top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 21, 2026



TEKA NGA - KYLINE, IPINALIT DAW NI SAM KAY RHIAN_IG _itskylinealcantara & _whianwamos

Photo: IG _itskylinealcantara & _whianwamos



Recently may kumalat na balitang si Kyline Alcantara na raw ang bagong ‘apple of the eye’ ng businessman na si Sam Verzosa. Si Kyline na raw ang ipinalit ni SV kay Rhian Ramos. 


May nagsasabing spotted sina Sam at Kyline sa isang event kung saan ipinakilala ni SV ang aktres sa kapwa niya mga young businessmen.


Gayunman, hindi nakumpirma kung business meeting iyon o kinukuha lamang na endorser si Kyline.


Well, pasasaan ba at lalabas din sa social media kung anuman ang namamagitan ngayon kina Sam at Kyline.


Pero si Rhian Ramos, patuloy na itinatanggi na nagkaroon sila ng relasyon ni Wil

Dasovich. Very much single ang aktres ngayon at sinisikap na makapag-move on sa paghihiwalay nila ni Sam Verzosa.





TANGGAP na tanggap nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi si Ashley Ortega bilang girlfriend ng anak nilang si Mavy Legaspi. Napakabait daw ni Ashley at nakikita nilang mahal na mahal ang anak nila.


Hindi nga aakalain ng lahat na si Ashley na may pagkamataray at suplada ang image on screen ay pasadung-pasado sa mga magulang ni Mavy. Kasundo rin nito ang kakambal ni Mavy na si Cassy Legaspi.


Samantala, sa guesting nina Carmina at Zoren sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), natanong kung aware ba sila na nababanggit sa blind item na may power couple na hiwalay na pero itinatago lang sa publiko.


Itinanggi nina Carmina at Zoren na sila ang tinutukoy sa blind item. Solid pa rin daw ang kanilang marriage kahit na minsan ay may mga tampuhan din.





MASUWERTE ang baguhang Kapuso actor na si Anton Vinzon dahil bida na siya sa upcoming seryeng Kamao kung saan makakasama niya ang kanyang amang si Roi Vinzon.


Nasa cast din sina Amy Austria, Katrina Halili, Wendell Ramos, Neil Ryan Sese, at Bruce Roeland.


Last year ay kasama si Anton Vinzon sa Mga Batang Riles (MBR) na pinagbidahan nina Miguel Tanfelix at Kokoy de Santos at iba pang Kapuso stars. 

Kabado si Anton Vinzon sa kanyang pagbibida sa Kamao. Dito ay huhusgahan siya ng mga viewers.


Maraming fans ang kinilig sa tambalan nina Anton at Carmella Collado sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2.0). Bukod kay Carmella, naging malapit din si Anton kina Krystal Mejes at Lella Ford.


Gusto rin ni Anton na makatrabaho at makasama ang mga PBB housemates sa susunod niyang mga projects.


Nahaharap ngayon si Anton Vinzon sa malaking challenge dahil kailangan niyang patunayan na kaya niyang magdala ng isang serye at hindi manatili sa anino ng kanyang amang si Roi Vinzon.





DALAGANG-DALAGA na si Clarissa (Angel Satsumi), ang gumaganap na anak nina Manilyn Reynes at Michael V. sa sitcom na Pepito Manaloto (PM).


Six years old lang siya noong nagsimula sa show at dito na rin niya ipinagdiwang ang kanyang 18th birthday.


Ang kuwento ng PM ay nag-adjust na rin ngayong dalaga na si Clarissa. Natural na may mga manliligaw na siya kaya panay ang payo at gabay nina Elsa (Manilyn) at Pepito (Michael V.) na piliin ni Clarissa ang karapat-dapat na lalaking mamahalin.


Pero hindi love life ang prayoridad ni Clarissa kundi ang kanyang pag-aaral.

Ang ganitong simpleng senaryo sa sitcom na PM ang nagugustuhan ng mga viewers dahil nakaka-relate sila. Ito ay kaganapan sa buhay ng pamilyang Pilipino.

Ang Pepito Manaloto ay napapanood tuwing Sabado ng gabi sa GMA-7.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 20, 2026



Eman Bacosa Pacquiao - Instagram

Photo: Eman Bacosa Pacquiao - Instagram



Ikinukumpara ngayon si Eman Bacosa Pacquiao sa naging pagsikat noon ni Yaya Dub (Maine Mendoza). 


Phenomenal ang pagsikat ng tambalan noon nina Maine at Alden Richards, ang AlDub, na naging idolo ng maraming kabataan. Dumagsa ang mga malalaking endorsements, kahit bihira silang gumawa ng pelikula. 


Ngayon, sa Eat… Bulaga! (EB!) lang napapanood si Maine pero solid at loyal ang kanyang mga fans. 


Si Eman, bigla rin ang naging pagsikat simula nang kilalanin siya ng kanyang ama, ang Pambansang Kamao at dating senador na si Manny Pacquiao. 


Bentahe rin na nanalo siya sa unang sabak at laban niya sa boxing. Pagkatapos niyang ma-feature sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), pinapirma na siya ng kontrata ng GMA Network. Bibigyan siya ng isang serye at may mga guestings sa ibang shows. 


Malalaking produkto ang ine-endorse ngayon ni Eman Bacosa Pacquiao. Inili-link siya kay Jillian Ward, pero nagtataka ang mga netizens kung bakit bawal daw siyang umakbay o yumakap sa aktres kapag nagkikita sa mga shows ng Kapuso Network.

Sino kaya ang nagbabawal?





May pang-shopping pa…

JOHN LLOYD, INILIBRE NG 5-DAY VACATION SA THAILAND ANG MGA CAST AT STAFF NG SHOW



MULING pinatunayan ni John Lloyd Cruz (JLC) ang kanyang likas na pagiging galante nang ilibre niya ang buong cast at crew ng Happy Together (HT) sa isang bakasyon sa Thailand. 


Hindi rin nakapagtataka na naibahagi niya ang saya kay Ellen Adarna at sa anak nilang si Elias sa Amanpulo kamakailan. Then, nakapagrelaks naman siya sa Siargao kasama ang girlfriend niyang si Isabel Santos.


Kuwento nga ng isang aktor na nakatrabaho ni Lloydie, nanlibre raw si JLC ng 5-day vacation sa Thailand sa buong cast. Libre ang air fare at hotel accommodation, plus may allowance pa na pang-shopping! 


Ganoon ka-rich ang aktor kaya keri niyang mag-leave muna sa showbiz at mamuhay nang simple. Marami na siyang naipundar at financially stable na rin. 


Well, may offer ang GMA na isang serye kay JLC, pero hindi raw niya tinanggap. It seems, ine-enjoy muna ni Lloydie ang kanyang pagbabakasyon sa iba’t ibang tourist spots.





Idol daw siya ng Big Winner…

HEART, GAME IBIGAY LAHAT NG KAILANGAN NI CAPRICE



IDOLO ni Caprice Cayetano ang fashion icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista. Madalas siyang nakasubaybay noon sa mga kaganapan sa career nito. 


Gustung-gusto ni Caprice ang kakaibang fashion style ni Heart, lalo na kapag rumarampa sa Paris at New York Fashion Week. 


Nakarating kay Heart ang mga papuri nito, at flattered siya na iniidolo siya ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) 2 Kapuso Grand Winner kaya handa si Heart na suportahan ang career ni Caprice. 


Kung anuman ang kakailanganin ni Caprice — damit, sapatos, bag o jewelries kapag may event sa showbiz ay handang ibigay ni Heart. Magpasabi lang daw ito at kanyang susuportahan. 


Tulad niya, petite rin si Caprice kaya puwede rito ang mga damit niya, at pagkakataon na rin na mas lumutang ang ganda ni Caprice bilang fashionista.



TATLONG taon ang kontrata ni Jayson Gainza sa GMA Network pero pinapayagan din siyang lumabas at tumanggap ng guestings sa ibang network. Kailangan lang niyang magpaalam sa GMA Sparkle Artist Management kung may tatanggapin siyang project. 


Sa ngayon, masaya si Jayson sa pagho-host ng variety show na TikToClock, kasama sina Kim Atienza, Herlene Budol, Wacky Kiray, Allan Ansay, atbp..


Kasama rin si Jayson sa sitcom na Happy Together (HT), na muling ibinabalik sa GMA-7. Ito ay co-produced ni John Lloyd Cruz at directed ni Edgar “Bobot” Mortiz.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 15, 2026



TEKA NGA - ANAK NI ECHO, GAME PAKASALAN ANG BEAUTY QUEEN NA ANAK NI HANS MONTENEGRO/YT Beth Aglasi

Photo: YT @Beth Aglasi



Isinapubliko na ng anak ni Jericho Rosales na si Santino ang relasyon niya sa beauty queen na si Ashley Montenegro, anak ni Hans Montenegro. Posibleng mauwi na raw sa pagpapakasal ang lahat dahil nasa seryosong level na ang kanilang pagmamahalan.


Kaya naman binibiro na si Jericho na baka mauna pang magpakasal ang anak niyang si Santino. Hindi pa kasi naaayos ni Jericho ang annulment ng kasal nila ng kanyang estranged wife na si Kim Jones.


Well, buntis na kaya ang beauty queen GF ni Santino kaya sila magpapakasal? Kung true nga, magiging lolo na si Jericho Rosales. Kayanin kaya ni Janine Gutierrez na ang BF niya ay isang lolo?


Anyway, sa hitsura ngayon ni Jericho, hindi naman siya mukhang lolo. Hindi nagkakalayo ang pormahan nila ni Janine kahit may agwat ang kanilang edad. 

Si Janine ang nag-a-adjust kay Jericho upang hindi sila maging alangan sa isa’t isa.





Nang magdiwang ng kanyang 29th birthday si Julia Barretto ay nakumpirmang single na siya at wala na sa buhay niya si Gerald Anderson. Hindi dumalo ang aktor sa birthday celebration ni Julia, kaya nangangahulugan na tinapos na nila ang kanilang relasyon.


Hindi totoong nagkabalikan sila nang magkita sa burol ng kanyang Tito Mito, kapatid nina Marjorie, Gretchen at Claudine. Wala ring sightings na magkasama sina Julia at Gerald sa anumang events sa showbiz. Hindi rin sila nagpo-post ng kanilang mga larawang magkasama sa social media.


Kaya nagtatanong ang kanilang mga fans kung nagkaroon ba sila ng agreement na ‘cool off’ muna sila at binigyan ng space ang isa’t isa? 


Career ang prayoridad ngayon ni Julia at pinatatatag ang kanyang financial status para sa kanyang future.


So far, wala pa namang bagong babae na nauugnay ngayon kay Gerald Anderson. Si Julia Barretto naman ay nababalitang may manliligaw na ‘richie richie’.





TUKOY na raw kung sino ang babaeng involved sa kontrobersiyal na sex video scandal kasama ang apat na aktor. 


Maging ang kasabwat ng babae na kumuha ng video ay natunton na rin kaya sila ay posibleng kasuhan ng apat na personalidad.


Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang tutulong sa mga celebrities na nagiging biktima ng ganitong illegal na gawain. Hindi pinapayagan ang pagkuha ng video ng sinuman kapag walang pahintulot ng kinukunan.


Maaaring dumulog at humingi ng tulong ang mga celebrities na nabibiktima sa FDCP upang kasuhan ang mga taong involved sa ganitong gawain. Pinag-iingat din ang mga artistang pinagkakakitaan sa mga kontrobersiyal na videos.



MAGANDA ang feedback sa pagbabalik ng comedy-variety show na The Boobay and Tekla Show (TBATS) na ngayon ay nagbabagong-bihis o format. TBATS On the Go na ito at hindi na lang sa studio ng GMA nagte-taping.


On location na ang bawat episode ng show at may mga celebrity guests sa bawat lugar na kanilang pupuntahan gamit ang TBATS Laff Van. 


Ramdam ang kakaibang sigla at excitement ng mga hosts na sina Boobay at Tekla sa bagong format ng TBATS.


Mas nagkaroon ng masayang ambiance ang show at nag-enjoy ang mga viewers sa pagbabago nito. Mas naging komportable na rin sa isa’t isa sina Boobay at Tekla. Swak na swak na ang kanilang chemistry sa pagpapatawa.


May ilang netizens naman ang nag-request na sana ay mai-guest sa TBATS ang mag-BFF na sina Ai Ai delas Alas at Arnell Ignacio. Parehong magaling magpatawa ang dalawa at matagal nang hindi nagkakasama sa anumang TV show.


For sure, marami silang tips na maibibigay kina Boobay at Tekla.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page