top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 8, 2020


ree


Ipinost ni Ellen Adarna ang kanyang mga branded na sapatos para i-online selling.


Koleksiyon niya ito na kung ilang taon niyang inalagaan na mula sa European designer brands tulad ng Marni, Bottega Veneta, Guiseppe Zanotti, Lanvin, Manolo Blahnik, Alexandre Birman, Yves Saint Laurent at Prada.


Ang sizes ng mga footwear ay 36 hanggang 37 na ang prices ay nagmumula sa P2K hanggang P13K.


Merong sandals, boots, wedges at heels sa mga ibinebenta ni Ellen.


Sayang, walang kasya sa amin kasi ang size ng paa ko ay nasa 8 or 9. Type ko pa naman 'yung Prada sandals o kaya 'yung flat shoes na Manolo Blahnik.


Ayon sa mga netizens, okey lang naman daw na ibenta ni Ellen ang mga mamahaling sapin sa paa para makatulong sa kanyang kapwa.

 
 

ni Lolet Abania | July 15, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Sa isang jewellery store sa Surat, India may mga ibinebentang face masks na napapalibutan ng diamonds na nagkakahalaga ng Rs 4 lakh o mahigit P250,000.


Matagal nang nagbebenta at nagma-manufacture ng mga face mask ang tindahan na gawa sa ginto, silver, diamonds at American diamonds, simula pa ng pandemya. Ang masks ay layered ng alahas na may iba’t ibang patterns.


Ayon kay Deepak Choksi, may-ari ng jewelry store, nagkaroon siya ng ideya nang may mag-order sa kanyang customer na face mask na napapalibutan ng alahas.


“A customer came to our showroom recently and bought jewellery for his wedding that is scheduled in the near future. He also asked us to make a mask for him that he will wear during the ceremony at the mandap. We discussed the plan with our designer and he selected a mask, and also purchased it after we customized it for him,” sabi ni Deepak Choksi.


Kapag gawa sa ginto ang face mask, na may American diamonds, ang halaga nito ay Rs 1.5 lakh o higit P98,000 kada isa. Ang gold and white gold masks na set ng diamonds, ay ibinebenta ng Rs 4 lakh o higit P262,000 each.


Sabi pa ni Deepak Choksi, maaaring gamiting necklace at bracelet ang alahas na galing sa masks sakaling matapos na ang pandemya at hindi na isusuot pa ang facemask.


“We have gold and American diamond masks that are gold for Rs 1.5 lakh each. The highest range is of white and yellow gold masks, studded with diamonds, that are sold for Rs 4 lakh each. N-95 masks have been used to make it. Masks are washable. People should look at it like an investment. In the future, you can make a necklace, and other jewellery with the jewels from the masks. You can reuse it,” dagdag pa niya.

 
 

ni Thea Janica Teh | July 13, 2020


ree


Nami-miss niyo na ba ang mga all-time favorite street food tulad ng isaw, bbq, kwe-kwek at marami pang iba? Puwes, ito na ang chance natin na masilayan muli ang mga ito!

Trending ngayon sa social media ang mga accessories na inspired sa mga favorite nating pagkain.



Sa Instagram account na @luna.obra, makikita ang mga cute na keychain na may design na kwek-kwek, isaw, bbq, hotdog on stick at marami pang iba. Ito ay gawa sa polymer clay.


Hindi lang ‘yan, mayroon ding hikaw at charm na designed hindi lang sa mga street food, kundi mayroon din silang halaman, fruits at kahit ahas!


Para sa iba pang detalye at para maka-order, maaaring bisitahin ang kanilang Instagram Account sa @luna.obra.


Siguradong mabubusog ang mga mata ninyo sa mga all time favorite merienda natin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page