ni Jeff Tumbado | December 24, 2021
Patuloy na nadadagdagan ang tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ulat ng mga nasasawi dahil sa Bagyong Odette.
Ayon sa latest update ng NDRRMC, umabot na sa 258 ang mga namatay kay Odette.
Galing umano ang mga ito sa lalawigan ng Palawan, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Cebu, Bohol, Negros Oriental, Bukidnon, Misamis Occidental at Oriental,
Butuan City at Agusan Del Sur.
Maliban dito, nakapagtala rin ng 566 na napaulat na nasaktan at 47 ang nawawala.
Samantala, ipinaliwanag naman ng NDRRMC na 11 pa lang sa naturang bilang ang kumpirmadong nasawi. Bineberipika pa kung may kinalaman sa bagyo ang pagkasawi ng iba.