top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 13, 2024



Photo: Ogie at Leila Alcasid - Instagram


Super-excited na ang It’s Showtime (IS) host na si Ogie Alcasid na magkaroon ng apo sa kanyang panganay na anak na si Leila Alcasid.


Ilang araw na lang kasi ay ikakasal na si Leila sa kanyang fiancè at musician na si Mito Fabia.


Bago ang kasal ay matagal ding nag-live-in sina Leila at Mito. Until nag-propose si Mito kay Leila sa Batangas last September.


Noon pa man ay open na si Ogie sa pagsabi na ‘di siya pabor sa pakikipag-live-in ni Leila kay Mito. 


At sa guesting ni Ogie sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) noong Martes ay muli niyang ibinulalas ang tampo sa panganay na anak nu’ng magdesisyon na sumama na kay Mito na makipag-live-in.


Pahayag ni Ogie kay Kuya Boy, “Oo naman, nagtampo ako. Kasi ‘tong buong panahon na naghintay ako, kasi hindi naman natin maipagkakaila na hindi s’ya lumaki sa ‘kin. 


“So, noong time na biglang nag-isip s’ya na tumira na rito sa Pilipinas, sabi ko, ‘Ito na ‘yung pagkakataon magiging close kami, magiging magkasama kami hanggang sa panahon na mag-aasawa na s’ya.’ ‘Yun nga lang, meron pala silang ibang plano.” 


Inamin ni Ogie na ‘di naging maganda ang simula nila ng kanyang magiging son-in-law.

“We didn’t start off with her on the right foot, but we understand each other. We communicate well, saludo ako sa kanya, sa pag-aalaga n’ya sa anak ko,” saad niya.


Ngayon pa lang daw ay naiiyak na si Ogie kapag naiisip na ikakasal na si Leila.

Kaya nu’ng tinanong si Ogie kung ready na ba siya na ihatid sa altar ang kanyang panganay na anak ay ‘di masagot nang diretso ng IS host.


“Ang tingin ko kasi sa panganay ko, kahit 27 na po s’ya, ang tingin ko pa rin sa kanya is a little girl. But I would be so proud, he (Mito) is a very nice man,” esplika niya.



AMY, GAME PUMALIT KAY CHARO SA ABS-CBN



Naging emosyonal ang radio anchors na sina Winnie Cordero at Amy Perez sa ginanap na thanksgiving mediacon ng TeleRadyo Serbisyo ng DWPM RADYO630.


Naibahagi kasi nila sa mga taga-media ang mga kalunus-lunos na kuwento ng kondisyon at paghingi ng tulong ng ating mga mahihirap na kababayan sa kanilang mga programa.


May mga ahensiya kasi sa gobyerno na hirap silang makakuha ng agarang tulong lalo na para sa mga nasa critical stage na.


Salaysay ni Winnie, “Isa sa mga public programs ng DWPM (Tatak Serbisyo, Monday to Friday at 10:30 am), toka ko po sa oras na ‘yun, kami po ay may mga panawagan mula sa aming mga alaga.


“‘Yun po ang tawag ko sa kanila - batang may sakit, merong Syphilis (sexually transmitted infection), disease na stage 3, may leukemia, merong congenital heart disease, etc.. Hindi lang mga bata, mga middle-aged at mga matatanda rin po na kasalukuyang lumalaban sa kanilang nararamdamang sakit.


“Tapos po, nanghihingi po kami ng mga donasyon mula po sa mga ka-serbisyong nakatutok po sa ‘min sa mga oras na ‘yun na hindi naman kami binigo. ‘Yan po ang tatak-Serbisyo.”


Meron din daw silang talakayang medikal at serbisyo rin mula sa iba’t ibang ahensiya na nagbibigay ng mga ayuda gaya ng Philhealth, DSWD and NGOs.


“Tapos po, ‘pag Sabado, kasama n’yo rin po ako na nagbibigay ng extra sunshine sa inyong Saturday morning, ang Win Today (10 AM).


“Dito po ako ano, bumabawi ng happiness. Kasi dito, uhm, talakayang pampamilya, talakayang pang-negosyo. Samu’t sari po na pampa-good vibes sa inyong weekend,” sey pa ni Winnie.


Bukod sa It’s Showtime (IS), nasa DWPM Radyo 630 din si Amy para sa show niyang Ako ‘To Si Tyang Amy (ATSTA).


“Public service rin po s’ya pero ang pinag-uusapan namin doon ay lahat ng may kinalaman sa ating mental health. ‘Yung pag-aalaga naman sa ating pag-iisip, sa ating puso, sa ating emosyon. 


“‘Yung mga pinagdaraanan po natin na struggles sa araw-araw nu’ng ating mga ka-serbisyo. So, Mondays, Tuesdays and Thursdays, meron tayong ka-serbisyo na nakakausap via phone or via Zoom,” tsika ni Amy.


May mga kasama rin daw na experts sa mental health sa show gaya ng life coaches, psychologists and psychiatrists na tumutulong sa mga may pinagdaraanan sa kanilang buhay.


And then, every Wednesday, meron silang tinatawag na ‘Ano’ng feels mo’ sa show.

“Eto naman, parang ibini-bridge namin ang gap between the millennials, the Gen-X, the boomers, and ‘yung mga Gen Z at ‘yung mga Gen-Alpha wherein we discuss certain topics.


“Kagaya kunwari nu’ng last time, pinag-usapan namin kung ano ‘yung tinatawag nila sa relationship na ‘MU.’ 


“Nu’ng araw sa ‘tin, ‘di ba na mga boomers, na mga Gen-X, ang alam n’yo (‘pag sinabi) MU, mutual understanding.


“Pero alam n’yo ba na sa mga millennials at Gen-Z, ang tawag nila doon ngayon ay ‘situationship.’


“So, bine-break natin ang gap na ‘yun para po sa mga Gen-X na kagaya ko na may anak na millennial, may anak din ako na Gen-Z at Gen-Alpha,” lahad ni Amy.


At pagdating ng Friday ay meron silang drama presentation, ang Tyang Amy Presents na ang ka-partner daw nila sa programa ay ang mga estudyante mula sa Far Eastern University (FEU).


“So, ibinalik po namin ‘yung drama sa hapon sa radyo sa pamamagitan po ng programa na Ako ‘To si Tyang Amy.


“And we’re very happy na ngayong month na ‘to, ang ka-tie-up namin na eskuwelahan ay ang FEU. Ang multimedia students nila ang siyang nagpo-produce at sumusulat ng mga drama na ginagawa namin every Friday. At last Friday po, nagsimula ang FEU.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 13, 2024



Photo: Amy Perez at Ai Ai Delas Alas - Instagram


Inamin ni Amy Perez na nakaranas din siya ng cheating mula sa kanyang unang asawa sa ginanap na DWPM Teleradyo Serbisyo/Radyo 630 Thanksgiving Media Conference sa Seda Vertis North sa Quezon City kahapon.


Tinanong kasi si Amy kung nakaka-relate siya sa mga payong ibinibigay niya sa kanyang programa na Ako ‘To Si T'yang Amy (ATSTA) sa DWPM Radyo 630 every Friday from 3 PM to 4 PM.


Hindi raw niya pinipilit ang kanyang mga listeners sa ano ang gusto niyang gawin for a particular problem.


“Hindi s’ya one size fits all. At the end of the day, I will give you options,” sey ni Amy.

Marami na rin daw siyang pinagdaanan sa buhay at ang mga natutunan niya rito ang nakakatulong sa pagbibigay niya ng payo tulad sa mga naloko ng kanilang asawa. 


And speaking of cheating, we asked Amy's views sa usaping cheating sa showbiz ngayon sa pagbubulgar ni Ai Ai delas Alas ng isa sa mga rason ng hiwalayan nila ng mister na si Gerald Sibayan. 


Pahayag ni Amy, “Yes! Usung-uso ‘yan ngayon. Maraming istorya ng cheating ngayon.”

Sa tanong kung naka-relate ba siya, ang sagot niya, “Oo, naka-relate ako. ‘Yung mga payo na ibinibigay ko sa radyo, ina-apply ko rin sa sarili ko.”


Relate much si Amy dahil she once experienced na lokohin ng kanyang first husband na singer na si Brix Ferraris.


Ano’ng ginawa n’ya nu’ng nag-cheat ang asawa niya noon?


Sey niya, “Ay, di siyempre…. naku! Napakahabang proseso ‘yan. But now, I’m happy with my second husband. In fact, we’re celebrating our 10th wedding anniversary.”


Wala pa raw silang plano ng kanyang mister na si Carlo Castillo kung saan magse-celebrate ng kanilang wedding anniversary.


“Wala naman. Baka magdi-dinner lang kami mamayang gabi,” sagot ni Amy.

Pareho rin pala sina Amy at Carlo nina Ai Ai at Gerald Sibayan na ika-sampung taon din ng kasal this year.


Kuwento ni T'yang Amy, “I know. Tinext ko nga s’ya, ‘yun nga, sinabi ko sa kanya na we’re here for her, I pray for her.


“Si Ai Ai naman kasi, napakabait na tao. Napakabuti na tao, napakaganda ng puso. So, I pray that one day ay mahanap pa rin niya ang kanyang partner, na the one talaga. Or baka maayos pa rin sila ng asawa n’ya, ‘di natin masabi.”


Sagot niya sa downside ng may mas batang asawa dahil si Carlo ay mas bata rin sa kanya, “Uh, depende pa rin ‘yan sa tao. We cannot generalize, eh, actually.


“Kasi, like ako and my husband, 10 years ang gap namin, mas matanda ako sa kanya ng ten years, wala sa hitsura, ‘di ba?


“Oh, mukha s’yang mas matanda sa ‘kin. Tsaros! Magagalit sa ‘kin ang asawa ko.


“But I think, nasa tao ‘yan. Hindi naman natin puwedeng i-generalize na lahat ay ganoon. Depende. Depende sa sitwasyon, depende sa tatag ng pagkatao ng bawat isa.”


Ibinulgar niya rin kung may “loving gestures” ba sila ni Carlo.


“Ay, naku, ano, ‘pag tinatawag na niya ako ng ‘Beh,’ mga ganoon. ‘Hi, Beh!’ May kasunod na. Ay, tsaros!


“Pero hindi, ang hindi ko makakalimutan is ‘yung mga times ‘pag pinapatawa ko s’ya. ‘Pag kasi sinasabi ko, ‘Grabe ka naman, sobrang in love na in love ka sa body ko,’ ganyan. Hahaha!


“So, ‘yung ganoon na may biruan ang mag-asawa na natutuwa ako dahil hanggang ngayon, ganoon pa rin kami sa isa’t isa. Kahit inookray namin ang isa’t isa, parang feeling ko, nakakadagdag ‘yun sa spark. 


“Tsaka hindi kami clingy sa isa’t isa. I don’t check on him. Kunyari, may sinabi s’ya sa ‘kin na ito ang schedule sa buong araw, ‘di na ako nagtsetsek. Basta alam namin ang schedule ng bawat isa,” pahayag ni Amy Perez.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 12, 2024



Photo: Gerald at Ai Ai - IG @msaiaidelasalas


Tinuldukan na ni Ai Ai delas Alas ang mga espekulasyon tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang mister na si Gerald Sibayan.  


“Oo, hiwalay na kami,” mariing tugon ni Ai Ai sa tanong ni Boy Abunda sa Fast Talk kahapon.  


Noong October 14 pa raw sila naghiwalay at si Gerald ang nag-initiate ng hiwalayan. 


Nakatanggap lang daw ng message si Ai Ai mula kay Gerald noong October 14 nang madaling-araw sa Pilipinas, na nagsasabing hindi na siya masaya at gusto ng mister niya na magkaroon ng anak.  


Pahayag ni Ai Ai, “Medyo confused ako, and shocked. Bakit ngayong oras na ‘to? Sana hintayin mo man lang akong makauwi sa Amerika. Maraming bakit…”  


Wala naman daw silang pinag-aawayan ni Gerald, ayon kay Ai Ai. Sa sampung taon nilang pagsasama, madalang daw silang magkaroon ng “discussion” – ang tawag ni Ai Ai rito, at hindi away.  


May gut feel naman daw si Ai Ai na may third party involved kaya nagdesisyon si Gerald na makipaghiwalay sa kanya.  


“Pero Ama (tawag ni Ai Ai kay Kuya Boy), it doesn’t matter naman kung meron o wala, eh. Kasi nu’ng sinabi n’ya na firm na s’ya sa desisyon, wala naman na akong ilalaban, ‘di ba?  


“‘Pag lumaban pa kasi ako, kumbaga, nag-stay pa ako, parang alam ko naman ang magiging ending, eh. ‘Yung dignity ko ba o self-worth ko, mawawala na ‘yun, eh.  


“Magtira naman ako (para sa sarili ko). Kasi alam ko na mangyayari ulit ‘yun,” lahad ni Ai Ai.  


Nangyari na rin daw kasi na nag-cheat o nambabae na si Gerald noong 2019. Pero sa isyu ng pagkakaroon ni Gerald ng anak, mula’t mula pa ay sinabi na ni Ai Ai, at alam din daw ‘yun ni Gerald, na hindi niya kayang ibigay ito sa kanyang mister.  

Sa kabila nito, sinubukan pa rin ni Ai Ai na gumawa ng paraan para mabigyan ng anak si Gerald. 


Nilinaw din ni Ai Ai ang tsika na ipapa-deport niya sa Pilipinas si Gerald. Green card holder sa US si Ai Ai at bilang mister niya si Gerald ay pinetisyon niya ito para magkaroon din ng green card. Pero on process pa ito at puwede talagang i-revoke ni Ai Ai since siya ang nagpetisyon kay Gerald.


Wala naman daw plano si Ai Ai na gawin ‘yun. Although, nu’ng umpisa, sa buwisit niya ay naisip din niya itong gawin.


Lastly, ini-reveal ni Ai Ai delas Alas na may prenup agreement sila ni Gerald Sibayan bago ikinasal.


Wala na raw panlaban sa viral infection… 

KRIS, NAKA-ISOLATE, BAWAL DALAWIN



Finally, pinangalanan na ni Kris Aquino ang kanyang doktor na boyfriend sa kanyang Instagram (IG) post kahapon.  


Binanggit ni Kris ang pangalan ng boyfriend sa mahabang caption niya habang isa-isang pinasalamatan ang mga doktor na tumingin sa kanya sa Makati Medical Center (MMC).  

Ishinare ni Kris sa socmed ang latest update sa kanyang health condition matapos ang halos dalawang buwan mula nang bumalik siya sa Pilipinas.  


Caption ni Kris: “Exactly 2 weeks ago, I had an Ultrasound-guided PICC LINE INSERTION. The minimally invasive surgery was done in Makati Medical Center.  


“I would like to thank everyone in MMC for their genuine concern for my safety and wellbeing while confined—from those in the OR, all the doctors and residents who were monitoring me, the nurses in the 9th floor, and the security team—MARAMING SALAMAT sa INYO!”


Ikinuwento rin ni Kris sa caption ang tungkol sa picture niya habang siya ay sumasailalim sa hospital procedures na ipinost niya sa Instagram.  


“I always try my best to highlight the positive because having 6 autoimmune conditions is depressing (hindi po ako nagkamali, in my last update I had 5 diagnosed autoimmune disorders, but just like the Pop Mart Care Bears na 6 ang laman given to me by my new friends @rouge_and_orange #6 is the supremely punishing RHEUMATOID ARTHRITIS). 


“This picture was taken by my pain management doctor, @rainiertanalgo. In the picture you can clearly see my adopted younger sister immunodermatologist @drkatcee who is stressed with my ever growing list of medicinal and food allergies; partially seen was my excellent vascular surgeon Dr. James Illescas, not pictured is our family's trusted anesthesiologist Dr. Jonnel Lim who crossed the “border” (again thank you MMC for saying yes to our request) and clearly visible is surgeon Dr. Mike Padlan. (Pinangalanan ko na po s’ya).


“Kahit gaano ako katapang, there are moments especially ‘pag nagsabay-sabay my unexplainable allergies, my lupus (rashes, fever like heat in my entire body, migraine) and rheumatoid arthritis flares (the worst, stabbing/crushing deep bone pain in my knees, hips, ankles) plus my high blood pressure (170/116); I ask myself, KAYA KO PA BA?


“During my hospitalization, my WBC dropped, I also had a bad allergic reaction to the last antibiotic I could still tolerate. What did that mean- wala na 'kong panlaban sa kahit anong viral or bacterial infection. I’m now in isolation. So many rules for family & friends na gusto akong dalawin. Yes, it’s lonely.


“What keeps me going? I REFUSE TO DISAPPOINT ALL THOSE PRAYING FOR ME.  

“Ayokong maisip n’yo na binalewala ko ‘yung time and effort ninyo. Because your compassion has deeply touched my heart. Kaya #bawalsumuko #tuloyanglaban (rainbow emoji).”  


May netizen naman ang na-impress sa dami ng doktor na kailangang manggamot sa simpleng procedure lang daw kung sa US ginawa.  


Sey ng isang netizen, “Wow! That's a lot of people for a very simple procedure. Here in the US, PICC line insertion is done at bedside by only one RN. Even the central line is done at the bedside. I’m confused. Prayers to you Ms. Kris A.”  

 
 
RECOMMENDED
bottom of page