top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 15, 2026



SHEET - BEA AT VINCENT, IKINASAL NA SA MAKATI NU’NG JULY 13!-FB Nancy Binay

Photo: FB Nancy Binay



Trending ang ipinost ng netizen na si AltIndayBadiday sa kanyang X (dating Twitter) account na ikinasal na sina Vincent Co at Bea Alonzo sa Makati City noong July 13.


Ayon sa tweet na may 1.1M views na, “Here it is, the CHIKANG you've all been waiting for!!! FINALLY GOT MARRIED in Makati!!! I have a receipt in hand; picture and certificate of marriage. All’s well that ends well! I’m so happy for you! (crying & clapping emoji). Congrats and best wishes!!!”


Kasunod nito ay naglabasan na ang pangalang Vincent Co at Bea Alonzo na nagpa-civil wedding sa Makati, around 7 PM nu’ng July 13. Ginanap umano ito sa isang kuwarto na ang tanging naroroon ay ang nagkasal, assistant, mga may-ari ng Secosana bags, si Bea at si Vincent na may kasama rin.


Walang kasamang magulang ang dalawa, na ibig sabihin ay hindi ipinaalam ng ikinasal sa kanilang mga magulang o kaninuman para wala nang hadlang.


Ayon sa taong nakausap namin tungkol dito, “Kung ibabase ko sa paniniwala ko, posible kasi mahal nila ang isa’t isa. Masyadong magulo kasi dati, ang daming naglabasang isyu, parang ‘di mo na alam kung saan nanggagaling.


“Saka remember, ano ang sabi ko sa ‘yo dati, base sa kampo nina Vincent, ‘di ba, sabi ‘postponed’ lang? Tapos, biglang may nagsabi ‘cancelled’ na? Sino ang nag-cancel? Malaki ang pagkakaiba ng postponed at cancelled, saan galing?”


Sabi namin, ‘di ba dapat alam ng mga magulang ng dalawa na nagpakasal ang kanilang mga anak?


“Eh, baka after na lang sasabihin,” sagot sa amin.


Sa tsikang hindi okay si Vincent sa parents niya kaya umalis na siya sa kanilang poder, plus hindi siya bibigyan ng mana ay malaking fake news.


“Kung ‘di okay si Vincent sa parents, eh, bakit s’ya pa rin ang namamahala ng Puregold? Wala namang pagbabago at saka dati nang may sariling pad si Vincent. Ilang beses nang nasulat ‘yan,” katwiran naman ng isa pa naming kausap.


Totoo naman dahil sa katatapos na Puregold OPM Con Generations 2026 noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum ay nakita namin ang presidente ng Puregold Price Club. 


Simula 2015 hanggang ngayon ay maganda ang takbo ng kumpanya ng mga Co.

Nabanggit din ang manager ni Bea na si Shirley Kuan. 


Sey pa, “Ano kaya ang reaction n’ya if ever na totoo? Naisahan s’ya kasi ‘di ipinaalam ng alaga n’ya?”


Napaisip kami kung kasama sa mina-manage ni SK (tawag kay Shirley) ang personal life ni Bea.


Anyway, magkakaalaman isa sa mga araw na ito kung sino ang maglalabas ng resibo sa nabanggit na kasalan.





BLIND ITEM:


TRULILI kaya na kinausap ng manager niya ang kilalang aktor na mamimili siya ng project para sa alaga at hindi muna tatanggap nang tatanggap para may mystery?


Nagtaka kami dahil hindi ba’t ang manager naman ang tumatanggap ng project para sa mga alaga nila?


“Ito kasing si (aktor), pinagkatiwalaan na ng manager n’ya na s’ya ang tumanggap ng project kasama ang handler n’ya at saka na lang ipapaalam kung ano’ng gagawin. Binigyan kasi ni (manager) ang lahat ng alaga n’ya na sila na ang magdesisyon kung type nila o hindi.


“Saka malaki kasi ang tiwala ni (manager) kay (aktor) pagdating sa projects kasi halos lahat naman ay magaganda at acting piece naman. ‘Di ba, win s’ya noon?” katwiran ng aming kausap tungkol sa aktor.


Nasambit pa ng aming kausap na nagulat ang manager ng aktor na hindi kumita ang pelikulang huling ginawa nito. Akala raw ay hindi ipapalabas sa theater.

“Ang akala, sa Netflix ipapalabas,” sabi sa amin.


Anyway, bihira na kasi talaga ang kumikitang pelikula ngayon kaya nga may mga mall na nagsara na ng kanilang mga sinehan.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 15, 2026



FRANKLY - BARBIE, TODO-IYAK ‘PAG TINATAWAG NA KABIT NI RICHARD-IG _richardgutz.

Photo: IG _richardgutz



Happy sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial sa suportang natatanggap nila ngayon mula sa kanilang mga fans, unlike before noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon na maraming haters, lalo na nga ang aktres na pinagbibintangang third party sa paghihiwalay ng aktor at ng estranged wife nitong si Sarah Lahbati.


“Nakakatuwa kasi s’yempre, dahil nga nu’ng simula, ‘di ba, parang ang daming haters, pero ngayon, parang natutuwa na ‘yung mga tao, so we’re very thankful sa lahat ng taong sumusuporta at nagmamahal sa amin. Good vibes lang tayo, ‘yun ang importante,” sabi ni Chard nang makatsikahan namin sila ni Barbie sa pocket presscon last Monday.


Aminado ang aktor na talagang noong una ay apektadung-apektado si Barbie ng hindi totoong akusasyon at iniiyakan daw talaga nito ang matitinding pamba-bash na natatanggap niya.


Pero sey ni Barbie, na-realize rin niya na talagang hindi naman nila mapi-please ang lahat ng tao at kahit anumang paliwanag ang gawin niya ay mas paniniwalaan pa rin ng mga ito ang gusto nilang paniwalaan.


Matatandaang nilinaw na noon pa ng aktres na hindi siya third party sa mag-asawang Richard at Sarah at hiwalay na raw ang dalawa nang makilala niya ang aktor.


When it comes to their relationship, so far ay okay na okay ito at happy ang aktres na ang ganda ng pakikitungo sa kanya ng buong pamilya ni Richard, lalo na nga ang mga magulang nitong sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.


“They’re very nice, very accommodating. Si Tita Annabelle din, laging nagpapadala ng pagkain sa condo ko,” tsika ni Barbie.


Samantala, happy din ang dalawa na naging maganda ang pagtanggap ng tao sa serye nilang Blood Vs. Duty (BVD) na matatapos na ngayong Hulyo.


Natapos na nila recently ang taping ng serye kaya naman nakakaramdam na sila ng sepanx (separation anxiety).


“Alam mo, ngayon pa lang nagsi-sink-in na tapos na ‘yung taping kasi s’yempre, when we were doing the finale, hard work, grind talaga sa amin ‘yan, halos walang pahinga,” sey ni Chard.

“So, ngayon pa lang nagsi-sink sa amin na nami-miss na namin ‘yung taping, ‘yung slow mornings. May sepanx s’yempre,” dagdag ng aktor.


Siyempre, kasama rin daw sa mga nami-miss nila ang working with each other.

Timing naman na after ng finale ay magdiriwang ng kaarawan si Barbie sa August 1 kaya may time sila para mag-celebrate.


Sey ni Chard, “We’re excited for her birthday kasi magse-celebrate s’ya in a very soulful way.”

Ibinunyag ni Barbie na sa halip na mag-party sila ay pupunta sila ni Richard sa Bicol na kanyang hometown para tumulong sa kanyang mga kababayan.


“Pupunta kami sa dating school ko, grade school, public school. We’re gonna try to help them. Meron po kaming medical mission. So, parang relax lang kami,” sey ni Barbie.

“We’re giving back to her community,” ani Chard.


Samantala, marami raw dapat abangan sa finale week ng BVD hanggang sa finale episode nito sa July 24.


“Maraming revelations, maraming drama, maraming mabibigat na eksena at lahat ng katanungan ng mga character sa storyline, unti-unting masasagot sa finale namin,” sey ni Chard.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 15, 2026



BULGARY - RICHARD, GAME PASUKIN ANG PULITIKA-IG _richardgutz

Photo: IG _richardgutz



Umamin ang aktor na si Richard Gutierrez na may posibilidad na pasukin niya ang pulitika, pero sa ngayon ay wala pa siyang opisyal na planong tumakbo sa anumang posisyon.


Sa ngayon, mas nakatutok muna siya sa pagtatapos ng kanilang action-drama series na Blood vs. Duty (BVD) kasama ang girlfriend niyang si Barbie Imperial.


Pinaghahandaan din daw nila ang ika-28 kaarawan ng girlfriend sa August 1, kung saan magsasagawa sila ng charity event sa Bicol.


Kasama sa kanilang programa ang pagbisita sa dating public elementary school ng aktres. Magdo-donate sila ng school supplies at iba pang kagamitan.


Magsasagawa rin sila ng medical mission sa tulong ng pinsan ni Barbie na isang doktor.

Ibinahagi rin ni Richard na excited siya sa selebrasyon dahil magiging makabuluhan at emosyonal ito para sa kanyang GF. Nadiskubre rin nila na may mga kamag-anak ang aktor sa Bicol at magkakilala raw noon ang kanyang ama na si Eddie Gutierrez at ang lolo ni Barbie.





Labis ang pagmamalaki ni Lorna Tolentino sa kanyang apo na si Tori Fernandez matapos itong magpasiklab sa mga manonood sa culminating activity ng Trumpets, Inc. summer workshop noong Hulyo 10, 2026.


Kinanta ni Tori ang Fairest of Them All mula sa Snow White.

Ayon kay Lorna, pangarap niyang maging world-class musical theater performer ang kanyang apo.


Biro pa niya, “May Lea Salonga na ‘ko.”


Hangad ni Lorna na makapag-aral si Tori sa ibang bansa upang ma-expose sa Broadway o West End. Sinabi pa niyang handa niyang pondohan ang pag-aaral nito.


Gayunman, mas gusto raw ni Tori na manatili muna sa Pilipinas dahil narito ang kanyang mga kaibigan at aktibo siya sa mga choral competition, na nakatutulong sa paghasa ng kanyang talento.


Ayon kay Lorna, matagal na niyang nakikita ang husay ni Tori sa pagkanta at naniniwala siyang namana ito sa kanilang pamilya. Binanggit pa niya ang kanyang pinsan na si Zsa Zsa Padilla bilang isa sa mahuhusay na mang-aawit sa kanilang angkan.


Sa ngayon, sinabi rin ng beteranang aktres na mas nakatuon siya sa pagsuporta sa kinabukasan ng kanyang mga apo at wala na raw sa isip niya ang magkaroon pa ng sariling love life.





Wax figure sa HK, magbibigay-saya raw sa mga OFWS… KATHRYN, PROUD NA KA-LEVEL NINA PACQUIAO, PIA, CATRIONA, ANNE AT LEA 



ISA sa pinakamahalagang sandali sa karera ni Kathryn Bernardo ang pag-unveil ng kanyang Madame Tussauds wax figure, na tinawag niyang ‘Kath-twin’.

Regalo raw niya ito para sa kanyang mga fans.


Ayon sa aktres, hindi lang ito personal na milestone kundi tagumpay din ng kanyang mga tagahanga na matagal nang sumusuporta sa kanya.


Inamin niyang naantig siya dahil ang pagkilalang ito ay bunga ng maraming taon ng pagsisikap, sakripisyo, at suporta ng kanyang mga fans.


Matapos ang pagpapakita nito sa Pilipinas, permanenteng ilalagay ang kanyang wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong.


Espesyal ang Hong Kong sa aktres dahil doon kinunan ang blockbuster film na Hello, Love, Goodbye (HLG) kung saan isinabuhay niya ang karakter na si Joy na isang Overseas Filipino Worker (OFW). Hangad ni Kathryn na mahikayat ang mas maraming Pilipina, lalo na ang kabataan, na mangarap nang malaki at magsumikap upang maabot ito. 


Umaasa siya na ang kanyang ‘Kath-twin’ ay makapagbibigay ng saya at ginhawa sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Hong Kong, lalo na sa mga hindi madalas makauwi ng Pilipinas.


Ipinagmamalaki rin niyang maging ika-5 Pilipinong may wax figure sa Madame Tussauds, kasunod nina Manny Pacquiao, Pia Wurtzbach-Jauncey, Catriona Gray, Anne Curtis, at Lea Salonga. 


Samantala, ibinulgar ng aktres na marami pa siyang proyektong nakahanay para sa natitirang bahagi ng 2026, kabilang ang kanyang bagong serye na Someone, Someday (SS) at iba pang mga proyektong nakatakdang ipalabas sa mga susunod na buwan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page