top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | December 17, 2025



Alex Eala

Photo: Eala. Alex Eala / IG


mabigyan ng ikalawang gintong medalya sa kasaysayan ng Philippine tennis ni Pinay sensation Alexandra “Alex” Eala ang Pambansang koponan matapos padapain ang hometown bet na si Thasaporn Naklo ng Thailand sa iskor na 6-1, 6-4 sa semifinals ng women’s singles event kahapon sa National Tennis Development Centre sa Nonthaburi, Thailand.


Sumandal ang Pinay top seed sa malaking bugso ng mga Pinoy na nanood upang mabigyan ito ng karagdagang motibasyon upang makabangon sa matamlay na simula sa second set. Mula sa 0-2 iskor, umarangkada ang 20-anyos na left-handed sa 5-3 bentahe, matapos mahirapang makuha ang hinahangad na momentum dulot ng magandang service game ni Naklo.


Bagaman nakakalapit pa sa ika-9 na laro ang Thai tennister, nagawa pa ring tuldukan ni Eala ang laro sa ika-10 na hampasan upang masundan ang panalo kontra Malaysian Tennisist Shihimi Leong sa 6-3, 6-1. Lumapit si Eala sa kauna-unahang ginto sa women’s singles sapul nang mapagwagian ito ni Maricris Fernandez-Gentz noong 1999 Brunei Darussalam Games.


I think her opponent is a very experienced player. I think Alex definitely handled the center court very well. She had some resistance, especially in the second set,” wika ni women’s team head coach Denise Dy.


Malaki ang inaasahan sa World No. 52 na makakapasok ng finals na puspusan ang paglahok sa mga pandaigdigang professional tournament ng World Tennis Association (WTA), kabilang ang kauna-unahang WTA 125 singles title sa Guadalajara 125 Open na ginanap sa Panamerican Tennis Center sa Zapopan, Mexico noong Setyembre.


Nakatakdang makatapat ng dating World No.50 si home-crowd bet at World No. 240 Manachaya Sawangkaew sa finals bukas, Huwebes, na masuwerteng nakakuha ng panalo kontra World No.54 Janice Tjen ng Indonesia sa bisa ng walkover na sumuko dulot ng problema sa paghinga.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | December 16, 2025



Ando weightlifter - SEA GAMES 2025

Photo: Tuloy ang laban!’ Proud na ibinahagi ni Pinay Tennis Player Alex Eala ang kanilang bronze finish sa Tennis team event ng ika-33 Southeast Asian Games (SEA Games) ngayong Linggo, Disyembre 14. “So proud of our team for showing up and giving their all. All sights set on individuals! Tuloy ang laban,” ayon sa caption ni Eala. Alex Eala / IG



Hindi napahiya sa kanyang panibagong salang sa Southeast Asian Games si Pinay tennis sensation Alexandra “Alex” Eala na nakasisiguro ng bronze medal matapos na lampasuhin si Malaysian Tennisist Shihimi Leong sa straight set 63-61 sa quarterfinal match kahapon sa women’s singles ng 2025 edisyon ng biennial meet sa National Tennis Development Center, Nonthaburi, Thailand.


Agad nagpasikat ang World No.53 laban sa mas batang karibal na kasalukuyang malayo ang rankings sa No. 969 upang makapasok sa semis round at siguradong mag-uuwi ng tansong medalya, kung saan matatandaang nagbulsa ito ng tatlong parehong medalya noong SEA Games debut sa 2021 Vietnam meet sa singles, mixed doubles at team event.


Naipamalas ng 5-foot-9 Pinay ang kanyang mahusay na mga lapag sa first set na nagpahirap kay Leong na sabayan ang atake ni Eala at manatiling nakadepensa lamang, habang nabitbit ni Eala ang momentum patungong second set at madaling tinapos ang laro. “I’m very happy with the first round, it presented good challenges and I’m happy with how, wala, masaya ako sa crowd, madaming nanood. Maraming salamat sa suporta,” pahayag ni Eala.


Nakatakdang makatapat ng dating World No.50 si home-crowd bet at World 354 Thasaporn Naklo sa semifinals na umaasang makakapasok sa unang pagkakataon sa championship round, kung saan maaaring makaharap ni Eala si Janice Tjen ng Indonesia. 


Umabanse rin si  Eala katambal si Niño Alcantara sa mixed doubles semifinals.  Mayroon ng tansong medalya si Eala sa Team event kasama sina Stefi Marithe Aludo, Alexa Joy Milliam, Tennielle Madis at Shaira Hope Rivera.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | December 16, 2025



Ando weightlifter - SEA GAMES 2025

Photo: "Binubuhat ko lang ito sa training, kaya itinodo ko na!" - ani Elreen Ando nang maka-ginto sa SEA Games 2025.  (pocmediapix) 



Siniguro ni Elreen Ando na mabubuhat ang unang gintong medalya sa larangan ng weightlifting sa 33rd Southeast Asian Games sa Chonburi, habang lumapit sa panibagong gintong medalya ang SIBOL Esports sa Mobile Legend: Bang Bang sa Sala Phra Kieo sa Chulalaongkorn University sa Bangkok. 


Patuloy na ipinakita ni Ando ang  puwersa sa pagbuhat ng ginto sa women’s 63 kilograms para sa kabuuang 229 kgs mula sa 98 kgs  sa snatch at 127 sa clean and jerk tungo sa  ikalawang sunod na kampeonato na napagwagian sa 2023 Cambodia meet sa 59kgs category.


Tuluyang nakuha ng Pilipinas ang unang ginto sapol ng kapusin si Ian Albert Delos Santos sa silver medal sa men’s 71kgs noong Linggo at bigo rin sa medalya si Olympics first gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo sa women’s 58kgs.

 

Nadala siguro sa first attempt, mahirap talaga i-lift ‘yung first attempt na nandoon lahat ‘yung kaba, ang dami mong iniisip paano mo siya i-lift. Tapos second attempt, sinabi ko sa sarili ko na alam kong kaya ko ito at binubuhat ko lang ito sa training,” wika ni Hangzhou Asian Games bronze medalist. “Pagdating sa clean and jerk, kailangan ko kunin ‘yung gold para may gold naman tayo ngayon,” dagdag ni Ando, na ginagabayan ni coach Ramon Celis.


Samantala, umabante naman ang SIBOL MLBB men’s national sa gold medal match sa MLBB Tournament matapos talunin ang Indonesia sa 3-1 sa semifinals upang lumapit sa asam na “Four-Peat.”


Ipinarada ng national squad ng Team Liquid na tangkang makuha ang ika-4 na sunod na kampeonato sa biennial meet sapol noong 2019 debut na ginanap sa bansa, kung saan kinatawan pa ito noon ng All-star cast na kinabibilangan rin ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno, na hanap ang kanyang ikalawang gintong medalya sa Esports SEA Games.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page