top of page
Search

ni Jeff Tumbado | January 22, 2022



Aprubado na sa ikalawang pagdinig sa kamara de representantes ang panukalang batas na siyang magbibigay ng “honoraria” at allowances gayundin ang awtomatikong pagkakaroon ng certificate of civil service eligibility sa bawat kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK) sa buong bansa.


Sa pamamagitan ng “voice voting”, inaprubahan ng mababang kapulungan ng kongreso nitong araw ng Martes sa kanilang regular session ang House Bill No. 10698 na siyang gagawing batas sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 10742 o ang “Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015.”


Ayon kay House Ways and Means Chairman Committee Albay Representative Joey Salceda, na siya rin ang principal author, ang nabanggit na panukala ang siyang magbibigay ng karapatan sa bawat SK officials na makatanggap ng “honoraria, allowances at iba pang kompensasyon na naaayon sa batas.


Dagdag pa ni Salceda na ang reporma ay makakatulong din sa pagpapalawak pa ng kanilang kakayahan at karanasan sa pamamagitan ng training, youth empowerment, environmental protection, values education at iba pang programa na makaaapekto sa mga kabataan.


Sa kasalukuyan kasi, ang SK Chairman lamang ang “entitled” sa mga nabanggit na benepisyo.


“If we want to professionalize the SK, we also have to ensure that its efforts are compensated. The SK were very crucial to the fight against COVID-19, as they were among the barangay frontliners that could be mobilized for ayuda distribution and module distribution,” pahayag ni Salceda.


“I believe that the SK is still underutilized. We are giving them more benefits, but in return, we are also giving them more meaningful work,” paliwanag pa ng mambabatas.


Sa kabilang dako umano ay sinabi ni Salceda na inaprubahan na rin sa Senado ang nasabing panukala at tuluyang maaprubahan sa ikatlo at huling pagdinig sa susunod na linggo.


“There is strong minority and majority support for the measure, so I expect very smooth sailing for this proposal,” saad ni Salceda.


“Hopefully, we can do bicam during the session break and ratify during the final six session days before the term expires after elections. Better yet, we can do bicam next week and even ratify by Wednesday next week, if the Senate and House leaders are willing,” dagdag pa nito.


 
 

ni Jeff Tumbado | January 22, 2022





Ilan pang biktima ng umano’y agriculture investment scam ng DV Boer Farm International Corporation at ng DV Boer Microfinance ang nagsampa ng kaso laban sa grupo.


Inihain ang reklamong estafa sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa may-ari na si Soliman Villamin Junior o mas kilala bilang Dex Villamin, Crisanto Cortez, at sa ilang kaanak at mga empleyado nito.


Nitong buwan ng Mayo, 2021 ay naglabas na ang Quezon City Regional Trial Court Branch 91 ng warrant of arrest laban kay Villamin dahil sa mga programa nitong inalok sa libo-libong investors, na karamihan ay mga OFWs o Overseas Filipino Workers.


Naglabas na rin ng warrant of arrest ang Regional Trial Court Branch 68, Binangonan, Rizal na parehong walang bail dahil sa kasong syndicated estafa.


Kabilang sa maanomalyang venture ang Pa-iwi program, kung saan nagpapaalaga ng hayop tulad ng kambing ang mga investors sa farm. Nangako ang DV Boer ng hanggang trenta porsiyentong kita.


Noong 2019, naglabas din ang Securities and Exchange Commission laban sa DV Boer na nagsasabing walang lisensyang magpatakbo ang grupo ni Villamin ng ganitong investment scheme.


Ilan sa mga whistleblowers din umano mula sa DV Boer ang nagsabing hindi ginastos sa pagbili ng kambing at baka ang mga perang natanggap nito kundi ginastos sa pansarili lamang.

 
 

ni Jeff Tumbado | January 22, 2022


Pinangunahan ng award winning actor na si Piolo Pascual at ni Ang Probinsyano Partylist Representative Alfred delos Santos ang pagsasagawa ng coastal at underwater cleanup drive sa Barangay Mainit sa bayan ng Mabini sa Batangas kahapon, araw ng Biyernes, Enero 21, 2022.


Kasama nina Pascual at delos Santos ang nasa 50 iba pang volunteers mula sa local tourism ng Mabini at ilang taga-Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung saan ang naturang community cleanup activity ay nakapag-ipon ng nasa 135 kilo ng waste materials.


Sa isang pahayag ni Pascual, ang community cleanup drive ay isa lamang umano sa maraming proyekto ng Ang Probinsyano Partylist na kanyang sinusoportahan.


“I am thankful to have been part of this initiative by Ang Probinsyano Partylist. Environmental issues are close to my heart, and I consider Batangas my home now. I fully support the partylist’s call for everyone to act now and act fast,” pahayag ng aktor.


Dagdag pa ni Pascual na magiging kasama pa siya ng nabanggit na partylist sa pagtulong sa mga joint project sa Maynila at karatig-lalawigan sa parating na mga buwan.


“We welcome the support of Mr. Piolo Pascual in our projects. Rural development is one of our main advocacies. We believe that a clean environment leads to better tourism opportunities for the community, therefore improving the livelihood of our kababayans. We look forward to working closely with him, hoping to inspire our kababayans to also take part in projects such as this cleanup drive,” wika naman ni delos Santos.


Samantala, nagagalak naman ang Mabini local tourism office sa kolaborasyon sa pagitan ng dalawa dahil sa kabila ng pandemya ay magpapatuloy pa rin ang kanilang regular na cleanup drive projects.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page