ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 9, 2025

Photo: Sarah, Curlee Discaya at Alden Richards - IG / Senate
Nagpoprotesta ang mga fans at supporters ng Pambansang Bae na si Alden Richards dahil sa idinadawit ang kanilang idol sa isyu ng yaman ng mga Discaya.
Kinuha kasi noon si Alden sa Christmas Party ng kumpanya nila, kung saan nag-perform at kumanta siya para pasayahin ang mga bisita.
At that time, hindi pa naman pumapasok sa pulitika si Sarah Discaya.
Sa larangan ng construction business siya nakilala at dito yumaman. Kaya unfair na idawit at pagbintangan si Alden gayung hindi naman niya personal na kakilala ang mga Discaya. Hindi siya aware na ganoon sila kayaman.
Samantala, marami ang nagtataka sa naging pahayag ni Ara Mina na hindi niya iiwan si Sarah Discaya sa gitna ng controversy na hinaharap nito. Nasaan na raw ngayon ang aktres sa mga nangyayari sa mag-asawa?
Kaibigan niya si Sarah at nakasama nang tumakbo siyang konsehal sa Pasig noong midterm elections.
Sad to say, pareho silang natalo kahit milyun-milyon ang ginastos nila sa kanilang kandidatura.
NAGBIGAY na ng pahayag si Cong. Arjo Atayde tungkol sa pagkakadawit niya sa issue ng flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Isa siya sa mga pinangalanan ng mga Discaya na nasa listahan ng mga pulitikong nabigyan umano nila ng commission o parte sa mga projects na nakukuha sa DPWH.
Mariin itong itinanggi ni Cong. Arjo Atayde at sinabing kahit kailan ay hindi siya nakipag-deal sa mga Discaya. Handa niyang idepensa ang kanyang sarili at linisin ang kanyang pangalan.
Marami sa media people ang nagsasabing straight at hindi corrupt na pulitiko si Cong. Arjo. May kaya sa buhay ang pamilya Atayde kahit noong hindi pa siya pumapasok sa political arena. Nakita rin ng lahat ang kanyang pagmamalasakit sa mga mahihirap sa kanyang distrito nang mamahagi siya ng ayuda sa panahon ng kalamidad.
Well, posible kayang may ilang tao na ginagamit ang pangalan ni Cong. Arjo para sirain ang kanyang imahe sa publiko nang hindi niya alam?
For sure, maging ang kanyang inang si Sylvia Sanchez ay hindi papayag na madawit ang anak niya sa anomalya ng flood control projects.
MARAMI rin ang tiyak na kokontra sa bansag ngayon ng mga bashers kay Heart Evangelista na isa raw siyang ‘nepo wife’. Maraming collection ng branded bags at shoes si Heart, at milyones din ang halaga ng kanyang mga naipundar na jewelries.
Puro signature dresses din ang kanyang isinusuot na gawa ng mga sikat na fashion designers at panay ang biyahe niya abroad — bukod pa sa France, USA, at Paris.
Likas na mayaman ang pamilya ni Heart. Bata pa siya at hindi pa nag-aartista ay branded na ang kanyang mga gamit, at sa exclusive school siya pinag-aral.
May mga negosyo ang kanilang pamilya at isa na rito ang sikat na Barrio Fiesta resto.
Marami ring malalaking endorsements si Heart at kumikita siya nang milyones, bukod pa sa halaga ng kanyang mga paintings, kaya marami siyang naipundar na properties at iba pang investments.
Kahit hindi niya napangasawa si Sen. Chiz Escudero, milyonarya na si Heart, kaya niyang bilhin ang lahat ng gusto niya.
Sabi nga niya, kung anuman ang meron siya ngayon, iyon ay hard-earned money na pinaghirapan niyang kitain. Hindi ganoon kadali ang ginagawa niyang pagrampa sa New York at Paris Fashion Week. Madalas siyang ma-stress kaya nagkakaroon siya ng mga pasa sa braso at halos wala siyang pahinga kapag naghahanda sa pagrampa.






