top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 17, 2023


ree

Marami ang naaliw sa post ni Heart Evangelista kung saan nakasuot siya ng hotdog costume at rumampa sa isang grocery. Ginawa raw ito ni Heart upang hindi na siya sinusundan at iniistorbo ng mga usisero.


Medyo dismayado lang si Heart dahil sa nakaraang Paris Fashion Week ay “na-shadow banned” at mukhang may sumabotahe sa kanya.


Ang term na “shadow banned” ay patungkol sa pagharang sa ilang pictorials niya na kuha sa ginanap na Paris Fashion Week at hindi kumpletong inilabas.


Ganunpaman, sa Milan Fashion Week ay si Heart ang itinanghal na top influencer na nagkaroon ng $1.4 M media impact value. Kumita nang malaki ang organizer ng Milan Fashion Week dahil kay Heart.


Maraming malalaking foreign products/brands ang kumukuha kay Heart bilang endorser. Certified fashion icon siya at kinikilala ng mga sikat na fashion designers abroad.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 06, 2023


ree

Hindi na solo ngayon ni Heart Evangelista ang pagrampa sa Paris Fashion Week dahil join na rin sina Anne Curtis at Julia Barretto. Naimbitahan sila roon ng ilang kilalang fashion designers.


Ganunpaman, hindi pa rin mapantayan nina Anne at Julia ang popularidad ni Heart sa Paris Fashion Week. Marami nang nakakakilala roon kay Heart at talagang pinagkakaguluhan siya ng mga Pinoy at ilang foreign media na nagko-coverage roon.


Kering-keri ni Heart ang pagrampa na suot ang mga likha ng mga sikat na fashion designers sa Paris at New York. Fashion Queen ang tawag sa kanya ng lahat at lume-level na siya sa mga international fashion models.


It seems ito rin ang gustong ma-achieve nina Anne Curtis at Julia Barretto. Susundan nila ang yapak ni Heart Evangelista upang lumawak din ang kanilang connection sa mga prestigious fashion events sa Paris, New York at Milan.


Malayo na ang narating ni Heart Evangelista at siya ay paborito ring cover ng mga foreign fashion magazines.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary Files | October 1, 2023




ree


Ibinahagi ni Anne Curtis ang kanyang stunning photos mula sa kanyang first-ever walk sa Paris Fashion Week experience.


Ang larawan ay kuha ng photographer na si Luis Ruiz.


Suot ang lovely white tube dress mula kay Loewe, ang Spanish luxury fashion house,

mga positibong komento ang natanggap ng It's Showtime host.


Ang caption ni Anne sa kanyang stunning photo: "Kicking off my first ever Paris Fashion Week at @Loewe by the brilliant @jonathan.anderson."


Nag-viral sa social media ang mga photos ni Anne.


Komento ng mga netizens, "It's the DYOSA branding for me."


"ANG DYOSA!!!"


"The dress, OMG! Napaka-diyosa mo talaga!"


"Hindi nagpakabog kina Pia at Heart."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page