top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 23, 2025



Photo File: Dingdong Dantes at Shuvee Etrata - IG



Sadyang napakasuwerte ni Shuvee Etrata dahil sa bagong serye na gagawin niya sa GMA Network ay si Dingdong Dantes ang kanyang makakapareha.


Big break ito para kay Shuvee at in demand siya ngayon sa mga endorsements. Maalagaan lang nang husto at mabigyan ng magagandang projects, sisikat pa siya nang husto at maraming Kapuso stars siyang malalagpasan. 


At mukhang hindi naman lalaki ang ulo ni Shuvee kahit maging big star pa siya. Likas ang pagiging mabait at humble niya, napakanatural pa niya at down-to-earth. 


Hindi kailanman pumasok sa isip niya na sikat na sikat na siya, kaya naman, marami ang natutuwa sa mga blessings at tagumpay na nakakamit ni Shuvee Etrata.

Congratulations!



Pang-sampung Best Actress trophy na para sa Balota ang napanalunan ni Marian Rivera sa katatapos na 8th EDDYS Awards na ginanap nu’ng Linggo nang gabi sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.


Pinatunayan ni Marian Rivera na isa na siyang ganap na aktres. Kinarir niya nang husto ang kanyang pagganap bilang si Teacher Emmie sa pelikulang Balota

Matinding emosyon ang kanyang ibinigay sa kanyang role. Ito ang pinakamalaking challenge sa kanyang kakayahang umarte. 


Sa tulong ng kanyang direktor at mga kasamahang artista, nai-deliver ni Marian ang napakahusay na pagganap sa pelikula. 


At iniaalay ni Marian sa lahat ng guro ang Balota. Bata pa siya ay pangarap na niyang maging isang guro. Gusto pa ni Marian na gumawa ng mga makabuluhang pelikula dahil hamon ito sa kakayahan niyang umarte. 


Ngayon, hindi lang Primetime Queen sa telebisyon ang kanyang titulo, Best Actress na siya ngayon at level-up na ang kanyang career. 


Proud naman si Dingdong Dantes sa tagumpay ng kanyang wifey. Alam niya na malawak pa ang kayang gawin ng isang Marian Rivera.



Na-link din kay Sanya… MAYOR MARK, HABANG NANLILIGAW KAY KATHRYN, SI MIKA REYES ANG KASAMA SA MGA EVENTS



HINDI lang pala ang Kapuso actress na si Ashley Ortega ang naging GF ni Lucena Mayor Mark Alcala. Bago si Ashley ay nakarelasyon din ni Mark ang volleyball player na si Mika Reyes. 


At noong nagsisimula na raw itong manligaw kay Kathryn Bernardo last March 2025 ay nakikita pa rin na magkasama sila ni Mika sa ilang events. 


May ilang nagsasabi rin na naging malapit si Mayor Mark sa Kapuso actress na si Sanya Lopez. Hindi lang ito nabigyan ng pansin ng entertainment press. 


Ngayong lantad na sa publiko ang diumano’y pagbabakasyon ni Kathryn Bernardo sa Australia kasama si Mayor Alcala, nag-aalala ang mga fans ng aktres dahil baka raw ginagamit lang siya nito lalo't may ‘chickboy’ image ang alkalde.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 21, 2025



Photo File: Alex Gonzaga - IG


May ilang nagtatanong kung bakit walang bagong vlog o content si Alex Gonzaga. Marami rin ang nakaka-miss sa mga kakulitan at nakakatuwa niyang vlogs. Kakaiba kasi at may humor ang mga content na ginagawa ni Alex Gonzaga kaya marami ang natutuwa at million views ang naitala nito.


Well, base sa post ni Alex sa kanyang Instagram (IG) account, nasa bakasyon siya ngayon sa Alaska, kasama ang buong pamilya ng mister niyang si Mikee Morada. 

For sure, hindi palalagpasin ni Alex ang pagkakataon na siya ay makapag-vlog, lalo na’t nasa Alaska siya.


Marami naman ang nagsasabi na baka sa Alaska na magkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap na mabuntis  dahil nakapagpahinga sa bagong kapaligiran. 

Ganunpaman, kahit walang bagong content ngayon si Alex ay patuloy naman siyang kumikita nang milyones. 


Isa si Alex sa top earning vloggers/content creators na may monthly earnings na P2M, katulad din ng kinikita nina Raffy Tulfo, Ivana Alawi, Zeinab Harake, Cong TV, Doc Willie Ong, Rosmar, Niana Guerrero, Ser Geybin at Viy Cortez.


Samantala, super-idolo naman ng Ukay-Ukay supplier na si La Gretha si Alex Gonzaga, kaya pati kilos at pananalita ng aktres-vlogger ay ginagaya nito. 

Wish ni La Gretha ay pumayag si Alex Gonzaga na maka-collab niya ito habang naka-live selling ng mga ukay-ukay.


Ipinagpalit sa abogado… MARCO, GOOD CATCH NA, PINAKAWALAN PA NI CRISTINE


Maraming fans ang nanghihinayang kung bakit pa raw pinakawalan ni Cristine Reyes ang aktor na si Marco Gumabao na nakarelasyon niya nang dalawang taon. Mabait, disente, magalang at responsableng lalaki raw ang aktor. At magiging good influence siya kay Cristine. 


Dati, sabi ng aktres, ang isa raw sa mga katangiang nagustuhan niya noon kay Marco ay ang pagiging mapagmahal nito sa pamilya. Nakita ni Cristine kung gaano ka-close ito sa kanyang mga magulang, kapatid at mga kamag-anak.


Nang magkahiwalay sila ni Marco ay walang malinaw na dahilan dahil hindi sila nagsalita tungkol sa kanilang breakup. Wala namang third party na lumutang.


Ngayon ay may bago nang pag-ibig si Cristine sa katauhan ng non-showbiz guy na si Gio Tiongson. Isa itong abogado at dating naging chairman ng National Youth Commission simula 2014 hanggang 2016. 


Naging second nominee rin si Gio ng AKBAYAN Partylist. Pumasa sa bar exam si Gio noong 2018 at ganap nang abogado. 


Ayon sa ilang malalapit na kaibigan, dati nang magkarelasyon sina Cristine at Gio noon pang 2009. At ang naudlot nilang love story ay nadugtungan nang magkita silang muli.

May mga posts si Cristine Reyes kasama si Gio na kuha sa kanilang bakasyon sa Vietnam. 


Well, wish naman ng mga kaibigan ng aktres ay si Gio na ang kanyang one true love at humantong na sila sa pagpapakasal.


Rodjun, nagawa raw talunin…

ALDEN, HINAMON SI RAYVER NG SAYAWAN


MAY hamon si Alden Richards kay Rayver Cruz na mag-showdown silang dalawa upang magkaalaman na kung sino sa kanila ang astig ang mga dance moves. 


Kinaya raw ni Alden ang kuya ni Rayver na si Rodjun na isa sa mga contestants sa Stars On The Floor (SOTF), kaya alam niya na kakayanin din niyang talunin si Rayver. At handa siyang harapin ni Alden sa isang malaking dance showdown.

Tiyak na aabangan ito ng lahat at paghahandaan nang husto ni Rayver Cruz. 


Marami naman ang nagsasabing humuhusay na nga si Alden sa pagsasayaw. Kahit hindi siya likas na dancer, kinakarir niya upang makasunod sa mga makabagong dance steps. 


Lahat ay pinag-aralan ng aktor dahil bahagi ito ng kanyang career bilang isang artist. 


Kaya hindi lang acting, singing at hosting siya nasasanay. Humahataw na rin siya sa dance floor.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 20, 2025



Photo File: Mommy Min at Kathryn Bernardo - IG


May matinding paalala ang Mommy Min ni Kathryn Bernardo tungkol sa nababalitang relasyon ng anak sa Lucena mayor na si Mark Alcala. 


Huwag daw basta magtitiwala si Kath at kilalanin nang husto ang lalaking mamahalin. Pag-isipan daw muna ng isandaang beses bago gumawa ng desisyon ang aktres.


Matatandaan na ex-BF ng Kapuso actress na si Ashley Ortega si Mayor Mark Alcala, pero 2 years lang tumagal ang kanilang relasyon. 


At may ‘chickboy’ image si Mark Alcala, kaya hindi maiaalis na mag-alala at ayawan siya ni Mommy Min ni Kathryn.


Kaya kahit sabihin pang nasa tamang edad na si Kathryn na puwedeng magdesisyon, hindi pa rin siya ganap na mapakawalan ng kanyang ina. Ayaw ni Mommy Min na muling masaktan sa pag-ibig si Kath.


Pero ang nakakalungkot na reyalidad ng buhay, kapag nasa tamang edad na ang isang anak ay ayaw na niyang tumanggap ng payo at paalala mula sa kanyang mga magulang. Ginagawa rin ang sariling desisyon pagdating sa usapin ng pag-ibig. 


Hopefully, wala ngang pagsisihan at hindi magkamali si Kathryn Bernardo sa pagpili ng bagong pag-ibig.



NAGPAHAYAG ang Kapuso actress na si Camille Prats na hindi muna siya tatanggap ng anumang project o teleserye. Pansamantala muna siyang magpapahinga sa pag-arte at tututok sa kanyang mga anak at sa kanyang mister.


Ang huli niyang serye sa GMA-7 na katatapos lang ay ang Mommy Dearest (MD). Bagama’t mami-miss ni Camille ang kanyang mga kasamahang artista, mas magiging prayoridad niya ngayon ang kanyang pamilya. 


Mabilis na lumalaki ang kanyang mga anak kaya gusto niyang i-cherish ang panahon na kasama niya ang mga ito.


Nagsimula si Camille bilang isang child star. Mahigit tatlong dekada na rin ang ginugol niya sa showbiz. Marami siyang dapat ipagpasalamat sa mga blessings na dumating sa kanyang career. 


Nasubukan na niyang gumanap sa iba’t ibang klaseng roles. May mga naipundar na rin siyang negosyo, kaya bukod sa kanyang pamilya, maaasikaso na rin niya ang kanyang mga negosyo.



EXCITED si Katrina Halili sa pagpasok niya sa action seryeng Sanggang Dikit FR (SDFR) na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Sa wakas ay magkakatrabaho na sila ni Jen na ka-batch niya noon sa StarStruck 1 (S1).


Si Jennylyn ang nanalong Ultimate Female Survivor ng S1 at isa naman si Katrina sa mga top finalists. 


Tiyak na aabangan ng mga viewers kung ano ang magiging role niya sa serye. Kakampi ba siya o kaaway?


Samantala, in the mood ngayon si Katrina na tumanggap ng trabaho at TV guestings para maitaguyod ang kanyang unica hija na si Katie. Sobra ang pagmamahal niya sa kaisa-isang anak kaya naisantabi niya ang kanyang love life noon upang maalagaan ito.


Pero ngayon na 39 years old na siya, binigyan naman niya ang sarili ng panahon upang muling umibig at magmahal. Ganunpaman, gusto muna ni Katrina Halili na maging pribado ang kanyang love life.



SA araw na ito ay gaganapin ang 8th EDDYS ng grupong Society of Phil. Entertainment Editors (SPEEd) sa Marriott Grand Ballroom ng Newport World Resorts. Pararangalan ng EDDYS ang ilang top celebrities sa showbiz na nagpamalas ng galing sa pag-arte sa mga pelikulang kumita at kinilala.


Pararangalan din nila ang ilang showbiz icons tulad nina Laurice Guillen, Perla Bautista, Odette Khan, Rosemarie Gil, Eddie Mesa, Pen Medina, at Kidlat Tahimik.


Malalaking artista rin ang maglalaban-laban sa major categories tulad ng Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actress, Best Supporting Actor, at Best Director. 


Pipiliin din ang Best Movie of the Year.

Ang mga hosts ng 8th EDDYS ay sina Kyline Alcantara, Darren Espanto, Kaila Estrada at Alexa Ilacad.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page