top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 6, 2025



Vilma, Judy Ann at Marian Rivera - IG

Photo: Vilma, Judy Ann at Marian Rivera - IG



Naglanbas na ang Gawad Urian ng mga nominees na maglalaban-laban sa kategoryang Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actress, Best Supporting Actor, Best Director, Best Film, atbp.. 


Ang Gawad Urian Awards ay gaganapin sa October 11 sa De La Salle University.

Marami ang nagulat sa mga napiling nominees sa Best Actress dahil wala ang pangalan nina Vilma Santos (Uninvited), Judy Ann Santos (Espantaho) at Marian Rivera (Balota). Silang tatlo pa naman ang matunog at ine-expect na mananalong Best Actress sa 48th Gawad Urian. 


Well, maraming fans ni Marian Rivera ang umaasa na makukuha ng Kapuso Primetime Queen ang Gawad Urian Best Actress upang maka-grand slam. Itinodo ni Marian ang kanyang effort sa pelikulang Balota


Gayunpaman, maging sina Vilma Santos at Judy Ann Santos ay hindi lumusot sa 48th Gawad Urian at inisnab ang kanilang pelikula. 


Nanalo na ng Best Actress dati sina Ate Vi at Juday sa Gawad Urian Award.

Samantala, ang mga napiling nominees sa Best Actress ng Gawad Urian ay sina Lovi Poe (Guilty Pleasure), Aicelle Santos (Isang Himala), Mylene Dizon (Hearing), Jenaica Sangher (Tumandok), Gabby Padilla (Kono Basho) at Avisa Nakano (Kono Basho).



PAYO ng mga netizens kay Jameson Blake ay dumistansiya muna kay Barbie Forteza. Itago muna nila kung ano man ang status ng relasyon nila ngayon. 


Nagre-react na ang mga BarDa (Barbie at David Licauco) fans at supporters dahil nakakaapekto raw ito sa mga endorsements nina Barbie at David kapag nakikitang magkasama ang aktres at si Jameson na nagpo-post pa sa social media.


Lumalabas na kontrabida si Jameson sa mga fans. Hindi naman kailangang madikit siya kay Barbie upang sumikat. Maaari naman siyang makilala bilang solo actor basta magaling siyang umarte at marunong makisama. At least, hindi siya maaakusahan na ginagamit lang ang aktres para sa kanyang career.


Dapat na magkaroon sila ni Barbie Forteza ng heart-to-heart talk at agreement. Maaari naman nilang itago sa publiko ang kanilang relasyon para sa ikatatahimik ng lahat at hindi maba-bash si Jameson Blake ng BarDa fans.



DAHIL sa sobrang busy ni Shuvee Estrada sa mga TV guestings at commercial shoots ng mga endorsements, hindi na niya maasikaso ang paglipat nila ni Ashley Ortega sa bago nilang titirahang condo. 


Magkasama pa rin sila ni Ashley sa bagong lilipatan dahil BFF niya ito.

Noong wala pa siyang matitirhan at hindi pa siya kumikita, si Ashley ang kumupkop sa kanya at inalok siyang tumira sa kanya. Kaya hindi basta-basta matatalikuran ni Shuvee ang kaibigan, malaki ang utang na loob niya sa Kapuso actress.


May mga nagsasabing puwedeng pagsamahin sa isang commercial sina Shuvee at Ashley, o kahit sa seryeng gagawin ni Shuvee sa GMA-7. 


May mga nagsa-suggest din na gawing bida sa isang comedy film ang dalawa dahil parehong jologs sina Shuvee Etrata at Ashley Ortega.



LABIS na nagpapasalamat si Jake Vargas kay Michael V. at sa sitcom na Pepito Manaloto (PM) dahil naging bahagi siya ng show sa loob ng 15 years. 


Sa tagal ng kanilang pinagsamahan, itinuring na niyang tunay na magulang sina Michael V. at Manilyn Reynes. Maging si Clarissa (Angel Satsumi) ay para na niyang tunay na kapatid.


Maraming natutunan si Jake kay Michael V. sa panahon na magkasama sila sa PM.


Una na rito ang pagiging professional sa trabaho, ang mabuting pakikisama sa mga co-stars, at ang pananatiling humble at may respeto sa mga veteran stars.


Dahil sa comedy serye, patuloy na napapanood si Jake Vargas sa GMA Network. 


Marami ang nagtatanong kung bakit hindi siya isinasama sa mga serye ng GMA-7, o kahit mag-guest man lang sa ibang shows ng Kapuso Network. Magaling naman siyang umarte at kaya ang kahit anong role na ibigay sa kanya. Nakagawa na rin si Jake ng ilang pelikula.


Sana naman ay mapansin na ang talento at kakayahan ni Jake Vargas.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 5, 2025



Barbie at Jameson

Photo: Barbie at Jameson / IG



Labis na nag-aalala ang mga BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) fans sa balitang dumadalaw si Barbie sa bahay ni Jameson Blake at nakilala na ang mom ng aktor. 


Mukhang nagiging close na sina Barbie at Jameson matapos nilang magtambal sa isang pelikula. May sightings pa na magkasama silang nanood ng sine at magka-holding hands. 


Hindi na nga masasabing friends at screen partners lang sila, may posibilidad na magdyowa na nga sila.


Pero depensa naman ng mga solid at loyal fans ni Barbie, hindi dapat na nadidiktahan ng BarDa fans ang Kapuso Princess, lalo na pagdating sa personal matters. Ginagawa naman ng aktres ang lahat ng makakapagpasaya sa mga fans nila ni David. Hindi rin naman kailangan na umamin sina Barbie at David kung wala pa namang seryosong relasyon na namamagitan sa kanila. 


Huwag itulad ang BarDa love team sa AlDub tandem noon nina Alden Richards at Maine Mendoza, mahirap ang mabuhay sa pagkukunwari.



Puwede na sa mature roles…

CASSY, IBANG-IBA NA ANG HITSURA NANG PUMAYAT



MARAMING napa-wow sa hitsura ngayon ni Cassy Legaspi. Ang laki ng iginanda niya simula nang magbawas ng timbang. Lumutang ang kanyang natural na ganda na minana niya sa kanyang mom na si Carmina Villarroel. 


Hindi na tutuksuhing ‘Chabelita’ si Cassy. Siguradong maraming young actors ang magpaparamdam ngayon sa kanya, kahit na si Darren Espanto ang nababalitang nobyo niya.


Well, ready na si Cassy Legaspi na magbida sa anumang serye. Puwede na siya sa mature roles. Kailangan na lang ang dagdag na acting workshops at maging bihasa sa pagsasalita ng Tagalog.



Kahit naging dyowa sina Raymart at Regine, ‘di tumagal… GELLI AT ARIEL, 28 YRS. NANG MAG-ASAWA, STRONG PA RIN ANG RELASYON



INAMIN ni Gelli de Belen sa isang TV interview na nagkaroon sila noon ng maikling relasyon ni Raymart Santiago. Nangyari raw ito noong nagkatampuhan sila ni Ariel Rivera at nauwi sa breakup. 


Pumasok naman sa eksena si Asia’s Songbird Regine Velasquez at naging nobyo si Ariel.

Ganunpaman, hindi nagtagal ang relasyon nina Gelli at Raymart, gayundin nina Regine at Ariel. Nagkabalikan sina Gelli at Ariel at nauwi sa pagpapakasal. 


Nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki na binata na ngayon. Sa Canada nagtapos ng kolehiyo ang mga anak nila.


Well, sadyang walang katiyakan kung sino ang nakatadhana sa isa’t isa, kahit pa umabot ng 10 taon ang kanilang pagmamahalan. 


Sina Gelli at Ariel Rivera ay 28 years nang mag-asawa, still going strong ang kanilang marriage. Masuwerte sila dahil mababait at marespeto ang kanilang dalawang anak.



Naiwan nang mamatay ang direktor…

2 ANAK NI DIREK WENN, INALALAYAN NINA BAYANI AT MISIS



MARAMI ang pumupuri sa kabaitan ni Bayani Agbayani at ng kanyang misis na si Lenlen dahil sa ginawa nilang pagsubaybay sa dalawang anak ng yumaong direktor na si Wenn V. Deramas. Magkapitbahay sila sa isang subdivision sa Quezon City.


Hindi raw close si Bayani kay Direk Wenn at in fact, hindi siya naisama sa mga pelikulang idinirek nito. Pero nang pumanaw ang magaling na direktor at maiwang mag-isa ang kanyang mga anak, kusa silang tinulungan nina Bayani at Lenlen. 


Well, naghandog din ng tulong ang ABS-CBN sa naiwang anak ni Direk Wenn, pinag-aral at binigyan ng monthly allowance. Nangako pa ang Kapamilya Network ng suporta hanggang makatapos ng kolehiyo ang dalawang anak ng direktor.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 4, 2025



Vina Morales via Bulgar Showbiz

Photo: Ellen Adarna / File



Mixed ang mga reactions ng publiko sa mga posts sa social media nina Ellen Adarna at Derek Ramsay. 


Itinanggi ni Derek ang balitang hiwalay na sila ni Ellen kaya lumipad ang misis pa-Amerika kasama ang dalawang anak na sina Elias at Lily. 


Sey ni Derek, fake news ang lahat ng balitang lumalabas at gusto lang daw sirain ang pagsasama nila ni Ellen.


Pero ang labis na ipinagtataka ng mga netizens ay bakit pumunta sa Bali, Indonesia si Derek para sa “healing.” May larawan pa nga siyang umiiyak habang kino-console ng isang healing instructor. Patunay ito na may mabigat na pinagdaraanan si Derek Ramsay.


Samantala, may mga cryptic posts naman si Ellen patungkol sa cheating. Wala siyang direktang pinangalanan pero marami ang nagsasabing ang mister niya ang pinatutungkulan. May statement pa nga si Ellen na kapag siya ay niloko, kaya niyang iwanan ang sinuman kahit mahal niya.


So, sino kaya kina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang nagsasabi nang totoo? Kailan nila aaminin sa publiko ang real status ng kanilang relasyon ngayon?

Binata pa noon si Janno Gibbs ay naging tatak na niya ang pagiging chickboy. Marami siyang nakarelasyong artista pero si Bing Loyzaga ang kanyang pinakasalan. 


Ganunpaman, hindi naalis ang pagiging babaero ni Janno Gibbs at maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Bing sa kanilang married life hanggang sa mauwi sa paghihiwalay ang lahat.


Pero hindi naputol ang connection niya sa mga anak, patuloy niyang ginampanan ang kanyang responsibilidad bilang padre de familia. Hindi siya lumayo sa kanyang mga anak kahit nakabukod sila ng tirahan. 


Hanggang sa dumating ang panahon na nagawa na rin ni Bing na patawarin si Janno sa mga nagawang kasalanan at muling nabuo ang kanilang pamilya.


Ngayon ay idinadaan na lang nila sa biro  ang tungkol sa mga chicks na nagdaan sa buhay ng aktor-singer. 


Kuwento nga ni Bing, madalas daw na nahuhuli niya ang pambababae ni Janno. Matalas daw ang kanyang radar kaya nabibisto niya agad kung may chicks na itinatago ang kanyang playboy na mister.


Ngayong nag-mature na, sa halip na ma-stress at mamroblema, tinanggap na lang ni Bing ang pagiging chickboy ni Janno. 


Sey naman ni Janno Gibbs, lumipas na ang kanyang pagiging babaero at nagbago na siya. Masaya na siya na kasama si Bing Loyzaga at ang kanilang mga anak.



BAGO pa pumasok sa showbiz si Gabbi Garcia ay taglay na niya ang rich girl image dahil likas na mayaman ang kanyang pamilya. Ang kanyang mom ay isang flight steward at businessman naman ang kanyang dad. 


Sa exclusive schools nag-aral si Gabbi, branded ang kanyang mga gamit at madalas magbakasyon abroad.


Tulad ni Heart Evangelista, sosyal ang image ni Gabbi. Pero hindi niya ipinararamdam sa mga kasamahang artista na richie rich ang kanyang pamilya. 


Napaka-down-to-earth niya, humble at walang kaere-ere. Hindi feeling big star kung umasta kaya kasundo siya ng lahat.


Hindi rin niya ipinagmalaki sa social media ang status ng buhay nila. Kung nakakapag-travel man siya abroad, sarili niyang pera ang kanyang ginagastos na galing sa kinikita niya sa showbiz. 


Maging ang mga branded niyang gamit ay pinaghirapan niyang bilhin. Hindi rin ipinagyayabang kung anuman ang mga achievements na kanyang nakamit.


Classic ang beauty ni Gabbi Garcia kaya marami siyang endorsements at madalas na kuning host sa mga events.



NAKAKA-INSPIRE panoorin ang mga personalidad na ipini-feature ni Ka Tunying (Anthony Taberna) sa kanyang podcast. 


Mga successful businessmen ang kanyang itinatampok at dito ay nagkukuwento sila ng kanilang mga karanasan bago naging matagumpay sa negosyong kanilang pinasok.


Hard work, perseverance at determination ang kanilang puhunan upang magtagumpay sa negosyo at maging milyonaryo. Mga simpleng tao sila na hindi nagdi-display ng kanilang magagarang mansion at collection ng luxury cars. 


Sa kabila ng pagiging milyonaryo ay nanatiling simple ang kanilang buhay at hindi mga “nepo babies” ang kanilang mga anak.


Nagpapakita sila ng magandang example sa mga nagnanais magtagumpay sa negosyo. Marunong magpahalaga sa perang pinaghirapan ang mga millionaire businessmen na naka-one-on-one ni Ka Tunying sa kanyang YouTube (YT) channel na Tune In Kay Tunying (TIKT). Maraming bagay na matututunan ang mga baguhang negosyante sa kanila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page