfit! (Except sa pahubad ni guy). Lalo na sa bride, ang unique ng wedding dress. It’s really them. Hahaha! Ang cute.”

“Ang ganda ng wedding dress, I like the style.”


Nakakaloka naman ang isang commenter na ang sabi, “Wala pa man pero alam mo na agad kung ano’ng ending ng marriage nila.”

Ganern?!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page