ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 28, 2025
Photo File: Yen Santos - YT
Maraming netizens ang naghihintay sa sagot o reaction ni LJ Reyes sa ginawang pagso-sorry ni Yen Santos dahil nasaktan siya nito nang makipagrelasyon ang aktres kay Paolo Contis.
Inamin ni Yen ang kanyang pagkakamali at na-realize niya na may nagawa siyang kasalanan kay LJ.
Bagama’t hindi naman direktang tinukoy ni Yen si LJ, alam ng lahat na siya ang karelasyon ni Paolo bago siya pumasok at naging third party. May anak ang aktor kay LJ.
At ngayong nauntog na si Yen, saka siya nagsisisi na nakipagrelasyon siya kay Paolo.
Nauwi rin naman sa paghihiwalay ang lahat. Hindi raw naging maganda ang kanyang dinanas sa piling ni Paolo at tinawag pa niya itong isang “bangungot”.
Samantala, dedma at hindi nag-comment ang aktor sa pasabog at rebelasyon ni Yen. No reaction o ‘NR’ siya para hindi na lumaki ang isyu.
Ang inaabangan ng lahat ay ang reaction o comment ni LJ Reyes sa pagso-sorry ni Yen Santos sa kanya.
UMABOT na sa 19.4 million ang mga subscribers ni Ivana Alawi. Kaya naman muli siyang nagse-share ng kanyang blessings sa mga nasalanta ng baha dulot ng bagyong Crising. Namigay si Ivana ng ayuda sa mga nangangailangan, lalo na ‘yung mga mahihirap na nagtitinda sa daan.
Bukod dito, namili rin si Ivana ng mga laptop at tablet para sa mahihirap na estudyante. Lagi itong ginagawa ng aktres-vlogger at nagse-share ng kanyang blessings kapag kumikita siya sa kanyang vlog.
Kaya naman patuloy siyang sinusuwerte sa buhay. Sana, ganito rin ang gawin ng mga top content creators na kumikita nang milyones, ganoon din ng ilang showbiz celebrities na milyun-milyon ang kinikita sa pelikula at mga endorsements.
Maaasahan kayang tumulong sa mga binaha sina Sharon Cuneta, Vice Ganda, Manny Pacquiao, Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Anne Curtis at iba pa?
At least, si Coco Martin ay tumutulong ngayon at nagbibigay ng ayuda sa mga binaha.
Haba ng hair ng ex mo, Alwyn…
JENNICA, MAY 2 RICH NA NON-SHOWBIZ SUITORS
ANG haba ng hair ni Jennica Garcia dahil may dalawang rich non-showbiz guys na nanliligaw ngayon sa kanya. Isa raw sa kanyang mga suitors ay may dalawang restaurants. Negosyante rin ‘yung isa pa na nagpaparamdam.
Pareho raw seryoso sa panliligaw sa aktres ang dalawang guys.
Pero dahil Christian na si Jennica ay hindi siya pumatol sa dalawang rich suitors. Kahit minsan ay nakakaramdam na rin siya ng pagod sa pagte-taping, sinisikap niyang maitaguyod ang kanyang mga anak sa kabila ng kanyang pagiging single mom.
Masipag at matibay ang loob ng aktres. Hangga’t kaya niya ay hindi siya humihingi ng tulong sa kanyang mga partido, lalo na sa kanyang mom na si Jean Garcia. Kinakaya niya ang lahat ng problema at responsibilidad sa kanyang mga anak.
Nagpapasalamat si Jennica sa Diyos dahil patuloy na dumarating ang mga blessings sa kanyang buhay. Hindi siya nawawalan ng projects ngayon kaya maayos niyang naibibigay ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak.
MUKHANG maganda ang pagsasama nina Carla Abellana at Ashley Ortega sa isang upcoming serye ng GMA Network, ang The Sisters (TS).
Mahusay na dramatic actress si Carla, powerful ang kanyang performance sa bawat project na ibinibigay sa kanya ng GMA-7. Napatunayan na rin ni Carla ang kanyang pagiging bankable actress dahil halos dalawang dekada na siyang Kapuso artist. Nakatrabaho na niya ang mga sikat na artista at ang magagaling na veteran stars.
Si Ashley Ortega naman ay subok na ang pagiging versatile actress, kaya niya ang bida o kontrabida role. Tiyak na makikipagsabayan siya kay Carla sa aktingan. Magkakatulungan sila at hindi magkakasapawan sa The Sisters.










