top of page
BIDA - AGOT KAY SEN. ROBIN SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI-FB Agot
Search

ni Gina Pleñago @News | May 22, 2026



Jonvic Rsmulla - PNP DILG

Photo: PNP / DILG



Susunod umano ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kautusan ng Department of Justice (DOJ) na arestuhin si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.


Ito ang tugon ni Interior Secretary Jonvic Remulla kaugnay sa pagpapatupad ng arrest order laban kay Dela Rosa na hinahanap ng International Criminal Court (ICC). 


Nauna nang iniutos ni Justice Secretary Frederick Vida sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang pag-aresto kay Dela Rosa matapos ibasura ng Supreme Court ang hiling ng senador na harangin ang implementasyon ng warrant mula sa ICC.


Nang tanungin naman kung bubuhayin ang dati nang ipinag-utos na 10,000-miyembrong task force para sa dragnet operations laban kay Dela Rosa, sinabi nitong 225,000 na ang kabuuang bilang ng mga pulis sa PNP ang hahanap sa kanya.

 
 

ni Gina Pleñago @News | May 21, 2026



17 huli sa akto... Scam hub na mala-call center, buking

Photo: NBI



Nalansag ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit ang 17 katao kabilang ang tatlong dayuhan at 14 na Pilipino sa pagsalakay sa isang mala-call center office na gamit sa iba’t ibang klase ng scam sa Parañaque City.


Nitong Mayo 15, nang salakayin ang ikatlong palapag ng isang gusali sa Patmos St., Multinational Village, para sa pagsisilbi ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data na inisyu ng Parañaque Regional Trial Court.


Dinatnan ng mga operatiba ang mala-call center na setup na binubuo ng maraming computer workstation, mobile phone, internet router, at iba pang digital device sa isang silid at sa hiwalay na kwarto naman ay narekober ang computer na may naka-install na “AI SWAP 2” application—ang teknolohiya ng deepfake na kayang palitan ang mukha ng modelo sa love scamming.


Naaktuhan ang 17 suspek na aktibong gumagamit ng mga computer system at communication device nang sumalakay ang NBI. LOL


Sa inisyal na forensic examination ng NBI-Digital Forensic Laboratory, natukoy na mga dayuhan ang target na binibiktima lalo na sa Estados Unidos, Bangkok, at ilang bansa sa Europa.


 
 

ni Gina Pleñago @News | May 19, 2026



Naglagak si Mel Oragon ng P80,000 sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 - Philippines National Police

Photo: PNP



Pansamantalang pinalaya ng Pasay City court matapos maglagak ng piyansang P116,000 ang volunteer driver ng National Bureau of Investigation (NBI) na hinuli dahil sa nangyaring shooting incident sa loob ng Senado noong Mayo 13.


Naglagak si Mel Oragon ng P80,000 sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at P36,000 naman sa direct assault.


Unang inihayag ni Southern Police District (SPD) spokesperson Lt. Margaret Panaga, na base sa paraffin test na isinagawa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), positibo si Oragon sa gunpowder residue.


Ang paghuli ay bunsod ng akusasyong nagpaputok siya sa loob ng Senado noong Miyerkules


Nakumpiska umano kay Oragon ang isang sling bag na naglalaman ng 30 rounds ng 5.56-caliber ammunition at isang maikling magazine na may 15 bala ng .9mm.


Bukod sa dalawang kasong nabanggit, ipinagharap siya ng Pasay City Police ng mga reklamong alarm and scandal, tumults and disturbance of authority, disturbance of public order, resistance and disobedience to a person in proceedings, trespass to property at violation sa Senate security rules.


Lumutang din kahapon sa NBI headquarter si Oragon matapos palayain. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page